webnovel

The Interview

Shanaia Aira's Point of View

KINAKABAHAN ako habang papasok ako sa loob. Nung nandoon na ako sandaling natigilan si tito Roy, mukhang namatanda pagkakita sa akin. Si Roxanne naman puno ng paghanga ang nakikita ko sa mga mata niya pero pilit niyang itinatago. Napansin ko pa na hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Tito Roy : Pasensiya na Aira kung na-starstruck ako sayo. Napakaganda mo talaga. The last time I saw you ay noong kasal pa ni Gerald at Shane. You've grown up into a beautiful and gorgeous lady. Anyway, this is Roxanne Alejandro, I guess nabanggit na siya ni Gelo sayo.

Aira : Hello Roxanne, nice meeting you here and thank you tito Roy for guesting me here in your show, its a pleasure for me po.

Tito Roy : Thank you rin sa pagpapaunlak mo. Alam mo naman siguro ang mga kumakalat na balita ngayon tungkol kay Gelo. We invited you here para sa ilang katanungan na maaaring magkaroon ng kasagutan mula sayo para malinawan ang lahat ng mga manonood. Aira, my first question is, how well did you know Gelo Montero? Kailan kayo nagkakilala?

Aira : I was eight years old when I met Gelo, birthday party yon ni ate Shane. Since then naging close na kami. Sila ni ate Shane ang mag-bestfriends talaga kaya lang nung magkaroon na ng boyfriend si ate Shane, kami na ni Gelo ang laging magkasama at naging mag bestfriends. I know him so well. Lahat ng gusto at ayaw niya, alam ko. Including his dark secrets. Wala siyang itinago.

Tito Roy : Wow! Grabe pala talaga ang closeness ninyong dalawa. Second question Aira. Ilan ang naging girlfriends ni Gelo noon?

Aira : Actually, si Gelo hindi girlfriend ang tawag niya kapag hindi niya niligawan yung girl.

Tito Roy : What do you mean Aira?

Aira : Ang tawag dun ay MU lang.

Roxanne : You mean hindi niya ako girlfriend kasi hindi niya ako niligawan?

Aira : Hindi.

Roxanne : Gaano ka kasigurado na ganun nga? Hindi mo alam yung level ng pinagsamahan namin.

Aira : Level is different from label Roxanne.

Hindi siya kumibo, mukhang natameme siya. Wala naman talagang ligawan na nangyari sa kanila. Hindi ko nga alam kung bakit tinawag siyang girlfriend eh hindi naman nagbibigay talaga ng label si Gelo.

Tito Roy : So kung ganoon nga, ilan ang naging girlfriend ni Gelo, Aira?

Aira : Isa lang tito Roy. Kasi si Gelo, pag nagmahal, todo talaga. Kung sino yung first niyang minahal yun din yung last niyang mamahalin.

Roxanne : Ang ibig mong sabihin hindi niya talaga ako minahal?

Aira : Minahal ka naman niya pero hindi umabot dun sa punto na nagawa mong makalimutan niya yung una niya.

Tito Roy : Enough Roxanne, pakinggan na lang muna natin yung mga isasagot ni Aira sa mga katanungan dito. So Aira, ang ibig din bang sabihin nyan, yung nanay nung kambal ni Gelo ay posibleng yung una niyang minahal?

Aira : Yes po tito Roy.

Nakita kong nag-iba ang timpla ng mukha ni Roxanne. Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Iniisip kasi niya siguro na isang fan lang na nag-iilusyon yung nanay nung kambal.

Tito Roy : Kilala mo siya kung ganon?

Aira : Kilalang-kilala tito Roy. Hindi po siya isang fan lang na nag-iilusyon na anak ni Gelo yung kambal. Hindi rin siya nakikisakay sa kasikatan ngayon ni Gelo. Nagkataon lang na gusto ng makilala nung mga bata ang tatay nila. Hindi rin sila anak ng kung sino lang. Anak talaga sila ni Gelo.

Roxanne : Bakit ngayon lang siya lumitaw? Nasaan siya nung mga panahong durog na durog si Gelo at ako lang ang naging takbuhan niya?

Tito Roy : Oo nga Aira. Bakit ngayon lang siya lumabas? Alam mo ba kung bakit nawala siya nung mga panahong sinira ni Gelo ang sarili niya after nilang maghiwalay ni Gwyneth? At kung isa lang ang naging girlfriend ni Gelo, ano si Gwyneth sa buhay niya?

Aira : Isa pa yan sa gusto kong linawin sa inyo at sa publiko. Si Gelo po ay hindi playboy gaya ng sinasabi ng ilan. Si Gwyneth po ang naging dahilan ng paghihiwalay ni Gelo at nung nanay ng mga anak niya. Sobrang na-obsessed si Gwyneth kay Gelo to the point na nakagawa na siya ng masama. Alam nyo na ang balita kung ano ang ginawa nila sa mga tatay namin at sa kuya ko kaya sila nakulong. Ang isa pa pong pangyayari na hindi na nabalita ay yung pagpapakidnap ni Gwyneth kay Gelo at dun sa nanay nung kambal. Nung makatakas sila, lumayo na yung babae at si Gelo ay napilitang makisama kay Gwyneth pero hindi rin naman nagtagal dahil naipakulong sila ng mga tatay namin dahil sa mga krimeng ginawa nila. Hindi si Gwyneth ang dahilan kung bakit nasira si Gelo ng ilang panahon, yun ay dahil sa iniwan siya ng babaeng mahal niya para protektahan yung ipinagbubuntis niya. Minsan na kasi silang nawalan ng anak ni Gelo dahil din kay Gwyneth.

Narinig kong napasinghap yung mga tao sa studio. Maging si Roxanne ay hindi makapaniwala. Si tito Roy ay kalmado lang dahil may idea na siya sa tinatakbo ng interview. Alam ko ang susunod na tanong ni tito Roy sa akin, at ito ay lalong magpapagulat sa audience.

Ngunit sumenyas na ang EP ni tito Roy na lampas na yung oras ng airing ng show nila kaya nagpaalam na si tito Roy sa mga televiewers at sinabing panoorin na lamang ang part two nitong interview sa amin kinabukasan ng gabi.

Kaya nagpatuloy sa studio ang interview sa amin. Medyo nabawasan ang kaba ko dahil studio audience na lang ang nanonood.

Tito Roy : So itutuloy natin ito pero dito na lang sa studio ang live interview, mapapanood ito bukas ng gabi ng publiko sa kanilang mga television. So sa ating pagpapatuloy. Ang tanong ko na lang Aira, ano ang plano ni Gelo sa pagbabalik ng dati niyang minamahal?

Aira : Plano niyang buoin ang pamilya niya tito Roy.

Tito Roy : Do you mean magpapakasal na sila nung nanay nung kambal?

Heto na yung tanong na kinakabahan akong sagutin.

Aira : They are already married even before Gwyneth's time, itinago lang sa publiko.

Biglang natahimik ang mga tao sa studio. Si Roxanne ay napatakip ng bibig.

Tito Roy : You mean Gelo Montero is secretly married?

Aira : Very much married tito Roy for more than five years. Kaya po yung mga nali-linked sa kanya ay iniiwasan niya. Well pwera dito kay Roxanne because he thought nag-asawa na yung babae sa ibang bansa, that's the time na nakita siya ni Roxanne sa tulay. Pero mali pala yung akala niya that's why nakipag break siya kay Roxanne sa harap mismo ng family niya. He respect her no matter what.

Roxanne : Hindi totoo yan, hindi ako naniniwala! Nagsisinungaling ka lang para pagtakpan si Gelo. Kahit na may anak na sila ni Gelo, hindi yon dahilan para isuko ko na lang ng basta-basta si Gelo sa kanya. Tatanggapin ko ang mga anak niya pero hindi ako makikipag-hiwalay sa kanya. At ikaw bestfriend ka lang, ano ang patunay mo na may asawa na si Gelo? Kung sikreto yun dapat silang dalawa lang ang nakakaalam. Bakit ngayon sinasabi mo ang lahat dito? Hindi ba dapat si Gelo ang nagsasabi nyan? Hindi ikaw na bestfriend lang!

Aira : Oh well, iyan ang madalas na isampal sa akin ng mga babaeng baliw kay Gelo. Na bestfriend lang ako. Pero ang hindi alam ng publiko na ako, ang bestfriend ni Gelo ang tunay na girlfriend niya noon at pinakasalan niya five years ago.

Napa-ow ang mga nasa studio sa rebelasyon ko kaya pansamantala akong tumigil.

Aira : Yes, tama po ang dinig ninyo. I am Gelo's wife tito Roy. I am Shanaia Aira Gallardo Montero. Ang nag-iisang babaeng minahal ni Gelo Montero na itinago niya ng matagal.

Biglang napasinghap muli ang lahat.Napuna ko ang audience na natulala at yung iba ay parang hindi mag-sink in agad sa kanila ang sunod-sunod na rebelasyon. At halos sabay-sabay na napatingin sa gawi namin dahil biglang naghihisterikal na si Roxanne.

" Hindi ako naniniwala sayo. Ginagawa mo lang yan para tuluyan na kaming maghiwalay ni Gelo." sabi niya sa akin. Nakapagitna si tito Roy sa aming dalawa.Umiiyak siya at ang talim ng tingin niya sa akin.

" Maniwala ka man o hindi pero yan ang totoo. Hindi ako nag-iilusyon Roxanne gaya ng sinasabi mo sa mga interviews mo. Hindi ako kung sino lang na ipinapaako ang mga anak ko sa kanya dahil nagpapapansin ako at sumasakay sa kasikatan niya. Bago ka pa man dumating sa buhay niya, sikat na si Gelo kaya huwag mong akuin na ikaw ang dahilan kaya narating niya ang kinalalagyan niya ngayon. Kahit wala ka kaya niyang ibangon ang sarili niya. "

Umiyak lang siya ng umiyak tapos nung medyo kumalma siya ay inayusan siya ng make up artist. Mapapanood pa rin naman kasi ito sa tv bukas ng gabi.

Tito Roy : Marami ang nagulat sa revelation mo Aira. Marami ang humihingi ng pruweba lalo na ang mga fans ni Gelo at Roxanne dahil hindi sila makapaniwala. May mga dala ka bang dokumento na magpapatunay?

Roxanne : Oo, isa ako sa hindi naniniwala sayo. Nasaan ang pruweba mo?

Aira : Meron po akong proofs tito Roy. Nandiyan po ang ate ko at dala ang lahat ng proofs na hinihingi niyo.

Nang sabihin ko yon ay bigla na lang naghiyawan ang mga tao sa studio dahil biglang pumasok si ate Shane kasunod si Gelo na dala yung envelope. Maging si tito Roy ay nagulat din sa biglang pagsulpot niya. Wala kasi yun sa script.

Hello guys.. nabitin na nman ba kayo? Next update po yung kasunod dahil sumobra po sa haba kaya pinutol ko.

Kam-sa-ham-ni-da ❤️

AIGENMARIEcreators' thoughts