webnovel

Space and Time

Shanaia Aira's Point of View

I CLEARLY heard what he said but I chose to remain silent and make him believe that I'm peacefully asleep.

Para kasing may bikig sa lalamunan ko. Hindi ko kayang magsalita sa harap nya at baka maiyak ako. Ayokong makaramdam sya ng sobra-sobrang guilt sa pagiging pabaya nya sa akin nitong mga nakaraang araw. Hindi naman nya kasalanan iyon.

I know we need to talk about this small problem. We need to fix this bago kami masira ng tuluyan.

Huminga ako ng malalim at saka dahan-dahang dumilat para kunwari ay nagising lang ako ng biglaan.

Nakita ko ang gulat sa reaksyon nya ngunit agad ding naitago. Ngumiti sya at inilahad ang kamay sa akin para ako makabangon mula sa kama.

" Uh, iinitin ko lang yung pagkain para makakain ka—"

" Don't bother, kumain na ako." nagkatinginan kami at marahan akong tumango.

" Baby—"

" Uh sige ihahanda ko na yung bihisan mo. Maligo ka na." mabilis na akong tumungo sa closet namin upang hindi na sya makapag-protesta pa.

Pagbalik ko ay lagaslas na lang ng tubig mula sa bathroom ang naririnig ko. Ipinatong ko ang pantulog nya sa gilid ng kama at saka ako muling nahiga.

Ilang sandali lang ay narinig ko ng bumukas ang pinto ng bathroom kasabay ng halimuyak na galing sa shower gel na ginamit nya ang kumalat sa buong silid. Pinakikiramdaman ko ang bawat kilos nya. Naramdaman kong dinampot nya ang pantulog sa gilid ng kama.

Ilang sandali ulit ang lumipas ng maramdaman ko na lumundo ang kama sa may panig nya. Hindi ako kumikibo. Nakaharap ako sa kabilang side, nakatalikod sa kanya kaya hindi ko alam kung ano ang posisyon nya sa pagkakahiga.

Halos manigas ako ng bigla syang yumakap sa akin mula sa likuran. Hinalikan nya ako sa batok na lalong nagpadagdag sa paninigas ko. Sana lang hindi nya nahalata.

" Baby I'm sorry." bulong nya. May lungkot na nakapaloob sa tono ng boses nya. Nagtatalo ang puso at isip ko kung haharapin ko ba sya at kakausapin. Sa huli ay napagpasyahan ko na humarap. We need to talk.

" Para saan bhi?"

" For not being with you. Napabayaan na kita. Hindi na tayo halos nakakapag-usap. I miss you baby. I miss us. Naiinis ako sa sarili ko kasi yung dinanas mo noon sa pamilya mo, mukhang nagagawa ko na rin sayo. Ikaw dapat ang priority ko pero mukhang hindi na ganoon ang nangyayari sa ngayon. And I felt guilty about it. Ayoko ng sitwasyon ko ngayon sa trabaho ko, kaya ayoko ng may ka-love team dahil hindi maiwasan na may ipagawa sa akin ang management para sa ikasasaya ng fans. Ayoko nito baby. Ayokong nakikitang malungkot ka, na napapabayaan kita. Alam ko na kahit naiintindihan mo, nasasaktan ka pa rin lalo na kapag nakakapanood ka ng mga interviews at guestings namin. It's just for a show but I know its making you upset. I'm sorry baby. I'm sorry. " malungkot na turan nya habang hawak nya ng mahigpit ang mga kamay ko.

Nagpakawala muna ako ng malalim na hinga bago ako nagsalita. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata.

" Bhi, I'm not some kind of hypocrite if I tell you that it's okay. To tell you honestly, it's not. Maaaring naiintindihan ko pero hindi ko maiwasang hindi ma-upset, hindi masaktan.So I decided to give you space and time before things gets worst between us. " nagulat sya sa sinabi ko. Nakatingin sya ng matiim sa akin na tila ba tinubuan ako ng isa pang ulo.

" W-what? Ulitin mo nga yung sinabi mo? "

" I'm giving you space bhi. Para hindi ka na nagi-guilty ng ganyan. Para malaya mong magawa ang trabaho mo ng hindi ka nag-aalala —" he cut me off.

" Naririnig mo ba yang sinasabi mo baby? Sa tuwina na lang ba na ganito, space lagi ang solusyon sayo? Noong nag-uumpisa ako nung makabalik ako sa showbiz, nangyari na ito. Humingi ka ng space, binigay ko sayo. Pero baby, iba noon, iba ngayon. Girlfriend pa lang kita noon, asawa na kita ngayon. Magkaiba na baby ang sitwasyon. Hindi ako papayag this time sa suggestion mo. Ayoko. Mas lalo akong hindi mapapanatag kung gagawin natin yang hinihingi mo. Sabihin mo ng selfish ako o inconsiderate, hindi kasi tama kasi mag-asawa tayo. We are one. Kung saan ka, doon din ako. " medyo mariin ang pagkakabigkas nya ng mga salita. Alam ko na naiinis sya sa suggestion ko pero tinitimpi nya lang.

" We are slowly drifting apart bhi because of your responsibilities in the industry. Space is what we need right now para maisalba natin ang relasyon natin. To do your own thing and pursue your own interest.It lets you have a sense of privacy, a need that doesn't go away just because you're in a relationship with someone.You get time off to relax without feeling as though you're neglecting the responsibilities of being part of a couple. " paliwanag ko. Tagusan ang tingin nya sa akin, parang iniintindi ng husto ang argumento ko.

" I got your point. You have a point there but space is not healthy for married couple like us baby. Kumpara sa magkasintahan parang cool off muna tayo ganon? Hindi pwede yun baby, mag-asawa nga tayo. Maaring nahihirapan tayo pareho ngayon pero dapat maghanap na lang tayo ng solusyon maliban dyan sa space na iminumungkahi mo. Hindi ko naman kailangan ng kalayaan para magawa ko yung gusto ko. Ang kailangan ko yung asawa ko na nandyan sa tuwing uuwi ako. Oo guilty ako kapag hindi kita nabibigyan ng oras pero naisip mo ba na kung papayag ako sa space na hinihingi mo, mawawala yung guilt na yon? Hindi baby, mas madaragdagan pa nga kasi alam ko na nagtitiis ka para sa kapakanan ko. Mas mag-aalala lang ako kung hindi kita nakikita at hindi ko alam ang nangyayari sayo. Kaya it's a big NO for me baby. I'm sorry. Pag-usapan na lang natin kung ano ang mas mabuting gawin, hindi talaga ako pabor dyan sa space, space na yan. Gawain lang yan ng mag-syota. " napangiti ako sa mga sinabi nya. Tama rin naman sya. May punto ang mga argumento nya. Siguro nga dapat naming pag-usapan na lang kung ano ang mabuting gawin.

" So okay ka na? " tanong nya.

" Yeah. Ano ba ang mabuting gawin bhi? Natatakot lang naman ako na tuluyan na tayong mag-drift apart." ngumiti sya at pinisil ang pisngi ko.

" Baby hindi ba sabi ko sayo, we're in this together, we've got each other's back? Just stay still baby. Isuko mo ang lahat ng apprehensions mo at itatapon ko naman ang guilt feelings ko. We can work on this, together. On my part, kailangan kahit ilang minuto lang bago ako umalis ng bahay maglalaan ako sayo, ganun din sa pag-uwi ko. On your part naman, remind mo ako palagi kung nakakalimot na ako sa obligasyon ko bilang asawa mo. Nahihiya ka kasing istorbuhin ako, wag ganon baby, artista lang ako sa labas pero dito sa loob asawa mo ako. Understand baby? " nakangiti akong tumango.

" Okay. Its a deal? " tanong nya.

" Its a deal. "

" Wala ng space, space? "

" Wala na. "

" Okay. Let's have an exercise. "

PAK!

" Aray! bakit na naman? Isang linggo na baby, maawa ka naman. "

" Ewan sayo! Sa sobrang busy mo, nakalimutan mo ng tingnan ang kalendaryo.May period ako ngayon kaya sorry ka. "

" What! " kakamot-kamot pa syang tumingin sa calendar na sya mismo ang naglagay sa side table.

" Oo nga noh? " sambit nya saka tumingin sa ibabang bahagi ng katawan nya. " Sorry junjun. Hand exercise muna tayo ngayon! "

Hahaha. Baliw talaga tong si Gelo.

Nawala na ang bigat na nakadagan sa dibdib ko. Proper communication lang talaga ang solusyon. Maaaring tama rin yung space na hinihingi ko pero tama rin naman sya sa solusyon nya. Dapat ang mag-asawa, magkasama sa anumang pagsubok.Yun ang sinumpaan nyo at yun ang dapat. Kung bibigyan nyo ng kalayaan ang isa't isa na gawin ang gusto nyo, hindi nga naman healthy.

Tama nga naman si Gelo. Ang space, pang mag-syota lang yan....