webnovel

Nanny

Shanaia Aira's Point of View

GULAT na gulat ako ng makita ko ang itsura ko sa mirror. Ate Shane helped me with my disguise. She asked for the help of her make up artist friend, ate Ritz, to do my make up.

" Wow! Ang galing naman ate, wala na ngang makakakilala sa akin nito." sabi ko kay ate Shane. Nakaharap ako sa salamin at pinagmamasdan ang sarili. Yung kilay ko, pinataray ang dating, parang si Celia Rodriguez. Yung ilong ko medyo pinalapad ng kaunti. May inilagay si ate Ritz na parang malambot na rubber sa magkabilang gilid ng nose ko kaya naging pango ng kaunti then yung lips ko dark brown ang kulay ng lipstick na pinahid, yung pang matanda talaga. My hair was tied in a bun, na may payneta pa sa ibabaw. Medyo may puting buhok na rin sa ilang bahagi. All in all, pasado na nga ako bilang isang senior citizen na may 20% discount sa pamasahe at mga bilihin.

" Thanks ate Ritz." turan ko sa make up artist. Nakatingin din sya sa akin sa mirror. Nasa likuran ko silang dalawa ni ate Shane. A hint of satisfaction was seen in their eyes.

" You're always welcome bunso. Basta kailangan mo ng tulong ko, don't hesitate to call me." sabi ni ate Ritz.

" Besh sa atin lang ito ha? May kailangan lang kasing imbestigahan si Aira." turan naman ni ate Shane.

" Oo naman besh. My lips are sealed. Kilala mo naman ako, grade school pa lang magkaibigan na tayo. " sagot ni ate Ritz.

" I know besh. O paano mag snack na muna tayo sa ibaba, iwan na natin si bunso dito para makapagbihis. Aalis na yan mamaya." untag ni ate Shane sa kaibigan. Iniwan na nga nila ako sa room ko. Tumayo na ako at umalis sa harap ng salamin. Magbibihis na ako ng damit na para sa disguise ko.

Kinuha ko ang damit na isusuot ko na nasa ibabaw ng kama. Si Gelo ang nagdala nito kanina, hindi ko alam kung kanino nya hiniram. Puting long sleeves ito na malambot ang tela na tinernuhan ng itim na palda na halos umabot na sa sakong ko ang haba. Black flat shoes ang sapatos ko na may kasama pang stockings. Mayroon din akong puting guwantes na isusuot para hindi makita na walang kulubot yung mga kamay ko.

Nung maisuot ko ng lahat ang damit ay gusto kong matawa sa itsura ko nung humarap akong muli sa salamin. Perfect ang disguise ko na ito, mukha na talaga akong lola. Walang mag-aakala na isang magandang babae ang nakatago sa balatkayong ito. Char!

" Baby are you done?" narinig ko si Gelo na papasok na sa room ko.

" Huh! Nasaan po yung baby ko lola? Ilabas nyo po siya." sambit nya pagkakita sa akin. Natawa naman ako.

" Sira! Ikaw ang may pakana nito kung makaarte ka naman dyan!"

" Wow! Ang galing naman! Kahit sila tita Elize hindi ka makikilala dyan sa itsura mo. Perfect! Yung boses matanda na pina-practice ko sayo, okay na ba?" tanong nya.

" Sus naman bhi, alam mong member ako ng theatre nung high school, kayang-kaya yan. Hindi pa ba tayo aalis Angelo, baka mahuli ka sa trabaho mo dyaske kang bata ka. " napahagalpak sya ng tawa nung mag boses matanda ako sa huling sinabi ko.

" Hahaha. Ang galing mo baby. Sana lang hindi ako matawa sayo mamaya kundi mabubuking tayo." sabi nya.

" Eh pigilan mo yang sarili mo. Mabubuko talaga tayo pag naging pasaway ka. Tara na, baka ma-late ka pa sa call time mo." yakag ko sa kanya.

" Baby may hindi pa pala ako nasabi sayo. " pigil nya sa akin nung pababa na kami ng hagdan.

" Ano yun bhi?"

" Bukod sa role mo na matandang yaya ko, may isa ka pang role na gagampanan. Mas effective para makapag-investigate ka ng maayos."

" Ano nga yun bhi? Mukhang kinakabahan ako dyan sa mga ideas mo ah!"

" Swear effective to baby." taas pa ang isang kamay nya hanggang dibdib.

" Ano nga? "

" Bukod sa matanda ka baby, isa ka ring —bingi! " nanlaki ang mata ko. Ano ba tong trip ng asawa ko? Kaloka ha.

" Ariel Angelo! " umamba ako na hahampasin ko sya ng handbag kong hawak pero nakatakbo na pababa ng hagdan.

" Baby effective yon. Hindi maiilang makipag-usap si Gwyneth sa kung sino man ang kakampi nya dahil ang alam bingi ka.Marami kasi syang ka-kwentuhan sa set at tiyak na kahit paano makakakuha ka ng impormasyon. " nagpapaliwanag sya habang tumatakbo.

Huminto ako sa couch dahil hiningal ako. Naisip ko rin na may point na naman sya. Kung iimbestigahan ko nga naman si Gwyneth, hindi ito mangingiming magsalita sa harap ko dahil alam nyang hindi ko sya maririnig. Gagalingan ko na lang ang pag-arte para ma-convince ang nasa paligid ko na isa nga akong matandang bingi.

Bumiyahe na kami ni Gelo papuntang location. Hindi ako masyadong kumikibo dahil iniisip ko yung gagawin ko mamaya. Sana lang hindi ako pumalpak. At sana may resulta itong gagawin kong pag-iimbestiga.

Pagdating namin sa location, nandoon na ang mga staff at crew pati na yung mga senior stars na kasama sa movie. Wala pa si Gwyneth at si direk sa set. Pinakilala ako ni Gelo sa mga co-stars nya.

" Hello po!" bati ni Gelo sa lahat. Kumaway naman sa kanya ang lahat bilang pagbati rin.

" Oh hi Gelo! Mukhang may kasama ka yata ngayon? Lola mo? " tanong nung isang senior actress kay Gelo.

" Ah si yaya Trining po, dati ko pong yaya. Sinama ko dahil gusto daw po nyang manood ng shooting ko." magalang na sagot naman nya.

" Hello po yaya Trining!" bati nung senior actress sa akin. Hindi ako kumikibo, nakatingin lang ako sa kanya.

" Ah pasensya na po. Hindi nya po kayo naririnig. Bingi po sya. " halos pabulong na turan ni Gelo sa kausap.

" Oh I see. " tanging nasabi na lang nung senior actress tapos yumukod na lang ng bahagya sa akin bilang pagbati.

Jusko talaga. Nakakahiya. Kung ano-ano kasi naiisip nitong si Gelo.

Nung dumating na yung bagong direktor nila, si direk Joy, kasabay na nito si Gwyneth. Lumapit si Gelo sa kanila. Hinila nya ako para paupuin dun sa pwesto niya malapit kay Direk.

" Hi direk!" bati nya dito.

" Hi Gelo! Napaaga ka ngayon. May kasama ka yata?" tanong ni direk na sa akin nakatingin. May matamis na ngiti na iginawad sa akin.

" Ah opo, si yaya Trining. Gustong manood ng shooting natin." sagot naman nya kay direk.

" May yaya ka pa Gelo?" singit ni Gwyneth.

" Dati ko syang yaya. Ngayon sa mga kapatid ko na sya." sagot ni Gelo.

" Hello po yaya Trining. Ako po si Gwyneth, ang love team ni Gelo, ang magiging girlfriend din po nya sa future. " nakatingin lang ako sa kanya.Bingi ako dapat. Pero ang totoo gusto ko na syang sabunutan sa pagiging ilusyonada nya.

Tss.Future girlfriend ka dyan!

" Hindi ka nya naririnig Gwyneth. " inform ni Gelo kay Gwyneth.

" What? Bingi sya? " tumango lang si Gelo.

" Oh sorry po yaya. " turan ni Gwyneth na may kasamang sign language. In fairness, magaling sya ha.

Habang naghihintay ang mga cast na matapos si direk sa mga instructions nya sa mga crew sa set, nakaupo lang kami at nag-uusap ni Gelo. Kinakausap nya ako na may kasamang sign language para magkaintindihan kunwari kami at para makumbinse ang mga tao sa set na bingi nga ako. Sumasagot din ako sa sinasabi nya sa pinraktis ko na boses matanda. Mukhang effective naman dahil bilib na bilib sa kanya yung mga nakakakita at nakakarinig sa amin.

Nag-umpisa na ang shooting. Hindi ito ang first time ko na mapanood si Gelo pero hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa galing nya sa pag-arte.

Nung mag-break sila tumabi ako sa upuan ni Gelo kung saan katabi nya rin si Gwyneth.

" Gelo after ng shooting pwede ba kitang yayaing mag-dinner?" tanong ni Gwyneth. Heto na, mag-uumpisa na yata sya.

" Uhm. Sorry hindi ako pwede ngayon eh. Ihahatid ko pa kasi si yaya sa kanila." sagot naman ni Gelo. Pinanatili ko naman ang tingin ko sa mga taong paroo't parito para kunwari hindi ko sila naririnig na nag-uusap.

" Eh di isama mo na lang ako. Ipapakuha ko na lang sa driver yung car ko dito. " pangungulit pa nya.

" Sigurado ka? Baka sumuko ka sa byahe." pananantya ni Gelo.

" Bakit? Saan ba sya nakatira? " gulat na tanong ni Gwyneth.

" Sa Batangas. Dun sa pinakadulo pa."

" Ay ang layo pala. Sige next time na lang. " parang may panghihinayang pa na turan nya.

Nagpaalam si Gelo na pupunta muna ng CR, syempre may kasamang sign language habang nagsasalita sya para ma-convince lalo si Gwyneth. Alam ko na ito na yung pagkakataon na ibinibigay nya sa akin para mag-imbestiga. Baka may kausapin si Gwyneth sa phone or something na pwedeng makuhanan ko ng impormasyon.

Nung nasa CR si Gelo, may babae nga na lumapit kay Gwyneth. Nagulat ako dahil ito yung babae sa supermarket pero hindi ako nagpahalata. Pinanatili kong stiff ako at medyo masungit.

Nakasuot ng hoodie shirt ang babae kaya hindi masyadong pansin ang mukha nya pero dahil nakaharap sya sa akin, nakilala ko sya.

Sinasabi na nga ba, may kaugnayan sya kay Gwyneth. Tama si Gelo ng hinala.

Hinanda ko ang sarili ko sa pakikinig at gumana din ng palihim ang isang kamay ko.

" Ano napapayag mo?" tanong agad nung babae.

" Hindi nga eh. Ihahatid pa daw kasi nya tong matandang to sa Batangas." dinig kong sagot ni Gwyneth.

" Huy marinig ka!" pabulong pa na sita nung babae sa kanya.

" Bingi yan noh. Kahit lakasan mo hindi ka maririnig. " aba't ang malditang to. Buti na lang hindi ako totoong bingi kundi makikita nitong babaeng ito.

" Mabuti naman. Yung video pala nung haliparot na bestfriend ni Gelo, may nagpatanggal yata. Wala na dun eh." bigla akong kinabahan sa narinig. Mukhang ito na yata ang hinihintay ko. At ano daw? haliparot? Grabe naman sya sa akin.

" Mabuti naman. Wala namang kwenta dahil hindi mo napalabas na maldita yung Aira na yun. Mas nakakuha pa ng simpatiya sa mga tao dahil ikaw yung nagmaldita at hindi sya.Hindi mo napalabas yung sungay nya. Sayang tuloy yung effort ko na pagsunod kay Gelo dahil biglang dumating yung babaing yon. Akala ko masosolo ko na sya sa condo nya, hindi ko tuloy nagawa yung plano ko. Kainis ka kasi. "

Oh. So may plano talaga sya kay Gelo nung araw na yun ha?

" So tama pala na dun nakatira si Gelo? " tanong nung babae.

" Oo mabuti tumama ka dun. " sagot naman ni Gwyneth.

" Syempre sinundan ko sya minsan nung pauwi na sya. " buong pagmamalaking saad pa nung babae.

" Mabuti natiyempuhan mo yung haliparot na nandun sa supermarket. At tila umaayon naman yung pagkakataon na pauwi naman si Gelo kaya nasundan ko sya. Nakita ko nga sila sa parking lot na magkasama, siguro namili nga yung babaeng yon para kay Gelo."

" Yung bagger kasi sa supermarket kapitbahay ko, naitawag agad nya sa akin na namimili nga daw yung Aira na yon. Mabuti nasa kabilang boutique lang ako nung mall kaya nakapunta kaagad ako. Siya rin yung kumuha nung video. " kwento pa nung babae tungkol sa encounter namin sa supermarket.

Planado nga ang lahat. Gusto nya akong ipahiya sa video pero hindi sya nagtagumpay dahil hindi nya ako na-provoke na magalit para maglabas ng hindi magandang asal.Tiyak na babatikusin ako ng mga fans nila kung makikita sa video na masama ang ugali ko. Sad to say hindi ako ganung klase ng tao. Yun nga lang may puna pa rin na nagpapaawa lang ako. Buti na lang wala na raw yung video. May duda ako na si daddy ang nagpatanggal nun.

" Sige na alis ka na. Baka parating na si Gelo at makita ka pa. Tawagan na lang kita kapag may ipapagawa ako sayo." narinig kong pagtataboy ni Gwyneth sa kausap.

" Kailan kaya matutuloy yang plano mo sa kanya, hindi na ako makapag-hintay na makuha mo yang mailap na gwapong yan. " lihim akong napahumindig sa narinig ko.

" Maghintay ka lang at kumukuha pa ako ng magandang tiyempo. Ngayon na sana kaya lang naudlot pa dahil sa matandang yan. " sabi ni Gwyneth. Tumingin pa sa akin at ngumiti ng matamis na akala mo walang sinabing hindi maganda. Sinuklian ko rin sya ng ngiti pero sa totoo lang kinakabahan ako. Kinakabahan sa maaari nyang gawin.

Plano ba nyang i-frame up si Gelo para mapasakanya ito?

Jusko Lord, anong klaseng patibong kaya ang ipapain nya sa asawa ko? Mabuti na lang narinig ko ang usapan nila para mapaalalahanan ko si Gelo na umiwas at mag-ingat kay Gwyneth.

Mission accomplished. Hindi ko akalain na sa unang pag-iimbestiga ko ay makakakuha na agad ako ng kumpletong impormasyon.

Proper timing. Ang galing din ni Gelo kumuha ng tiyempo.

Good job old nanny.