webnovel

If That's What My Baby Wants

Shanaia Aira's Point of View

I was dumbfounded for a moment. I was shocked at what he did. Imagine, Gelo Montero is kneeling in front of me and proposes for the second time? Is he serious?

" Bhi,.... a-ano to? I mean, b-bakit may... ganito?" nagkakandautal kong tanong. Kasi naman binigla nya ako.

" Nagpo-propose ulit ako. Hindi ba obvious?" tanong niya. Medyo tabingi na ang ngiti niya kasi kanina pa sya nakaluhod. Malamang nangangalay na.

" I know. Pero bakit nga naisipan mo na mag-propose ulit?"

" Baby, gusto kitang pakasalan ulit kaya nagpo-propose ulit ako. Yung dream wedding mo ang gusto kong ibigay sayo, this time. Hindi tulad nung una na pareho pa tayong naka-pajamas lang." paliwanag nya.

" Kung mag-yeyes ba ako ngayon, kailan mo balak akong pakasalan?" tanong ko pa.

" Baby say yes na muna kasi kanina pa ako nangangalay dito.Sasagutin kong lahat yang tanong mo mamaya. " malakas akong natawa sa sinabi nya.

" YES! I'd still say yes to you again, bhi. "

His smile widened as he stood and slid his ring to my ring finger. He pulled me closer to him and kiss me passionately.

" Thank you baby. Parang lyrics pa ng kanta yung sagot mo ah." sabi nya. I smiled and enclosed his face with my hands and kissed him on the lips.

" Binigla mo ako. Kaya mo ba ako niyaya dito dahil dyan?"

" Actually, last week pa sana kaya lang sabi ni Shane ayusin ko daw muna yung problema natin sa photos na nakay Gwyneth. And so I did. I bought that ring 2 weeks ago and I asked your family again for your hand in marriage. Kaya nung makuha ko na yung mga photos kagabi nagpaalam ako sa kanila na iuuwi kita dito sa farm para dito na rin mag-propose ulit sayo. "

" So all this time alam na pala nila? "

" Syempre dapat magpaalam ako sa kanila di ba? "

" Ah okay. " sabi ko na lang. Wala na kasi akong masabi sa sobrang dami ng emosyon na nararamdaman ko.

" So when do you want us to get married again?" tanong niya. Napaisip ako, gusto ko na rin na magkaroon kami ng church wedding. Pero sa ngayon kasi, komplikado pa rin kahit na nasolusyunan na yung problema kay Gwyneth. May movie promotion pa na kailangan sila ni Gwyneth ang laging magkasama. Out of the picture ako, dahil para sa madla, hiwalay na kami ni Gelo.

" I think after na ng showing ng movie ninyo tutal wala ka ng gagawin dahil magpapahinga ka muna sa paggawa ng movies. Makakapag-prepare tayo ng maayos dahil marami ka ng oras nun. And bhi, I don't need a grand church wedding. I want it to be simple with only family and closest friends were there to witness. I also want it to be kept in public." tumango-tango siya sa sinabi ko. Aprubado sa kanya dahil alam naman niyang ayaw ko ng lantad sa publiko ang buhay namin.

" Alright. If that's what my baby wants. " he hugged me and crouched a bit to kiss me again.

He kissed me hard and kissed me good. As if his lips were on a mission. His kisses became hard and brisk and was almost too eager. He's like a soldier that's been starved for so long and kissing me is the only solution for his personal crisis.

His hand is holding my other boob and the other one is cupping my butt while kissing me. His lips ignited the fire only he could awaken within me.

Gusto kong magprotesta ng huminto siya. Namumungay ang mga mata niya ng ititig sa akin. I can see all his emotions just by looking at his eyes.

" Baby I want you so much." he said in his husky voice. Marahan akong tumango at naging hudyat yon para hilahin niya ako at ihiga sa kama.

Gelo placed himself on top of me. He quickly removed both our clothes until we're both naked. I could feel his junjun poking on my belly and he was so ready. I was nervous as if this is our first time and yet, I'm excited.

We made love with heated passion and feverish desire. And Gelo, being Gelo that never contented with just once, and me being soft and marupok, we will not stop until there is strength left.

After all, making love with my husband is just right. As right as breathing, as right as sun and moon and as right as rainfall and sunshine.

Love is a beautiful thing with the right person. And the right person for me is the man in front of me...Ariel Angelo Montero, the actor, my husband.

______________

TWO days pa kaming nanatili ni Gelo sa rest house ni daddy Archie. Hindi kami lumalabas, doon lang kami. Kami ang naglilinis ng bahay, nagluluto ng pagkain namin at tumutulong din si Gelo kay Mang Ambo sa pagpapakain sa mga alagang hayop habang nagdidilig ako ng halaman sa malawak na garden.

We both enjoyed our stay here. Nakakulong man kami dito pero nakakadama kami ng kalayaan. Kalayaan sa magulong mundo ng showbusiness.

" Bhi, what if, dito na lang tayo magpakasal?" tanong ko kay Gelo. Nasa swing kami, katatapos ko lang magdilig ng halaman at siya naman ay tapos ng magpakain ng mga baboy at manok.

"Dito?" gulat na tanong nya.

" Ay hinde bhi, doon. Doon tayo magpapakasal!"

"Tss. Seryoso nga kasi baby. Umandar na naman yang kabaliwan mo." he pouted his lips.

" Dito nga mismo bhi. Tahimik, walang makakakita sa atin mula dyan sa labas dahil sa mataas na pader. At maluwang para sa buong pamilya at malalapit lang na kaibigan na dadalo. What do you think? " he paused for a moment as if thinking.

" Uhuh! Pwede baby kaya lang baka malayuan sila. " turan niya matapos ang ilang sandaling pag-iisip.

" Okay lang yan, kaunti lang naman sila. Baka wala pa nga silang 50 kasama na mga friends natin. Para lang silang nag-outing nun." pangungumbinse ko pa.

" Okay, I'll think about it. "

" Teka lang bhi, parang may mali. Ako ang bride dapat ako ang masusunod. You said you will give me my dream wedding. Alam mo ba ang dream wedding ko? "

" Not exactly. But you said, you want a simple wedding and I'm fine with that. Hindi ko lang ine-expect na yung simple wedding na gusto mo ay dito sa farm na puro puno at farm animals ang nasa paligid. Hindi ba parang kakaiba yon? " medyo ako naman ang napaisip. Iniimagine ko yung paligid habang kinakasal kami, yung nag-uungaan ang mga baka at nagti-tilaukan ang mga manok.

" Yeah, that's pretty weird but don't you think it's memorable? " napapangiti kong tanong sa kanya. Napapailing na hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako ng mabilis sa labi.

"Okay. If that's what my baby wants."

BUMIYAHE na kami pabalik ng Metro the next day. Tomorrow na yung dubbing nila para sa movie tapos magpo-promote na sila.

Pagdating namin sa bahay ay naroroon ang lahat ng kapamilya namin na tila ba naghihintay talaga sa aming pag-uwi.

" Ano kumusta ang proposal Gelo?" tanong agad ni kuya Andrew.

" Hayun kuya A, gulat na gulat si baby, pinagkaisahan na naman daw natin siya." sagot ni Gelo.

" Eh talaga naman. Kunwari pa kayong nagulat nung magsabi kami na pupunta muna ng Batangas para mag-relax, yun pala naman alam nyo na ang balak ng kumag na asawa ko. " sabi ko.

" Nagpaalam nga sa amin. Nagulat nga kami kung bakit magpo-propose ulit pero sinang-ayunan na lang namin ang desisyon niya. Mahal na mahal ka lang talaga anak. " si tita Mindy naman ang nagsalita.

" So anong napag-usapan ninyong petsa ng kasal at saan gaganapin? " si mommy naman ang nagtanong.

" Gusto po ni baby na pagkatapos na lang daw ng showing ng movie ko. Magbe-break muna ako sa paggawa ng movie matapos ito. Tita Jellyn was okay with it, pahinga lang muna daw pero mayroon namang tv shows na naka line up pero matagal pa naman ng konti yun. So we decided na pagkatapos na lang ng showing yung preparations for the wedding. "

" So kailangan na natin palang mamili ng venue, syempre wedding of the year yan, yung parang kay Shane dati. " excited na si mommy.

" What? No, mommy! " bulalas ko.

" Anong no anak? Huwag mong sabihin na yung pangarap kong wedding para sa inyo ni Gelo ay hindi ganon ang gusto ninyong mangyari? " medyo nagugulumihanan na si mommy.

"Yes po. Alam naman ninyo na ayaw ko ang magulong mundo ng showbiz. Kaya ang gusto ko, simple wedding lang po. Family and closest friends lang and as much as possible it would be kept in public. Alam naman po ninyo ang estado ko sa mga fans ni Gelo at Gwyneth, ayoko lang po ng gulo. " disappointed man, nakakaunawang tumango na lang si mommy na sinegundahan naman nilang lahat. Ayaw din naman nila na mapahamak na naman ako dahil sa ayaw lang sa akin ng fans para kay Gelo. Si Gwyneth ang gusto nila para sa kanya.

" Saan ang venue ng kasal?" si daddy Archie naman ang nagtanong. Nagkatinginan kami ni Gelo at sabay na napangiti.

" Doon po sa farm ninyo sa Batangas dad."

" What?"