webnovel

Maling Akala

Shanaia Aira's Point of View

MABILIS ko ng tinapos ang pagkain ko.Nang makabalik ako sa aming hotel room ay naligo ako at nagbihis. I wore a black halted top dress na above the knee ang haba. It perfectly fits on my body, enough to emphasize my curves. Siguradong magagalit ang mokong na fiance ko pag nakita nya ako sa ganitong suot. Sobrang conservative pa naman nung taong yun, at gusto nya siya lang nakakakita sa aking itinatagong gorgeous and sexy body. Char!

Anyway, kailangan ko ng magmadali para abutan ko ang baby boy ko at ang maharot na Keithlin na yun sa bar. Huwag lang silang magpapakita sa akin sa di kaaya-ayang tagpo kundi maghahalo ang balat sa tinalupan.

Hindi ako nag-aalala kay Gelo na maka-gagawa ng ika-seselos ko. Alam kong faithful siya sa akin.Behave lang sya sa iba at sa akin lang siya pilyo. Ang inaalala ko lagi ay yung mga nakakasama nya, laging may pagnanasa sa kanya. Sila yung nag-iinitiate kay Gelo gaya na lang ng hitad na Keithlin na kasama nya ngayon.

Nahanap ko naman kaagad yung nag-iisang bar na nasa malapit lang nung hotel na tinutuluyan namin. Medyo puno ng tao dahil weekends. Nung nasa may entrance na ako may dalawang teen agers na papalapit sa akin.

" Ate Aira!" tawag nung isa. Nanlaki ang mga mata ko nung mapagsino ko yung tumawag.

" Oh my gosh! Neiel? Andrei? what are you two doing here?" gulat kong sambit.

" Vacation." simpleng tugon nila.

" Who are you with? Tsaka bakit nandito kayo in this hour of night? Bawal pa kayo dito, mga teen agers pa kayo." tanong ko. I guess 16 years old lang ang mga ito at malaking bulas lang. Pinsan ko si Neiel. Anak siya nung cousin ni mommy na si tita Laine, isang sikat na model. Si Andrei naman ay anak ni tito Anton, yung kalugar namin na parang pinsan ko na rin dahil family friend namin ang mga Montreal.

" Si tito Anton at tita Liana lang ang kasama namin dito para mag-bakasyon. Nandyan kami sa hotel na yan naka-check in. Kanina lang kami dumating dito. Nagpaalam kami ni Andrei na mamamasyal kaso nakita ka namin na palabas din ng hotel. Saan ka pupunta ate? Bakit wala kang kasama? " turan ni Neiel.

" Kasama ko yung boyfriend ko sa bakasyon na to kaso hindi pa sya bumabalik ng hotel room namin mula kaninang nagka-asaran kami. May nagsabi na nandito daw sa bar na ito kaya pupuntahan ko. " sagot ko.

" Pwede kami sumama sa loob ate Aira? " tanong ni Andrei.

" What? Hindi kayo pwede mga underage pa kayo. "

" Hindi naman halata ah. Ang tatangkad namin, mas mukha ka ngang bata kaysa sa amin eh. " katwiran pa ng pinsan kong si Neiel. Pinagmasdan ko silang dalawa. Tama, mukha na nga silang matured tingnan dahil malalaking tao sila.

" O sige pero aalis din tayo agad once na makita ko na yung boyfriend ko ha? "

" Yes, ate. " sabay pa nilang sagot.

Pumasok kami. Nasa likuran ko yung dalawa at buti naman hindi kami nasita. Gaya nga ng inaasahan, hindi nahalata nung guard na teen agers pa ang mga kasama ko dahil ang tatangkad nila.

Ginala ko ang paningin ko. Wala pa akong nakikitang Gelo sa paligid. Umupo kaming tatlo dun sa may pwesto ng bar tender. Pinanood naman ng dalawa kong kasama yung ginagawang pagtitimpla ng wine nung bar tender habang abala naman ang mga mata ko sa pagsuyod sa bawat sulok.

Maya-maya narinig kong nagsalita si Andrei.

" Uy, artista sa Pinas yun di ba Nei?" tanong nya kay Neiel.

" Nasaan?" tanong naman ni Neiel.

" Hayun o yung may kasayaw na sexy?" turo ni Andrei dun sa may dance floor. Tumingin din ako dun sa direksyon na itinuturo nya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Gelo na kasayaw nga si Keithlin. Hindi ako kumibo. Nakatingin lang ako sa kanila.Huwag lang talagang gumawa ng hindi kanais-nais tong Keithlin na ito kundi talagang sasamain sila sa akin.

" Si Gelo Montero yan yung sikat na artista sa Pinas. Di ba ate Aira?" tanong sa akin ni Neiel.

" Ah oo, sikat nga yang mokong na yan sa atin." tugon ko.Medyo naiinis na ako kasi halos nakayakap na ang bruhang Keithlin kay Gelo.

" Tara nga sayaw tayo! " aya ko sa dalawa.Mabilis naman silang pumayag at magkakasama na kaming lumakad papunta sa dance floor.

Doon pa napiling pumwesto ng mga kasama ko sa tabi ni Gelo. Dahil dun sila sa tabi ni Gelo nakapwesto kaya nakaharap ako sa kanya at katabi ko naman si Keithlin.

Nagulat pa siya ng tumama ang tingin niya sa akin.Dahil medyo napaawang ang bibig niya kaya napatingin si Keithlin sa gilid.

" Oh my gosh! Aira ikaw pala yan.Sino yang dalawang cutie na kasama mo?" maarteng tanong ni Keithlin.Nakakita na naman kasi ng gwapo.

" Ah, this is Neiel and the other one is Andrei." pakilala ko.

" Gosh, ang gu-gwapo nila. Bilib din naman ako sayo Aira, ilang araw pa lang kayo dito naka-bingwit ka na ng gwapo at dalawa pa." sabi ni Keithlin.

" Ah oo naman. Si Gelo nga nakahanap na kaagad ng kapareha eh kanina lang yan lumabas. " may diin pa yung pagkakabigkas ko sa ilang words na binanggit. Napatingin si Gelo sa akin pero sinamaan ko lang sya ng tingin.

" Excuse us! " sabi ko tapos hinila ko yung dalawa kong kasama paalis ng dance floor. Nagtataka naman sila sa biglaan kong paghila sa kanila pero wala silang nagawa kundi sumunod.

" Ate naman bakit umalis agad tayo? Nag-eenjoy na kami eh." reklamo ni Neiel.

" Naiinis kasi ako dun sa boyfriend ko!"

" Ha? Nahanap mo na siya? Asan?" tanong ni Andrei, palinga-linga pa sa paligid. Ganun din si Neiel.

" Yung katabi natin kanina." sabi ko.

" Katabi natin? Si Gelo Montero? Siya yung boyfriend mo ate?" gulat na bulalas ni Neiel.

" Shh. Huwag kang maingay sikreto ang relasyon namin dahil baka kami ma-tsismis." saway ko. Parehong laglag ang panga nila sa narinig.

" Weh di nga?" si Neiel ulit hindi makapaniwala. Bwisit na to, kundi ko lang to pinsan itatakwil ko ito eh. Parang wala akong karapatang mag boyfriend ng gwapo at artista kung maka-react.

" Maka-react ka dyan wagas ah! Bakit wala ba akong karapatan mag-boyfriend ng gwapo? grabe ka sa akin Neiel ah, itatakwil kita sa angkan natin dyan eh."

" Hindi naman sa ganon ate, bakit—ah paano, di ba artista sya?" hindi malaman kung ano sasabihin.

" O bakit, hindi ba artista si ate Shane, si mommy, si tita Jellyn? Ang mommy at daddy mo, si tito Anton, mga nasa spotlight din. Nei, hindi malayong maka-bingwit ako ng artista dahil sa mga kapamilya natin. Bakit pangit ba ang ate Aira at hindi bagay sa isang Gelo Montero?"

" Uy ate wala akong sinabing pangit ka. Mas maganda ka pa nga kay ate Shane. Nagtaka lang ako kasi sobrang sikat ni Gelo tapos wala naman napabalita na may girlfriend sya. Yun pala naman sikreto kayo. " saad ni Neiel.

" Kaya tahimik lang kayong dalawa ha? Mahirap na kapag kumalat, alam mo naman ang mga reporters dagdag bawas kung gumawa ng tsismis. " nakaka-unawang tumango yung dalawa.

" Tara na balik na tayo sa hotel. " aya ko sa dalawa.

Naglakad na kami papunta sa hotel. Masaya pa kaming nag-uusap habang naka-akbay pa sa akin ang dalawa kong kasama. Nasa-gitna ako ng mga higante, hanggang balikat lang nila ako.

Maya-maya napa-sigaw na lang ako ng magkasunod na bumagsak ang mga kasama ko sa kalsada. Nang tingnan ko ang salarin ay nakita ko si Gelo na galit na galit.

" Anong ginawa mo? Bakit mo sila sinaktan?" galit kong tanong. Patay ako nito kay tito Anton kapag nagka-pasa itong dalawa.

"Bakit hindi eh kung maka-akbay sayo, wagas! Tsaka nawala lang ako saglit, naka-bingwit ka na agad ng dalawa at mga batang-bata pa! Ano baby, gusto mo na ba akong palitan?" nanggagalaiting akusa nya. Pulang-pula ang mukha nya at nakakuyom ang mga kamao.

Hah! Siya pa ang may ganang magalit ngayon.

" Bwisit ka, nilayasan mo ako at hindi mo na inintindi kung kumain na ba ako o ano! Tapos makikita kitang nakikipag-sayaw dun sa Keithlin na yon at ngayon sinaktan mo pa yang mga kasama ko. Ikaw pa ang may ganang magalit!"

" Eh paano nagpapa-akbay ka sa dalawang yan, may fiance kang tao. Paanong hindi ako magagalit? Buti nga ganyan lang ginawa ko sa dalawang pangahas na yan. " umamba uli sya na lalapitan yung dalawa.

" Sige saktan mo pa ulit sila ng magalit na ako sayo ng tuluyan. " napahinto sya sa paglapit sa dalawa at mariing tumingin sa akin.

" Bakit gaano ba ka-importante sayo ang dalawang to? kakikilala nyo pa lang ah."

" Anong kakikilala? Mga pinsan ko yan! Anak ni tito Anton at tito Nhel ang mga yan. Patay ako nito kapag nagkapasa yang mga yan! Kainis ka!" lumapit ako sa dalawa at hinila palayo dun. Naiwan si Gelo na nakatulala dahil sa narinig.

Selos pa more!

Marami talaga ang napapahamak dahil sa maling akala.