Nagising ako ng marinig ko ang malakas na boses sa tapat ng pintong room ko kaya bumangon nalang ako at binuksan ko nalang.
"Bat ang tagal mong gumising? Nag puyat ka na naman sa larong mong yan?"sermon niya agad sa akin na tila bang nanay tsk.
"Di no may assignment kaya akong ginawa kagabi kaya natagalan ako, bakit ba ang ingay mo?" Ganti ko sa kanya kaya naman natahimik siya sandali na parang nakalimutan niya yung sasabihin niya sa akin.
"Maliligo muna ako, ikaw din parang araw-araw na di kita nakitang naliligo amoy sabog, eww" sabi niya sa akin kaya naman binackstabs ko siya nang umalis na siya sa harap ko.
Tumayo muna ako at hinawi ko ang kurtina. Sa di ko inaasahan ay nakita ko siyang tila may binabasa na makapal na libro na ewan ko kung anong klaseng libro yun.
Anong oras kaya siya bumangon bat ang aga naman niyang nagbasa? Tanong ko kaya di ki nalang pinansin at pumasok na ako sa banyo upang maligo. Dalawa kasi ang banyo namin, yung isa ay oang emergency lang.
Nang matapos na akong Kumain ay agad na akong lumabas sa bahay at nagpaalam na din kina mommy at daddy. Punaandar ko na ang motorsiklo ko at dahan dahang lumabas sa gate at nang aalis na sana ako nang may biglang tumawag sa akin kaya napahinto ko ito bigla at tiningnan kong sino pero si ate lang pala, lagot na naman ako nito.
"Ano bang nakain mo?, iiwan mo ba ako dito? Ikaw talaga"sabi niya sa akin at kinurot niya ang tagiliran ko kaya napa hiyaw ako.
"Ano ba, pinapalagi mo nayan ahh ang sakit kaya"sabi ko sa kanya kaya di nalang siya nagsalita at sumakay nalang siya at pinaandar ko na ito.
Pagdating ko sa university ay nag aabang na sa hallway yung mga kaibigan ko kaya naman pinuntahan ko na sila.
"Oh nandito na si Sander, ano tuloy na natin?"biglang sabi ni Ethan kaya naman nagtaka naman ako kung ano ang pinag uusapan nila.
"Eyy guys anong topic yan parang ang seryoso niyo ahh" sabi ko sa kanila kaya nagsalita naman si Jason.
" Hayst Itong si Ethan kasi eh may nakitang babae sa kabilang seksiyon, parang bago ata, gustong pagdiskartehan" sabi ni Jason kaya naman natawa nalang ako kaya natawa nalang din si Larance at si Jason maliban kay Ethan na nag titiger look sa amin HAHAHA.
"Ehh ano naman kinalaman doon bat nasali ako sa usapan niyo?"sabi ko sa kanila na natawatawa parin.
"Gusto ni Ethan na kasama tayo kasi, naulol takot ma basted HAHAHA" Sabi ni Larance kaya naman nagsalita na si Ethan.
"Anong ulol, di noh ako mababasted sa gwapong kong toh baka mapaniginipan pa niya ako sa pagtulog niya" sabi niya habang pumorma na parang model sa magazine kaya na tawa nalang kami. Biglang ring ang bell kaya pumunta na sila sa room nila at ganun na rin kami ni Larance.
Pagpasok ko sa room ay nandoon na yung seatmate kong si Philip Kinn na Newly neighbor namin. Tila may sinusulat siya sa notebook niya kaya di niya napansin ang pag upo ko, titingnan ko na sana kung ano ang sinusulat niya nang mabilis niya tinaklob ito nang napansin niyang akmang titingin ako sa sinusulat niya.
Tila gulat siyang nasa gilid ko na siya kaya naman bigla akong natawa sa reaksyon niya kasi parang di niya talaga inexpect na nasa gilid niya ako.
"Sorry nagulat ata kita, ano yung sinusulat mo topic ba yun,assignment or something related to our school lessons?" Tanong ko sa kanya kaya naman umayos siya nang upo at mabilis niyang nilagay ang gamit niya sa bag niya.
"Nothing,its non-related on school lessons, its just my hobby"sabi niya kaya naman tumango nalang ako bilang pagsang ayon sa sinabi niya, at dumating na din ang prof namin kaya sumeryoso na lang kami.
Nang mag lunch ay agad kaming pumunta sa canteen ni Larance na baka sakaling nandoon na yung mga kaibigan niya pero di talaga ako magkakamali at talagang naka pwesto na sila.
"Oh ang aga niyo dito ah, bat di pa kayo nag order ng foods?"tanong ko sa kanila sa halip ay ay nakatingin pa rin sa bandang table na may naka upung tatlong babae sa bandang unahan kaya naman pinalo ko na sila para matauhan at gulat silang naka tingin sa akin.
"Oh nandito na pala kayo, kanina paba kayo diyan?"sabi ni Ethan na tila kinabahan. Kaya naman biglang natawa si Larance sa kanya.
"Kaya naman nandito yung hinahanap niya,yun oh" sabi ni Larance na tila tinuturo yung babae gamit ang nguso niya kaya tumingin naman ako at siguro baka yung babaeng nasa bandang kanan yung naka blond hair kaya naman pala.
"Ano mabubusog ba tayo sa pagtitig niyo diyan, di kayo oorder hay naku" biglang sabat ni Larance kaya nag presenta nalang ako at mabilis na pumila sa counter para mag order ng lunch namin. Habang pumila ako sa counter ay hinahanap ko din yung seatmate ko dahil nagtataka akong wala siya ngayon saan naman kaya yun?
Nang nakabili na ako ay agad akong bumalik sa table namin pero kakalapag ko palang ng foods nang bigla naramdaman na tila kailangan kong magbanyo kaya naman nag paalam ako sa kanila, kaya dali dali akong pumunta sa CR at nag banyo na.
Habang nasa loob ako ng banyo ay may biglang pumasok sa banyo na tila may pinag uusapan sila na importante.
"Nung problema nang lalaking yun? Akala mo kung sino"
"Eh diba siya yung nasa bar na nakipag suntukan sa kasama natin kagabi? ano resbakan natin mamaya pag uwi natin?"
At dahan dahan nang tumahik ang Cr, palatandaan na unti unti na silang lumabas ng cr. Kaya naman lumabas na ako sa banyo at naghugas ng kamay. Di ko hobby makinig ng may seryosong pag uusapan sa ibang tao pero sino naman kaya yun? Ah basta...
Pagkabalik ko sa canteen ay nandoon pa rin sila nag uusap kaya naman umupo na ako sa pwesto kong upuan.
"Bat natagalan ka? Madami ba yan?" Sabi sa akin ni Larance kaya naman nagtawanan naman yung mga kaibigan niya.
"Hoi di ako nag dumi noh, at may nangyari lng kaya natagalan pero di na yun importante. Teka di pa kayo Kumain?" Tanong ko sa kanila kasi napansin kong di pa nila ginagalaw yung binili ko kanina.
"Hinihintay ka kasi namin sa pag babanyo mo akala namin sandali ka lang kaya hinintay ka namin pero natagalan ka pala kaya kakain na sana kami pero andyan kana kaya kain na tayo gutom na ako ehh" sabi ni Jason kaya tumawa nalang kami. Ang taas ng paliwanag pero nagugutom na pala hayy naku HAHAHA....
Nang matapos na kaming kumain ay nilibot ko ang paningin ko sa paligid baka sakaling makita siya pero wala ehh, di ba yun nag tanghalian nag diet siguro.
"Hinahanap mo ba si philip? Parang bumili na kanina nung nag Cr ka at sandali lng siya lumabas din" biglang sabat ni Ethan na ikinagulat ko, hanep ng imagination to may lahi ba tong mangkukulam makahula wagas ahh tumpak.
"Anong philip, tumitingin lang, bawal ba?" Sabi ko sa kanya kaya naman nag patuloy siya sa kinakain niya.
"Eh may nakita akong isang lalaki na kasama niya pagkalabas niya ng canteen ewan ko kung sino, di pamilyar sa akin eh" sa ni Jason kaya naman nagtaka naman ako. Sino naman kaya yun eh introvert person kaya yun.
" Tara na five minutes nalang dadating na yung prof natin"
Basag trip ni Larance kaya umalis na kami ng canteen at dumiretso na kami sa room namin.
Nakakabagot yung lesson ng hapon kaya medyo inaantok ako, mabuti nalang natapos na din ang last period namin kaya masigla naman nagpaalam ang mga kaklase namin at nag silabasan na sila.
Ako ang huling lumabas ng room dahil natagalan ako sa pagligpit ng gamit ko.
Habang naglalakad ako ay biglang nag beep yung phone ko kaya tiningnan ko naman ito. Tsk yung cruel sister ko lang pala nag text.
"Sumabay na ako sa friends ko ang tagal mo kasi"
Binulsa ko nalang ang phone ko at mabuti ako lang mag isang uuwi ngayon at walang sagabal.
Habang naglalakad ako sa hallway malapit sa quadrangle sa loob ng university, biglang bumuhos ang malakas na ulan at tatawid na sana ako sa kabilang hallway papuntang sa parking lot. Kaya talagang ang malas. Wala akong nagawa kundi tumigil muna at hintayin tumila wala naman kasi akong payong, baka mapagalitan pa ako ni mommy kapag nabasa ako.
Nakaramdam ako ng bagot kaya naman binuksan ko muna ang fb ko at tiningnan ang bawat message, notifications. At ganun pa rin panay message sa akin ang mga babae dito sa university, ang iba sineseen ko na lang di kasi ako interesado.
Ibinalik ko nalang yung phone ko kasi lowbat naman kasi baka tumawag bigla si mommy mapagalitan pa tuloy ako kapag di ko masagot yung tawag niya.
Habang hinihintay kong tumila ang ulan nang may biglang nag abot sa akin ng payong sa gilid ko.
"Gamitin mo muna ito, may extra naman ako dito"
Sabi niya sa akin kaya tumingin naman ako kung sino yun kaso tumalikod na siya at umalis sa ibang direction kaya di ko nakita ang mukha niya. Sino naman kaya yun di siya pamilyar sa akin, ah basta pinahiram niya ehh edi gamitin. Kaya naman tumawid na ako sa kabilang hallway at pumunta na sa parking lot.
Dear,Diary:
"A rain in hallway is a romantic scene with someone you loved, not until this scene feel me curious to this unknown stranger giving his thing to me"
*****************************************
"X-TRA CHAPTER"
"SOMEONE POV"
"Par, ano game kaba ngayong gabi? Madami naman tayong kasama. Nagimbeta si jake ng mga kakilala niyang chicks"
"Pag isipan ko muna par, baka may lakad din kami mamaya ng mga parents ko mamaya may ka business meeting kasi si dad at sabi niya kailangan nandoon kami"
"Ahhh sayang naman kung ganun"
"Teka sino yun?"
"Saan dun?"
"Yung lalaking yun oh"
"Ahh yun, teka kilala ko yan eh, heartrob yan dito ehh ahhh"
"Ahh oo si Sander, Sander Mecardo. Bakit mo naman natanong?"
"Ahh wala, something feel me curious about him"
"Akala ko naman kong ano, tara na baka nandoon na yung kasama natin"
Sander Mecardo? How interesting...
THE BOY NEXT DOOR THE SERIES