webnovel

Marry Me Again

Shanaia Aira's Point of View

A WHILE ago, I was annoyed at him as he talked about the incident with Gwyneth. I got mad. And I'm jealous. But after I saw what's inside his bag, nawala lahat ng inis ko. Napalitan ng relief.

" OMG! Totoo ba ito bhi?" tanong ko sa kanya habang tinitingnan ko yung mga photos namin na nakuha niya sa drawer ni Gwyneth sa condo nito.

" Yes. Pinaghirapan ko yan. Matagal kong pinlano. Nung unang subok ko, hindi natuloy kasi pinigilan ako ni Shane kasi wala daw konkretong plano, kailangan nasa tiyempo daw. Yun nga kagabi, sinubukan ko at hindi ko inakalang makukuha ko na." imporma niya.

" What if, matuklasan niyang nawawala ang mga ito? Wala kayang kopya ito? " nag-aalalang tanong ko.

" Hindi naman niya siguro hahanapin kaagad ang mga iyan hanggat nakakasama niya ako. Sa tingin ko original yan at wala namang kopya dahil sa cellphone niya kinunan kaya walang negatives para ipa-develop. Sa printer lang ng computer sya nag-print, halata naman di ba? Mukhang hindi nga niya pinag-isipang mabuti ang ginawa nya, basta mayroon lang siyang hawak laban sa atin, ayos na sa kanya. Maaaring masama siyang tao at kaya niyang gumawa ng masama pero hindi siya marunong gumawa ng pulido tulad nyan. Huwag kang mag-alala binura ko na rin lahat sa cellphone niya, pati dun sa laptop nya, pinakialaman ko na rin. At may ginawa ako sa cellphone nya at siguradong magpapaayos siya ng cellphone kapag natuklasan niya. " makahulugang turan niya.

" Bakit anong ginawa mo bhi sa phone nya? " gulantang kong tanong. Anong kalokohan kaya ginawa niya?

" Pagkatapos kong burahin ang mga photos, I broke her phone na parang ibinato kung saan. "

" Goodness! Bakit mo ginawa yon? "

" Para hindi niya matuklasan yung ginawa ko. Iisipin niya na nahulog niya yung phone niya dahil sa kalasingan namin. " kaswal lang na sagot nya. Nakampante naman ako kahit may kaunting pag-aalala pa rin. Diyan naman siya magaling lalo na nung college pa siya. Sila nila Aeious ang maraming alam na kalokohan sa computer at cellphones. Magagawa nga niyang pakialaman ang anumang files na walang makakahalata. That's the mischievous side of Gelo Montero when he was young.

" Hindi ba siya nagtaka kung bakit nakarating kayo ng room niya gayong lasing kayo pareho? "

" Nung magising siya nung 2am, tinanong niya ako kung bakit kami nasa room niya, sabi ko hindi ko alam dahil tulog na tulog ako. Hindi siya nakakibo dahil syempre hindi niya gustong malaman ko na may inilagay siya dun sa baso ko. Lasing nga rin daw siya kaya baka siya raw ang nagdala sa akin sa room, hindi nya lang matandaan."

" Naku bhi, sigurado ka dyan ha? But anyway, solve na ang problema natin dahil nasa atin na itong mga photos. Ang mabuti siguro, sunugin na natin para wala ng lumabas pa. Para hindi na rin malaman ni Gwyneth na nakuha mo. "

" Huwag na, itatago na lang natin. Eventually, alam kong matutuklasan din naman nya yan katagalan. Hindi naman ako natatakot na malaman niya, ang mahalaga hawak na natin. Wala na siyang ipapanakot sa akin, sa atin. " kampante lang siya habang nagsasalita.

" Ikaw ang bahala. Pero kung ako gusto ko sunugin na yan. "

" Huwag nga. " pigil ang ngiting turan nya.

" Bakit nga kasi? " I asked quite annoyed.

" Ang sexy mo kasi dyan baby. Natu-turn on ako. " natatawa nyang wika. Alam kasi nya na naaasar na ako.

" Kainis ka talaga bhi. Puro ka kalokohan. Ano na ngayon plano mo, wala na sa kanya yang mga photos na yan? "

" Wala pa sa ngayon. Ang importante wala na sa kanya ang mga ito. Tama na nga yan baby, wag na natin pag-usapan. Moment natin to kaya tungkol sa ating dalawa lang ang usapan. Okay? "

" Okay. "

NAKARATING kami ng Batangas bago mag-tanghalian. Yung care taker na si Mang Ambo ang dinatnan namin. May mga pagkain na ring nakahanda sa hapag at namili na rin daw sila para sa dalawang araw na stay namin dito.

Matapos kaming asikasuhin ni Mang Ambo ay nagpaalam na rin ito. Babalik na lang daw siya kinahapunan para sa mga alagang hayop na papakainin.

Nang makaalis si Mang Ambo ay kumain na kami ni Gelo ng tanghalian. Masarap ang nakahandang pagkain sa hapag kaya naparami ang kain ko, gayun din si Gelo.

Magkatulong naming niligpit ang pinagkainan at gayundin sa paghuhugas ng pinggan. Ako ang naghugas at siya naman ang nagpunas sa mga ito bago ibalik sa lalagyanan.

Naglakad-lakad kami sa bakuran ng matapos kami sa paghuhugas ng pinagkainan namin.

Malaki ang lupain ni daddy Archie dito sa Batangas. Nababakuran ng mataas na pader ang buong lupain na mahigit isang ektarya ang sukat. May mga alaga kasing hayop tulad ng mga baka, kalabaw, baboy at manok sa dulong bahagi ng lupain kaya kailangang mataas ang pader na bakod. May iba't ibang mga punong kahoy din sa paligid na pinagkakakitaan din ng malaki.

Ilang beses pa lang akong nakapunta dito at sa iilang beses na yon ay hindi ko pa nalilibot ang buong bakuran.

Malaki ang rest house na gawa sa kawayan, sawali at semento. Up and down ito na may limang kuwarto sa itaas, maluwang na living room sa ibaba, dining room at kitchen sa likod. Isa itong tipikal na modern bahay kubo.

Nang mapagod ay umupo kami sa swing na nasa kabilang side ng bahay. Sa harap ay may malaking garden na may ibat-ibang uri ng halaman at bulaklak. Ang gate sa harap ay mataas pati ang bakod kaya hindi kita ang loob ng bakuran. May arko yung gate kung saan nakaukit ang apelyidong Montero.

" Baby, ito yung na-miss ko. Bakasyon na tayong dalawa lang talaga ang magkasama. After nung showing ng movie aalis ulit tayo ng bansa. Saan mo gustong pumunta this time?" tanong nya habang nakaupo kami sa swing.Nakayakap siya sa akin mula sa likuran tapos nakasandal naman ako sa dibdib nya.

" Gusto ko ng trip to Europe bhi. "

" Sige, ipapaayos ko na yung mga kailangan natin sa travel agency nila ate Arienne. " sagot nya. May ari kasi ng travel agency yung asawa ni ate Arienne.

Gusto ko kasi na sa Europe naman kami. In Europe, you can just go to different countries by train and bus. It can take several hours but it is fine because you can see the beautiful scenery while traveling.

Nag-uusap lang kami ng kung ano-ano tapos kinakantahan niya ako ng bigla akong nakaramdam ng antok. Nasobrahan kasi ako ng kain kaya inaantok tuloy ako. As I listened to Gelo's singing voice, I didn't realize I fell asleep. When I woke up, the sky was almost orange and my surroundings were different. I was in the bedroom and lying in bed.Tanaw ko ang langit mula rito sa silid dahil bukas ang bintana. Nang kapain ko ang gilid ko ay hindi sinasadyang nahawakan ko ang junjun ni Gelo na bigla namang sumaludo. Napatakip ako ng bibig ko dahil baka nagising ko sya.

I'm not mistaken because when I look at him, he is already looking at me, intently. Eyebrows raised and a naughty smile crept on his lips.

" Ginising mo ang nananahimik na junjun ko. Paano ko patatahimikin ang pagwawala nito, hmn? You must do something about it baby."

" Naku bhi, tigilan mo nga ako! Maliwanag pa at magluluto pa ako ng hapunan natin. " sansala ko sa kanya.

" Sus! Paano to? Bababa tayo ng ganito to? " turo niya sa junjun daw nya. Natawa ako ng mamasdan ko, pwede na ngang pagsabitan ng hanger.

So wala na akong nagawa kundi pakalmahin ang nagwawalang junjun niya. Kung ano ang paraang ginawa ko, ayaw ko ng idetalye pa, basta sumakit ang hand ko.

Salbahe talaga.

Matapos akong magluto ng hapunan namin ay agad na rin kaming kumain. Hindi ko alam kung bakit parang nagmamadali si Gelo na makapag-hapunan kami, siguro mayroon na naman siyang maitim na balak sa akin.

At hindi nga ako nagkamali, pagkalagay ng huling pinggan na hinugasan ko sa lalagyanan, hinila na agad ako ni Gelo paakyat sa itaas. Sa aming silid na tinutuluyan.

" Hoy mister, kakakain lang natin ah!" reklamo ko. Busog na busog nga ako dahil fresh yung mga seafoods na niluto ko. Siya rin naman.

" Bakit ano ba ang gagawin natin? Magpapahinga nga tayo kaya kita niyaya dito. Ikaw baby ha, nag-iisip ka na naman ng mahalay dyan. " nakakalokong turan niya.

" Aba't... hoy bhi, ako pa ang nag-iisip ng mahalay ngayon? Ako pa talaga?" inis na inis kong tanong. Natatawa lang siya at hindi pansin ang pagkaasar ko.

" Hahaha. I'm just kidding baby. Masaya lang ako. "

" Masaya? "

" Oo naman. Kasi pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nating dalawa, finally, nandito ulit tayo. Magkasama. Walang showbiz, walang Gwyneth at walang media. Sana wala na tayong maging problema. Ngayong alam na ng pamilya natin na mag-asawa na tayo, pwede na siguro tayong bumuo ng sariling pamilya. Gaya nga ng sinabi ko, hindi na ako nakatali sa kontrata sa kahit na anong agency kaya malaya na akong magpakasal ulit sayo. "

" What? Paano yung alam ng publiko na break na tayo at kayo ni Gwyneth ang officially dating? "

Hindi niya pinansin yung sinabi ko, sa halip may kinuha siya sa bulsa nya na isang pulang kahita at lumuhod sa harapan ko.

" Shanaia Aira Gallardo-Montero, will you marry me again? "

Na shocked ako. Sobra!