webnovel

THE ALTERNATE UNIVERSE

"In another life, I promised to be your girl."

Arynnnyx_ · SF
レビュー数が足りません
9 Chs

AU#5

CHAPTER FIVE:[ YOU'RE NOT REAL ]

EUPHROSYNE

"WHO are you?" He asked.

Bigla nalang nanlambot ang magkabilang binti ko, dahil sa simpleng tanong niyang may kalakip na mahabang kasagutan.

"You're not the real E.A, right?" Sabay nito sabay hithit muli sa sigarilyo niya.

How?! Paano niya nalaman?!

Napalunok nalang ako sa pagkakataon na 'to, dahil sa kaba na nanggagaling sa dibdib ko. Papaano nalang kapag nalaman niyang hindi talaga ako ang babaeng nakatira sa kanilang mundo? Papaano ang misyon ko? Papaano sila Lolo at Dad?

"Why are you asking me? Do you still need me?" Pagtataray ko rito.

Kuhanin niyo na po ako, Lord. Nakikiusap po ako. Sobrang delikads na ang lagay ko rito.

"Stop using E.A's face, becoz you will never be like her. Kaya ngayon palang sinasabi ko na sayo. Once na hindi ko makita ang totoong ex ko, MISS. You're life has been entered the room of Satan." Mariin nitong pagkakasabi sabay hawak sa kanang balikat ko.

Nakakatakot siya...

Maiisip mo talagang kaya nitong pumatay ng tao, dahil sa tindig at tingin niya.

"My Jace?"

Ngayon lang ako magpapasalamat sa pag sulpot no'ng kabotera'ng 'yon. Sana lang ganto palagi ang timing niya noh.

Iniwan lang ako ni Jace na parang walang nangyaring bagay kanina. Magiging thankful na ba ako para do'n? Atsaka bakit gano'n nalang ang pagkilos niya, kapag nababanggit si E.A in this world? Did he still had a feelings to settle for her? Owhmay~

Matapos ang nangyari sa rooftop, Bumaba na rin ako at nagpaalam na uuwi. Sa lagay kong 'to, parang mahirap ng makatapat ang isang Jace Holmes.

"Are you sure about that? 'Di pa ako uuwi e. Sinong maghahatid sayo?" Nagugulumihanang tanong ni Cady sakin.

Balak niya pa sigurong kausapin sila Kannon kaya gusto niyang magpaiwan.

Edi siya na ang close sa crush niya!

Medyo parami-rami narin ang mga bisita sa loob kaya halos mapuno na ang loob ng mansyon ng Sakamoto. Ang family ni Midori at Kannon ay abalang-abala sa pag-aasikaso ng iba pang ka shareholder nila.

"One last hour nalang kase, Gorl." Pakikiusap sakin ni Cady.

Maamoy mo ang mababangong amoy ng pera ng mga samut-saring damit ng mga spesiyal na bisita. At maamoy mo rin ang purong KAPLASTIKAN rito.

"Ms.Hashimoto?" Tawag sa'kin no'ng matandang lalaking may kasamang ginang na tiyak kong kasing edad rin nito.

Kilala ba namin siya?

"I heard na malapit ng lumigi ang business ng Lola mo ah." Mapait nitong ngiti sa'kin.

Isa pa 'tong kala mo'y may pake samin pero gusto rin namang ibaba ang karangalan ng Company ni Lola Alissa.

Such a coward person.

"Good Evening, Pero 'di ko po kayo kilala...Thankyou." Kakarampot kong sabi sabay alis sa pwesto nila. Mahirap na at baka mahanap na naman ako ng kaaway rito noh.

'Di ko na namalayan na natapakan ko na pala ang gown ni Midori kaya naman humingi kagad ako ng patawad.

"It's okey, Ate Ally." Ngiti nitong sabi sa akin. Pero nabigla nalang ako ng tapakan niya ang kaliwang paa ko.

Napatalon nalang ako, dahil sa sobrang sakit. Kala ko pa naman ay mabait 'tong kapatid nila Kannon. Ayun naman pala'y sobrang maldita. May pa 'Ate' pa siyang nalalaman.

"Stop it, Midori." Galit na sabi ni kannon sakanya.

"Okey lang 'yon, Kannon." Pinilit kong ngumiti sa abot ng makakaya ko, pero alam kong sumasakit parin ang mga paa ko.

"Pati ba naman ikaw, E.A. Ilang beses ko bang uulitin na ako si Kane." Natatawa nitong pagpapaalala sa akin.

Sino ba naman kase si Kane at si Kannon? Kambal pala sila ng taon. Malay ko bang magkamukha sila diba? Ghod!

"Sorry, Kane." Naiilang kong sagot rito.

Maya-maya rin ay dumating na rin ang grupo nila Jace at sumama sa pwesto namin. Narito pa rin naman si Michie at naka palupot parin ang dalawang kamay sa bewang ni Jace.

"Andito pala ang past at present ni idle e." Natatawang pang-aasar ni akuji kay Jace na sinuklian naman ng masamang tingin.

Tahimik na umupo sa pwesto niya sa akuji, dahil sa takot kay Jace.

"Tiklop ka naman. 'Di talaga ako magkakamaling bakla ka e." Sambit ni Eriko Zenigata sabay hampas sa batok ni Akuji.

Sa maggtotropang 'to, Satingin ko, Ang matino lang ay si Eriko. Sa kilos niya kase malalaman mo talagang umaayon siya sa edad at pagiisip. Nagkalat na rin kase ngayon ang mga isip bata at makulit na gaya namin ni akuji.

"'Di ako bakla noh! Kaya ko nga nililigawan si Midori e!" Mabulol-bulol na sabi ni Akuji.

Pinagtawanan lamang siya ng lahat at wala paring tigil sa pang-iinis. Nakitawa nalang din ako upang 'di magmukhang napag-iiwanan. Kanina pa kase nakikipag usap si Cady kay Kannon kaya naman wala akong makausap. Pero mukhang 'di lang ako ang nakatingin sa dalawang may malanding ugnayan, Pati rin pala si Kane pasimpleng tumitingin sa gawi namin.

Napabalikwas nalang ako ng tawa ng makirinig na naman kami ng away sa labas.

"Iyan talagang pinsan mo Jace, Napapabilang sa mga salot sa lipunan." Natatawang sabi ni Akuji sabay turo kela Xhiran at kay Manzo na kanina pa pala nagkakainitan.

Pansin ko lang, Napakainitin ng dugo ni Manzo roon sa pinsan ni Jace. Wala naman akong mapagtanungan, dahil ang kaibigan kong inlababong-inlababo ayun nakikipag-landian parin kay kannon.

Ang ibang bisita ay napabuntong-hininga nalang sa lack of attention na kinukuha no'ng dalawa. Pero wala paring tigil sa pagsusuntukan ang mga 'to. Ganyan nalang palagi ang nadadatnan ko sa dalawang 'yon. Pero ang palaging umuuwing sugatan ay si Xhiran, dahil nga medyo may kaliitan ito kesa kay Manzo.

Bawat hakbang ko ay siya ring iika-ika ko, dahil sa natamo ko kay midori kanina. Kaya naman medyo hirap ako sa paglapit sa gulo nila Manzo.

"'Di ka dapat nakatayo lang diya'n! Dapat mamatay kana rin!!" Galit na sigaw ni Manzo sabay hawak sa kwelyo ni Xhiran. 'Di naman nakakilos ng maayos si Xhiran, dahil sa sobra-sobrang galos niya.

Nagpakawala na namang muli ng suntok si Manzo at saktong tumama ito sa kaliwang pisngi ni Xhiran at naging resulta ng pagdami ng dugong binubuga niya. Wala namang mga guard ang sumasaway sa mga 'to. Nakita ko ring imbes na tulungan ni Jace ang pinsan niya'y nginingitian niya lang ang nakikita niyang away. Ganon ba talaga sila kawalang hiya?

Isa pang suntok at napatilapon sa gawi ko si Xhiran at ako rin ay napahiga, dahil sa sobrang bigat nitong lalaking 'to. Lalo namang sumakit ang paa ko, kaya nag init nalang bigla ang katawan ko.

Ayoko sa lahat 'yung sinasaktan ako e!

"Hoy! Bano kaba?!" Mapiyok-piyok kong sigaw at dinuro-duro narin si Manzo, dahil sa galit.

Makakatanggap na sana siya ng sampal at tadyak ng biglang dumating 'yung mga guard.

Nice timing! Iyong panahon pang babawi na ko noh!

Dahil sa galit ay nakalimutan kong naiwan ko pala ang sandals ko, sa gawi ni Xhiran. At nang lalapit na sana ako ay siya rin nitong tingin ng masama sakin.

"I don't need your help." Seryoso nitong sabi at tumayo ng iika-ika.

Tss! 'Di ko siya tinulungan noh! Gusto ko lang ipaghiganti ang kawawa kong paa. Assumero naman masyado!

"Gorl, Sorry kung hindi kita nasamahan ah. 'Di ko naman kase alam na ganyan pala ang mangyayari." Pagdadahilan ni Cady sabay yugyog sa mga braso ko.

Sinabi ko namang ayos lang ako at gusto ko lang umuwi ng maaga. Nasira na kase ang plano kong magpalamig, dahil mukhang hindi gagaan ang loob ko rito sa lugar na 'to. Lalo na't iisa lang ang hinihingahan namin nung mga impakta.

Sumakay ako ng uber para makauwi ng mas ligtas. Nakagaanan ko naman ng loob 'yung driver kaya medyo alam kong hindi ito masama.

"Ang aga niyo namang natapos, Nak." Bati sakin nung nanay ni E.A sabay aya sakin upang kumain ng hapunan.

Siyempre 'di ko naman tatangihan at pagkain 'yon. May mga bagay na dapat iwasan at meron rin namang dapat langtakan.

"Nga pala, Sa susunod pang mga buwan makakauwi ang tita mo at ang anak niya. Nagpapagaling parin kase ngayon si Lynx mula sa sakit." Pagkukwento nito sa'kin.

Pagtango lamang ang nai-sagot ko, dahil hindi ko naman kilala ang tinutukay niya. Ang alam ko lang may Lola ako sa mundo na 'to na mahirap pakisamahan.

"Kapag natapos kana riyan simulan mo na ring maglaba ng uniporme mo at baka hindi kana makapasok bukas. Atsaka bawas-bawas na sa pagiging maldita, ha." Masaya niyang sabi at humiga narin sa puwesto niya habang nakatalikod sa'kin.

Ang saya lang pala sa feeling no'ng nanay na pinapaalalahanan ka. 'Di ko kase naramdaman 'to sa tunay kong Ina.

Ito na lang yata ang panahon na gugustuhin kong tumagal...

Sinimulan ko na rin ang paglalaba, habang nag so-soundtrip. Hindi naman siguro maririnig ni Lola Alissa ang ingay, dahil tiyak kong nasa edad na siya ng pagkakaroon ng mahinang pandinig.

Naalala ko tuloy 'yung sinabi no'ng matandang lalake. Totoo kayang lumulugi na ang business ng Lola ng tukayo ko?

Paano kaya ako nakilala no'ng matandang 'yon? Sigurado akong naging popular narin ang Company ni Lola Alissa.

"Ano pang tinutunganga mo riyan! Aba'y anong hinihintay mo?, Bagong taon?!" Sarkastikong pagkakasabi ni Lola Alissa na kanina pa pala nagaabang sa labas ng Laundry Area.

Hays! Paano kaya natatagalan ni E.A 'tong ugali niya?

~×~

JACE

"'DI BA'T sinabi ko naman sa'yo na hindi mo dapat pinapahiya si E.A? Ang usapan ay ipapakita lang natin na hindi na siya ang gusto kong makasama, diba?!" Nayayamot kong saad kay Michie.

Ang hirap kase rito sa babaeng 'to, ang gusto niya lang ang nasusunod at hindi na nakikinig sa iniutos ko.

"But,,You said if im going to be your Fake girlfriend, you also owe me." Maarte nitong wika sabay hawak muli sa braso ko.

"Idukdok ko pa 'yang 'owe me' mo."Sabi ko kay michie sabay tanggal ng palad niya sa braso ko at binuksan ang pintuan ng kotse ko.

"Why are u still cares for E.A sake." She said sarcastically.

Ang salitang 'yon ang nagpalambot ng katawan ko.

Bakit ko ba kase 'to ginagawa?!

Sinenyasan ko nalang na bumaba si michie at ng makauwi na ko sa amin.

"Mr. Holmes, Welcome Home." Sambit ni Yaya Fleur sabay abot ng bag ko.

Si Yaya fleur ang isa sa mga matatagal ng nagtatrabaho sa pamilya ng mga holmes. Simula no'ng dumating sila daddy at mommy from estat , dahil sa  biglaang panganganak nito na ang bunga ay ako. Si Yaya fleur na ang nag-alaga saken. Dahil marami pang dapat asikasuhin sila mom at dad sa estat. Lalo na't lumalaki ng hospital branch namin.

"You don't need to do that, My mother." Malambing kong sabi sabay ngiti at kindat sakanya.

"Hay nako, Jace. Pinaandaran mo na naman ako ng kagwapuhan mo." Natatawang sabi ni Yaya Fleur.

Matapos kong kumain ng ulam na niluto ni Yaya fleur ay dumiretso na kagad ako sa Veranda ng Room ko.

Ito ang perfect place para makapag palamig at makapag-isip ng maayos.

*Flashbacks"

"Anong mali?! Bakit kailangan nating maghiwalay?!" Nangingiyak na saad ni E.A.

Hindi na kayang magproseso ng utak ko. Hindi ko rin alam kung bakit kailangang umabot sa pagkakataong makikipag-hiwalay ako sakanya.

I just want to change the fact that Im too attached to her. Ayokong lumala ito. Kung iiwanan ko siya, Kailangang ako lang dapat ang masaktan ng todo at hindi ang pinakamamahal ko. Sapat ng masaktan siya ng isang beses. Sa pagkakataong iyon, Malilimutan na niya ako. Dahil sa sakit ng pakiramdam na ginawa ko sakanya.

Alam ko na alam rin niyang wala na kaming ibang taong naiisip na makasama hanggang sa pagtanda. Halos maging perpekto na ang relasyon namin. Binago niya ako at maging siya ay nabago ko. Pero 'di ko hahayaang masisira kami, dahil sa iisang rason.

Kaso ito ako ngayon, Ang mismong bumitaw. Ang mismong sumuko, Kahit gusto ko pang lumaban at mahalin siya ng buong puso.

"I Love You, Euphrosyne. And that's the reason." I almost cried, pero kasalanan ko 'to. Hindi ako karapat-dapat para sakanya.

Sa pagtatapos ng College Life namin ay ang panahon na mapapalayo na ako sakanya. Im going to estat.

*Gunner's CALLING*

"Kumusta, Magaling kong Tito. Balak niyo na naman bang barilin ang kamay ni dad?" I said with a tone of sarcasm. But he already ended the call.

Kung may tao mang akong kinaiinisan. Walang iba kundi ang tito at pinsan kong 'yon.

Si Tito Chiyo Makoto ay anak lang sa labas ni Lolo Vernon. Dahil inakala ni lolo na hindi na magkakaanak silang mag-asawa. Ngunit sa sumunod na taon ay 'di nila inaasahang lumulobo na pala ang tiyan ni Lola Neville.

Lumaking magkasundo sila dad at tito. Pero ang sabi sa akin ni daddy ay may malaki itong pagkakainggit sakanya. Kaya siguro sinubukan niyang barilin ang kamay ni dad para siya ang mag operate sa isang mayaman na tao. And to get Lolo Vernon's Attention.

But I heard he's now a scientist 'Physco' to be exact.

Estat- Anglo-french which origins of the word states.

@ArynnNyx