webnovel

The Bond of Magic

Isang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mundo. Hindi lahat ng malapit sayo ay habang buhay mong dapat pagkatiwalaan. Luck? It's a powerful thing. Pwede ka niyang dalhin sa lugar kung saan hindi mo inaasahang makakarating ka. Apoy laban sa tubig, hanggang saan ka ba dadalhin ng nagbabaga mong damdamin at ang mala tubig mong isip tila ikaw ay isang kalmadong bagay na hindi kayang talunin ng apoy.

Kylaleighyanes · ファンタジー
レビュー数が足りません
48 Chs

Chapter 27

Alice pov

Mabuti na lang at pagkagising ko ay wala na si Felicia dito sa academy, ano kaya yung pinagusapan nilang mag-ina? Kung paano ako mapapaalis dito? Hindi pa ba sapat sa kanila na kinuha nila ang karapatan kong mamuhay ng maayos kasama si mama at ang karapatan kong makapagaral dito sa murang edad?

Kakatapos ko lang mag shower at napagdesisyunan kong magpunta sa gubat upang magpahinga, hindi ko na uulitin yung nangyari noon dahil sa pagiging pasaway ko.

"Alice!" si Edrian, na masayang bumungad sa akin.

"bakit may mga sugat ka sa braso?" tanong ko dito.

"may nakaaway akong kauri ko din, nagkalmutan kami.." bahagya naman akong natawa dahil sa sinabi netong nagkalmutan sila.

"sure kang ayos lang yan?" nagaalala kong tanong.

"ano ka ba, pusa ako Alice."

Natawa naman ako sa naging reaksyon niya sa tanong ko. Oo nga pala, pusa siya.

"Alice! Kita daw kayo ni Jacob mamaya," si Nadia na bigla bigla na lang sumusulpot at naupo sa tabi ko.

"Alice una na ako," nagpaalam na si Edrian dahil sa sumulpot na si Nadia, at para makapagusap na din kaming dalawa. Nakita kong paika ika maglakad si Edrian, sigurado ba siyang pusa lang din ang nakaaway niya?

"huwag mong sabihin sa akin na magbabalak ka nanaman magpunta sa gitna ng gubat?" tanong neto na may kasamang pagsusungit.

"wala, nagpapahangin lang e!" napailing na lang ako dahil sa akusasyon niya sa akin.

Alas-kwatro ng hapon nandito ako sa canteen at hinihintay ang pagdating ni Jacob. Ano nanaman bang meron? Sesermonan niya ko dahil sa nangyari pero bakit nandito naman ako kung ayaw ko pa lang masermonan? Napailing na lang ako dahil sa sarili ko mismo.

May naramdaman akong mainit na bagay na dumikit sa pisngi ko, paglingon ko nakita ko na pagkain ito na siomai bitbit bitbit ni Jacob.

"kainin mo yan," sabay upo ni Jacob sa aking tabi. Busog pa ako pero dahil siomai itong binigay niya e agad ko din naman itong tinanggap. Medyo nalungkot ako dahil wala siyang coke na dala, pero nang unti unting iniangat ni Jacob ang kanyang braso at nakita ko ang coke na hawak hawak niya. Nilagay niya ito sa lamesa ko at alam ko agad na para sa akin 'to. Hindi ako nagpahalata na nasasabik pero nang sumilay ang ngiti sa kanyang labi ay huli na bago ang lahat dahil alam niya na ito lang ang kahinaan ko. Ang coke.

"nabalitaan ko nanaman ang nangyari sa inyo ni rose at ng kanyang ina," napalingon ako sa kanyang sinabi.

"hindi ko alam na chismoso ka din pala no?" tumikhim lamang siya sa sinabi ko at pinagsa walang bahala ito.

Naalala ko agad kung paano ko kukuhanin ang kwintas na nawala ni Rose. Naisip ko na pepwede makatulong si Jacob sa paghahanap.

"Jacob.." seryoso siyang napatingin sa akin.

"hmm?" para siyang isang lalaki na bored na bored kung sumagot.

"kailangan ko ng tulong mo," napansin ko naman ang agad niyang pagseryoso at tumitig nang mariin sa akin, para bang isang aksidente nanaman ang planong gagawin ko.

"kung ano man yan, hindi kita matutulungan at hindi din kita hahayaan gawin yun."

Nagulat ako sa tono ng boses niya na para bang pagmamay-ari niya ako kung sabihin iyon.

"kailangan ko ng tulong mo para makuha ang kwintas na nawawala," tumaas ang kilay niya sa kanyang narinig.

"sa isang kondisyon," ayan nanaman ang ngiti niyang parang may ibig sabihin.

"ano?" tila napakunot na lang ako ng noo dahil sa aking narinig.

"lalayuan mo si Leon," seriously? Hindi ba niya halata na para lang sa pangaasar yun ni Leon sa kanya dahil napaka mainitin ng ulo niya?

"seryoso ka ba?" ayun na lamang ang nasabi ko dahil hindi ako makapaniwala sa kanya.

"oo," wika niya na parang iyon na ang kanyang desisyon at hinding hindi na mababago.

Kakaubos ko pa lang sa siomai na binigay ni Jacob nang may napansin akong kakaiba sa labas. Pinagsa walang bahala ko na lang ang mga taong nagkakagulo dahil sa nangyayari. Marahil ito ay isang laro nanaman kung kaya't sila ay nagkakagulo.

"parang may kakaiba sa nanay ni Rose ngayon," nagulat ako sa tumabi na si Leon. Pero agad akong lumayo dahil sa kondisyon ni Jacob. Napansin ko naman ang pagtigil ni Leon dahil sa ginawa ko at kita ko ang nakangisi na si Jacob.

"oo nga..." wika ko, para maalis ang pagka ilang sa sitwasyon ngayon.

"una na ko Alice, baka masaktan nanaman ako."

Tumayo at umalis na si Leon at alam ko na agad ang ibig niyang sabihin, baka masapak nanaman siya ni Jacob.

Habang tinitingna ko si Jacob ngayon.. Naalala ko na hindi naman siya dati ganito, pero may parte sa akin na nagagalak dahil naging ganito kami sa isa't isa.

May napansin akong kakaiba sa labas, dumilim ang kalangitan tila ba parang bubuhos ang malakas na ulan. Nakita ko si Rose ngayon na nasa labas. Laking gulat ko dahil ngayon ay nababalutan siya ng takot sa kanyang mukha.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili nagmadali akong lumabas at ganoon din si Jacob.

"Rose! 'wag kang lalabas!" nagulat si Rose sa pagsigaw ko, dahil sa oras na lumagpas ito at tumapak sa lupa na walang bubong, mauulanan nanaman siya ng mga magic stealer. Hindi ako sigurado pero maaaring ang dahilan ng pagiyak niya ng kulay itim na luha ay dahil dito.

"magsipasok kayo! Wala munang lalabas!" sumigaw na din si Rose sa mga estudyanteng nasa gitna ng academy dahil sa kumpulan. Bakit ba nagkumpulan ang mga ito?

Nang nagsitakbuhan ito papasok ay nakita namin ang mga estudyanteng walang malay, dalawa ito. Isang lalaki at isang babae. Wala bang may balak tumulong dito kahit ang mga guro nang academy na ito?

Nakita ko si president at vice president na tila ba nagaabang sa gagawin ko.. Hindi. Sa gagawin naming dalawa ni Rose. Hindi lang sa akin sila nakatingin, kay Rose na din.

Akmang lalabas na si Jacob ngunit pinigilan ko ito, dahil wala naman siyang magagawa kung magpapaka bayani nanaman siya.

Nagulat ako sa pagsulpot ni Nadia sa aking likuran, ginawa niyang kulay itim ang paligid at aming mga damit. Ang balat lang namin ang nanatiling orihinal ang kulay. Napansin ko ang mga magic stealer na nasa gitna ng academy na natigilan sila tila ba nalilito kung nasaan ang mga tao.

Sinimulan kong ilabas ang aking mahika, itinutok ko ito sa gitna kung nasaan ang mga magic stealer. Pinaulanan ko sila ng mga yelong hugis patusok. Ang iilang magic stealer ay hindi na nakababa dahil nabalutan na sila ng aking mahikang tubig.

Si Rose ay nagsimula na ding mag alab ng apoy at itinutok din niya ito sa mga kalaban at sa itaas, dahilan upang mamatay ang mga nasa loob ng academy. Nagkaroon ng pagkakataon si Jacob upang lumabas at ilipad ang dalawang estudyanteng nawalan ng malay, diniretso niya ito sa clinic upang matingnan.

Nagkatinginan kami ngayon ni Rose at bilang tugon, yumuko kaming parehas at alam ko na sa puntong iyon na parehas kami ng iniisip.

Ang mahika ko at ang mahika niya ngayon ay nagsanib pwersa upang maging malakas ang hatid neto sa mga kalaban. Nakita ko ang iilang magic stealer na nagsibagsakan sa lupa, naging abo at tuluyan ng nawala.

Marami pa ring magic stealer ang nakawala dahil sila ay nasa itaas lang. Nagsimula silang umalis at ang kaninang dilim ang bumabalot sa langit ay nawala at bumalik na sa dating kulay. Inialis na din ni Nadia ang mahika niya kung kaya't bumalik na sa dati ang lahat.

Nahagip ng aking mga mata ang mga estudyanteng nakasilip at kita sa kanilang mukha ang pangamba, takot at pagkabalisa.

Nagkatinginan kami ni Rose, iniwas na niya ang kanyang tingin. Akmang didiretso na sana siya sa kanyang paglalakad nang may narinig akong pagsigaw galing sa bundok. Nang tiningnan ko si Rose agad ko ring nalaman na parehas ang aming iniisip.