Nakatulala ako at pinagpapawisan dahil sa nakita ko. Hindi mabura-bura sa isipan ko ang nasaksihan ko na kaganapan.
Pakiramdam ko ay nasira ang aking kainosentahan. Charot. Hindi naman ako inosente sa mga gano'ng bagay dahil nakapanood na ako ng mga porn kasama ang mga kaibigan, pero birhen pa ako. At ang nasaksihan ko ay live pa talaga.
Pakiramdam ko mas lalong nanuyo ang aking lalamunan.
Ilang minuto na akong tulala nang makita kong nakabalik na ang secretary sa kaniyang table. Parang nagulat pa ito na makitang nandito pa din ako.
Sakto din na lumabas ng opisina ng boss ang babae na nakita kong kasama ng boss na magtampisaw sa naglalawang sarap. Kung ano-ano tuloy ang naiisip ko dahil sa aking nakita.
Jusko! Tanghaling tapat kasi, katirikan ng araw, hindi man lang pinipili ang oras! Hindi man lang pinipili ang lugar! Kung saan abutan ng kalibugan du'n na! Walang delikadesa ang babaeng 'to!
Maharot! Malandi! Basta na lang bumubukaka at pumapayag na magpatira kung saan-saan! Ayos lang sana kung naka-lock ang pinto!
Jusko! Maria! Purisima! Santisima!
Grabe din ang boss na 'yun! Inuna pa talaga ang pumasok sa kung saang butas, samantalang nasa opisina siya. Working hours!
Kailangan kong magwisik ng holy water! Nagiging makasalanan na ako.
Pinasadahan ko ng tingin ang babae.
Inaayos nito ang medyo magulo niyang buhok. Sinuri ko ang kaniyang itsura, mula sa suot niyang napaka-iksing palda. At sa napakakapal na makeup. Ang lipstick ay nagkalat na.
Jusko! Lumabas na ganiyan ang ayos. At parang proud na proud pa siya sa ginawa niya.
Mga ganyang itsura pala ang gusto ng boss ng kompanya na ito. Mukhang sosy pero pangkaladkarin.
Mukhang babaero ang boss, kaya kahit nasa trabaho pinupuntahan ng babae.
Paano naman kasi, likod pa lang ng boss, mukhang masarap na, este mukhang magandang lalake siya. Na-curious tuloy ako sa itsura niya.
Pagkaalis ng babae ay tumayo na din ako sa aking kinauupuan.
Lumapit ako sa sekretarya, na busy sa pagsuri ng kaniyang itsura sa maliit na salamin na hawak sa kaniyang kamay.
"Ma'am, hindi na po ba busy ang boss mo?" tanong ko sa magalang na paraan. Bumuntong hininga siya at inabot ang kaniyang telepono. May pinindot ito.
"Yes?" tanong ng baritonong boses sa kabilang linya ng telepono.
"Sir, may isa pa pong aplikante." Hinintay ko ang sagot mula sa kabilang linya. Mahigpit ang hawak ko sa bag na hawak ko at taimtim na nagdasal. Hindi naman na siguro siya busy at nagawa pa niyang makipag-tira-tira dulce sa opisina niya.
"Pabalikin mo na lang siya bukas," sagot niya sa kabilang linya. Nagpantig ang tenga ko sa aking narinig. Gusto kong magmura sa inis.
Pero hindi. Kailangan kong maging kalmante. Hindi lahat dinadaan sa init ng ulo kahit nakakapag-init siya ng bunbunan at balun-balunan.
"Sir, please, inutang ko lang po ang pamasahe papunta dito ngayon. Kailangan ko po ng trabaho. Ayaw kong pong mamamatay sa gutom," pakiusap ko. Hindi ko na naisip ang hiya at sumingit na ako sa telepono. Narinig ko ang malakas na pag-buntong hininga niya sa kabilang linya.
"Send her in." Dinig kong sinabi niya sa kabilang linya. Mabuti naman at tinablan.
Napangiti ako. Inayos ko ang damit ko at sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri, bago ako kumatok ng tatlong beses sa pinto ng opisina ng boss. Hindi ko na hinintay pang magbubukas ang pintuan o magsalita ang boss mula sa loob.
Pinihit ko na ang door knob at dahan-dahang binuksan ang pinto. Automatic namang nagsara ang pinto. Umayos akong ng tayo at pumihit sa direksyon ng mesa ng boss.
Ganu'n na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita at makilala ko kung sino ang boss.
Napalunok ako at nakaramdam ng kaba sa aking dibdib. Nakatingin lang siya sa akin. Ang mga daliri ay magkasiklop habang ang kaniyang mga siko ay nakapatong sa kaniyang mesa.
Anak ng teteng naman, o! Siya ang boss?
Tinaasan niya ako ng kilay kaya naman tinikom ko ang aking labi na bahagyang nakaawang, dahil sa pagkamangha.
Hindi ko inakala na 'yung drinamahan ko kanina sa may elevator ay ang boss. Yari ako nito. Paano na lang ang pangarap ko sa buhay?
Pipay, katanga-tanga mo talaga, e! Tumikhim ako at nahihiyang ngumiti.
"G-Good afternoon po, Sir," bati ko sa nahihiyang boses. Gusto kong kurutin ang sarili kong singit dahil sa gamit kong boses.
Kailan pa ako naging mahinhin at pabebe magsalita?
Ang mariin na magkalapat na labi kanina ng boss dahil sa kaseryosohan ay napalitan ng ngisi.
"Mukhang hindi ka naman mamamatay sa gutom, ang kapal nga ng baby fats mo sa katawan," pang-aasar niya.
Ang kaba na kanina ko pa nararamdaman ay napalitan ng pagkainis.
Kalma, Pipay, boss 'yan, paalala ko sa aking sarili.
"Relax, you look so nervous," aniya. Mukhang okay naman pala itong boss na ito.
Ngumiti ako at dahan-dahang humakbang hanggang sa makarating ako sa harap ng kaniyang mesa.
Inabot nito ang kaniyang kamay. Agad ko namang binuklat ang hawak kong brown folder at nilabas ang mga laman nu'n.
"You didn't finish high school," aniya.
"May ALS certificate po ako, Sir," agap ko at baka gawin pang big deal iyon. Huwag naman sana.
Tumango siya. "You didn't even finish a degree," dagdag niya. Napalunok ako at marahang tumango.
"Yes, Sir. Inuna ko po kasi ang magtrabaho para may makain ang mga kapatid ko. Wala na po kaming mga magulang. Pero ganunpaman, nagsikap po akong makapag-aral. Nakapagtapos ako ng computer secretarial. Two years nga lang po," tuloy-tuloy kong sagot. Pinigilan kong maiyak. Hindi na 'to drama. Totoo na. Ramdam ko ang panliliit sa aking sarili.
Mukhang hindi magandang ideya ang mag-apply sa malaking kompanya na gaya nito.
Hindi siya sumagot. Seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin. Pinagsiklop ko ang aking mga daliri. Pangatlong kompanya na 'to. Kapag hindi ako matanggap, sa mga mall na lang ako mag-apply. Apply na lang akong sales lady. Maganda pa din naman ang sahod doon.
Nilunok ko ang aking laway baka tuluyan nang malaglag ang aking luha. Kailan pa ako naging iyakin?
Bumuntong hininga ang boss.
"You may start tommorow," aniya na kinagulat ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha at nakita ko siyang nilapag na sa mesa ang hawak kanina na mga credentials ko.
"T-Talaga po?" paninigurado ko.
"Yes," sagot niya. Para bang biglang nag-iba na naman ang mood niya.
"Ano pong trabaho, Sir?" tanong ko.
"Nag-apply ka ng trabaho tapos hindi mo inaalam kung ano ang trabaho mo?" tanong niya sa may bahid na inis na tono. Grabe naman 'to.
"Ah... eh," napakamot ako ng ulo.
Bahala na nga. Ayaw naman niyang sabihin. Du'n sa sekretarya na lang na maarte ako magtatanong.
Ngumiti ako.
"Thank you, Sir. Hindi ka lang guwapo, napakabait ka pa." Tamad niyang kinumpas ang kamay, tanda na pinapaalis na niya ako sa kaniyang harapan.
Kung ano man ang naisip kong masama
sa kaniya kanina ay binabawi ko na.