webnovel

The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version)

R-18 (MATURE CONTENT) Romance/Mystery/Sci-fi Ang alam ni Lesley ay janitress ang tinanggap niyang trabaho sa Maridona Nobles Asylum, kaya laking gulat niya nang sabihing magiging tagapangalaga siya ng isa sa pinaka-agresibong pasyente sa mental hospital na iyon. They called him V-03. He was the most dangerous, violent, and deadly patient in the hospital. Akala niya ay katapusan na niya. To her surprise, V-03 was one of the sweetest people she ever met, but only to her. He was also handsome as hell. Mukhang mag-e-enjoy siyang alagaan ito. They are starting to develop a deeper relationship with each other until one day...she found out he wasn't human anymore... What more hellish secrets does this hospital hold? And what is her connection to all of this? She will do everything to find out, and save the love of her life.

BenitaBoo · 都市
レビュー数が足りません
39 Chs

The Other Doors (Part 2)

Narinig na niya ang tunog ng pagbukas ng elevator kaya tumayo na siya ng tuwid. Marahas siyang bumuga ng hangin bago humakbang palabas.

She was on her way to her locker when she saw an old man crying at a corner. Hindi na sana niya ito papansinin dahil uwing-uwi na siya ngunit nahihirapan siyang tiisin ang malalakas nitong hikbi. Malambot pa naman ang puso niya sa matatanda at mga bata.

She sighed again. She can not ignore it.

"Excuse me po," she called while slowly walking towards him.

Naka-asul na polo at itim na pantalon ang matanda na nakatakip ang parehong kamay sa mukha. Nakaharap ito sa pader.

"Ano po'ng problema?" tanong niya. She tried to sound as friendly as possible.

Nagpunas ito ng luha gamit ang puti nitong bimpo at saka suminga. Pagkakuwan ay humarap ito at nag-angat ng tingin sa kaniya. Magang-maga ang mga mata nito sa kanina pang pag-iyak na halos hindi na makita. Tila may kumurot sa puso niya nang magkatinginan na sila. Walang kasing lungkot ang mukha nito.

"A-ayos l-lang ako ineng, sa-salamat," anito tapos ay pinakatitigan nito ang mukha niya. "Ba-bago ka lang d-dito ano? Ngayon lang k-kita na-nakita," dugtong pa nito habang nanginginig pa rin ang boses sa kanina pang pag-iyak.

"Mag-i-isang buwan na po ako rito," sagot niya tapos ay lumapit pa siya rito. "Bakit ho kayo umiiyak?"

Muling nanubig ang mga mata nito at nag-umpisa na namang humikbi.

"Na-naku po sorry! Kumalma ho kayo! Hindi na ako magtatanong," natataranta niyang sabi.

Inikot ang ulo sa paligid hanggang sa matanaw niya ang isang bakanteng upuan.

"Halika po. Maupo ho muna kayo roon."

Tinuro niya ang upuan hindi kalayuan sa kanila. Marahan naman itong tumango habang patuloy sa paghikbi. Inalalayan niya ito sa paglakad. Pagkaupo ay bahagya itong kumalma at muling nagpunas ng luha.

"Matanda na kayo 'tay, baka kung ano mangyari sa inyo. Hinay-hinay po kayo," nag-a-alala niyang sabi.

Mahina itong tumango. "Salamat, napakabuti mo," anito na hindi lumilingon sa kaniya at panay ang punas sa mata.

"Baka mapano ho kayo n'yan," aniya tapos ay tumayo siya. "Ikukuha ko po kayo ng tubig. Diyan lang kayo."

It only took her a minute to get a bottle of water from her locker. Ibinigay niya ito sa matanda na agad namang naubos. Mukhang matindi ang uhaw nito. Inabot na nito sa kaniya ang walang laman na bote ng tubig.

"Salamat," nanghihina nitong saad.

Ipinasok niya sa kaniyang bag ang bote at humarap na ulit sa matanda.

"Kamusta na po ang pakiramdam n'yo?"

Huminga muna ito ng malalim bago siya sinagot. "Ayos na ako. Salamat ulit."

Matamis siyang ngumiti. "Wala pong anuman."

Humarap ang matanda sa kaniya at pinagpantay ang tingin nila. Sa wakas ay nakangiti na ito kahit bahagya lamang.

"Hindi ko pa naitatanong ang pangalan mo."

"Lesley po," nakangiti pa rin niyang sagot.

"Ah, ikaw pala iyong bagong janitress ni V-03."

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. Kanina nakilala agad siya ng security guard sa B1 kahit kanina pa lang silang nagkita, ngayon naman itong matanda. Kailan pa siya naging sikat?

"Paano n'yo ho nalaman?" tanong niya.

"Ikaw lang kasi ang nag-i-isang janitress ng pasyenteng iyon na tumagal ng ilang linggo. Simula ng dumating ka, hindi na nagkaproblema sa kaniya kaya usap-usapan ka ng mga empleyado rito."

Napakagat siya sa labi at saka pasimpleng napangiti.

"Gano'n po ba?"

Pumalakpak ang tenga niya sa narinig. Kung ganoon, espesyal nga siya kay Bangs.

"E kayo po? Ano'ng pangalan ninyo?" tanong naman niya.

"Ernesto. Aircon technician ako rito."

Napanganga siya sa sagot nito at tinignan ito mula ulo hanggang paa na hindi makapaniwala. Puno na ng kulubot ang balat nito at medyo kuba na rin ang likod. Masyado rin itong payat para magtrabaho pa.

"Ilang taon na ho kayo?!"

"Sixty-seven."

Lalong lumaki ang buka ng kaniyang bibig. "Bakit hindi pa po kayo nagre-retire? Paanong nakakapagtrabaho pa kayo?!" Gulat na gulat niyang tanong rito. "A-akala ko bumibisita lang kayo sa isa sa mga pasyente rito."

Nagtataka ang mga mata nitong napatingin sa kaniya. Tila may mali sa tanong niya.

"Nandito pa ang asawa ko," sagot nito habang nakatitig sa mukha niya. "Ikaw? Sino sa kamag-anak mo ang narito?"

"Kamag-anak? Ano po'ng ibig n'yong sabihin? Wal-"

"Mr. Joaquin?" singit ng isang lalaking nakaputing lab gown na lumapit sa kanila.

Naputol ang usapan nila at sabay silang napalingon dito. Base sa I.D. ng lalaki, isa itong doktor.

"Handa na po ang lahat Mr Joaquin. Kanina ko pa kayo hinahanap. Halika na po."

She looked at the old man's face, then she realized that the doctor was a bearer of bad news. Muling lumungkot ang mukha nito.

"Na-naiintindihan ko po," nanginginig na sagot ni Ernesto.

Napakagat ito ng labi bago humarap sa kaniya. Nangingiyak na naman ito.

"Ma-maiwan na kita ineng," matamlay na saad ng matanda na may malalim na lungkot sa mga mata.

Tatayo sana ito nang mawalan ito ng balanse. Buti na lang ay agad niya itong nasapo at mahigpit na nahawakan ang braso.

"Mang Ernesto! Ayos lang po ba kayo?!" puno ng pag-a-alala niyang tanong. Agad niya itong inalalayang makatayo ng maayos.

"O-oo, m-medyo nanghina lang ang mga tuhod ko."

"Miss," singit ng doktor. "Pwede mo ba siyang alalayan sa pupuntahan namin? Kung hindi naman nakakaistorbo sa'yo."

"Opo! Wala pong problema," walang pagda-dalawang isip niyang sagot saka bumaling na ulit sa matanda. "Kumapit lang ho kayo sa mga kamay ko."

Marahan itong tumango. "Salamat ineng. Pasensya ka na rin," matamlay nitong tugon.

"Wala pong problema. Halika na po," aniya saka inalalayan na ito sa paglakad.

Nakatitig siya sa likod ng doktor na naglalakad sa unahan nila. Saan kaya sila pupunta? Ano ang kailangan nito kay Mang Ernesto? May matutuklasan na naman ba siyang kakaiba sa ospital na ito? Hindi niya mapigilang mga tanong sa sarili.

They followed the doctor to the fifth floor until they reached Ward 511. May dalawang gwardya at isang nurse ang naka-abang sa harap ng kwarto at isa pang doktor na babae ang nakasandal sa pader katabi ng pinto. Mukhang kanina pa naghihintay ang mga ito.

"Mukhang hanggang dito na lang po ako Mang Ernesto," aniya saka maingat na binitawan ang braso nito.

"Maraming salamat sa iyo," nakangiti nitong sabi saka bumaling sa babaeng doktor na nakasandal sa tabi ng pinto. "Pasensya na po Dr. Shane at ngayon lang ako."

Tumayo na ng tuwid ang babaeng doktor na tinawag na Dr. Shane at tumingin sa relo nito.

"It's fine. I can still give you time with her."

The woman has a neat ponytail and intimidating hazel eyes. Matangkad ito at maputi. Sandaling napatitig si Lesley sa mukha ng babae. Parang nakita na niya ito noon.

"Gaano po katagal?" tanong ni Ernesto na may hindi maitagong takot at lungkot sa mukha.

"Five minutes," sagot ni Dr. Shane. Nakahalukipkip itong muli at nakataas ang isang kilay.

Tumiim ang panga ng matanda na halatang nagalit sa sinabi nito. Kumuyom ang mga kamao nito na agad din namang kumalma matapos huminga ng malalim. Pagkakuwan ay humarap ito sa kaniya.

"Pwede ka bang sumama sa akin sa loob? Ipakikilala kita sa asawa ko," paanyaya nito.

Umangat ang kilay niya. "Sigurado po kayo?" Sinagot siya nito ng tango.

Liningon ni Lesley ang mga nurse lalo na ang masungit na doktor pero walang reaksyon ang mga mukha nito. Mukhang ayos lang kung sasama siya.

"S-sige po."

Liningon pa niya ng isa pang beses si Dr. Shane at nakita niyang matalim na ang titig nito sa kaniya. Naiilang siyang mabilis na nag-iwas ng tingin.

Bakit ang susungit ng mga tao dito? usal niya sa isipan.

Kung hindi lang talaga siya naaawa kay Ernesto ay hindi siya papayag na samahan ito sa loob. Huminga siya ng malalim at humawak na ulit siya sa braso ng matanda upang alalayan ito habang umiiwas ng tingin sa mga doktor at nurse. Dahan-dahan na silang naglakad hanggang sa makapasok na sila sa loob ng ward 511.