webnovel

Mistaken Identity

Shanaia Aira's Point of View

" Bakit sinundan ka nila Gwyneth sa rest room?" tanong ko kay Gelo nung nakasakay na kami ng taxi.

" Nagyayaya na namang mag-dinner sa resto tapos nun bar naman. Pinagbigyan ko na sila nung mga nakaraang araw, nung wala ka pa dito. Tinanggihan ko kanina pero nangungulit pa rin. Alam mong hindi ako mahilig mag bar, pinakikisamahan ko lang sila. Siguradong hinahanap na nila ako ngayon. " sagot nya.

" Baka sabihin nila tinakasan mo sila. "

" Nagpaalam ako kay direk na may lakad ako. Sabi ko nandito yung mga kaibigan ko, nagbabakasyon. "

" Haay bhi wala na akong masabi sa panghatak mo sa mga babae. Lahat yata ng puntahan mo, may nabibighani ka. Hindi ko alam kung blessing ba yang kagwapuhan mo o sumpa. " humalukipkip ako saka sumandal sa upuan nung taxi.

" Hahaha. grabe sya. Blessing para sa akin kasi nakuha ko yung pinakamimithi kong babae. " malapad ang ngiti nya tapos kumindat pa sa akin.

" Oy hindi yan ang una kong nagustuhan sayo noh! Feeling neto." I rolled my eyes on him.

" Eh ano pala kung ganon?" nangingiti nyang tanong.

" Yung inner beauty mo. Malambing ka, maalalahanin tapos inaalagaan mo ako. Makulit, mapang-asar at mahilig kumain. Ayaw nga sana kitang maging boyfriend dahil dyan sa gwapo mong mukha, dahil alam ko na magkaka-problema lang ako, pero wala eh nabola mo na ako ng husto."

" Grabe ka sa akin baby. Kahit kailan hindi kita binola, alam mo yan. "

" Joke lang naman bhi, patola ka namang masyado. Alam mo naman na naniniwala ako sayo. Saan nga pala tayo pupunta? " pag-iiba ko ng usapan.

" Sa labas na tayo mag-dinner. May alam akong kainan dito na grilled ang specialty nila.You wanna try it? " suhestiyon niya.

" Yeah. I want grilled pork liempo and chicken bhi. "

" Okay baby, dun tayo. Manong pakidala po kami dun sa Ihawan Resto." untag nya kay manong taxi driver.

" Sige po sir. "

_______________

" Ay grabe bhi, ang dami kong nakain. Sira ang diet ko dito. " sabi ko kay Gelo nung matapos kaming kumain.

" Ako rin baby. Mag work out na lang tayo mamaya para pagpawisan tayo, mawala lahat yang kinain natin." turan nya.

" Work out? May gym ba dun sa hotel? "

" Wala. " tipid nyang sagot.

" Eh saan tayo magwo-work out?"

" Dun sa hotel room natin. Mag-eexercise tayo,siguradong tagaktak ang pawis natin nun baby. " sabay ngisi ng pilyo.

" Kainis ka bhi akala ko kung anong work out yang sinasabi mo. Kunin mo na nga yung bill para makabalik na tayo ng hotel. "

" Uy gusto na nyang mag work out. " pang-asar nya sa akin.

" Ariel Angelo nga! "

" Hahaha. "

Palabas na kami ng Ihawan resto nang makasalubong namin ang grupo ni Gwyneth. Sila rin yung nag-aabang kanina kay Gelo sa rest room.

" Hindi ba ikaw yung kanina sa rest room, hinihintay mo yang asawa mo?" sabi nung girl sabay turo pa sa asawa ko na hindi nya alam na si Gelo na pala.

" Oo ako nga." sagot ko.

" Hindi mo talaga nakitang lumabas si Gelo dun?" tanong ulit nya.

" Hindi eh."

" Halika na girl, mukhang hindi naman nyan kilala si Gelo, promdi kasi. " singit ni Gwyneth. Naramdaman kong kumuyom ang palad ni Gelo. Alam kong naiinis sya dahil inaalipusta na naman ako. Pinisil ko ang isang palad nya, pinapakalma ko sya.

" Excuse me? " sabi ko.

" Ikaw, taga-rito ka di ba? Kaya hindi mo kilala si Gelo. Baka wala nga kayong tv sa bahay nyo. Kundi dahil sa katangahan mo, nakalabas na pala si Gelo ng hindi mo nalalaman. Naghintay tuloy kami ng matagal dun." biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi ni Gwyneth pero nagtitimpi pa rin ako.

" You know, Miss Who you are, don't judge a person based on her appearance. Kilala ko naman yung hinahanap ninyo kanina pero talagang wala siya dun. Huwag mong ibintang sa akin ang isang bagay na wala akong kinalaman. Bakasyonista lang ako dito miss, hindi ako taga-rito. Maganda ka nga pero kung humusga ka naman ng kapwa daig mo pa yung hurado. " napamaang sya sa sinabi ko. Maging yung mga kasama nya ay hindi inaasahan na sasagutin ko si Gwyneth ng ganon.

" Tara na nga girls, nagsasayang lang tayo ng oras sa mukhang nerd na yan. " inis nyang turan saka tumalikod. Pumipiglas si Gelo sa hawak ko pero hindi ko sya hinayaan. Laban ko to kaya ako ang tatapos.

" Miss sandali lang." sambit ko kaya napatigil si Gwyneth sa paghakbang nya. Nilingon nya ako.

" May entertainment room kami sa bahay. Yung tv namin parang sa sinehan kaya kitang-kita ko kung paano ka nag-inarte nung madapa ka sa pagrampa mo sa Miss U." nanlaki ang mata nya at namula ng husto ang mukha nya. Yes, akala mo ha!

" Grrr." inis na inis syang nagmartsa papunta dun sa mga kasama nya.

" Nice one baby. " sabi ni Gelo.

" See? Kung nakisali ka, baka nabuking na tayo. Kaya ko naman yun eh. Ako pa ba?"

" Alam mo naman na ayaw kong inaalipusta ka. May attitude talaga yang si Gwyneth, napaka-moody. Akala ko pag beauty queen, maganda rin ang ugali. Dapat ganun di ba? Whole package. " turan ni Gelo.

" Ewan ko bhi baka iba lang sya. Tara na nga, magwo-work out pa tayo di ba? "

" Yes! Tara, tara, baby dali. " halos hilahin na nya ako para makaalis na dun sa resto. Natatawa na lang ako. Talaga tong si Gelo, may pagka-mahilig din minsan.

NUNG sumunod na araw ay nanood ulit ako ng shooting pero hindi na kami sabay ni Gelo nung bumalik ako sa hotel. Pinauna na nya ako dahil baka raw mabuking na kami.

Tatlong araw na sunod-sunod ay halos gabi na natatapos ang shooting nila. Tinatapos na kasi nila yung movie para wala na silang babalikang eksena after ng holiday season. Dubbing, promotion at premiere night na lang ang iintindihin nila pagpasok ng bagong taon.

Buong tiyaga akong naghihintay kay Gelo sa pag-uwi pero dahil huling gabi na ng shooting nila, paspasan na ang trabaho nila kaya inabot na sila ng madaling araw.

Naaawa ako sa kanya dahil sobrang pagod na sya. Sinabi ko na huwag na syang sumama sa akin pabalik dun sa hotel na tinutuluyan ko para makapag-pahinga na sya. Hindi sya pumayag kaya sa halip, patago nya akong dinala dun sa hotel room na inilaan sa kanya ng production team nila. Hindi ko nga alam kung paano ako lalabas nito kinaumagahan.

KINAUMAGAHAN. Nag-disguise ako na parang chambermaid ng hotel. Hinayaan ko lang na nakalugay yung buhok ko. Nag-make up ako ng medyo makapal. Sinuot ko yung contact lens ko na kulay green tapos naglagay ako ng nunal sa may gilid ng labi.

Lumabas na ako ng room ni Gelo dala yung mga maruruming bedsheets. Yung gamit ko ay iniwan ko na lang sa kanya. Siya na ang mag-uuwi dun sa kabilang hotel na tinutuluyan namin. Usapan namin na maghihintay na lang ako sa kanya dun.

Nakasalubong ko si Gwyneth sa labas at papunta sya sa room ni Gelo. Ano na naman kaya ang pakay nito sa asawa ko? Hindi talaga sumusuko eh.

Nung kakatok na sya ay pinigilan ko sya. Sinikap kong baguhin ang boses ko.

" Excuse me pu ma'am, sino gid ang pupuntahan nimo dyan?" sa tonong Bisaya ang ginamit ko, hindi ako sure kung tama ba yung Visayan word ko. Sana lang wag makahalata ang hitad.

" Sino ba ang naka-check in dyan? Si Gelo di ba?" mataray nyang tanong din sa akin. Hayan na naman siya. Kalma lang Aira.

" Ay ma'am pasinsya na pu. Wala man gid tao dyan. Lumabas na gid si sir Gilo. Mamaligwa man gyud may pinuntahan pu dyay di banger."

" What?" naguguluhang tanong ni Gwyneth. Gusto kong mapatapik ng noo nung maalala ko mga pinagsasabi ko. Napaghalo-halo ko na ang mga dialect. Bisaya at Kapampangan na may halong Ilocano na. Susmaryosep.

" Ah eh.. ibig ko pong sabihin wala si sir dyan. hehe. " napapakamot pa ako ng ulo.

" Hay nako, dyan ka na nga! Nakakaloka mga tao dito." inis na umalis na sya. Mabuti naman.

Lihim na lang akong natatawa sa mga pinaggagawa ko. Ang hirap magpanggap talaga. Kailangan lang talagang protektahan ko si Gelo at ang relasyon namin, lalo na dun sa mga taong naghahangad sa kanya.

Lalo na kay Gwyneth.