webnovel

Wedding of the Year

Shanaia Aira's Point of View

THREE days na ang nakalipas mula nung debut ni ate Shane at bigla na lang syang nawala.Hindi pa rin tumitigil ang pamilya ko sa paghahanap sa kanya.Ang mga news sa tv at radio ay walang humpay sa kababalita ng kung ano~ano at ang iba ay may haka~haka na kinidnap sya at ang iba naman ay nagsasabi na nakipagtanan sya kay Gerald Coronel.Pinatunayan pa ng ibang mga reporters na dumalo sa debut ni ate, ang balitang nakipagtanan nga sya dahil sa biglang pagsulpot ni Gerald sa kalagitnaan ng party at pagkawala nilang pareho nung matapos na ang kasayahan.

Nakumpirma na namin ang balitang yon dahil nung pumunta kami nung isang araw kila kuya Gerald ay nakausap namin ang mga magulang nito.Sinabi nila na tumawag daw si kuya Gerald sa kanila kinabukasan ng debut ni ate, he told them that ate Shane is with him pero hindi sinabi kung nasaan sila.

Kaya naman umaasa kami na isang araw susulpot na lang sila bigla at haharapin ang iniwan nilang gusot.

" Hey,wala pa bang balita kay bestie? " tanong ni Gelo sa akin.Sumiksik sya sa tabi ko dahil nanonood ako ng tv sa kwarto ko.

" Gelo umusod ka nga ng konti,ang laki~laki ng kama ko kung makasiksik ka dyan parang single bed tong hinihigaan ko." reklamo ko sa kanya.

" Sungit mo baby,meron ka ba ngayon? Sa gusto kong sumiksik sayo bakit ba? " tanong nya at lalo pang sumiksik sa akin at pinatong pa ang mga binti nya sa akin. Namula naman ako sa sinabi nya. Bwisit na to pati time of the month ko inuurirat.

" Tse! bakit ba pati pagkakaroon ko inaalam mo? " inis kong turan.

" At bakit hindi eh ako ang madalas mong pabilhin ng sanitary pads mo pag inaabutan ka ng period mo sa school nyo." walang habas nyang turan.

Nag~blush ako sa sinabi nya at gusto kong takpan ang bibig nya dahil nahihiya ako sa sinasabi nya.Buti na lang kami lang dalawa at walang ibang nakakarinig.

" O ano hindi ka nakakibo dyan.Hmn.nakakagigil ka baby." saad nya sabay kurot ng madiin sa pisngi ko.

" Aray naman Gelo! " sigaw ko at pinagkukurot ko naman sya sa tiyan nya.

" Aray! sinasadista mo na naman ako, tigilan mo ko! " pinipigilan nya ang mga kamay ko.

" Sige na awat na.Nood na nga lang tayo." sabi ko at umayos na kami ng higa.Nakatagilid ako,yakap ko yung mahabang unan ko at sya naman ay nakasiksik sa akin at nakadantay yung mabibigat nyang binti sa akin.

Maya~maya pareho pa kaming biglang napadilat at ng tignan ko ang oras ay pasado alas sais na pala ng gabi.

Nyemas! alas kuwatro ng hapon dumating si Gelo at nonood kami ng tv,ibig sabihin dalawang oras kaming tulog pareho?

" Huy,gabi na pala,baka hanapin kana sa inyo." tinapik ko sya sa braso,nakapikit na naman kasi uli.

" Hmm.. dito ako matutulog,samahan daw muna kita sabi ni tito Adrian.Pupuntahan daw nila si Shane sa bandang Batangas,dun sa resort na nabili ni Gerald." sagot nya na nakapikit pa.

" Kelan sinabi sayo? Bakit tinatanong mo pa ako kanina kung ano na balita kay ate eh alam mo naman pala? " inis kong sabi sabay hampas sa kanya.

" Aray! ang amazona mo talaga.Tinawagan lang ako ni tito Adrian sa phone,yun lang ang sinabi nya kaya nagtatanong ako sayo baka may iba pang balita bukod dun." sagot nya habang hinihimas ang braso nya na hinampas ko.

" Wala! yun lang din ang alam ko.Tara baba na nga tayo nagugutom na ako." untag ko sa kanya.

" Mauna kana,maliligo pa ako.Kuha na ko ng damit sa closet mo ha? " paalam nya.

" Sus! nagpapaalam ka pa para ka namang others. Ampon! " asar ko.

" Haha.ang swerte mo nga may ubod ng gwapo kayong ampon,bihira ang ganitong pagkakataon ha." tatawa~tawa pa ang hudas sabay pasok na ng banyo para maligo.

Naiiling na lang akong lumabas ng kwarto at bumaba na.Duon ko na lang hihintayin ang ubod daw na gwapong ampon.

MAAGA kaming nagising kinabukasan ni Gelo dahil sa ingay na naririnig namin sa ibaba.Pupungas pungas pa kaming pareho na bumaba ng hagdan upang magulat sa tagpong aming dinatnan.Andun ang buong pamilya ni kuya Gerald kaharap ng pamilya ko,sa gitna ng sala ay nakaupo si ate Shane na umiiyak habang yakap ni kuya Gerald.

Nagkatinginan na lang kami ni Gelo.Pareho pa kaming nagmamadaling umakyat ulit para magpalit ng aming suot.Pareho kasi kaming naka~pajamas at hindi man lang nagmumog pa.

Naligo ako sa bathroom ko sa kwarto habang sya naman ay sa banyo sa guest room.Kaya halos sabay din kaming natapos at sabay din na bumaba ulit.

Nandun na silang lahat sa dining room at nagsasalo na sa almusal ng bumaba kami.Siguro nagkasundo na sila sa mga usapin nila.Pumwesto na kami ni Gelo sa bakanteng upuan.Pinakilala kami ni dad sa mga bisita at nalaman namin na isa si Gelo sa mga abay at ako ang maid of honor ni ate.Sa susunod na buwan na ang kasal nila.Nagulat kami kung bakit ganun kabilis,yun pala naman 1 month ng buntis si ate at nung malaman ni kuya Gerald, yun nga itinanan na nya.Kaya pala bigla na lang sumulpot sa party ni ate.

Haay buhay artista,masyadong komplikado at hindi pribado.Once na pinasok mo,pag~aari kana ng publiko.

Minsan dahil sa intriga nasisira ang buhay ng mga artista, kung mahina ang loob mo hindi ka tatagal sa larangang ito.

Sayang naman si ate Shane ,kaka~debut lang mag~aasawa na.Two years pa bago nya matapos ang kurso nya.Matitigil na sya dahil buntis na sya.Yan na nga ang kinatatakot ko at ayokong maranasan yan.Sana matapos ko muna ang pag~aaral ko bago ako ma~ in love para kung sakali man wala akong pagsisisihan.

Nang umalis ang pamilya Coronel ay kasama na nila si ate Shane.Nagpakasal na pala sila sa judge at dun na sya titira sa pinagawang bahay ni kuya Gerald.

Malungkot na naman ako dahil umalis na si ate sa bahay namin.Kung wala siguro si Gelo ay malamang naburyong na ako sa sobrang lungkot.

KASAL na nila ate Shane at kuya Gerald sa simbahan.Maraming tao ang sasaksi, naging parang fiesta sa dami ng fans nila na nakaabang sa simbahan.May mga reporters sa ibat~ibang tv station ang nagko~cover ng kasal nila na tinaguriang wedding of the year.Nang nasa kalagitnaan pa nga ng seremonya ay biglang hinimatay si ate Shane.Marahil ay sa sobrang dami ng tao at isa pa,naglilihi rin sya.Nung matapos ang kasal ay naging problema pa rin dahil hindi kami makalabas sa dami ng dumagsang tao.Kinailangan pa ng maraming pulis para mahawi ang mga tao sa daraanan.

So far naging maayos naman nung nasa reception na.Maraming mga artista,singer, producers, directors, production staff at politiko ang dumalo. At sa dami ng bisitang dumating,panigurado malaki ang nagastos ng bagong mag~asawa dito.Alam ko hindi sila humingi ng tulong sa kanya~kanyang pamilya,tanging sila lang talaga ang gumastos para dito.Malaki naman ang mga ipon nila mula sa pag-aartista.

Halos gabi na nung matapos ang kasiyahan.Bago pa man matapos ay tumulak na ang bagong kasal sa Italy para sa kanilang honeymoon. Kami na lang ang naiwan para mag~asikaso sa mga naiwang bisita.

Pagod na pagod na ako nung umuwi na kami nila mommy.Kulang na lang ay pasanin ako ni kuya Andrew dahil hindi ko na halos maihakbang ang mga paa ko.Si Gelo ay umuwi na sa kanila kasama ng pamilya nya na dumalo rin, pagod na rin kasi sya at gusto na raw nyang matulog, bukas na lang daw kami magkita.

Lumipas pa ang mga buwan.Nagsilang na si ate ng isang napakaganda at napakalusog na sanggol na babae.They named her Shanelle Geraldine.At dahil mahaba ang pangalan, daddy suggested na Dindin na lang ang itawag sa baby.She became the joy of the entire family.Madalas namin syang hiramin ni Gelo para ipasyal kapag dumadalaw kami kila ate.

Naging maayos naman ang pagsasama nila, nag lie~low muna si ate sa paggawa ng movies pero kumakanta pa rin sya at ilang tv guestings.Gusto nya kasing mag hands on sa pamilya nya.Itinuloy na rin nya yung pag~aaral nya at sa susunod na taon ay ga~graduate na sya.

Masaya ako sa naging takbo ng buhay ni ate Shane, kahit maaga nyang pinasok ang buhay may asawa kahit paano nagtagumpay naman sya dahil naaasikaso nya ng maayos ang mag~ama nya kahit paminsan~minsan ay nagtatrabaho pa rin sya.Nakikita ko naman na mahal na mahal sya ni kuya Gerald.

Para tuloy gusto ng magbago ng pananaw ko tungkol sa mga lalaking taga showbiz.