webnovel

Issues and Publicity

Shanaia Aira's Point of View

TAHIMIK lang na nakaupo si Gelo sa couch. Marahil nag-iisip sya kung ano ang susunod nyang hakbang para mabigyan ng hustisya yung ikinalat na kasinungalingan ni Gwyneth.

Maybe I should think of a way on how to help him. I don't wanna see him like this. Alam kong parte ito ng pagiging artista nya pero hindi ko gusto na parang sinisisi sya sa mga bagay na hindi nya ginawa.

Nakakagalit lang yung ginawa ni Gwyneth. Ano na lang ang mararamdaman ng mga fans ni Gelo o ano na lang ang iisipin nila sa kanya? That he is a cheater?

" Bhi—" napatingin sya sa akin hindi ko pa man nasasabi ang gusto kong sabihin.

" Don't bother baby. I can do it." pinal na turan nya.

" Okay." kibit balikat ko. Ayaw din naman nya na masangkot ako sa gulo ng mundo nila.

Biglang nag ring ang cellphone nya na agad naman nyang sinagot. Si mama D ang narinig kong nasa kabilang linya dahil inilagay nya sa loudspeaker.

" Gelo ano itong balitang narinig ko na kasama mo daw ang bestfriend mo sa isla? Nalaman ni Gwyneth kaya hayun nagbigay ng statement sa press. Hindi namin sya napigilan dahil alam mo naman na senador ang ama nya,marami syang connections sa network. Ayusin mo ito Gelo kung hindi masisira ang career mo dahil sa isyung yan. Or do you want your fans to believe that you're a cheater? " turan ni mama D.

" Mama D, alam mong wala kaming relasyon ni Gwyneth and Aira is my bestfriend. "

" Oo bestfriend mo sya at alam ng tao yon pero bakit kayo lang dalawa dun sa isla? Natural na mag-isip ang mga tao ng hindi maganda sa inyo. Nakarating kay Gwyneth kaya hayun, hindi na nag-isip kung makaka-apekto ba yun sa mga career nyo yung ginawa nya. Hindi ako pabor dun sa ginawa nya pero ako ang pinagalitan ni Mr. Chan at ng agency mo. Sinabi ko naman sayo Gelo na mag-iingat ka sa mga kilos mo. " talak pa ni mama D.

" Mama D this is not the first time na nagbakasyon kami ni Aira ng kaming dalawa lang. Mga bata pa kami ganun na. What's wrong with that? Wala naman nakitang kakaiba sa amin ang mga tao dun. Simpleng bonding lang ng magkaibigan. " paliwanag ni Gelo. Tama naman sya. Kapag nasa labas kami ng casitas, never kaming nagpakita na magka-holding hands o magka-akbay kaya. Nag-iingat kami.

" Hindi lahat ng tao ay alam yon. Ang mabuti pa, mag-ready ka dahil may guesting ka kay tito Roy sa Tonight with tito Roy. Magpaliwanag ka Gelo. Sabihin mo ang totoo." nagkatinginan kami ni Gelo. Anong totoo ang ibig nyang sabihin?

" Anong totoo mama D? What do you mean? " tila kinakabahan na si Gelo nung magtanong.

" Yung kabaligtaran ng sinabi ni Gwyneth, ano pa. Gusto lang nyang mapag-usapan at your expense. Hindi ko gusto yung ginawa nya kaya sabihin mo yung totoo na wala kayong relasyon dahil nasa contract mo na hindi ka pwedeng magkaroon ng karelasyon hanggat nakatali ka sa kontrata. " medyo nakahinga kami ng maluwag nung marinig ang sinabi ni mama D. Akala ko kung ano na. Haay!

" Sigurado kayo na ibubunyag ko na yung tungkol sa kontrata ko? " tanong ni Gelo.

" Okay lang yon. Hindi na mahalaga kung malaman pa ng publiko yon. Wala ring kaso kay Mr. Chan yon, alam kong kailangan nila ang isang tulad mo. Sikat ka at magaling umarte at isa pa, ikaw naman talaga ang nagdala nung movie nyo. Kaysa naman maakusahan ka na cheater eh hindi maganda sa image mo yon. Pero may gustong ipagawa sayo ang agency at si Mr. Chan para naman hindi tuluyang masira ang love team nyo ni Gwyneth. " turan muli ni mama D. Kinabahan na naman ako, parang mayroon syang sasabihin na ikawiwindang ko at ni Gelo.

" What is it mama D? "

" Aaminin mo na hindi kayo ni Gwyneth dahil dun sa kasunduan sa kontrata mo pero aaminin mo rin na may special kang pagtingin sa kanya. Gusto ni Mr. Chan at ng agency na ipakita nyo sa publiko na may maganda kayong pagtitinginan."

" What? " shock na bulalas ni Gelo. Ayaw pa naman nya talagang maglalapit kay Gwyneth.

" Yes Gelo. Kailangan mong linisin ang pangalan mo at the same time kailangan mo rin si Gwyneth at ang love team nyo para mas lalo pang umangat ang career mo at kumita ang movie mo with her. Publicity na rin yon para sa susunod nyong movie." matapos sabihin ni mama D yon ay ibinaba na nya ang tawag.

Gelo heaved a deep sigh. Problemado.

" Bhi paano na? Gagawin mo ba yung pinagagawa nila sayo? " tanong ko.

" Wala namang ibang choice baby kundi iyon. Kung bakit ba naman kasi padalos-dalos si Gwyneth, hindi nag-iisip! " tila naiinis nyang turan.

" Bhi, she's desperately in love with you. Ang taong baliw sa pag-ibig hindi na nakakapag-isip ng tama. I think you need to consider the agency's suggestion to clean your name and for publicity too. Huwag mo akong intindihin dahil alam ko naman yung totoo. At the end of the day, sa akin ka pa rin naman uuwi. " nakakaunawang wika ko.

" Aw baby you always make things easier for me. Thank you for understanding and sorry for keeping you my secret. I just want to protect you and our relationship and you know that. " saad naman nya. Niyakap nya ako at niyakap ko rin sya pabalik.

" Bhi showbusiness is full of lies. And I'm getting used to it. Pero ayokong makulong habangbuhay sa kasinungalingan. Katotohanan pa rin ang mananaig sa akin. Pero pansamantala, sige, para sa ikatatahimik ng relasyon natin at para maprotektahan din natin ang isa't isa. Always remember bhi that truth is like the sun. You can shut it out for a time but it ain't going away. "

He just nodded and give me a peck on the lips.

" Basta baby kahit anong mangyari, dyan ka lang. Hindi magtatagal, maitatama din natin ang mga kasinungalingan, ayoko rin na matali dito habangbuhay. Ikaw ang totoo ko at yun ang mananatili. "