3rd Person POV
Hindi inaasahan nang magkakaibigan na sina Brian, Aidan at Kian na ang araw na akala nila'y magiging simple lamang ay magiging araw nang magpapabago sa kanilang mga buhay.
Sa mundo nang Haesis, matatagpuang walang malay sina Kian, Brian, at Aidan.
"Sino kaya ang mga batang to? Bigla na lang silang lumitaw diyan?" bulong-bulongan ng mga tao na nasa paligid nina Kian, Brian at Aidan. Dahan dahang binuksan ni Kian ang mga mata nito.
"N-Nasan ako?" tanong nito sa sarili habang pinipilit na makatayo hanggang sa may isang matandang babae ang lumapit at tinulungan siyang makatayo.
"Iho, ayos ka lang ba?." tanong ng matanda.
"Opo, ayos lang po ako," tugon ni Kian na halatang nanghihina, napatingin siya sa likod at nakitang walang malay ang mga kaibigan niya.
"S-Sandali! Anong nangyari?! Aidan! Brian!" nanlalaking matang sigaw ni Kian at sinubukang gisingin ang mga kaibigan.
Unti-unting dinilat ni Aidan ang mga mata nito.
"Kian, nasan tayo?." malumanay na tanong ni Aidan, tinayo ni Kian si Aidan at sinagot ang tanong nito.
"Hindi ko alam bago palang kasi sakin itong lugar na to eh, pero wag mo munang intindihin iyon gisingin muna natin si Brian!" sagot ni Kian, ginising nang ginising ng dalawa si Brian hanggang sa binuhasan ng matanda si Brian nang malamig na tubig.
"AAAAHHHH!!" sigaw ni Brian, napatayo siya sa lamig ng tubig, pasimpleng tumawa si Aidan at Kian kasama ang mga taong bayan.
"Kian, anong nangyari?" tanong ni Brian.
"Hindi ko alam, ang naaalala ko lang nandun tayo sa Library."
"Mga bata, Nandito kayo sa Bayan nang Zierre. Hayaan niyo akong magpakilala, Ako si Cecilia at ako ang taong ginagalang sa bayang to, at idadala ko ngayon sa Hari nang Haesis ngayon na," saad nang matanda, napakunot naman ang noo ni Kian sa sinabi niya
"Hari? Sandali lang nandito ba kami sa bansang hari ang namumuno? Bakit may Hari?"
"Ano ka ba bata?, Hari naman talaga ang namumuno sa bawat bansa...nandito ka sa Planetang Haesis," maamong tugon ng matandang si Cecilia.
Samantala sa Earth, ay nakaupong binabasa nang tatay ni Kian ang libro.
"S-Sir, ano po ba talaga nag nangyayari? May masama po bang nangyayari Kay Mr. Kian?" tanong ng maid, dahil sa kakulitan nito ay napilitan na lang ang tatay ni Kian na sabihin ito sa kanya.
"Nasa loob ng librong 'to si Kian at ang mga kaibigan niya," sagot nito, hindi naman makapaniwala ang maid sa narinig.
"P-Paano po nangyari 'yun?" tanong ng maid.
"Dahil binasa nila ang librong 'to."
"Pero binabasa niyo naman po ngayon ang libro pero hindi kayo nahihigop."
"Dahil nakuha na ng buwan ng Haesis ang aura ko at kaya ko ng kontrolin ang sarili ko sa pagpasok at paglabas sa librong 'to," sagot nito, hindi naman makapaniwala ang maid.
"K-Kaya naman pala," saad nang Yaya
Ngunit sa mundo nang Haesis ay idinala na ng matandang si Cecilia ang tatlong menor de edad sa hari nang Haesis...
"Ah Lola, sino po ba ang Hari rito sa Haesis." tanong ni Kian kay Lola Cecilia, at nang malapit na sila sa pintuan nang Palasyo ay sinagot niya ang tanong ng batang si Kian.
"Malalaman mo rin, Bata."
"Wow! Ganito pala ang hitsura ng palasyo. Matagal ko ng naririnig ang tungkol rito pero hindi ko pa nakikita," hulog-pangang sabi ni Kian, dinala ni Lola Cecilia sina Kian, Brian, at Aidan kung saan naroon ang Hari, napalunok sina Kian dahil mukhang wala sa mood iyong hari.
"Mahal na Hari, ito po ang mga batang misteryosong lumitaw sa Bayan nang Zierre," Sumbong nang matanda sa Hari, napatayo ang Hari mula sa trono niya at pinaalis ang mga kawal kasama na si lola Cecilia.
"Ah Kian, alam mo ba kung bakit pinaalis sila nang Hari?" tanong ni Brian sa kaibigan habang nakakapit siya sa balikat ni Kian, sobrang maamo ang mukha ng Hari, "Ganyan ba talaga ang mga hari? Wala ba silang positive sides?" tanong nito.
"Ngayon mga bata magpakilala kayo."
"Ah K-Kami?, Ah ang ibig kong sabihin, A-Ako po si Kian, Eto naman po si B-Brian at Aidan," utal-utal na pagpapakilala ni Kian, halos namamawis at nanginginig na ang tatlo sa takot dahil baka kung ano gawin sa kanila nang Hari.
"Ngayon, sino sa inyo ang magpapaliwanag kung paano kayo basta-basta lumitaw na lang sa Bayan nang Zierre?" tanong ng Hari sa mga bata, nang tumalikod si Kian ay nakita nito na nakatingin sina Brian at Aidan sa kaniya.
"B-Bakit kayo nakatangin sakin?" tanong ni Kian sa kanila habang namamawis.
"Ikaw na bahala diyan, Kian. Magaling ka naman sa Reporting tsaka Public Speaking," saad ni Brian habang nakakapit kay Aidan.
"Kian ang pangalan mo, tama ba?"
"Yes, Ah, Ang ibig kong sabihin, Opo Mahal na Hari," saad nito nang nakayuko sa kanya.
"Magsalita ka!"
"Kasi Mahal na Hari, nandon po kami sa library tapos po may nakita po kaming Libro tapos po nang binasa namin iyon, Bigla na lang po kaming napunta rito!" paliwanag ni Kian sa kanya nang may pa body language pa, napakunot naman ang noo niya at nagtanong ulit.
"Saan ba tungkol ang librong binasa niyo?"
"Tungkol po iyon sa Liwanag ng Buwan, nang Binasa po namin iyon bigla na lang po kaming napunta rito, " tugon ni Kian, napatingin si Kian kina Brian at Aidan at nagtataka parin kung ano ang binabalak nang Hari.
"Kung ang Liwanag nang Buwan ang nagdala sa inyo rito, ang ibig sabihin non ay espesyal kayo,"
"Special kami? Wow wala pang nakapagsabi sakin non!" pangiting sabi ni Brian, humakbang papalapit kina Kian ang Hari at sinabing…
"Dahil ang Liwanag nang Buwan na mismo ang nagdala sa inyo rito, wala akong magagawa kundi gawin kayong mga prinsipe ng Haesis," maamong saad ng Hari sa kanila, nanlaki ang mga mata ng mga bata at halos mahulog na ang mga panga nila sa narinig. Sila? Prinsipe? Ngayon lang yata nila masasabi na ito na ang pinakamagandang nangyari sa buhay nila.
"Halikayo, ipapakita ko sa inyo ang mga prinsesa't prinsipe," sabi nang Hari nang nakangiti at dinala sina Kian, Brian, at Aidan sa isang prinsesa, nanlaki ang mga mata nila nang nakita ang babaeng nasa harapan nila.
"Siya si Princess Avery, at sa tingin ko ay magkasing edad lang kayo."
"Princess Avery? Eh parang siya rin iyong pangit na nerd na kaklase natin diba?" saad ni Brian habang nakaturo ang daliri kay Princess Avery, dahan-dahang humakbang ang prinsesa papunta kina sabay bulong sa tenga ko.
"Long Time No See, Kian," bulong ng Prinsesa kay Kian, talagang nagsitayuan ang mga balahibo ni Kian sa kanya, doon siya napaisip na talaga nga bang si Avery ang prinsesa na 'yun.