webnovel

The Badass Twins

This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. ©Copyright 2021 by Anndyscot09 All rights reserved, including the right to reproduce this book or portions thereof in any form whatsoever. ©Copyright 2021 by Anndyscot09 ~~~~~~~~~ "Witch, you're condominium building is on fire." Sabay na wika ng kambal. "Oh my god! Nasusunog ang condominium natin!" Tili ni Dana. Napatigil sa paglalaro ng basketball ang mga lalaki at nanlalaki ang mga mata nila sa gulat habang nakatingin sa buong building na tinutupok na ng apoy. Few hours later... "Kasalanan talaga yun ni Dana eh... Kung hindi lang siya tanga tanga na iniwan ang oven na nakabukas edi sana hindi nilamon ng apoy ang tinutuluyan niyo." Saad ni Godee. Ang panganay sa Twins. Nakangisi pa siya halatang masaya pa siya sa nangyareng sunog kanina. "Paano na yan wala na kayong matutuluyan at nasunog pa sa empyernong apoy ang mga gamit niyo? I'm sure, sa lansangan na kayo maninirahan. Hahahahahaha! Grabe ang saya non tang-*na!" Ani ni Heaven. Siya ang pangalawa sa kambal at bunso sa magkakapatid. Kung ang twin niya ay medyo matino tino pa ibahin natin siya dahil siya na yata ang pinaglihi sa demonyo sa sobrang pasaway niya at mahilig pang magmura. Well, pareho sila ni Godee na hindi yata nawawalan ng mga bad words sa katawan. "Twins, tumigil na kayong dalawa. Kita nyong nagluluksa sila." Saway sa kanila ni Blade. Ang kuya nila at leader sa grupong ACES. Matik na huminto sa kakatawa ang Twins. Sumusunod kasi sila sa utos ng kuya nila 'minsan' nga lang. Hindi nakaligtas sa paningin nila ang pagtaray sa kanila ni Dana. "Dukutin namin yang mata mo eh! Pataray taray ka pa jan ah!" Sigaw ni Heaven kay Dana. Naglabas pa si Godee ng pocket knife. Kaya halos mawalan ng ulirat si Dana ng lumapit sa kanya si Godee at itinutok nito ang pocket knife sa mata niya. Isang pulgada na lang ang pagitan ng patalim sa kaliwang mata niya nang nagsalita si Blade. "Godee! Itigil mo yan." "Ituloy mo ate para mawalan na ng mata yang si Dana tang-*na yan eh!" "Heaven! Isa ka rin. Tumigil na nga kayong dalawa. Wala namang ginagawang masama sa inyo si Dana." "Psh! Tinarayan niya kami." "Hindi totoo yon, Blade. Wag kang maniwala sa kanya. She's lying---" "Punyeta! Gusto mong ituloy ko toh sa mata mo huh?!" Sigaw ni Godee kay Dana kaya napahinto ito sa pagsasalita. "Tara na twin. Hayaan mo na ang Dana na yan at ng mamatay hahahaha!" "Sayang hindi siya nasunog, noh?" Saad ni Godee ng makalapit siya sa kambal. "Kaya nga eh. Siguro sa tamang panahon masusunog din siya sa empyerno." Nagtawanan sila ulit at akmang aalis na sila ng nagsalita ang kuya nila na talagang ikina-init ng dugo nila! "Let's go guys, Doon na kayo tumira sa mansion namin." Say what?!!!

Anndyscot09 · 都市
レビュー数が足りません
73 Chs

Chapter 52

"Luto lang wala ng kasamang romansa, Worth." sabi ko sa kanya. Tumawa siya at siya na ang nagpatuloy sa paghiwa ng mga karne. Ako naman ay tinuon ko na ang sarili ko sa ginagawa ko.

"TWIN! may tawag ka mula kay Slay." mula sa paghahalo ng ulam lumingon ako kay Godee na nagmamadaling pumunta rito sa kusina. Binigay niya sa'kin ang relo niya kaya sinuot ko iyon at tinignan saglit kung si Slay nga yung tumawag. Emergency?

"Hinahabol ako ng tatlong Police Calixtus cars. We need to meet. ASAP, Commander." aniya. Halata sa boses niya na pagod na siya at nakapokus pa ito sa pagda-drive. Binigay ko kay Worth ang sandok at hinubad ko rin ang apron na suot ko. Tsk. Bakit nila hinahunting si Slay?

"Godee, my Kawasaki Ninja's keys."

"Here. Good luck." inabot niya sa'kin ang susi ng motor ko at akmang lalabas na ako ng kusina ng natigilan ako sa titig ni Worth. Huminga ako ng malalim bago ko siya niyakap.

"Baby, I need to go. Slay need me." ayon lang ang sinabi ko at hinalikan siya sa labi ng panandalian at agad na lumisan. Alam na ni Godee ang gagawin.

Godee's POV

Sinulyapan ko si Worth na mahigpit ang hawak sa sandok. Wala ding emosyon ang mukha niya at lumamig ang presensya niya.

"Follow me if you want to follow her." sabi ko at tinalikuran siya. Sakto namang nakasalubong namin si Jun kaya siya na ang nagpatuloy sa pagluluto.

"Alam kong kilala mo si Slay De La Costa pero mas kilala namin ang taong yun. He's our comrade. Di mo kailangang magselos sa kanya."

Hindi siya umimik kaya tumahimik na lang ako.

"O? Bakit sinama mo si kuya Worth dito?"

Tanong sa'min ni Dawn kasama niya si Desdes at Ryder bayot. Nandito kami sa parking lot ng kambal ko. Nagkibit balikat ako at hinawakan ang isang handle ng motor. Bumuka ang semento at bumungad sa'min ang isang hagdan pababa. Ako ang naunang pumasok kaya sumunod silang lahat sa'kin. Nang nakapasok at nakababa na kami sa hagdan ay nagsarado ang semento. Isa pang sementadong pintuan ang bumungad sa'min kaya sinugatan ko ang isa kung daliri at dinikit iyon sa Fingerprint na nasa pintuan. Bumukas ito ulit at bumungad sa'min ang isa sa mga pinakamagandang Underground Hideout ni twin. Sinabayan pa ito ng pagbukas ng mga ilaw.

"Ang gandaaa, nasa Wonderland ba tayo?" tanong ni Desdes. Manghang mangha sa nakikitang lugar.

"Pffff, nasa ilalim tayo ng lupa, kapatid ko." si Dawn ang sumagot sa kanya. Though, totoo ang sinabi ni Desdes. Ang theme ng Hideout na ito ni Twin ay katulad ng nasa Wonderland. Masyadong fairytale ang dating. Ang pinagkaiba nga lang ay napapalibutan ito ng mga iba't ibang klase ng teknolihiya.

"Alam ba ni Blade ang lugar na ito?" tanong ni Ryder. Tamad akong tumango at nagtungo sa isang computer. Binuksan ko iyon at tini-trace si Slay.

Bingo!

Na-trace ko agad siya. Bumukas ang isang flat-screen TV at hinayaan ko silang panoorin si Slay na hinahabol ng tatlong Police Calixtus Cars.

Nahihirapan siyang lusutan ang tatlong sasakyan dahil kinorner siya nito. Dalawa sa gilid niya at isa sa harap.

Sa kabilang banda nakikita ko na ang kulay asul na tuldok. Si twin. Shit. Motor lang ang sasakyan niya at hindi maari ang iniisip niya.

"Matataas na Calixtus ang humahabol kay Slay. Impossibleng makatakas siya diyan." komento ni Dawn. Hindi pa nila napapansin ang presensya ni twin dahil nasa kabilang kalsada ito.

"Worth, sundan mo si Heaven. Gamitin mo ang Hummer niya. Kailangan mong bilisan dahil alam ko na alam mo ang nasa isip niya. Faster."

Hindi ko na tinignan ang pag-alis ni Worth. Dapat si Dawn talaga ang uutusan ko kaso mas mabilis mag drive si Worth. Alam kong siya lang ang nakakapantay sa bilis ng pagdrive ni twin.

"Ow? I want to follow too but mas gusto kong manood na lang hahhahaha!" chill na saad ni Dawn at binalik ang panonood sa Flat-screen TV habang ako naman ay nasa computer pa rin nakatutok.

Ryder's POV

Nasa likod ako ni Godee. Inaabangan ang maaring manyare doon sa hinahabol ng mga Calixtus. That blue dot is Heaven, then the another blue dot is Worth. Malapit niya ng maabutan si Heaven. As ever. Worth the Flash of ACES.

Nasa West road ang dalawa habang si Slay naman ay nasa South road kaya ang maaring mangyare at hinuha ko sa gagawin ni Heaven babanggain niya ang Police Car na nasa unahan ni Slay. Napa-iling ako. Magwawala ang mga Hunterose kapag may mangyareng masama sa kanya. Kailangang maunahan ni Worth si Heaven at siya ang dapat gumawa sa binabalak ng Amoŕe niya.

"Ganun ba talaga ka-importante si Slay sa inyo at handang ibuwis ni Heaven ang buhay niya rito?"

Sarcastic na saad ko kay Godee. Tamad siyang tumango sa akin at hindi man lang ako nilingon.

"He's our comrade."

Tipid na sagot niya. Tsk. Alam ng lahat na wala silang mga kaibigan maliban sa Sullivan kaso pinsan nila ang mga iyon kaya wala talaga silang kaibigan. Hindi sila palakaibigan.

"Hindi kayo friendly, Godee."

"Tss. Hindi mo naman kasi kami kilala. Hindi niyo kami kilala. Badass twins badass twins pa kayong nalalaman. Tsk. We're not Badass twins. God damn it."

"Speaking of the Mafia clan na pinabagsak nila Sky Blade. Alam niyo na ba kung saan nila dinala ang bata?" umepal si Dawn sa usapan namin ni Godee. Aish.

"Nasa Russia ang bata dinala pala ni Ocean doon. Apat na taon palang yun. Mali ang binigay na impormasyon ni tanda." saad ni Godee. Tamad siyang lumingon sa'kin kaya tinaasaan ko siya ng kilay. "May alam ka rin tungkol doon! Mga killer talaga kayong mga ACES!" inis na sumbat niya kaya nagtawanan kami ni Dawn. Parang sila ng kambal niya hindi ah.

"It's Blade fault. Sumusunod lang kami sa utos niya." Dapat lang na pinabagsak namin ang Mafia Clan na iyon. Hindi sila nararapat nabubuhay sa mundo.

*Car crash sounds*

Tumingin kaming lahat sa Flat-screen TV ng narinig namin ang banggaan na iyon. It's Worth binangga niya ang nasa unahan na Police Calixtus Car. Natumba ito at sinunod niyang binangga ay ang isang nasa gilid ni Slay. Hindi iyon natumba kaya bumukas ang pintuan ng driver seat at bumukas din ang isang bintana sa likuran at nilabas ni Heaven ang kalahati ng katawan niya at pinagbabaril ang dalawang sasakyan na nasa magkabilang gilid ng sasakyan ni Slay. Napahinto ang mga ito kaya nakalusot si Slay at pumantay kanila Worth. Walang takot itong tumalon at sumampa sa driver seat. Ang susunod na pangyayare ay hindi na namin nakita dahil pinatay na ni Godee ang computer kasabay ng pagpatay ng Flat-screen TV.