webnovel

True Color

Shanaia Aira's Point of View

NGAYONG gabi na nga agad ang schedule ng interview ko with tito Roy. Mabilis kasing naging trending topic yung interview ni Roxanne kaya nagawan kaagad ni tito Roy ng paraan ang schedule. Syempre pampataas ng ratings dahil mainit-init ang balita dahil sikat na actor ang involved.

Marami rin ang nag-aabang kung sino ang babaeng nabuntis ni Gelo. Sa dami ng mga na-involved kay Gelo noon, iniisip ng iba na baka isa sa mga yon. Malabong si Gwyneth dahil nakakulong na ito. At marami rin ang nag-aabang kung may nabuo daw bang love story kay Gelo at sa ina nung kambal niya. Kung mayroon, paanong nangyari na nagkaroon ng karelasyon si Gelo sa mga nakaraang taon?

Ang daming speculations, ang daming nakikisimpatiya kay Roxanne at marami ang nag-aabang sa show ni tito Roy mamayang gabi dahil gusto na nilang malaman ang buhay pag-ibig ng isang Gelo Montero sa likod ng camera.

" Baby are you ready?" tanong ni mommy.

" Yes po mommy. Para sa kambal at para malinawan na rin ang publiko sa iba't ibang speculations na lumalabas. Kung ano-ano pa ang naririnig ng tao sa mga interview ni Roxanne. Madalas lumalabas na siya yung agrabyado sa nangyayari. Lagi niyang sinasabi sa interview sa kanya na yung babaeng nanay ng kambal ay sumasakay lang sa kasikatan ni Gelo. Nagpapapansin lang daw. Sinisira daw yung relasyon nila ni Gelo. Gusto kong matawa dahil paanong nagpapapansin yon eh hindi nga lumalantad?"

" Hay anak, maganda nga na lumantad ka na, tingnan ko lang kung hindi mapanganga sayo yung mga makakapanood. Napaka-ganda mo anak at walang magsasabi na hindi ka bagay kay Gelo. Makakabuti rin na yang paglantad mo ay mawawala na sa image ni Gelo na playboy siya. Hindi nila alam na mula pagkabata ay ikaw lang talaga ang babaeng minahal niya. "

" Kaya nga po maraming advantage ang paglantad ko mom, wala na akong pakialam sa iniingatan kong privacy. Para sa pamilya ko ito kaya okay lang po. "

" Nandito lang kami anak. Everything will be okay. "

" Salamat po mommy. Kayo na po muna ang bahala sa kambal. Gagabihin po kaming masyado dahil late night po ang airing ng show ni tito Roy. "

" No worries anak. Sige na at baka hinihintay ka na ng ate Shane mo. "

Lumabas na ako ng room ko kasunod si mommy. Pupunta naman siya sa kwarto ng mga bata para silipin sila. Galing na ako dun kanina kaya dumiretso na ako sa hagdan at bumaba na.

" Wow! Ang ganda mo naman bunso! " bulalas ni ate Shane pagdating ko sa living room kung saan siya naghihintay sa akin. I am wearing a black bow detail neck Prada dress na binili ko sa Canada noong bago kami bumalik dito and paired it with silver gray wedge of the same brand.

" Ang yaman ng outfit pati pabango yayamanin!" dagdag pa ni ate Shane.

" Ate sa outfit man lang makabawi ako." sagot ko kay ate Shane.

" Anong makabawi? Ang sabihin mo hindi lang yung Roxanne na yon ang kakabugin mo baka pati nga yung may-ari ng network kabog din sayo dyan sa suot mo."

" Ate nga! Tara na nga baka ma-late pa tayo. " sabi ko saka nagpatiuna ng lumakad sa kanya. Si kuya Aris ay nasa labas na at naghihintay sa amin. Kaming tatlo lang ang pupunta sa network. Sila mommy ay sa bahay lang manonood.

Nakausap ko na si Gelo kanina. Susunod na lang daw siya dahil uuwi pa siya para magpalit ng damit. Galing pa kasi siya sa taping nila.

Dumating kami sa network fifteen minutes bago ang start ng show ni tito Roy. Gaya ng instruction sa staff na sumalubong sa amin, dinala kami dun sa dressing room para maghintay. Mauuna ang interview ni Roxanne at mapapanood namin yun sa tv na nasa loob ng dressing room. Hindi alam ni Roxanne na may kasama siya sa interview niya. Nasabi na ni kuya Roy kay ate Shane ang mga questions na itatanong sa akin kaya naman ready na ako pati sa mga papel na dala ko. May tatawag na staff sa akin kapag ako na ang isasalang. Ayon kay ate, iinterviewhin daw ako ni tito Roy sa harap ni Roxanne.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari dahil syempre mabibigla sya. Pero hinanda ko na ang sarili ko para doon sa kung ano man ang magiging reaksyon niya.

NAG-START na ang show. Nagsalita na si tito Roy sa spills nya tuwing mag-uumpisa ang show niya tapos pinakilala na niya yung guest niya.

Tito Roy : Ladies and gentlemen, magandang gabi. Ang panauhin natin ngayong gabi ay kamakailan lang ay nagwagi ng award sa Paris. Nitong nakaraang araw lang ay mayroon siyang rebelasyon na ikinagulat ng mga manonood at tagahanga ng kanyang nobyo na isang sikat na aktor na walang iba kundi si Gelo Montero. Marami ang nagulat at nagpahayag ng kanilang mga haka-haka sa kung ano ba talaga ang totoo sa mga lumalabas na balita. Kaya sa gabing ito tunghayan natin ang side ng ating guest tungkol sa katotohanan ng mga balita tungkol kay Gelo Montero. Please welcome, the beautiful and alluring Ms. Roxanne Alejandro.

Lumabas si Roxanne at sinalubong ito ni tito Roy ng yakap at beso. She is wearing a red wrap around dress in plunging neckline and a red stilettos for her footwear. I can't deny that she's gorgeous.

" Aba maganda naman pala yang karibal mo pero mas maganda ka pa rin baby." bulong ni ate Shane.

" Ate hayan ka na naman." sansala ko kay ate Shane.

" Nagsasabi lang ako ng totoo bunso."

Tito Roy : Good evening Roxanne. Welcome to our show.

Roxanne : Good evening tito Roy. Thank you for guesting me here.

Tito Roy : Totoo pala ang sinasabi nila na napaka-ganda mong babae pero gusto rin kita I-congratulate sa natanggap mong award sa Paris. Congratulations Roxanne. Isang karangalan iyon sa bansa natin.

Roxanne : Thank you tito Roy.

Tito Roy : Roxanne hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nung isang araw, napanood ko ang interview mo at na shocked ako sa revelations mo. Maari mo bang ikwento ang buong pangyayari para dun sa hindi nakapanood nung show.

Roxanne : That day of my arrival, I didn't know na may welcome party sa bahay. Yung agency ko ang naghanda noon para sa akin. In the middle of the party, dumating ang boyfriend ko, si Gelo. Sabi niya, mag-usap daw kami pero sa harap daw ng family ko. So, ako naman medyo na-excite, sabi ko sa sarili ko, this is it, baka magpo-propose na nga siya. Tutal one year na rin kami kaya siguro gusto na niyang mag-propose. Nung nasa harap na kami ng family ko, sabi ng kapatid ko, magpo-propose na raw ba siya. But instead na hingin niya ang kamay ko, nag sorry siya sa harap ng family ko. He broke up with me dahil nalaman niya kamakailan lang na may mga anak na daw siya, at twins po sila.

Dinig ang tinig ng pagkagulat ng audience. Si Roxanne naman gaya nung unang interview sa kanya ay umiyak din siya. Inabutan siya ng tissue ni tito Roy tapos may staff din na nagbigay ng bottled water sa kanya.

Nagpatuloy lang si tito Roy nung kalmado na siya.

Tito Roy : Ibig sabihin, hindi rin alam ni Gelo na may anak siya?

Roxanne : Hindi po. Kaya siya nakipag-break ay gusto daw po niyang bumawi sa mga bata. Sabi ko naman po, ayoko. Kaya kong tanggapin ang mga anak niya at hindi ako makikipag-hiwalay sa kanya. Pero sabi po niya kasama daw nung mga bata yung nanay ng mga ito.

Tito Roy : Sa palagay mo ba, ang babaeng ito na ina ng mga bata ay isa sa mga na - linked kay Gelo noon?

Roxanne : Sa palagay ko tito hindi po. Yung mga na - linked sa kanya ay active po sa showbiz at hindi naman nawala. Si Gwyneth po na huling na-linked sa kanya bago naging kami ay nakakulong naman po. Sa palagay ko, isa itong fan na nag-iilusyon lang at sumasakay sa kasikatan ni Gelo. Hanggang ngayon po kasi hindi pa niya pinapakilala kay Gelo ang mga bata. Sa video call lang sila nagkikita.

" Pigilan mo ako Aira, sasapatusin ko na yang malditang yan sa mga pinagsasabi niya. Mamaya isampal mo nga sa kanya na hindi ka nag-iilusyon." gigil na gigil si ate Shane. Si kuya Aris naman ay natatawa lang sa kanya.

Tito Roy : Roxanne matanong nga kita, paano kayo nagkakilala ni Gelo? At gaano mo siya kakilala? Pero bago yan mag commercial break muna tayo.

During the commercial break, naroon lang kami nila ate Shane at kuya Aris sa dressing room at naghihintay. Tumawag si Gelo kay ate Shane at tinanong kung nasaan kami. Sinabi nga ni ate Shane na nasa dressing room kami at sinabi kung saang banda.

Dahil kabisado naman ni Gelo ang studio, mabilis lang niya kaming natunton.

Natigilan siya nung makita niya ako. Ang tagal nung titig niya sa akin at kung hindi lang siya kinausap ni ate Shane ay baka tumulo na ang laway niya. Haha..

" Hoy Angelo, hindi ka naman obvious nyan? Kung makatingin ka kay baby para siyang math equation na hindi mo ma-solve."

" Ah sorry. Kumusta yung interview ni Roxanne?" tanong niya, sa akin ulit nakatingin.

" Uhm, katulad din nung una pero ngayon commercial break, may hanging questions si tito Roy. You find out for yourself na lang. " sagot ko.

" Naku besty, sarap ipukpok sa kanya itong Balenciaga heels ko. Inulit na naman niya yung ilusyonada at sumasakay sa kasikatan mo yung nanay nung kambal. " nanggigigil pa rin si ate Shane. Natatawa na lang kami sa kanya ni kuya Aris.

" She knew nothing besty. Kapag nagsalita na si Aira, tiyak na kakainin niya lahat ng sinabi niya. Hindi ko alam na may ganyang attitude pala siya, I thought she's real. " tila may pagsisisi sa tinig ni Gelo.

" Hayan, start na ulit." sambit ni kuya Aris kaya tumingin na ulit kami dun sa tv.

Tito Roy : So, Roxanne yung hanging question ko kanina is, paano kayo nagkakilala ni Gelo? At gaano mo siya kakilala?

Roxanne : Nagkilala kami ni Gelo sa Ayala bridge. Sobrang lasing siya nun at nagtangkang tumalon sa tulay. Mabuti na lang napadaan ako dun dahil may pictorial ako sa malapit sa tulay. Yon yata yung time na nagkaroon ng problema sa family nya at kay Gwyneth. Siguro masyado niyang dinamdam yung paghihiwalay nila kaya humantong dun sa sitwasyon na yon. Mula noon naging close na kami, naging magkaibigan until we decided to take it to another step. Sa one year na relasyon namin masasabi ko na kilalang-kilala ko na siya. Until one day, hindi ko na alam dahil bigla na lang siyang nakipag-hiwalay sa akin. Hindi ko alam kung sino itong babaeng ito na bigla na lang susulpot at ipinapaako kay Gelo ang mga anak niya.

Tito Roy : Sa huling salita mo, mukhang hindi mo ganoon kakilala si Gelo. Dapat kung may relasyon kayo, inaalam mo yung nakaraan niya.

Roxanne : Kilala ko naman po tito Roy yung mga na linked sa kanya hanggang sa huling nakarelasyon niyang si Gwyneth. Nakilala ko rin ang mother niya at yung dalawang kapatid nyang nakakabata sa kanya.

Tito Roy : Sila lang ba?

Roxanne : What do you mean tito Roy?

Tito Roy : Malawak ang mundo ng isang Gelo Montero. Bilang girlfriend niya, nagkulang kang alamin ang ilan pang mga bagay na may kaugnayan sa kanya.

Roxanne : Tito Roy tinanggap ko po si Gelo sa buhay ko ng buo, kung sino siya, kung ano yung nakaraan niya.

Tito Roy : Was there a time na parang gustong magkwento sayo si Gelo pero hindi mo siya hinayaan?

Roxanne : Maraming beses po tito. Pero sabi ko hindi na mahalaga sa akin yon dahil past na yon. Ang importante po sa akin ay yung ngayon.

Tito Roy : Kaya ngayon wala kang idea kung sino itong babaeng nabuntis ni Gelo. Baka isa ito dun sa mga ipagtatapat sana niya pero hindi mo siya hinayaan.

Roxanne : Kung sino man siya tito Roy, wala na po akong pakialam. Hindi ko isusuko na lang basta si Gelo. Nasaan ba siya nung mga panahong durog na durog si Gelo? Ngayong maayos na si Gelo at sikat na sikat na ay saka siya lalabas at ipapaako ang mga anak niya na hindi naman sigurado kung kay Gelo nga talaga. Nasasaktan ako tito Roy. Inaagaw niya ang boyfriend ko dahil gusto lang niyang magpapansin.

Nag-commercial break ulit...

Panay ang buntong-hininga ko ng malalalim. Nanginginig ako sa galit. Anong karapatan niyang magsalita on national television gayong wala naman siyang alam. Hindi nakaligtas kay Gelo ang mga mumunting kilos ko, sobrang kilala niya ako kaya alam niyang nagtitimpi lang ako.

Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil-pisil. He's trying to calm me.

" Calm down, any minute tito Roy will call you."

" Wala siyang alam Gelo."

" Yeah. Maisasampal mo na sa kanya ang katotohanan at tiyak na mapapahiya siya sa mga pinagsasabi niya."

"Hindi ka ba nagsisisi ngayon na lumabas ang tunay niyang kulay? Pinagmalaki mo pa sa akin na masaya ka sa kanya. What now Gelo?" napayuko siya sa tanong ko.

" I'm so sorry. Nagsisisi talaga ako. Hindi ko alam na may magaspang din siyang ugali. Lahat yata ng beauty queen na maugnay sa akin, mukha lang ang maganda. Mabuti pa yung doktor, hindi lang maganda, mabait talaga. " I just rolled my eyes on him. Napangiti naman siya sa reaksyon ko.

" Naku kuya, wag ka ngang pa-cute dyan! "

" Bakit ate, naku-cute-an ka ba sa akin? "

" Hoy tama na yan mukhang tatawagin ka na ni tito Roy bunso. " singit ni ate Shane.

May kumatok nga na staff at tinawag na ako.

Pero hindi muna kami kumilos dahil hinihintay pa yung cue.

Tito Roy : Roxanne, mayroon tayong special guest tonight. Isa ito sa mga taong tunay na nakakakilala sa isang Gelo Montero. Hindi mo lubusang kilala si Gelo pero itong taong ito, kilala si Gelo. Siya ang makasasagot lahat ng mga katanungang naka-hang sa isip nating lahat. Siya ang magsisiwalat kung ano nga ba ang totoong buhay ni Gelo sa likod ng camera. Ladies and gentlemen, ang best friend po ni Gelo Montero, Ms. Aira Gallardo.

Tumayo ako agad. Pinisil ni Gelo ang kamay ko at sinabing God bless.

Sumunod ako dun sa staff na tumawag sa akin tapos ni-guide niya ako sa may pinto kung saan ako papasok.

Habang papasok ako sa kung nasaan si tito Roy at Roxanne, kabang-kaba ako. Hindi ko dala yung envelope na kinalalagyan nung mga patunay ko, nasa script kasi ni tito Roy na si ate Shane ang magdadala nun para maging witness din siya sa mga sasabihin ko.