MALUTONG ang tawa ng binata sa kabilang linya at tila may ibig sabihin. Mukhang maniniwala na siyang dragon nga talaga ang aalagaan niya at siya ang pain kaya siguro malaki ang ibabayad sa kaniya.
"Of course, not! Ibang karne ang kinakain ng dragon na ito. Anyway, I will fix your appointment today and meet my friend."
"Today, Sir?" kunot-noong tanong niya. Hindi niya ini-expect na ngayong araw siya makikipagkita sa boss na kaibigan din nito. Ni hindi pa nga niya alam kung magkano ang sasahurin niya sa kaniyang trabaho.
"Ako ang bahala sa'yo. I'll text you the place where we meet today or else, I will fetch you."
"Uhm…" Napalunok siya. "S-Sige. P-Pero hindi mo pa sinabi sa akin ang—"
"Let my boss handle that thing. Don't worry, he is billionaire as I said last night. Maaari kang mag-demand in case mabasa mo na ang kontrata."
"Alright. I understand, Sir."
"Good. Okay, I will drop this call and fix myself to fetch you. Kindly send me your address."
"Okay."
Naputol na ang usapan nila at nakatulala pa rin siya sa kawalan. Susuungin niya ang isang walang kasiguruhan na trabaho at ni hindi man lang niya alam kung ano talaga ang gagawin niya. Bahala na talaga. Gabayan na sana ako ng maykapal sa gagawin kong ito. Hindi na niya namalayan ang pagmamalisbis ng kaniyang luha sa pisngi saka niya ito pinahiran. She will take the risk or else, she might not have her chance to find another opportunity. Ayaw din naman niyang biguin ang kaniyang ina.
Muli niyang hinarap ang kaniyang cell phone saka nag-text sa binata kung saan siya naroroon. Matapos iyon ay diretso na siyang nagtungo sa banyo at doon tinanggal niya ang mga alalahanin sa araw na iyon kahit alam niyang imposible.
SAMANTALA, nasa sala si Zack habang binabasa nito ang mga dokumento na nasa center table. Hindi siya nakaupo sa wheelchair ng mga sandaling iyon. Paminsan-minsan ay umaalis naman siya sa wheelchair at umuupo na parang normal lang sa sofa. Nagagawa niyang makaalis dahil detachable naman ang sidings na pinasadya pa niya sa manufacturer nito na galing ibang bansa upang hindi na rin siya mahirapang itayo ang sarili. Maya-maya pa ay narinig na niya ang mabibilis na yabag ng mga paa na patungo sa kaniya. Nag-angat siya nang tingin upang sulyapan kung sino ito.
"Good thing you're awake. Tapos na ba ang pinapapirmahan ni Lora sa'yo?"
It's Raven. His loyal lawyer and trusted bestfriend. Mula nang maaksidente siya ay ito na ang pansamantalang humaharap sa mga clients at kasosyo niya sa negosyo. Stock holder din niya ito sa kompanya at bukod pa roon, sabay na rin silang lumaki nito. Kaya lang ay magkaibang-magkaiba sila ng hilig. Sila lang ang magkaibigang magkaiba ang mga pananaw sa buhay. Umupo naman ito sa sofa katapat niya.
"Nire-review ko pa at baka may ginawa kang milagro sa kompanya ko malugi pa ako," direkta niyang sambit dito.
"You're smart person, Zack. And you knew me already. Hindi ko habol ang yaman mo at nagmamalasakit lang akong kaibigan. Anyway, I found her."
Muling siyang nag-angat ng tingin dito at napakunot-noo. "What do you mean?"
"I found the woman who will take care of my dragon friend. I'll fetch her later."
"Where did you meet her?" He's interested to know who the woman is.
"Last night. I was on the bus going to Aura, and she's my seatmate. We talked to each other, and I might conclude that she is innocent. At binabalaan kita, Zack. Lawyer mo ako at hindi ako bugaw kaya kapag may hindi magandang nangyari sa kaniya, ako mismo ang magpapataw sa'yo ng parusa. I will sue you!" May pagbabanta ang binatang kaibigan niya sabay tumayo na ito.
"Wala akong gagawing masama sa kaniya. Baka magustuhan pa niya ang gagawin ko sa kaniya." Muling natuon ang kaniyang atensiyon sa mga dokumento. "Just leave and don't ever come back if you'll not bring her to me."
"Huh! Paninindigan ko na ang pagiging bugaw. I will charge you with a triple fee!" reklamo nito.
Naramdaman na lamang niyang papalayo na ito sa kaniya at hindi na niya pinag-aksayahan ng oras upang sundan ito ng tingin. Nais niyang mapangiti sa kalokohan nito ngunit pinipigilang lang niya. Napapailing na lang siya habang inilipat-lipat ang mga papel sa bawat pahina kaniyang binubusisi.
"Sir, excuse me."
"Yes?" Hindi na siya nag-angat ng tingin dahil kilala na niya ang boses ng isa sa mga katiwala niya sa bahay niya.
"Pinapasabi ni Aling Lukring kung may ipapabili ka pa ba? Paalis na siya papuntang grocery store kasama sina Ann at Leo." Ang tinutukoy ng kasambahay ng binata ang kasamahan nito at ang kaniyang driver.
"Nothing," tugon niya.
"Okay, Sir."
Maya-maya pa ay nag-angat siya ng tingin dito at tinawag ito. "Fe!"
Muli itong humarap. "Y-Yes, Sir?"
"Will you please clean the connected room from mine?"
"Ah.. Naroon pa ang ibang gamit ni Cheska. Tatanggalin ko na rin po ba?"
"Yes, please! Itago niyo na rin ang mga gamit niya at kung gusto niyang kunin ay ipaalam niyo muna sa akin."
"Okay, Sir."
Muli niyang hinarap ang mga dokumento ngunit sa pagkakataong iyon ay naalala niya ang dalagang si Cheska na lumayas dahil nasigawan lang niya. Ngayon, may isang papalit na naman dito at hindi niya alam kung tatagal ba ito sa poder niya. Napaisip siya. He needs to set his rules and prepare contracts if the woman who will take care of him will disobey. Sa totoo lang, wala naman siyang balak na sundin ang sinabi niya noon kay Raven na hanapan siya ng babaeng magiging bedmate niya. She respects women, but he will try to prove that he can still do intimate things to his opposite.
Damn! Hindi niya maiwasang sisisihin ang sariling kahibangan noon nang dahil din sa babae. Kung hindi niya sinundan ang dating nobya niya sa London noon, hindi sana siya naaksidente. Gustuhin man niyang makalakad ngunit tila ayaw na rin niya. Napagod na siyang umaasa sa mga doctor na pera lang din ang batayan at habol sa kaniya. Hindi niya nilalahat ngunit ganoon madalas ang kalakaran. Sarado na ang isipan niyang maging maayos pa ang kalagayan niya. Tiniklop na niya ang mga papel saka nito ipinasok sa brown envelope. Kinuha niya ang laptop na nasa gilid niya at pinagtutuunan ng pansin ang mga dapat niyang tapusin sa kompanya niya.