webnovel

The Baklush Has Fallen

Madaldal at palabirong babae si Maundy Marice. Matalino rin ito at mas lalong nakadagdag sa ganda niya ang kulay ube nitong buhok. Pangarap niyang maging isang Certified Public Accountant (CPA), but she doesn't have enough money for the review and board exam, so she finds a job for the meantime. Fortunately, she found out that the A Company is looking for a new secretary. Hindi niya trip ang trabaho, pero nag-apply pa rin siya at ibang klaseng swerte nga naman ang taglay niya dahil siya ang napili. Isang magandang dilag-este, nagfifeeling dilag. Malaki man ang braso ay 'di nahihiyang mag-bestida. Lalaking-lalaki man ang itsura ay natatabunan pa rin ng kolorete kaya mas maganda pa siya sa dalaga. Chal Raed Alonzo Jr. Ang acting-CEO ng A Company, ang pinagsisilbihan ni Maundy. Hindi niya naisip na muli silang magtatagpo. Nagbiro pa siya na kapag nagkita silang muli ng Dalaga ay baka mapakasalanan niya na ito. Sino ba naman kasing mag-aakala na si Maundy ay hindi lamang action star kun'di kriminal din. Sa unang pagkikita pa lang nila ay nanakaw niya na ang puso ni Chal Raed. Ika nga niya, 'I'm gay, but my heart beats only for you, Lady.' Ngunit, hindi niya inamin ang katotohanan kay Maundy nang magkita sila ulit. Instead, he asked for someone's favor to do something. Ang inaakala niya kasi ay hindi siya matatanggap ni Maundy dahil sa pusong babae nito. Pero, bakit ba sa tuwing itotodo na ang kasiyahan ay may panganib na hahadlang? Magkaaroon pa kaya ng unusual relationship sina Maundy at Chal Raed kung may taong dadating bitbit ang isang masamang balita na magsasanga-sanga sa pagbubunyag ng iba pang mga katotohanan? Will fairytale still exist after the revelations happened? How about a happy ending and Gay x Girl? May posibilidad pa kayang mangyari 'yon kung mawawalan na sila ng oras para sa isa't isa?

eommamia · 一般的
レビュー数が足りません
59 Chs

Chapter 17 : Solicitude

NA-PA-KA-TA-HI-MIK!

Pakiramdam ko tuloy kapag nagsalita ka may multang isang milyon kaya mas pipiliin mo na lang na manahimik.

Pero, Mighad! Hindi ko 'to kaya!

Napatingin bigla sa'kin si Chal Raed na para bang tinatanong kung ano ang nangyayari, pero agad kong iniwas 'yong paningin ko.

Iw! Naalala ko kasi 'yong panaginip ko, eh! Ang harot ko pa ro'n, may pa asawa-asawa pa akong nalalaman!

"Seriously, this silence is killing me," biglang usal ni Chal Raed.

"I feel you," wala sa sariling sabi ko.

"Troot cake! What's going on ba?" tanong naman ni Rosas na kanina pa talaga nakatitig kay Jazz.

"Pati ako nadadamay sa katahimikan, eh, wala naman akong kaalam-alam kung bakit bigla kayong nanahimik," sabi pa ni Third na para bang nagrereklamo talaga siya, kahit kailan ay reklamador talaga ang Lokong 'to!

"Ano nga bang nangyayari, Joy, Clarice, at Spade?" tanong ko sa tatlo na agad napatingin sa'kin. "Kapag 'yong kissable lips ko ay hindi ko masuway, mamaya mapapakwento ako," dagdag ko pa.

"KISSABLE LIPS?!" sabay-sabay talaga nilang tanong. Hype na 'yan! 'Di mabiro!

"Sinabi ko ba?" inosente ko pang tanong. "Hoy, ba't ka nakangisi riyan?" tanong ko kay Third nang todo ngisi talaga siyang nakatingin sa'kin na para bang may masama siyang balak. Mukha siyang manyakis, pero pasalamat siya dahil gwapo siya, medyo bumawi ro'n.

"Wala lang. I just remember, I already tasted that kissable lips," nakangisi talagang aniya!

Hutaaa!! Napatingin tuloy silang lahat sa'kin. Patay ako sa tatlo nito, hindi rin kasi nila alam na nagka jowa na pala ako! Akala nila NBSB ako.

Oo na, ako na ang 'di honest na best friend! Pero, 'yan lang naman ang 'di ko sinabi, eh.

"Nakakadiri ka," inis kong sabi na halos maiyak na ako.

Nakakahiya!!

"OMG! What's going on, Monay?" tanong ni Rosas. Paniguradong, umiiral na naman ang pagiging tsismosa niya!!

Hingang malalim, Maundy, kaya mo 'yan! "Kasi...'yang lalaking 'yan," tapos ay itinuro ko si Third na ang laki ng ngiti. Ang sarap niyang balatan, "ex ko," nakayukong sabi ko.

"WHAT?!" gulat na tanong ng tatlo, as expected. Huhuhu!

"So, hindi ka NBSB?" tanong ni Joy.

"Oo," sagot ko naman.

"So, nagka first kiss ka na?" tanong naman ni Clarice.

"Hindi ba pwedeng umpisahan muna sa holding hands at hug? Kiss agad?" tanong ko naman.

"Answer my damn question, Monay!" aniya. Huhuhu, mukhang dragon si Clarice! Galita na siya!

"Oo na! Oo! 'Yang tukmol na 'yan ang first kiss ko," nahihiya kong sabi. Huta talaga nito! Nakakahiya na, lumabas kaya muna ang dalawang lalaki at dalawang bakla na 'to nang makapag-usap kaming mag best friends dito!

"Sinong tukmol?" tanong bigla ni Third.

"IKAW!" sabay na sabi ng tatlo.

HAHAHAHA! Huwag kang sasabat-sabat diyan kapag seryoso 'yong usapan naming apat, talagang masisigawan ka.

"So, kailan naging kayo?" tanong ni Rosas.

"April 20, 2012," sagot ko.

"Wow! Tandang-tanda-—"

"SHUT UP!" sigaw na naman ng tatlo kay Third.

HAHAHAHA sawsaw pa, Ex, na mang-iiwan!!

"Baby Bro, don't interfere with them. Hayaan muna natin silang mag-usap," rinig ko pang bulong ni Chal Raed.

Eh kung lumabas na rin kaya kayo!! Mga tsismoso rin 'to! Lalo na si Chal Raed na talagang napapataas pa ang kilay at napapangisi! Duh!

"Ba't kayo naghiwalay?" tanong ni Clarice, ang dahilan ng pananahimik ko. Napatingin ako kay Third na kasalukuyang nakayuko.

Anong isasagot ko sa kanila?!

Gusto ko sanang isigaw 'yan sa kanya, pero hindi ko na lang ginawa.

"We focused in our studies, kaya napagpasyahan naming maghiwalay," pagsisinungaling ko pa.

Alam niyo bang gusto ko nang umiyak?! Hindi ko alam kung bakit, basta gusto kong umiyak.

"No," biglang usal ni Third, kaya pakiramdam ko tumahimik ang lahat. "We actually didn't have a proper breakup. I just...suddenly left her and I never showed up again," nakayuko niyang sabi.

Unti-unti nang nag-iinit 'yong mga mata ko, pero ayoko talagang umiyak!!

"But, before I went to states, I secretly go to Dad's company just to see her," usal na naman niya. This time nakatingin na siya sa'kin at unti-unti nang lumalabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang mga lintik na luha 'to. "I really am sorry for being a coward, Mon, but I can't say no to my Mom," sabay na pumatak ang luha sa mga mata niya nang sabihin 'yon, but he wiped it so soon.

Kunot-noong napatingin sa kanya si Chal Raed. "What does it mean, Baby Bro?" takang tanong niya.

Third took deep breath as he started saying, "Mom discovered that I am in a relationship. At that day, we fought so much because she wants me to end my relationship with Maundy," he paused as he looked at me again.

Ako naman 'di ko na pinigilan ang sarili kong umiyak, 'di ko na kaya!

"I begged, I kneeled down in front of her, I cried, but all my effort was useless. You know how much Mom wants me to marry her childhood friend's daughter, Kuya," huminto na naman siya pagsasalita at biglang lumapit siya sa'kin dahilan para mas lalo akong mapaiyak!

I cursed this man for leaving me behind, for hurting me so much, but I didn't know how much struggle he's been through just to fight for our relationship.

Sana pala hindi ko na lang pinangarap na malaman 'yong dahilan kung ba't niya ako iniwan, kung ganitong makokonsensya lang ako.

"Mon, believe me...I-I really did fight my feelings for you...pero hindi ko pwedeng kalabanin 'yong Mama ko. K-Kahit masabihan man ako na nagpapa-under ako sa kanya...I'll accept it," nahihirapan na talaga siyang magsalita dahil gaya ko, umiiyak na rin siya. "M-My Mom is the reason why I am here...her happiness makes me continue living...It's never easy giving up my own happiness, but I did...I gave you up...just to let her happy...I hurt myself for the happiness of my Mom," he suddenly stopped and wiped my tears and I just let him do it, kahit gustong-gusto ko nang sabihin na pahiran muna niya 'yang luha niya dahil mas lalo akong naiiyak! "You can now hate me, Mon, for being a damn coward, you can now curse me for leaving you behind, you can now slap me for hurting you, you can now—"

"Shhh," sabi ko na agad nagpatigil sa kanya na magbitaw pa ng mga salita. "Gusto ko lang naman malaman 'yong dahilan kung ba't mo 'ko iniwan and after that, mapapanatag na ako," nakangiti kong sabi. "Tapos na kitang murahin sa isip ko...at ngayon labis ko 'yong pinagsisihan, Third...I'm sorry," puno ng sinsiridad kong sabi sa gitna ng paghikbi ko. "Pero, kilala mo ko Third...we've been together for three years...hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob...matagal na kitang pinatawad, rason mo na lang talaga 'yong hinihintay ko. Akala ko nga hindi ko na maririnig 'yon kasi pitong taon na rin 'yong nakakalipas simula no'ng huling araw nang pagkikita natin...kaya nga no'ng nagkita tayo ulit alam ko sa sarili ko na naging masaya ako...kasi magkakaroon na rin ako ng pagkakataong marinig mula sa'yo ang dahilan...kung ba't naglaho ang relasyong akala ko magtatagal hanggang sa wakas," tumigil ako sa pagsasalita at pinahiran 'yong luha ko.

Hay! Ngayon lang ulit ako umiyak ng gan'to, pero mas okay na rin kasi ang ginhawa sa dibdib pagkatapos.

"Thank you, Third, for filling up the missing puzzle. Nasagot na rin 'yong tanong ko," dagdag ko pa.

Ngumiti siya at bahagyang hinaplos ang pisngi ko. Huta! Namiss ko rin pala siya. "Thank you for the forgiveness," aniya.

"You deserve it," sagot ko naman. "Halika nga rito," hinila ko siya at agad na niyakap. Ito 'yong yakap na nagsasabing okay na kami, na wala ng wall sa pagitan namin.

Matapos naming magyakapan ay bigla niyang inilahad ang kamay niya, "friends?" tanong niya.

Tinanggap ko 'yong nang nakangiti, "friends," sabi ko.

Sabay kaming napatingin ni Third sa paligid namin nang makarinig kami ng mga palakpak at doon lang din namin napagtantong umiiyak din pala sila.

Mighad, nakakaloka!

"Magkakabalikan pa kaya kayo?" biglang tanong ni Joy.

Napatingin kami sa isa't isa at bigla na lamang akong napangiti. "Hindi na," sagot ko.

"How sure you are?" tanong ni Third.

"You're engage," sagot ko sabay tingin sa kamay niya. Actually, noong unang araw pa lang na nagkita kami ulit napansin ko na 'yan.

"Yeah. To my Mom's childhood friend's daughter," sagot naman niya.

"Do you love her?" tanong ko.

"I will try my best to learn how to love her," sagot niya at saka napabuntong-hininga. Kawawa naman 'tong si Third.

Napatingin ako bigla kay Spade at Chal Raed na nakatingin sa kawawa nilang kapatid. Hay, ganyan din kaya ang gagawin ng Mommy nila sa kanila? Siya rin ang pipili ng mapapangasawa nila? How boring their life is.

Bigla na lamang tumunog 'yong cell phone ni Third kaya nagpaalam siyang lalabas muna. Ang tatlo ko namang loka-lokang best friends ay nagpaalam na iihi muna dahil nakakaihi raw 'yong istorya namin ni Third.

Mga aning-aning talaga!

Si Spade naman ay nagpaalam na lalabas muna dahil may kakausaping nurse na kabigan daw niya. Si Jazz naman ay lumabas din dahil may tumawag sa kanya, ito nga ring si Chal Raed ay dapat lumabas din muna kaya lang pinatay niya 'yong cell phone niya nang may biglang tumawag. Baliw talaga, paano kung importante 'yon, 'di ba?

Pero, ayan! Iniwan na kami ng lahat! People come and people go talaga.

Bahagyang pinalo ni Chal Raed 'yong kamay ko kaya napantingin ako sa kanya na nakakunot ang noo. "Sis, kanina pa kami nandito, pero hanggang ngayon hindi ko alam ang dahilan kung ba't ka nahimatay," panimula pa niya habang binabalatan 'yong mansanas.

Ba't kaya binabalatan 'yan, 'no, eh, sabi ni Mommy noon nasa balat daw ng mansanas ang sustansya. Siguro ma effort lang talaga 'yong mga taong binabalatan ang mansanas saka kinakain, eh, pwede namang hugasan nalang tapos diretso na kagat.

"Sumakit lang 'yong ulo ko," sagot ko naman pagkatapos i-critic ang ginagawa ni Chal Raed.

"Stressed ka ba? Ini-stress ba kita sa trabaho?" nag-aalaang tanong niya talaga. Ba't ba 'yan 'yong tinatanong nila sa'kin, eh, hindi nga ako stressed! Siguro ma i-stress talaga ako kakaisip kung ba't iniisip nilang stressed ako.

"Hindi, 'no," sagot ko ulit. "Basta sumakit lang 'yong ulo," dagdag ko.

"Eh, bakit daw? Anong say ng doctor?"

"Baka raw dahil sa naulanan ako at—" napatigil ako sa pagsasalita, hindi ko pwedeng sabihin na dahil nakakita ako ng aksidente at mga dugo kaya sumakit 'yong ulo ko, ang weird naman kasi no'n, eh.

"At dahil?" tanong niya.

"Wala na, 'yon na 'yon," sabi ko.

"Kasi nga, wala kang resistensya at hindi ka nag bi-bitamina," aniya. Ayan na, nagsisimula na naman ang baklang 'to! "Oh, ayan, say ahh," napatitig ako bigla sa kanya matapos niyang magsalita. Bakit parang nagkakatotoo 'yong panaginip ko?! Mighaaad!!

"Hindi ba 'yan kamias?" tanong ko sa kanya.

"What? Nakapikit ka ba nang binalatan ko 'to?" takang tanong niya. "Kita mo namang mansanas 'yong binalatan ko, 'di ba? Alangang nang matapos kong balatan naging kamias na? Sis naman, ano bang nangyayari sayo? Naalog ba 'yang utak mo?" sunod-sunod niya pang tanong.

Hay! Sana 'di ko na lang tinanong, napakasarkastiko pala ng taong 'to!

"Kainin mo na nga lang 'to," aniya at kinain ko na lang 'yong ibinigay niya sa'kin, buti na lang at mansanas nga talaga 'to.

"Salamat ha," usal ko. Napatingin naman siya sa'kin at bigla na lamang ngumiti, 'yong ngiting katulad na katulad sa panaginip ko! Hutaeners! 'Yong ngiting nakakatanggal kuno ng galit at inis, 'yong m-magandang ngiti! Jusko!

"You're always welcome...Sis," aniya. Inalis ko na 'yong paningin ko sa kanya dahil konti na lang talaga maaattract na ako sa ngiti niyang 'yan!! "From now on, you need to take care of yourself more than you usually do," biglang usal niya kaya nagtaka ako agad. "Because I almost get insane after knowing that you were sent in the hospital," seryoso talagang sabi niya and take note, totoong boses niya 'yong ginamit niya dahilan para mas lalong naging seryoso 'yong tono ng pananalita niya. "I can't help myself not to worry about you."

"Huh?" tanong ko dahil hindi ko narinig 'yong huling linyang sinabi niya kasi bigla na lamang pumasok 'yong mga bruha kong kaibigan na ang lalakas ng tawa. Kainis!!

"Wala, sabi ko, always take care of yourself," aniya at bigla na lamang lumabas. Pero, feel ko hindi 'yon 'yong sinabi niya, o feeler lang ako? Hay nako naman!