webnovel

Just inTime

Shanaia Aira's Point of View

NAMANGHA si ate Shane ng makita ako.

" OMG! Bunso is that you?"

" Yes ate. You should thank ate Ritz for this." turan ko sabay ngiti ng malapad kay ate Ritz na nasa tabi ni ate Shane.

" Galing mo talaga besh. Maraming salamat. Wala akong masabi. Ang gwapo ni Aira ah." sambit ni ate na hindi maitago ang paghanga kay ate Ritz.

" Wala yan besh. Ang importante makatulong ako sa inyo ni Aira." sagot ni ate Ritz.

" Kamukha nya talaga si Robert Downey. Kung hindi lang sya payat, aakalain mong siya nga. Mukhang marami kang mabibihag na babae ngayon bunso, hahaha. Hindi ko ma-imagine na hinahabol ka ng mga kababaihan. Mas gwapo ka pa ngayon kay Gelo eh." panay ang asar sa akin ni ate Shane.

" Ate nga! Idea mo to di ba? "

" Oo nga. Kaya tingnan mo naman, walang makakahalata na ikaw yan. " sabi ni ate Shane. Tama nga naman kasi maging ako hindi ko nakilala ang sarili ko.

" Ang mabuti pa lumakad na tayo, baka mahuli pa kayong magkapatid sa misyon nyo. " untag naman ni ate Ritz sa amin ni ate.

Si Mang Simon ang nag-drive para sa amin ni ate Shane. Hinatid muna namin si ate Ritz sa kanila bago kami tumuloy dun sa bar na tinext ni Gelo sa amin ni ate Shane.

" Bunso hintayin muna daw natin yung text ni Gelo bago tayo pumasok dun sa bar." inform ni ate Shane sa akin.

" Akala ko ba dito lang ako sa kotse?" tanong ko.

" Kasama kita sa loob, kunwari nga body guard kita." sabi pa ni ate. Tumango na lang ako. Sabagay sayang nga naman yung effort ni ate Ritz na pagmukhain akong si Robert Downey. At isa pa, mababantayan ko pa si Gelo sa loob ng bar.

Nakapag-park na kami sa may harap ng bar sa BGC. Nag-text na si ate kay Gelo na nandito na kami sa parking lot. Maghihintay na lang kami ng text niya bago kami pumasok.

Lumipas ang 15 minutes ay hindi pa rin sya nagre-reply, baka hindi niya pa siguro nababasa yung text ni ate.

Another 15 minutes pa ulit ang nagdaan at medyo kinakabahan na ako.

" Ate bakit wala pa syang text hanggang ngayon? Imposible naman na hindi pa niya nababasa yung text mo." nag-aalala ko ng turan.

" Okay let's go inside. Mang Simon alerto lang po kayo, hintayin ninyo kami." paalam ni ate kay Mang Simon.

" Sige po ma'am. " sagot ni Mang Simon.

Bumaba kami ng kotse at inalalayan ko naman si ate Shane sa pagbaba na parang isang body guard. Sumunod ako sa kanya, nasa likuran lang nya ako habang papasok siya ng bar. Maraming mga mata ang napadako ang tingin sa aming magkapatid .Maraming guys ang halos lumuwa ang mata kay ate Shane. Nakitaan ko naman ng paghanga ang mga babaeng sa akin nakatuon ang atensyon.

Putspa! Hindi tayo talo mga miss.

Iginala ni ate Shane ang tingin nya sa loob ng bar. Gayundin ang ginawa ko. Bawat couch ay sinusuyod namin ng tingin maging ang lugar ng bar tender.

" Sure ka bang dito sila pumunta ate?" pabulong kong tanong kay ate Shane.

" Oo. Ito yung nakalagay sa text nya." sagot nya ng bigla syang matigilan.

" Why?"

" I think I saw direk Joy."

" Where?" inginuso nya ang couch na kinaroroonan ni direk Joy.

" Tara lapitan natin. " pag-aya nya sa akin. Sumunod ako sa kanya papunta sa kinaroroonan ni direk Joy.

" Hi direk!" ate flashed her sweetest smile to direk Joy.

" Oh hi Shane! nandito ka rin pala. Who are you with?" tanong nya.

" Wala ako lang at itong body guard ko. " sabay turo sa akin.

" Ang gwapo naman ng body guard mo. Sure kang body guard lang yan? " may himig panunukso pa si direk Joy kay ate. Eiw. kami daw ni ate? Jusko napagkamalan pa kami.

" Ano ka ba direk, may girlfriend na yan tsaka ang laki ng tanda ko sa kanya noh." natatawang saad ni ate kay direk Joy.

" Ay sayang, bagay pa naman sana kayo. Anyway, why are you here? May kikitain ka ba? Mga kasama mo sa movie?" tanong muli ni direk.

" No. Actually, I'm looking for my best friend Gelo, is he here? "

" Ah si Gelo. Nasa dance floor kasama si Gwyneth, mukhang nag-eenjoy sila, kanina pa sila doon. Anong kailangan mo sa kanya? "

" Susunduin ko na sya. May family gathering kasi kami sa bahay with his parents. Nasabi nya na nandito sya kaya pinuntahan ko na. "

" Ah okay. Tingnan mo na lang dyan sa dance floor. "

" Thank you direk. If ever na makita ko sya, ngayon pa lang ipagpapaalam ko na siya sa inyo. " malaki ang ngiti ni ate ng magpaalam kay direk.

" No problem Shane. " nakangiti ring sambit ni direk.

Pumunta na kami sa dance floor at isa-isang sinuyod ng tingin ang mga sumasayaw. Ngunit walang Gelo at Gwyneth ang naroon. Nagkatinginan kami ni ate Shane. Kinakabahang umiling siya. Binalot naman ako ng pangamba na baka nahuli na kami ng dating ni ate.

Umakyat kami sa itaas ngunit wala pa rin hanggang sa makita namin yung isang actor na kasama ni Gelo sa movie.

" Lester have you seen Gelo?" hinihingal na tanong ni ate Shane.

" Oh hi Shane! Yeah, lasing na sya.Tinulungan ko nga si Gwyneth na dalhin si Gelo papunta dun sa parking lot sa harap."

" What? Kanina pa ba?" nagpa-panic na tanong ni ate kay Lester.

" Hindi pa naman. Baka maabutan nyo pa yon. Medyo mabagal kasi siyang maglakad, pinaalis na ako ni Gwyneth nung medyo malapit na sa parking. Why? May problema ba? " naguguluhan na tanong ni Lester.

" Ah wala naman. Sige salamat Lester." hindi pa man nakakasagot si Lester ay hinila na ako ni ate Shane patakbo sa parking. Tinawagan nya si Mang Simon para kung sakaling makita nya si Gwyneth ay pigilan nya.

" Sige Mang Simon andyan na kami." sagot ni ate Shane sa kausap.

" Ano daw ate?" tanong ko.

" Nandon nga daw sa parking lot. Dali bunso, aabutan pa natin."

Tumakbo kami ni ate hanggang parking lot at tama nga dahil naroon pa si Gwyneth na tila nakikipagtalo kay Mang Simon.

" Anong problema Mang Simon?" tanong agad ni ate ng makalapit kami.

Dahil na briefing na ni ate Shane si Mang Simon kanina bago kami umalis, kaya alam na nito kung ano ang tamang iaakto.

" Eh ma'am nakita ko po siya na parang hirap na hirap dalhin yung kasama nya kaya nilapitan ko po. Eh nakilala ko po na si sir Gelo po pala kaya sabi ko ako na ang bahalang maghatid. Ayaw pong pumayag ma'am, siya na daw po ang maghahatid kay sir Gelo." paliwanag ni Mang Simon. Very good Mang Simon, para kang artista sa galing mong umarte.

" Bakit Gwyneth, alam mo ba kung saan nakatira si Gelo? " mahinahong tanong ni ate Shane.

" A-ah e-eh m-madali ko namang malaman kung titingnan ko ang ID nya? " tila natataranta pa nyang sagot. Hindi nya syempre aaminin na alam na nya yung tirahan ni Gelo dahil sinundan na nya si Gelo minsan.

" Really? Huwag ka ng mag-abala, kami na ang maghahatid sa kanya. " si ate Shane.

" No. Kaya ko na Shane. Baka magalit pa sa akin si Gelo kapag pinaubaya ko sya sa iba." kampanteng sagot nya na ikinagitla naman ni ate Shane.

" Iba? Sinong iba? Kung mayroon mang ibang tao dito, ikaw yon Gwyneth. Ako at ang kapatid ko ang best friends ni Gelo. Mula pagkabata ay magkakasama na kami. Magkakaibigan ang mga magulang namin. Pasasalamatan ka pa nga ni Gelo kung sa amin mo sya ipapaubaya ngayon. Kaya kami na ang bahala sa kanya at umuwi ka na. " mahinahong turan ni ate Shane kahit na ang totoo ay gusto na nyang pagmalditahan si Gwyneth.

" Kami ang magkasama kanina kaya ako ang dapat maghatid sa kanya! " pamimilit pa ni Gwyneth.

" Ano ang sasabihin sa akin ng mga magulang nya kapag pinabayaan ko sa iba si Gelo gayong ang alam nila ay magkasama kaming uuwi sa amin dahil may mahalagang meeting ang pamilya namin? Ipipilit mo pa rin ba na ikaw ang maghahatid sa kanya?" si ate Shane ulit.

" Sinasabi mo lang yan dahil ayaw mong ihatid ko sya? Ano ba ang problema kung ako ang maghahatid sa kanya? " tila desperado ng tanong ni Gwyneth. Halata na ang pagka-irita nya kay ate Shane.

" You want me to call his parents para malaman mo na hindi ako nagdadahilan? At ikaw, ano ang motibo mo at gusto mong ikaw ang maghatid sa kanya? " diretsahang tanong na ni ate Shane sa kanya. Tila naumid naman ang dila nya at hindi sya nakasagot.

" See? Hindi ka na nakasagot. Anyway, sumagot ka man o hindi, ako ang mag-uuwi kay Gelo. Bahala na ang mommy at daddy nya sa kanya pagdating namin doon. Mang Simon, kunin mo yung susi ni Gelo at ikaw na ang mag-drive ng kotse nya. Pero bago yon, ipwesto mo muna siya sa back seat ng kotse ko. " baling ni ate kay Mang Simon na agad namang tumalima. Kinuha nya si Gelo mula sa pagkaka-akbay nito kay Gwyneth. Noon ko lang napansin na sobrang magkadikit na pala silang dalawa. Kung hindi lang ganito ang pagkakataon baka kanina ko pa inagaw si Gelo mula sa pagkakahapit nya sa katawan nito.

Tsansing to the max na siya kay Gelo ah!

Inis na inis si Gwyneth kay ate Shane pero wala syang magawa. Nabulilyaso na naman ang plano nya.

Nang maisakay na ni Mang Simon si Gelo sa back seat, sumakay na rin si ate sa passenger side. Ako ang magda-drive.

Nung paandarin ko na ang sasakyan ay natanaw ko pa si Gwyneth na nakatayo pa rin sa parking lot habang tinatanaw ang kotse namin palayo.

" See bunso? Kung hindi siya napigilan ni Mang Simon, malamang naiuwi na nya si Gelo sa kanila at ituloy ang balak nya dito. Mukhang nilasing na nga nya oh." sabi ni ate habang nakatingin sa tulog na tulog na si Gelo. Bigla naman akong kinilabutan. Kung nahuli kami ng konti ni ate, malamang nasa kay Gwyneth na nga si Gelo. At hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan nya pagkatapos.

" Thank God ate. We are just in time. "