webnovel

CHAPTER 11 Foundation Day

"It is a curious thought, but it is only when you see people looking ridiculous that you realize just how much you love them"

- Agatha Christine

"Rinig ko bumalik na naman dito ang ex mo, balikan mo na kaya para tumigil na sa pag punta dito" sabi ko sa kanya kaya naman nagtaka ang mukha niya pero maya maya ay ngumisi siya bigla.

"Teka nagseselos ka ba? Bat ganyan yang mukha mo?" Ani niya kaya naman dumipensa nalang ako.

"Ako? huh bat naman ako magseselos, di tayo magjowa noh" sabi ko sa kanya kaya naman nagsalita siya na ikatahimik ko.

"Edi boyfriend mo na ako ngayon di ba?" Ani niya habang ngumisi ito nang malaki na tila gusto niya itong sabihin sa akin. Sa oras na to di ko namalayan na napatango nalang ako na di ko mawari na talagang nahuhulog na pala ako sa kanya. Am I so easy?

"Pinagsasabin nito, bahala ka nga diyan" saad ko at lumabas na din ako ng room upang pumunta ng cover court para mag practice.

"Anong ibig sabihin nun? Pumapayag ka di ba? Hoi hintayin mo ko" sigaw niya kaya naman di ko siya pinansin, nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad ko habang siya naman ay humabol sa akin.

Naramdaman ko nalang siya sa tabi at pagdating banda sa unahan ay naglihis na kami ng landas dahil magkaiba na kaming pututunguhan.

"Ano kumusta pala yung araw na wala ako may nangyari ba na nakaka excite maliban sa event na ito? Nakalimutan kong tanungin sayo kanina" Biglang sulpot ni Larance kaya naman sinagot ko naman siya.

"Loko ka talaga ginulat moko, ano bang inexpect mo malaman? Wala namang nangyari tulad pa rin ng dati" saad ko sa kanya kaya naman tumango nalang siya bilang pagsang ayon.

"Basketball pala kinuha kong game kaya sumabay nalamg ako sayo akala ko nandoon ka na sa covert court mabuti naman na nandito ka pa"saad niya kaya ngumisi nalang ako at tahimik nalang kaming dumating sa covert court.

"Ok guys ilang days nalang foundation day na kaya Ayusin na natin ang pag eensayo na ito dahil hindi basta basta ang mga kalaban niyo sa iibang school" ani ng aming captain kaya naman tumango naman kami at nag simula na din sa pag ensayo.

Dahil fucos kami sa pag eensayo di namin namalayan na lunchtime na pala kaya huminto muna kami saglit at nagsimula na ang iba kong kasama na pumunta ng cafeteria at ako naman ay nag ayos muna ng sarili ko bago ako lumakad.

"Iba ka kanina na ahh, full of energy may inspiration ka dito kanina no?" Tanong bigla sa akin ni Larance kaya naman lumingo naman ako bilang walang katotohanan ang sinabi niya.

"Anong inspiration ang sonasabi mo diyan, tinodo ko lang ang practice kasi malapit na ang foundation day. Tara na nga sabay na tayo" sabi ko sa kanya kaya naman umakbay siya sa akin habang nagsimula na kaming maglakad.

Medyo may kadamihan ang tao dito sa loob ng cafeteria kaya naman matatagalan kaming umorder ng pagkain namin ni Larance.

"Teka absent yata mga kaibigan ko ahh, di ko pa sila nakikita simula pa kanina"ani niya sa sarili niya kaya hinayaan ko nalang siya sa mga sinasabi niya.

"Si Philip pala, anong game ang sinalihan niya di ko pa siya nakikita dito sa cafeteria" biglang sambit ni Larance dahilan na nag iba ang mood ko.

"Chess daw sabi niya, halata naman dun yun lang alam laro na gawin"mahinang sabi ko sa dahilan na nagtaka ang mukha ni Larance.

"Talaga ba? Medyo iritable ka ata ngayon, may nangyari ba sa inyo?" Ani niya na ikagulat ko pero di ko pinahalata sa kanya.

"Di no at tsaka walang nangyari sa amin ganun pa rin tulad ng dati" saad ko at naniwala naman siya kaya nakahinga nalang ako ng maluwag.

Bigla nalang kami ni Larance sa kalagitnaan ng pag uusap namin na may naglapag ng pagkain sa mesa namin.

"Nag order na ako, wala kasing tumayo sa inyong dalawa mabuti nalang nakauna na akong pumila" sabi ni Philip kaya naman nagtaka nalang si Larance sa inasta ni Philip dahil di ganito ang pagkilala niya ni Philip.

"Don't worry it's my treat gusto ko lang may kasamang kumain"dagdag naman niya kaya naman ngumisi nalang si Larance habang ako ay di komportable sa ginagawa niya.

"Seryoso? Salamat bait mo ngayon ahh para kang nilalambing ng jowa mo ngayon. Matanong ko lang may jowa ka ba?" Biglang tanong ni Larance dahilan ng nabilukan ako sa ininom kong juice kaya napa ubo nalang ako. Nagulat naman bigla si Larance sa inasta ko pero iniisip niya lang ay nabilukan lang ako aa ininom ko.

"Hanggang ngayon, tanga ka parin uminom ng juice, palagi kang nabibilukan. Ok ka na?" Saad niya habang hinihimas himas niya ang likod ko kaya naman tumango nalang ako sa tanong niya bilang pagsang ayon.

"Ahh balik nga tayo may jowa ka na ba? Sa hitsura mo kasi parang nagkajowa ka na diba Sander?" Tanong niya sa akin kaya naman awkward akong tumango at si philip naman ay tila kinikilig pa sa tanong ni Larance.

"Actually, parang chill lang kami like M.U di pa kasi siya ready pero alam ko na may feelings din siya sa akin" sambit niya habang tumitingin sa akin kaya naman tinitigan ko naman siya na parang kinakausap siya na wag na wag siyang pagkakamali na sabihin ang di dapat sabihin.

"Hard to get yarn, maganda siguro yan anong pangalan niya? Dito rin ba siya sa university nag aaral?" Tanong ni Larance kaya naman sumabat na ako sa pinag uusapan nila.

"Kumain nalang tayo may practice pa tayo diba malapit nang matapos ang lunch break"ani ko kaya naman sumng ayon naman sila at nagsimula na kaming kumain.

Habang kumakain ako ay biglang nilagyan ni philip ng itlog ang plato ko kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Aba parang ang close niyo ahh, may nangyari sa inyo na wala ako no?" Tanong niya sa amin kaya naman tumanggi naman ako at gumaya nalang si Philip sa akin.

Tiningnan ko naman siya na tila nag bibigay na mensaha na bumalik na siya sa practice niya kaya naman ngumisi nalang siya biglang kumindat sa akin, loko talaga.

"Tapos na ako, maiwan ko na kayo ahh may practice pa kasi kami dapat di kami magpahuli, sge una na ako sa inyo" sambit niya sa amin kaya tumango nalang si Larance at ganun na rin ako. Tumingin muna siya sa akin tsaka umalis na siya.

"May napapansin ka ba sa kanya? Grabi talaga epekto yung nililigawan niya, na curious tuloy ako kung sino yun?" Biglang tanong ni Larance kaya naman niyaya ko na siyang bumalik sa covert court kaya tumango naman siya at nagsimula na kaming naglakad.

Lumilipas ang ilang araw at ganun pa rin ang nangyayari sa amin, nageensayo sumasabay pa rin si philip sa amin kumain kaya di ko nalang pinansin hanggang sa dumating ang araw ng university. Ang Foundation Day ng Ateneo.

Kakarating ko palang sa parking lot ay marami ng mga kotse at motorcycle na nakapark na dito kaya naman agad na akong dumiritso sa room namin upang tumambay saglit bago ako pumunta sa kasama ko.

Pagdating ko sa doon ay nandoon din si philip habang nag aayos sa sarili niya kaya naman pumasok na ako at umupo sa upuan ko habang nakalatay ang mukha ko sa mesa ng upuan ko.

"Puyat ka ba? Ang tamlay mo ngayon ahh" sabi niya kaya naman lumingo lingo naman ako.

"Kinakabahan kasi ako ngayon, di ko naman first time to pero ewan ko ba" sabi ko sa kanya kaya naman lumapit siya sa upuan niya at may kinuha siya sa bag niya.

"Ito kainin mo cube candy, para di ka kabahan diyan" ani niya habang nilahad niya yung sinabi niya candy na parang jelly kaya naman kinuha ko ito at agad kinain.

Bigla akong tumayo at aalis na sana nang bigla siyang nagsalita.

"Sander, good luck" sabi niya kaya naman tumango lng ako sa kanya.

"Sa akin wala bang Good luck sa akin?" Tila nagmamakaaqang sabi niya kaya naman binalik ko din ang sinabi niya.

"Good luck din, mukhang confident ka naman ngayon" sabi ko at agad nang umalis.

Pumunta na ako sa covert court at nagsimula naman ang iba kaya naghintay nalang kami na kung kailan kami maglalaro.

Maya maya ay kami na kaya nag cheer up muna kami sa ka teammates ko bago kami pumunta sa gitna ng court. Maraming taong nanonood ngayon kaya naman maingay ang loob ng covert court ngayon.

Lumipas ang isang oras at medyo naka lamang sila ng limang puntos kaya naman nag fucos nalang kami sa paglalaro.

"Kaya yan guyss di pa naman masyadong maliit ang oras, makahabol pa tayo niyan tiwala lang" ani ng captain namin kaya naman nag concentrate nalang kami hanggang nalamangan na namin sila at kami ang panalo kaya naman naghiyawan ang mga ka atenians students habang ang iba ay nag simula nang nag aalisan.

"Good job guyss, ang galing niyo" sabi ni captain kaya naman tumango nalang kami at agad na nag bihis ng damit namin dahil sa pawis namin.

"Wala munang uuwi ngayon ahh, dahil i celebrate natin ang araw nato" dagdag ni captain kaya sumang ayon naman kami sa sinabi niya.

Nagpaalam muna ako kay captain na mag ccr muna ako kaya tumango naman siya at agad naman akong pumunta sa banyo.

Pagkatapos kong mag banyo ay naghugas muna ako ng kamay at inayos ko muna yung buhok ko bago ako lumabas ng cr.

Aalis na sana ako nang may biglang humila sa kamay ko at hinila ako sa may sulok ng hallway at agad na tinakpan ang bibig ko sa dahilan na unti unti akong nawalan ng paningin.

"Bilisan niyo, baka may makakita sa atin" sambit ng isang lalaki na boses at di ko siya kilala dahil nawalan na akong malay yun na din ang huli kong narinig mula sa kanila.

Dear,Diary:

" Today was a ridiculous happened with someone punish me like I'm in the prison break"

                        X-TRA CHAPTER

   

                        SOMEONE POV

"Miss kilala mo ba tong tao to?"

"Di ko yan kilala pasensya na" saad ng babae kaya agad naman itong nag tanong sa iba.

"Pwedeng magtanong, kilala mo ba tong taong to?"

"Teka si Sander ba to? Oo nakita ko siyang papunta sa cr ngayon lang" saad ng babae kaya naman nagpasalamat ito sa kanya.

Agad nagtungo ito at inabangan ang hinahanap niya.

[Nahanap ko na siya, anong gagawin ko sa kanya?]

[Wag mo siyang gagalawin dalhin mo lang siya sa akin yun lang]

At binaba na agad ang tawag at saktong kakalabas na din sa cr ang hinihintay niya kaya agad na niya itong hinila at pinatulog gamit ang panyo upang di na ito makatakbo pa..