webnovel

Chapter 8

"Maliit? Bulag ka ba?" naiirita niyang tanong.

Pumalatak naman ako at hindi na siya pinansin. Nilagyan ko ng bagong punda ang dalawa niyang unan.

"Sa laki at haba nito, kayang-kaya kang dalhin sa langit," sambit niya mula sa aking likuran.

Kahit na nagulat ako sa pagkakita ko ng kaniyang titi, pinili kong magpanggap na hindi apektado. Mahirap na, baka samantalahin naman niya. Napakababaero pa naman ng gago

Kita mo nga at likod ko lang ang nakita niya, pero nalilibugan na agad. Hindi nga kilala ang tao.

Inikot ko ang aking mga mata sa mga binubulong-bulong niya.

"Sus, baka basahan lang kita ng diyaryo."

Tumawa siya. "Why don't you try me?" naghahamon niyang tanong. As if naman papatulan ko ang pinagsasabi niya.

"No thanks. Ayokong magkasakit."

"Wala akong sakit. Kahit magpunta pa tayo sa domtor."

Seryoso? Loko-loko talaga 'tong lalakeng 'to. Bakit di na lang siya magbihis. Talagang pinag-aaksayahan pa niya ako ng oras para lang sa kagaguhan niya. As if madadala niya ako sa pa-abs niya.

Kakatakot kaya ng ano niya.

Kunwari wala akong narinig. Mas maganda na huwag siyang patulan at baka kung saan pa makarating ang aming usapan.

Nakakapagtaka na hindi man lang siya nagtanong kung bakit ako ang naglilinis ng condo niya.

Nang maayos ko ang kaniyang kama, sunod akong nagpunta sa kaniyang banyo.

Kung gaano kakalat ang ibang parte ng bahay, kabaliktaran ang banyo. Malinis ito.

Binuksan ko ang trash bin at tinaktak ang laman nito sa trash bag.

Pagkadami-daming condom ang laman ng basurahan.

"Patawarin niyo ang inyong ama. Basta na lang kasi siya tira nang tira..." Natawa ako sa sarili kong kalokohan.

"Bakit ikaw ang naglilinis dito? Tsismosa ka pa man din," sabi niya mula sa may hamba ng pintuan. Nakasuot na siya ng pants pero wala siyang suot na pang-itaas.

Ang pandesal, namumutok! Nag-iwas ako ng tingin bago pa niya mapansin ang pasimpleng paghagod ng tingin ko sa kaniyang abs.

Binitbit ko ang trash bag saka lumabas.

"Tinawagan ako ng mommy mo, e. Kung alam ko lang na sa'yo pala itong unit na ipapalinis niya, tatanggi ako," sagot ko nang sundan niya ako sa labas ng kuwarto.

Nagkibit balikat siya. Mukhang hindi naman na siya galit sa akin, na gaya ng huli naming pag-uusap sa opisina niya.

"May nangongolekta ba ng basura dito? O kailangan itong ibaba?"

"Hayaan mo na lang diyan. Itatawag ko sa staff para kunin ang mga iyan."

Tumango ako. "Maglalaba na lang ako ng mga damit mo." Sakto sigurong matapos ko ang mga ito ay dumating na din si Madam.

Sabay kaming napalingon ni Sir sa gawing pintuan nang magbukas iyon. Pumasok ang ngiting-ngiti na si Madam. Nakasunod sa kaniya ang isang tauhan na may bitbit na mga pagkain.

Akala ko mamaya pa niya ako pupuntahan dito.

"May dala akong pagkain, naisip ko lang na gutom ka na, Anak. Lalo na si Petra..."

Sinundan ni Sir ang kaniyang ina hanggang sa kusina.

Hinakot ko naman ang mga maruming damit.

"Kumain ka na muna, Petra!" tawag sa akin ni Madam.

"Petra!" ulit pa niyang tawag sa akin, kaya nagmamadali na akong sumunod hanggang sa kusina.

"Bukas ka na lang maglaba, total wala namang pasok bukas sa opisina."

Nagkatinginan kami ni Sir. Mukhang hindi pa niya nasabi sa kaniyang ina na hindi na ako nagtatrabaho sa kompanya nila.

Tahimik akong naupo sa silya na katabi ni Madam. Binigyan niya ako ng plato at siya pa ang naglagay ng pagkain dito.

"Masarap iyan, paborito ni Joshua."

Tipid akong ngumiti at sinimulang lantakan ang aking pagkain. Iniwasan kong magsalita at baka madulas na naman ako. Ayaw ko din namang magmukhang sumbungera. At baka isipin pa ni Sir na sumosobra o abusada ako. Baka mamaya isipin niya na sipsip ako at mapapel. Alam ko naman ilugar ang sarili ko, minsan.

PAGKATAPOS naming kumain, inutusan ni Madam si Sir Joshua na ihatid ako sa amin.

"Huwag na po!" tanggi ko. Kaya ko namang mag-commute kaya hindi na kailangang ihatid pa ako. Nakakahiya naman kay Sir. Baka mamaya madagdagan na naman ang inis niya sa akin. Naiirita nga siya sa akin lagi e.

"I insist," giit naman ni Madam.

Kinuha naman ni Sir ang susi ng kaniyang kotse. Nauna na din itong maglakad patungong pintuan ng kaniyang condo. Tinignan niya ako.

"Tara na," aya niya na kinagulat ko.

Himala! Ano'ng nakain niya at nagiging mabait na yata siya sa akin?

"Puwede mo akong ibaba sa may kanto, Sir. Hindi naman na malalaman ni Madam na hindi mo ako hinatid. Sasabihin ko na hinatid mo talaga ako hanggang sa amin."

Sumimangot siya at nagpatuloy sa pag-da-drive.

Tinuro ko ang sakayan ng jeep, pero hindi niya tinigil ang sasakyan.

"Sure ka na ihahatid mo talaga ako?" tanong ko.

"Ang ingay mo," puna niya.

Bumuntong hininga ako at nilibang na lang ang sarili habang nakatingin sa may bintana.

Naka-set ang address namin sa map ng kaniyang sasakyan. Ang astig di ba?

Si Madam ang nagbigay ng address ko sa kaniya.

"Ah, dito na lang..." sabi ko nang nasa kanto na kami papasok sa tinitirhan namin.

"Wala pa tayo, ah..." sagot naman niya.

Tinuro ko ang gilid kung saan niya ako ibababa.

"Dito ka nakatira?" tanong niya. Kahit na iyon naman ang address na nakalagay sa map..

"Oo, may problema ka ba?" tanong ko. Umiling siya.

Bumaba siya nang kaniyang sasakyan na kinagulat ko. Sakto namang parating ang mga kapatid ko galing sa paglalako ng gulay at pangangalakal.

"Ate!"

Ngumiti ako at kumaway.

Natahimik si Sir sa aking tabi. Para bang hindi pa din siya makapaniwala habang nakatingin sa barung-barung na tinitirhan namin.

Napatingin siya sa mga kapatid ko na medyo madungis na dahil sa maghapon na pagbabanat ng buto.

"Ate, sino siya?" tanong ni Badjao.

"Ah, siya iyong boss ko."

"Boss?"

"Iyong gago mong boss?"

Napangiwi ako. Nahiya akong sumulyap kay Sir. Kunot naman ang kaniyang noo na tumingin sa akin at pagkatapos ay napangiwi.

"Bakit ka nandito?" masungit na tanong ng isa kong kapatid.

"Kaya nga!"

"Umayos ka, hindi mo ito teritoryo," banta pa nila dito.

Pinitik ko ang noo nila.

"Puro kayo kalokohan. Sige na, maglinis na kayo ng katawan. Magluluto na ako ng hapunan natin."

Binalingan ko si Sir na hanggang ngayon ay tahimik pa din sa tabi.

"Salamat sa paghatid, Sir."

Kumurap siya at kumilos. Binuksan niya ang pinto ng kaniyang sasakyan. Akala ko aalis na siya pero muli niya itong sinara.

Inabutan niya ako ng pera.

"Bayad mo sa paglilinis ng condo ko."

"Parang ang laki naman yata."

"Tsk. Kukunin mo ba o hindi."

"Akin na!"

"Alis na ako. Bukas... Maglalaba ka..."

"Okay!" Kumaway ako pero agad ko ding binaba ang aking kamay. Feeling close lang?