webnovel

The Truth

Shanaia Aira's Point of View

NATATAWA ako kay Jaytee habang karga niya si Shan nung pauwi na kami. Sinesermunan niya ito na akala mo malaking tao na. Nakatingin lang kami ni Yella sa kanilang dalawa.

" You promised me little boy that you will never make kulit, but what happened there earlier, hmm? Ginulo mong lahat ang mga nagta-trabaho sa office ko." panenermon pa niya.

" Dada, I did nothing." pangangatwiran pa ng bubwit.

" You did nothing? Really little boy? Ang liit mo pero ang laki ng nagagawa mo talaga. " kunsumido na talaga siya sa kausap niya.

" What? It's true dada. I just helped

them clean their mess." lalong napatapik si Jaytee sa noo niya.

" Good Lord, Aira ikaw nga ang kumausap sa makulit na ito. " sabi niya sa akin na tila ang laki ng problema niya, natatawa kong hinarap ang anak ko. Madalas sa bahay ganyan talaga ang eksena nilang dalawa.

" Shan, you're making your dada's life miserable. What you did earlier is not a help, you just thought you were helping them, but what you did made them even more problematic. You did put all the documents in the shredding machine because you think it's their trash. " paliwanag ko sa bata. Nalungkot naman siya nung ma-realized niya yung sinabi ko. Matalino yan eh, mana sa akin. haha.

" Sorry mom. Sorry dada. " tumingin siya kay Jaytee tapos hinalikan nya ito sa pisngi.

" You really know how to pacify me little boy. Okay, you're forgiven. But from now on, you won't dare do it again. Promise?" sabi ni Jaytee kay Shan.

" I promise dada." sagot nya na nakataas pa ang kamay.

Pinanggigilan ni Jaytee ang bata. Super close sila ni Shan kahit sobrang kulit nito. Lahat ng gusto ni Shan ay ibinibigay niya. Madalas niyang sabihin sa akin na kaming mag-iina daw ang nagpabago sa kanyang buhay, at ako rin daw ang dahilan kung bakit siya masaya ngayon.

Masaya siyang kasama ako but not in a romantic way. Totally moved on na siya sa akin noon pa. Ako lang ang dahilan kung bakit siya masaya dahil yung 2 years girlfriend niyang iniwan dito sa Canada noon nung ipinadala siya ng daddy niya sa US ay binalikan siya ng dahil sa akin.

It's really a coincidence because his ex, Feliche Guererro Aragon is my cousin. Apo ito ni lolo Franz sa anak niyang si tita Emy. Nagkita kami sa med school noon at nung makita niyang sinundo ako ni Jaytee, doon ko nalaman na siya pala yung ex girlfriend.

Close kami ni Feliche noong bata pa kami kaya lang naputol iyon nung bumalik na siya sa US dahil doon naman talaga naka base sila tita Emy. Nagkikita naman kami noon kapag nagbabakasyon kami sa US. Wala lang siya noong nagkita kami ni Jaytee sa US noong kasama ko si Gelo. Nandito siya sa Canada noon.

Naging magkaklase sila ni Jaytee noong college sila dito sa Canada, dun din sa med school na pinasukan ko. Isa na siyang Psychiatrist ngayon at may clinic siya sa hospital nila Jaytee.

Alam na niya ang sitwasyon namin ni Jaytee, wala akong inilihim sa kanya. Alam din niya ang tinakasan ko sa Pilipinas. Ako ang tumulong kay Jaytee para magkabalikan sila. And now, more than 2 years na silang together. They planned to get married next year. Pwede naman na dahil nag-divorced naman na kami ni Jaytee 2 years ago pa. Nagpakasal lang naman kami ni Jaytee para sa citizenship ko dito sa Canada. Walang romantic feeling involved sa aming dalawa. We're just friends. Best friends to be exact.

Well, except for the fact that we have kids but Jaytee is not their biological father, anak ko sila kay Gelo. Apelyido lang ni Jaytee ang gamit nila dahil nung ipinanganak ko sila, hindi pa kami divorce.

Nakatira kami sa iisang bubong ni Jaytee kahit divorced na kami dahil ayaw niyang mapalayo sa kanya ang mga bata. Alam ni Yella at Shan ang totoo. Bata pa lang sila ipinaintindi na namin sa kanila na hindi si Jaytee ang tunay nilang daddy and besides kasama na namin si Feliche sa bahay since ma-engaged sila kaya kailangang ipaintindi yun sa mga bata.

Never akong nagkaroon ng anumang sexual intimacy kay Jaytee. Ayokong magtaksil kay Gelo. Sa papel lang kami kasal ni Jaytee kaya walang magsasabi kung may makakilala man sa akin na lumandi ako dito sa Canada. Si Gelo pa rin talaga. Legal ang kasal ko sa kanya.

Lumayo man ako ay para lang din sa ikabubuti ng lahat. At ang isa at pinaka malalim kong dahilan kaya tuluyan akong umalis sa Pilipinas ay dahil gusto kong protektahan ang sarili ko laban kay Gwyneth. Kaya nga takot na takot ako nung ipadukot ako at dalhin sa lumang warehouse na yon.

Ayoko ng maulit yung nangyari noon dahil kay Gwyneth. Nawala ang unang anak namin ni Gelo ng dahil sa makasarili nyang hangarin. Kaya kahit masakit na mawalay ako kay Gelo, tiniis ko dahil gusto kong protektahan din ang sarili ko.

Dahil nung mga panahong yun ay ramdam ko na yung mga sintomas na buntis ako.

Kung hindi ako umalis ng Pilipinas baka napahamak na ako. Kundi wala kami ngayong Ariella Shaira at Angelo Shaniel.

" Where's mama Feliche, dada?" narinig kong tanong ni Yella sa dada nya mula sa backseat.

" Oh she's already in our house princess. Her duty in the hospital is at night shift, isn't it?" sagot ni Jaytee kay Yella. Panggabi ang shift ni Feliche kaya kapag umaalis kami ni Jaytee sa umaga, pauwi pa lang siya. Next month babalik na siya sa normal hours na duty niya, may mga baguhang pasok kasi sa ospital kaya nagkaroon ng shifting pansamantala.

Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami agad ni Feliche. Agad namang tumakbo ang kambal papunta sa kanya.

" We missed you mama Feli." sabay pa nilang tili. Tuwang-tuwa naman silang kinarga ni Feliche. Tig-isang braso niya sila.

" Hey, careful kids." sabi ni Jaytee. Agad inalalayan ang kambal.

" Cuz?" tawag ni Feliche sa akin. Parang yung mga mata niya ay may nakatagong pangamba nung tingnan nya ako. Sumikdo naman yung dibdib ko. Pakiramdam ko may problema.

"What?" tanong ko. Kabang-kaba ako.

" Sila mama, nandito kanina. Nabigla ako kaya yung mga malalaking pictures natin sa living room nakita nila." sagot niya. Nagulat ako sa sinabi nya.

" Nila?" bulalas ko.

" Oo cuz. Nila. Kasama ni mama si lolo at lola Paz."

Nanlalambot akong napaupo sa couch. Wala na, may nakaalam na nandito ako sa Canada.

" Anong sabi nila cuz? "

" Gusto ka nilang makausap. Nasa hotel sila dahil may business transactions si lolo dito, magkakaroon yata ng branch dito ang resto niya. "

" Cuz paano kung hindi ako pumunta?" tanong ko.

" Aira, harapin mo na sila. Nagagalit si lolo dahil hanggang ngayon hindi raw tumitigil sila tita Elize sa paghahanap sayo. Kung hindi ka pupunta, expect mo na within a few days nandito na ang buong pamilya mo. "

" Ano gagawin ko Feli? Hindi pa ako ready na humarap sa pamilya ko. Sigurado na kapag nakausap ko si lolo Franz, pauuwiin na niya ako. Alam mo na si lolo, kapag siya ang nagsalita, batas yon na kailangang sundin ng pamilya natin. "

" Sundin mo si lolo Franz para malaman mo na rin kung ano ang nangyari dun sa mga isinakripisyo mo. " sabi ni Feliche.

" Bakit? May nabanggit ba si lolo? " kinakabahang tanong ko.

" Ikaw na ang magtanong sa kanya. Mukha nga talagang mapapaaga ang uwi natin sa Pilipinas. "