webnovel

The Baklush Has Fallen

Madaldal at palabirong babae si Maundy Marice. Matalino rin ito at mas lalong nakadagdag sa ganda niya ang kulay ube nitong buhok. Pangarap niyang maging isang Certified Public Accountant (CPA), but she doesn't have enough money for the review and board exam, so she finds a job for the meantime. Fortunately, she found out that the A Company is looking for a new secretary. Hindi niya trip ang trabaho, pero nag-apply pa rin siya at ibang klaseng swerte nga naman ang taglay niya dahil siya ang napili. Isang magandang dilag-este, nagfifeeling dilag. Malaki man ang braso ay 'di nahihiyang mag-bestida. Lalaking-lalaki man ang itsura ay natatabunan pa rin ng kolorete kaya mas maganda pa siya sa dalaga. Chal Raed Alonzo Jr. Ang acting-CEO ng A Company, ang pinagsisilbihan ni Maundy. Hindi niya naisip na muli silang magtatagpo. Nagbiro pa siya na kapag nagkita silang muli ng Dalaga ay baka mapakasalanan niya na ito. Sino ba naman kasing mag-aakala na si Maundy ay hindi lamang action star kun'di kriminal din. Sa unang pagkikita pa lang nila ay nanakaw niya na ang puso ni Chal Raed. Ika nga niya, 'I'm gay, but my heart beats only for you, Lady.' Ngunit, hindi niya inamin ang katotohanan kay Maundy nang magkita sila ulit. Instead, he asked for someone's favor to do something. Ang inaakala niya kasi ay hindi siya matatanggap ni Maundy dahil sa pusong babae nito. Pero, bakit ba sa tuwing itotodo na ang kasiyahan ay may panganib na hahadlang? Magkaaroon pa kaya ng unusual relationship sina Maundy at Chal Raed kung may taong dadating bitbit ang isang masamang balita na magsasanga-sanga sa pagbubunyag ng iba pang mga katotohanan? Will fairytale still exist after the revelations happened? How about a happy ending and Gay x Girl? May posibilidad pa kayang mangyari 'yon kung mawawalan na sila ng oras para sa isa't isa?

eommamia · 一般的
レビュー数が足りません
59 Chs

Chapter 47 : Ruined

Isang malakas na katok ang pumukaw sa'kin kaya medyo asar kong binuksan 'yong pinto. Antok na antok pa ko, eh, magdamag lang naman kaming nag-usap ni Chal Raed sa telepono.

"Bakit, Kuya Mayvee?" tanong ko habang pumupungay-pungay ang mga mata.

"Boyfriend mo nasa baba, hinihintay ka na," aniya.

Boyfriend? Teka! Andito si Chal Raed?

"Anong ginagawa niya rito?" tanong ko.

"Baka inaantay ka? Sabay yata kayong papasok sa trabaho," sagot niya.

Ay! Oo nga pala, sinabi niya kagabing susunduin niya ako! Pumayag na rin ako, bukod sa kasama ko siya, libre pa ang pamasahe.

"Sige-sige, maliligo na ako," sabi ko at akmang isasara na ang pinto, pero agad 'yong hinarang ni Kuya. "Bakit?" tanong ko.

"I'm so happy for you, Love, sana naman kahit may Chal Raed Alonzo ka na, hindi mo pa rin makakalimutan ang mga kapatid mo, ha," aniya.

"Kuya naman, bago dumating si Chal Raed, kayong apat ang una kong naging boyfriend," nakangiting sabi ko. Bahagya niyang ginulo 'yong buhok ko saka sininyas na pumasok na ako. "Paki-entertain muna si Chal Raed, Kuya, maliligo lang ako," dagdag ko at saka ako tuluyang pumasok ng kwarto.

Oo nga pala, kagabi ay sinabi ko na ang nangyari sa mga kapatid ko, ang daldal kasi ni Clarice at agad chinika 'yong mga Kuya ko kaya napakuwento tuloy ako. Masaya silang kami na ni Chal Raed kahit pansin ko na may kakaiba sa mga mata ni Kuya Mico. Haaay! Pinili ko na lang na ipagsabahala 'yon, ang mahalaga ay suportado nila ako.

Chal Raed's POV

Hanggang ngayon ay wala pa ring mapaglagyan ang kasiyahan na nararamdam ko. Kagabi nga nang sabihin ko sa kanila ang mga nangyari ay sobrang saya nila, nagkaroon pa nga ng abrupt party, eh. We went to Third's bar and had a drink, para na rin i-celebrate ang engagement party ni Third. Who would have thought na matagal na palang nag propose ang Baby Bro ko? Nalaman na lang ng lahat kung saan may engagement party nang magaganap.

"Hey," nakangiting bati sa'kin ng Girlfriend ko na bigla-bigla na lamang pumasok dito sa opisina.

"What do you want?" I asked with a smile flashed on my face.

"I already have what I want," and her answer gives me a question mark on my face, "I already have you," she added.

"So cheesy, ha," natatawang sabi ko.

"Asus, as if hindi kinilig, ha," she teased me. "But, seriously, gusto ko nang kumain, sasabay ka ba?" she went out of my office, so I immediately followed her.

"Of course! Let's go, where do you want to eat?"

"Kahit saan, basta ikaw 'yong kasama ko."

"Oh, sounded so in love."

"Wala akong kontra riyan, totoo naman," she closed her laptop first kaya nauna na akong maglakad sa may pinto para pagbuksan siya, but she suddenly called me, "sandali nga," aniya kaya agad akong napatigil sa paglalakad. "Tigilan mo nga 'yang pag kembot-kembot ng pwet mo," medyo asar pa niyang sabi kaya 'di ko maiwasang matawa.

"Sadya 'yon, just wanted to know your reaction," nakangiti kong sabi. Okay, palusot ko lang 'yon. Once again, ang hirap magbago agad-agad.

"Huwag mo nang uulitin, ha.".

"Yes, Girlfriend," I'll try my all best!

"Hehe, very good...Boyfriend," matapos sabihin 'yon ay dire-diretso siyang lumabas. Nahiya yata sa sinabi niyang 'Boyfriend.'

"Hintayin mo nga ako," nang maabutan ko siya ay agad ko siyang inakbayan at ipilupot niya rin ang isa niyang braso sa bewang ko, "bango ng shampoo natin ah," sabi ko matapos kong halikan ang buhok niya habang nasa loob kami ng elevator.

"Actually, hindi nga ako naligo, eh," aniya kaya agad ko siyang binitawan, pero yumakap siya bigla sa'kin. "Kaya hawaan mo 'ko ng amoy mo, sobrang bango mo, eh," dagdag niya.

"Chansing ka, eh," natatawang sabi ko. Biglang bumukas 'yong elevator at nakita kami ng lahat na gano'n ang pwesto. Nagbubulong-bulongan na rin sila na tama ang hinala nila, paano naging kami, matagal na ba, at marami pang iba.

Napatingin naman si Maundy sa mga nakatingin sa'min at agad na bumitaw, "tara na," aniya at nagmamadaling naglakad.

When I finally caught her, I decided to hold her hand, "huwag mo nga akong basta-bastang iwan, mamaya may humawak sa'king iba, eh."

"Oh, sige, magpahawak ka, sabay ko kayong babalian ng kamay."

"HAHAHA. I love you!"

Haay! I don't want to let go of this Lady any more. I will hold her tight as long as she's doing the same thing.

"Psh, I love myself, too," she answered as we're walking across the lane.

"What?" I asked when we finally reached the resto. Ang bilis niya kasing maglakad. Oo, iniwan niya na naman ako. Tsk.

"Sabi ko, I love you too, okay na?" she then went inside leaving me smiling so wide, "diyan ka lang?" tanong niya habang nakadungaw sa may pintuan kaya napapailing tuloy akong pumasok sa loob, and of course, I'm still wearing this unexplainable smile.

***

Nasa may couch kami ng opisina ko. Nakatitig lang ako sa kanya while she's staring at our hands, holding each other, she then suddenly intertwined it, filling the spaces between.

"Girlfriend," I called her and she looked at me with those pair of innocent eyes. "Nagpaalam na ako kay Paps at sa mga Kuya mo," I added.

"Na ano?" she asked.

"That we'll be off to somewhere for a week."

"Na naman? Tapos mamaya biglang magsulputan 'yong limang kabuteng 'yon."

"Don't worry, hindi nila alam 'tong plano ko."

"Talaga lang, ha. So, saan tayo pupunta?"

"Hmm, ikaw, you decide this time."

Bahagyang siyang nag-isip nang ilang minuto, "sa probinsya nina Lola at Lolo," she uttered with a smile. "Namimiss ko na sila, eh, gusto ko silang bisitahin," she added. "At ipapakilala na rin kita," at hindi ko lang naman mapigilang mapangiti, "kapag napakilala na kita sa buong angkan ko, wala ng hiwalayan, ah," aniya.

"Of course!" I answered with my utmost sincerity.

Bigla siyang umusog papalapit sa'kin. Sumandal siya sa may braso ko—hindi niya abot ang balikat ko dahil ang liit niya kapag nakaupo, sabagay, hindi naman talaga siya matangkad—at saka siya biglang yumakap, thank you," malambing niyang sabi.

"For what?" tanong ko.

"Dahil pinaramdam mo sa'kin ulit kung gaano kasarap ang magmahal," nakangiting sagot niya. "Akala ko dati hindi na 'ko muling iibig dahil sa sakit na ibinigay ni Third, but look, umibig ako ulit, sa isang Alonzo ulit," dagdag niya.

"Don't worry, Mon, I won't ever do what Third did," I replied, wholeheartedly.

We stared at each other's eyes for a minute, until I slowly moved my face through her. Kung maganda siya sa malayo, mas magada siya sa malapitan.

"I love you," I almost whispered that line.

"I love you, too," she replied.

She closed her eyes as our lips met. It feels like this is my first kiss, where in fact, this is the second one. I thought she won't ever respond on my kiss, but she did, she's kissing me back. I couldn't help myself, but to smile.

"Chal Raed—"

Sabay kaming napatigil ni Maundy at gulat na gulat talagang napatingin kay Paps. Pero, napangisi ako nang makitang pulang-pula na siya.

"Sorry for interrupting you," Paps said with a smirk on his lips. "But, I just want to give you this," binigay niya sa'kin ang bitbit na folder.

"Paps, you can just give this to me later, you ruined the perfect moment," I complained.

"Oh, I'm sorry, I didn't know you're having a kissing scene," natatawang sagot niya. "Do you want to continue it? Miss Marice, nabitin ka rin ba?"

"P-Po? A-Ah," she looked at me, asking for a help. HAHAHA! So cute!

"Paps, you can go now."

"Alright! Just continue what you were doing, pero hanggang diyan lang, ha, you can do 'that thing' after your wedding na," he then went out leaving us felt the awkwardness.

Anong 'that thing?' Si Paps talaga!

"Ihahatid na kita, maaga pa tayong babyahe bukas," she just nodded and went out of my office, of course, I followed her immediately, "nahihiya ka pa rin ba?" I asked while she's busy cleaning her table.

"K-Konti?" patanong niyang sagot. "Lalo na no'ng tinanong niya ako kung nabitin ba 'ko, like, Mighad? Bitin na bitin," I don't know if that was a joke, or she's being serious.

"Then, we can just continue it now," I pulled some joke.

"Hindi na, napanis na 'yong kasunod," she answered.

"Hindi ah, fresh pa rin. Come on, let's continue —" I stop saying a word because she suddenly gave me a smack!

"Sa kasal na natin. Iyong super intense na kissing scene," aniya habang may nakakalokong ngiti. "Tara na at kailangan ko nang magpahinga," dagdag pa niya.

Napailing na lang ako nang hawakan niya ako sa kamay at dahan-dahan akong hinila palabas.

Papunta na sana akong driver's seat, pero napatigil ako nang makita ang isang pamilyar na mukha. Bago niya paandarin ang sasakyan niya ay nakita kong sumibol ang ngisi sa labi niya.

Who the hell are you, Harris?