Wendigo is creatures that originated from United States at sinasabing nakatira ito sa lugar ng Minnesota at Wisconsin na malapit na sa Canadian border. Sinasabing evil spirits ang Wendigo at they only possessed human and make them monstrous. Pero sa ibang source nabuo ang Wendigo dahil sa Cannibalism, yes human eating human flesh. Malamig ang lugar na yun at noon medyo kapos sa food source at in order to survive wala silang choice kundi kumain ng karne ng tao. May ilang events na rin ang nagsasabing kumain ang mga Russian ng karne ng tao noong kasaluluyang nagaganap ang Russian famine noong 1920 at dahil sa kakulangan ng pagkain ay kumain na lang sila ng karne ng tao at may isang survivor ng plane crash na Uruguay to Chile ang tinatahak at ayon sa survivor kumain siya ng human meat pero sinusigurado naman daw niyang patay na ang mga ito bago niya ito kainin. His name is Pedro Algorta.
Balik tayo sa kwento ng Wendigo ng Minnesota at Wisconsin. Sarah is single mom at may dalawang anak at kasaluluyang nakatira sa Minnesota. Nakatira sila sa bahaging malapit sa woods o gubat, matataas ang puno sa lugar nila at kahit tignan lang sa pictures ay matatakot kana.
Bagong lipat lang sila sa lugar dahil gusto nilang makapag simula ulit ng bagong buhay pagkatapos mamatay ang kaniyang asawa. Walang pagdadalawang isip na binili ni Sarah ang isang property na malapit sa gubat pero hindi naman kalayuan ang highway. Bilang lang ang kapit bahay nila at ang pinaka malapit ay isang lalaking nakatira na mismo sa bungad ng gubat. Si Larry, agad naman itong bumati kila Sarah noong kakalipat pa lang nila at palagi siyang nagdadala ng pagkain sa bahay nila Sarah.
Isang araw bago sunduin ni Sarah ang mga anak niya sa school nakita niyang may kausap si Larry na isang blonde na babaeng mga nasa 50s at napansin niyang nagtatalo sila. Kinagabihan tanaw niya sa bintana ng bahay niya na may hinihilang sako si Larry papasok sa gubat. Naaninag niya ang ginagawa ni Larry dahil may ilaw naman sa labas ng bahay nito. Binaliwala ni Sarah ang nakita at akala niya ay nagtatapon lang ng basura si Larry.
Kinaumagahan maagang naghatid ng pagkain si Larry sa kanila, walang duda na masarap ang luto ni Larry kapag meat type na pagkain. Kinain naman nila agad at hindi sila disappointed sa lasa nito. Napansin ni Saraha ang hibla ng buhok na nahalo sa pagkain at medyo kakulay ng buhok niya na may pagka blonde at ang inakala niya ay kaniya.
Sa mga sumunod pa na araw ay patuloy sa pagdadala ng pagkain si Larry sa kanilang bahay at nagpapasalamat naman si Sarah na may ganun siyang kapit bahay. Kinagabihan ng byernes ay napansin ni Sarah ang isang bagay na hindi niya gaanong maaninag na nasa likod ng bahay ni Larry. Napaatras siya sa nakita niya, kahit hindi niya gaanong maaninag ay alam niyang hindi deer ang bagay na yun dahil sa mala-tao nitong anyo. Madilim sa bahaging iyon kaya hindi niya makita ng maayos pero naaaninag niya ang hugis nito. Agad niyang tinawagan si Larry at hindi ito sumasagot at patuloy pa rin siya sa pag tawag habang nakatingin sa bintana at ilang sandali pa ay naririnig niya ang kalampag sa bahay ni Larry, tila may mga gamit na nahuhulog. 4 am na ng madaling araw at kahit gusto niyang lumabas para tignan si Larry ay natatakot din siya. Agad siyang tumawag ng 911 at halos isang oras pa bago nakarating ang rumesponde.
Agad niyang tinuro ang bahay ni Larry at kasama niyang nagpunta doon ang tatlong pulis at ang aso nila, agad silang kumatok sa pintuan ni Larry. Maayos naman ang pintuan sa harap at mukhang walang nagpumilit na pumasok, ilang segundo pa ay nagbukas ang pinto at bumungad ang kakagising lang na Larry.
Nagtanong si Larry kung bakit may pulis at sinabi naman ni Sarah ang naririnig niya kagabi at ang akala niya ay inaatake siya ng wild animals dahil sa nakita niyang bagay sa likod ng bahay ni Larry kaninang madaling araw. Itinanggi ni Larry na inatake niya siya ng hayop at sinabi niyang nahulog ng pusa ang mga gamit niya kagabi at kaya daw hindi niya nasagot ang tawag ni Sarah dahil sira ang telepono nito. Agad humingi ng paumanhin si Sarah sa abalang naidulot niya sa mga Pulis at kay Larry.
Sa kalagitnaan ng paguusap ay agad na kumawala ang isang German Shepherd na aso na dala ng mga Pulis at nagtungo ito sa likod ng bahay ni Larry at sumunod agad ang dalawang Pulis para kunin ito at ganoon din si Sarah. Bumungad sa kanila ang mga dugo sa pader at sa may bintana ni Larry at bigla na lang pumasok sa gubat ang aso at agad sumunod sila Sarah at hinukay ng aso ang lupang mukhang fresh pa at mukhang may nilibing dito.
Bumungad sa kanila ang isang sakong nakabukas ng bahagya at may mga damit at pamilyar kay Sarah ang damit na iyon. Yun ang suot ng babaeng kausap ni Larry bago niya sunduin ang mga anak niya sa school. Napansin ng isang pulis na wala si Larry at nagsimula na silang magduda kaya agad silang nagtungo sa bahay nito at pagbalik nila ay wala ng Larry doon. Sinumulan nilang halughugin ang bahay hanggang sa makarating sila sa kusina na umaalingasaw ang amoy at pagbukas nila ng refrigerator ay may mga kamay ng tao at mga kung anong karne na nakalagay sa baunan.
Nasuka si Sarah sa nakita at sumagi sa isip niya ang mga dinadalang pagkain ni Larry sa bahay nila. Natulala siya at nawala sa sarili, wala siyang magawa kundi umiyak at hindi alam kung ano ang gagawin. Hinanap ng mga pulis si Larry at wala na ito, bumalik si Sarah sa bahay nila at tinignan ang mukha niya sa salamin. Alam niya sa sarili niyang tao ang mga kinain nilang pagkain na nanggaling kay Larry at ang nakita niyang halimaw sa likod nila Larry kagabi ay si Larry mismo.
Hindi siya lumabas ng bahay nila hanggang sa maraming tao ang nagpuntahan. Lumabas si Sarah at nakipagusap sa mga nandoon at isang matandang babae ang nakausap niya. "I warned them" tugon nito at sinabi ang kaniyang nalalaman tungkol kay Larry at isa daw itong Wendigo. Nagsimulang maging Wendigo si Larry mula noong matrap si Larry at ang pamilya niya sa gubat ng ilang araw at nagyeyelo ang paligid noon. Hindi daw sya nakabalik ng tatlong linggo at ang sinabi daw nito at natrap sila sa taas at hindi makababa at hindi alam kung saan dadaan. Naligaw sila at dahil sa kawalan ng pagkain ay kinain daw niya ang asawa niya at anak na namatay dahil sa lamig para lang makasurvive siya.
Ang sabi pa ng matanda ay sa oras na nakatikim ng karne ng tao ang isang tao hahanap-hanapin na niya ito hanggang sa dumating sa punto na magiibang anyo ito. Poor Sarah!