webnovel

No Filter

Shanaia Aira's Point of View

HINDI ko alam kung ano ang pwede kong isagot kay direk Cathy na hindi ako magsisinungaling at yung siguradong makukumbinsi ko sya sa anumang isasagot ko. Sabi nga ni ate Shane madalas, do not confirm nor deny either.

" Wala pong girlfriend si Gelo direk Cathy." sagot ko.Well,yun naman ang totoo. Wala syang girlfriend, asawa ang meron.

" Kung ganon, bakit umiiwas sya sa mga nagpapakita ng interes sa kanya? Yung iba nga, kabi-kabila ang nobya lalo na kung gwapong katulad niya. Hindi kaya bading ang best friend mo Aira?" nagulat ako sa tanong ni direk. Hala, kung alam lang nya kung gaano ako pinupuyat ni Gelo kada exercise namin. Gawain ba ng bading yon?

" Po? Naku po, hindi po bading si Gelo direk. Isa po syang straight na male alpha. "

" Pero bakit wala nga siyang girlfriend sa age nyang yan? Wala rin akong nabalitaan na niligawan yan o naging crush kaya."

" Meron naman po syang naging crush at niligawan noon kaya lang po naging seryoso sya sa pag-aaral kaya naisantabi na muna nya. Ngayon naman seryoso sya sa career nya. May hinihintay din po si Gelo direk. " totoo naman na niligawan nya ako at nagseryoso din sya sa pag-aaral nya. Hinihintay din nya na makatapos ako sa med school.

" Ha? Sino? "

" Yun pong babaeng katulad ng mommy nya. "

" Ay ganon ba? Eh di hanggat walang babaeng katulad ng mommy nya hindi siya lalagay sa tahimik? " tanong muli ni direk.

" Ganon na nga po. "

" Ngayon alam ko na kung bakit ayaw nya kay Gwyneth. "

" Malayong-malayo ito sa mommy nya. " sabay pa naming sambit ni direk Cathy. Nagtawanan kami pagkatapos at nag-apir pa.

Halos alas otso na ng gabi nung umalis sila direk Cathy. Hindi na halos kami naghiwalay. Natutuwa raw sya at nakilala nya ako. Magaan daw ang loob nya sa akin dahil parang nakikita nya ang sarili nya sa akin nung medyo kabataan pa nya. Marami kaming pagkakatulad. Kinukumbinsi nya rin ako na subukang pumasok ng showbiz na tinanggihan ko naman syempre.

" Baby pasensya ka na dun sa nangyari kanina ha? Alam mo naman si mama D, mahilig gumawa ng gimmick. Huwag ka ng magtaka kung may lumabas na balita bukas tungkol sa amin ni Gwyneth." hinging paumanhin ni Gelo. Nakahiga na kami at nagpapahinga. Nakalabas na rin yung nurse na nagpainom sa kanya ng gamot. Magkatabi kami dun sa hospital bed nya. Ayaw talagang pumayag na dun ako sa katabing kama para sa mga bantay.

" Okay lang yun bhi. Sabi nga ni direk Cathy, for publicity lang daw yun." sagot ko.

" Mukhang close na kayo ni direk ah. Nagtanong ba sya tungkol sa atin?" tanong nya.

" Yup. Magaan daw ang loob nya sa akin. Nagtanong lang kung bakit wala kang girlfriend. Alam nya na mag-best friend lang tayo. " sagot ko.

" Wala naman talaga akong girlfriend. Asawa meron. At best friend ko ang asawa ko. " sabi nya sabay kindat sa akin.

" Sus bhi, ang hirap talaga ng sitwasyon natin. Alam mo na ayoko na nagsisinungaling ako, buti na lang ang madalas itanong eh kung may girlfriend ka na ba? At least pag ganon ang tanong, hindi ako nagsisinungaling pag sumagot ako ng wala, kasi nga wala kang girlfriend talaga, asawa meron. " napangiti sya sa sinabi ko. Kahit hirap syang kumilos dahil sa sugat nya, sinikap nyang mahila ako palapit sa kanya upang mahalikan ako sa labi.

Matagal at puno ng pananabik ang halik na iginawad nya sa akin. Simula nung umalis sya papuntang Cebu, wala pa kaming exercise time kaya heto idinadaan na lang nya sa halik.

" Nakakainis naman!" bulalas nya matapos ang mahabang halik nya sa akin.

" Bakit na naman ba?"

" Torture sa akin to. Biruin mo katabi kita tapos, hindi pwede mag-exercise?"

" Bhi naman hindi pwede kasi baka ma-pwersa yang sugat mo. Dudugo yan dahil sariwa pa sa loob. Konting tiis na lang, gagaling din yan."

" Okay." yun lang sagot nya.

" Okay? "

" Yup. Okay. Yayakapin na lang kita pero—"

" Pero ano? Kinakabahan ako dyan sa pero mo ha? " tanong ko.

" Ibe-baby mo ako para makatulog ako. " nanlaki ang mata ko ng makuha ko ang ibig nyang sabihin sa ibe-baby.

" Bwisit ka talaga bhi, wala kang alam kundi pag-tripan ako! " pigil na pigil sya sa pagtawa dahil baka kumirot na naman ang sugat nya.

" Bakit totoo naman di ba? Para makatulog ang baby kailangan i-breast feed." awtomatikong namula ang pisngi ko.

Jusko lang.Wala na talagang filter ang bibig ng asawa ko.

Kaloka!