webnovel

No One Will Know

Shanaia Aira's Point of View

" Hi baby!" bungad na bati ni Gelo, nasa bukana pa lang sya ng pinto ay unti-unti na nyang hinuhubad yung disguise nya.

" Bakit ngayon ka lang? Sabi mo susunod ka kaagad? " tanong ko. Kanina pa kasi ako nakabalik dito sa hotel, magta-tanghalian na ngayon, umaga nung iwan ko sya dun sa hotel na tinutuluyan nila.

" Nagpatawag kasi ng meeting si direk. Kaya pala pinuntahan ako ni Gwyneth kaninang umaga para sabihin na may meeting. Sinabi daw nung chambermaid na nasalubong nya na umalis ako kaya hinintay nila akong bumalik." napangiti ako ng malapad dun sa sinabi nya.

" Alam ko na ikaw yon baby. Ano na naman ginawa mo at asar na asar yung si Gwyneth kanina? " tanong nya. Amusement was seen in his eyes. He knew me so well.

" Wala ah. Sinabi ko lang na umalis ka. "

" Yun lang?" hindi makapaniwala nyang tanong. Hindi kumbinsido sa sagot ko. Kilala nya kasi ang kapilyahan ko.

" Well, yun lang talaga ang sinabi ko but incidentally, I said it in different native dialect in Visayan tone. Wala na kasi akong maisip na palusot para hindi sya tumuloy sa room mo. " natawa na sya sa akin ng husto, naiiling na pinanggigilan na naman ang pisngi ko. Tapos mabilis akong hinalikan sa labi. Para-paraan din eh.

" Hahaha. Ikaw talaga baby, ang cute mo. Naririnig ko nga syang nagku-kwento dun sa staff kanina, na yung chambermaid daw tisay na bisaya na parang German daw ang sinasabi kaya nilayasan nya. Kaya naman pala. Ang galing mo rin magpanggap baby buti na lang wala syang alam na native dialect kaya nakalusot ka. "

" Hindi ko nga rin alam kung ano yung pinagsasabi ko eh. Mukha nga akong tanga kanina dun. "

" Hahaha. effective naman, naitaboy mo sya. Ang daming pwedeng tumawag sa akin pero sya ang nagprisinta, hindi ko alam kung ano na naman ang binabalak nya. "

" Bakit may ginawa na ba sya sayo? "

" Nothing serious pa naman, yun lang nung nag-confessed sya ng feelings nya dahil nalaman nya na nabasa ko yung tabloid na may interview sayo. Tapos yung sa bar kung saan ako pinaghahampas ni Shane dahil nakita nyang hinalikan ako ni Gwyneth. "

" Hindi pa pala serious yun ha? "

" Kaya pang i-tolerate. Pero wag lang syang magkakamali na sirain tayong dalawa, lalo na ikaw, may paglalagyan sya talaga sa akin. " seryosong turan nya. Walang bakas ng kahit ano na nagbibiro lang sya.

" Hindi ko rin naman hahayaang may magawa sya. Kahit na anong paraan bhi, gagawin ko basta ma-protektahan lang kita sa kahit na sinong babae. Ang akin ay akin kaya huwag silang magkakamali." napangiti sya sa sinabi ko.

" That's my wife, possessive. Gusto ko yan baby. " niyakap nya ako at saka hinalikan sa ulo.

" Asus akala mo sya, hindi possessive. Ang territorial mo rin kaya noh. " ingos ko.

" Hahaha. Syempre akin lang ang baby kong masarap—" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

" Bhi!?" bulalas ko. Naeskandalo na naman ako sa walang filter nyang bibig. Hinampas ko sya sa braso. Aray ha! Ang tigas ng biceps nya.

" Masarap magluto! Hindi pa kasi ako tapos eh. Bakit ano ba ang inaakala mong sasabihin ko? " painosente pa na tanong nya.

" Ewan sayo bhi. Ang mabuti pa mag-impake na tayo para sa pag-uwi natin bukas.Sino ba mauuna sa atin bukas?" tanong ko kasi sya ang bumili ng plane ticket ko kaya alam nya sigurado. Sila kasi isang grupo sila, sagot yun ng movie producer nila.

" Ikaw ang mauuna, mga ilang oras lang naman then the day after tomorrow, flight na natin sa US. " sagot nya. Hay salamat medyo makakahinga na ako ng maluwag, hindi na namin kailangang mag-disguise tuwing lalabas kami na magkasama.

" Okay."

" Baby?"

" Hmm. "

" May Christmas party ang buong production team mamaya, ayaw ko na sanang umattend pero gusto nung producer na nandoon kaming lahat. Inaalala kita, mag-isa ka lang dito. Gusto kitang isama pero maraming reporter na naka tambay doon. Ano sa palagay mo ang pwede nating gawin para makasama kita? " tila problemado talaga sya habang nagsasalita.

" Saan ba ang venue ninyo? " tanong ko.

" Dun sa resto na katabi ng hotel na tinutuluyan namin? Why? "

" Anong oras? " tanong ko ulit.

" Mga 8pm daw ang start. Bakit nga? " tila naiinip na sa sagot ko.

" Basta! Just watch and learn."

" Ano na naman ba yang tumatakbo sa maganda mong utak?Basta siguraduhin mo lang baby na hindi ka mapapahamak dyan. " nag-aalalang wika nya.

" Basta bhi, ako na ang bahala. Trust me!" pangungumbinse ko pa.

" You know that I trust you 100 percent. "

" Good! " sabi ko then I gave him a light kiss on his lips.

_________________

Alas sais pa lang umalis na ako sa hotel. Nagtataka man si Gelo kung bakit maaga akong umalis, hindi na sya nagtanong dahil alam nyang may binabalak na naman ako.

Dala ang backpack bag ko, pumunta na ako dun sa resto na sinasabi ni Gelo na paggaganapan ng Christmas party nila.

Pagdating ko dun ay may mga nag-aayos na para sa party. Busy ang mga crew pero may ilan-ilan din na kumakain sa kabilang side. May mga waitresses naman na nagse-serve.

Umorder ako ng ice tea at sandwich sa waitress na lumapit sa akin. Mukha naman syang mabait kaya chinika-chika ko sya. Nung medyo palagay na ang loob nya sa akin, saka ko inilahad sa kanya ang pakay ko.

Eight in the evening.. Nagsimula ng magdatingan ang mga artista at production staff nung movie nila Gelo. Nasa isang sulok lang ako habang pinapanood ang kilos ng bawat isa. Nakita kong umupo na sa isang table si direk Cathy kasama nung producer nila. Nakita kong dumating na rin yung second lead actor na si Rico kasama yung ka loveteam nya na si Vanessa. Huli kong nakita ang pagpasok ni Gelo kasabay si Gwyneth. Naka-angkla pa ang mga braso nya sa braso ni Gelo. Hinayaan ko na lang tutal just for a show lang naman.

Nasa iisang table si Gelo at Gwyneth kasama yung mga second lead na si Vanessa at Rico. Nagsimula na silang kumain kaya lumapit na ako sa table nila.

" Sir, ma'am, excuse me po. Ilalagay ko lang po itong juice sa table nyo.Do you need anything pa po? " napatingin silang apat sa akin. Matagal akong tinitigan ni Gelo. Pinagmasdan nya ako mula ulo hanggang paa tapos walang salitang yumuko na sya at ipinagpatuloy ang pagkain.

Tumalikod na ako at nagmamadaling bumalik sa kung saan ako naka-pwesto kanina pero bago pa man ako makarating may mga naka-salubong akong mga reporter na papunta yata dun sa table nila Gelo.

Dahil nag-uusap sila, hindi sinasadyang nabangga ako nung isang bading na reporter.

" Ano ba naman miss, shunga ka ba? Bakit hindi mo tinitingnan ang nilalakaran mo?" mataray na hinarap nya ako.

" Eh sir kayo po yung nakabangga sa akin dahil nag-uusap kayo nyang kasama mo. Umiiwas nga po ako kaya lang pasulong na kayo. Pasensya na po." hinging paumanhin ko.

" O siya, ako na kung ako. Lumayas ka na dyan sa harap ko at naaalibadbaran ako sayo. Tsupi! " sabi nung reporter. Pinagmasdan ko syang mabuti at nakilala ko. Siya yung reporter na madalas sa bahay namin na nag-iinterview kay ate Shane. Pag sa bahay, sweet sya sa aming lahat pero ngayon tinatarayan nya ako.

Umalis na lang ako at tumungo na dun sa pwesto ko. Lihim akong napangiti.

Good job Shanaia Aira!

No one recognizes you.

Even your own husband.

Hi guys! Dahil wala akong update kahapon dahil busy ako, mayroon itong kasunod na ipo-post ko mamaya. Sana po mag post din kayo ng reviews nyo bilang suporta kay Aira at Gelo. Salamat sa mga nagbabasa at nagbibigay ng komento, nakakagana po yun para sa isang writer na magpatuloy sa pagsusulat. Thank you and God bless. ❤️

AIGENMARIEcreators' thoughts