webnovel

Going Home

Shanaia Aira's Point of View

NINOY Aquino International Airport. Arrival Area. Alas kuwatro pasado na ng hapon ng lumabas kami ng airport. Kasabay na namin sa pag-uwi ng bansa si lolo Franz at lola Paz. Hinintay talaga nila na makapag-ayos kami nila Jaytee at Feliche bago sila bumalik ng Pilipinas. Sinisigurado lang ni lolo na uuwi na talaga kaming mag-iina. Si tita Emy ay nauna ng umalis dahil sa US naman ang tuloy niya. Inayos ko pa kasi yung iiwanan ko sa ospital dahil siguradong hindi na ako makakabalik ng Canada.

Si Jaytee at Feliche ay nag-file lang ng leave of absence nila para masamahan kaming mag-iina. Ngunit kung sakali naman na hindi magiging maganda ang resulta ng pag-uwi namin, buong puso pa rin naman kaming tatanggapin ni Jaytee pauwi ng Canada.

Paglabas namin ng arrival area ay naroon na ang driver ni lolo Franz na si Mang Gusting dala ang Hi Ace ni lolo. Tinulungan niya kaming ilagay ang mga bagahe namin sa likod.

" Gusting, sa Dasma tayo uuwi ngayon, bukas na lang tayo bumiyahe pabalik ng Sto. Cristo. Sasamahan lang muna natin itong si Aira sa kanila. Napansin mo ba kung naroon ang mga Gallardo sa kanila?" tanong ni lolo kay Mang Gusting. I sigh. Siguradong nasa bahay sila dahil Sabado ngayon.

" Ah opo senyor. Dumaan po ako dun kanina dahil may pinabigay si sir Frank kay sir Adrian. " sagot ni Mang Gusting. Bigla akong kinabahan na naman. Yung klase ng kaba na parang katulad noon ng ma-principal's office kami nila Venice dahil may umaway sa amin. First time kong mapagalitan nun at ngayon ay parang ganon din ang pakiramdam ko.

" Hey, are you alright?" tanong ni Jaytee na nasa tabi ko. Napapagitnaan namin siya ni Feli. Yung dalawang bata ay nasa unang row kasama si lolo Franz at lola Paz. Yung yaya naman nila na si Isay ay nasa likod.

" To be honest dada, hindi. Para akong nasa principal's office. Naalala mo nung high school tayo, nung madala kami nila Venice at Charlotte don dahil inaway kami nila Scarlet?" he chuckled at what I said. Maybe he remembered.

" I can never ever forget that." sagot niya.

" Bakit anong meron dun? "pagsingit naman ni Feliche sa usapan.

" Huwag mo ng alamin cuz baka magselos ka pa. " sabi ko.

" What? Bakit naman ako magseselos kung na principal's office ka? " tanong niya. Medyo nagtataka.

" Okay wag kang praning ha? Ito kasing si Jaytee nung high school kami eh crush ng bayan. Nanligaw yan sa akin pero binasted ko. " kwento ko pero nahinto ako dahil sumingit na naman siya.

" Oh alam ko na yan, tapos? " tanong nya ulit.

" Yung classmate namin na si Scarlet Vivar, patay na patay sa kanya pero hindi siya pinapansin nitong kumag na to. Ang nangyari ako ang pinag-initan dahil nalaman niya na nanliligaw sa akin pero ang hindi niya alam binasted ko na. Hayun hinarang ako nung papunta ako sa canteen tapos sinabuyan ako ng softdrinks sa ulo. Syempre hindi uubra kay Venice yon, gumanti siya hanggang sa magkagulo na. Ito kasi eh, ang bangis ng dating sa mga girls noon. " turo ko pa kay Jaytee na tatawa-tawa pa.

" Hanggang ngayon naman. " sabi ni Feliche na mukhang problemado ang tono.

" Naku hon ayan ka na naman. Selos na naman yan Aira. " sabi ni Jaytee tapos inakbayan si Feli.

" Hindi na noh. Kahit na may mga nurse at doktor pa na nagpapapansin sayo. Ako na kaya ang nagwagi." buong pagmamalaking turan nya.

" That's my girl. There's nothing to worry about naman hon, I'm yours from head to toe. " sabi niya sabay gulo sa buhok ni Feli.

" Eiw ang cheesy nyo. Pero seryoso, malaking threat nga yan si Jaytee noon kay Gelo. Sa lahat ng nanligaw sa akin diyan siya kinabahan. Pero thankful ako dahil sa kanya umamin si Gelo ng di oras sa akin. " nanlaki ang mata ni Feli, hindi kasi niya alam ang tungkol dito.

" Really? Gelo Montero na yun hon. Ibang klase ka rin pala talaga. " sabi ni Feli. She's giggling unstoppably.

" Hindi naman. " sagot naman ni Jaytee.

" Aw napaka-humble mo talaga hon." turan ni Feli sabay yakap kay Jaytee.

" Alright. We're here." anunsyo ni lolo Franz. Tila nanigas naman ako sa kinauupuan. Yung kaba ko kanina ay pansamantalang nawala dahil sa pag-uusap namin pero ngayong nandito na kami sa may gate ng bahay namin para na naman akong sinisilihan.

Binuksan ng guard namin yung gate ng makilala ang sasakyan ni lolo. Nang makapasok na ang sasakyan ay panay ang tahip ng dibdib ko.

" Mauuna kami ng lola ninyo, diyan lang kayo sa pinto para malaman ko muna kung ano ang reaksyon nila." sabi ni lolo Franz.

Naiwan kami sa labas ng pinto nung pumasok si lolo at lola pero naiwan ang pinto na medyo nakaawang. Nanlaki ang mata ni yaya Didang na siyang nagbukas ng front door ng makita ako. Sumenyas muna ako na huwag maingay.Tumango siya at nagpalipat-lipat ang tingin sa mga kasama ko.

" Oh papa, mama, napapasyal po kayo?" dinig ko ang boses ni mommy mula sa loob. Papa ang tawag niya kay lolo dahil kay lolo Franz na sila lumaki ni tita Jellyn at mama kay lola Paz. Para namang piniga ang puso ko nung marinig ko ang boses ni mommy. I missed her so much.

" Galing kami nitong mama mo sa Canada, para sa branch ng isang resto natin doon." dinig kong sagot ni lolo Franz kay mommy.

" Canada po papa? Have you seen her?" boses naman ni daddy yung narinig ko. Her? sino yon? Ako ba ang tinutukoy niya?

" Yes." dinig kong sagot ni lolo.

" How is she, papa?" si mommy ulit, medyo garalgal ang tinig niya na mukhang umiiyak na. Kung gayon ako ang tinutukoy nila. Paano?

" Actually, she's with us." sagot ni lolo Franz.

" What? Oh my God!" magkapanabay pa nilang bulalas.

" Shanaia Aira, come here! " tawag ni lolo. Saka pa lang kami kumilos nila Jaytee. Karga niya si Shan at na kay Feliche naman si Yella. Nanginginig ang buong katawan ko habang lumalakad ako papasok ng living room. Kung hindi ako hawak ni yaya Didang ay baka nabuwal na ako.

" Mom, dad!" biglang tumayo si mommy at patakbong lumapit sa akin. Umiiyak siya na niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko rin ang yakap ni daddy sa akin at paghalik niya sa ulo ko.

" Diyos ko anak, bakit ngayon ka lang umuwi? Pinag-alala mo kami ng husto. Kung saan-saan ka namin hinanap." sabi ni mommy habang panay ang tulo ng luha niya.

" Mommy, daddy sorry po. Natakot lang po talaga ako na may masamang mangyari sa inyo." sagot ko habang umiiyak na rin.

" Bakit kasi inako mo ang lahat? Ayaw ka naming payagan dahil may paraan pa naman." turan naman ni daddy.

" Dad sorry po." sabi ko ulit. Tumango si daddy at inalalayan niya kami ni mommy na maupo sa couch sa tabi ni lolo Franz at lola Paz.

" Dad, mom si Jaytee po. Kilala niyo naman po siya di ba? At si Feliche anak ni tita Emy. "

" Of course kilala namin si Feli anak. And Jaytee your..." hindi natuloy ni mommy yung sinasabi niya dahil biglang umentra si daddy.

" Your husband. " tukoy ni daddy.

" Paano po ninyong nalaman? " nagtatakang tanong ko. Hindi naman nabanggit ng mga magulang ni ate Faith sa anak nila na nagpakasal ako kay Jaytee.

Bumuntong-hininga muna si daddy bago nagsalita.

" Ilang taon ka naming hinanap anak. Halos ikabaliw ni Gelo ang pagkawala mo. Halos sirain na niya ang buhay niya nung hindi ka na nagpakita. Palagi syang lasing at naging mainitin ang ulo. Palagi silang nag-aaway ni tita Jellyn mo dahil hindi niya sinisipot ang mga projects na binibigay ni Jellyn sa kanya. Until one day, after two years, hindi na nakatiis si Faith dahil sinisira na ni Gelo ang buhay niya. Inamin niya na nasa Canada ka at doon ka sa mga magulang niya tumuloy. Gelo decided to go to Canada pero nung bumalik siya parang ibang tao na siya. Tinatanong ko kung ano ba ang nangyari. Nagtanong daw siya sa parents ni Faith kung saan ka na tumutuloy then tinuro naman nila. Nakita ka raw niya with Jaytee, may karga kayong mga bata at nakatira sa iisang bubong. Hindi niya mapaniwalaan ang nakita niya kaya nagtanong-tanong siya sa neighborhood ninyo and they confirmed that you two are married and the kids are your offsprings.Kaya pagbalik ni Gelo dito, hinakot na niyang lahat ang gamit niya. At masakit man sa loob niya, umalis siya at hindi na nagpakita sa amin. Kailan lang ulit kami nagkita at may girlfriend na siyang ipinakilala sa amin. Wala naman kaming karapatan na magalit sa kanya kasi ikaw ang naunang bumitaw sa inyo, anak. " mahabang salaysay ni dad. Iyak naman ako ng iyak sa nalaman. Wala na pala kaming babalikan ng mga anak ko. May girlfriend na pala ang daddy nila.

" Dad, I'm so sorry pero mali po kayo ng speculation tungkol sa amin ni Jaytee. Kung sana ako ang kinausap ni Gelo hindi ang mga kapit-bahay namin."

" What do you mean, baby? " gulat na tanong ni mommy.

" Totoo pong nagpakasal kami ni Jaytee pero para lang po yun sa citizenship ko. Nag divorced din po kami after two years. Kaya nung nakita kami ni Gelo, divorced na po kami nun. Ginusto lang ni Jaytee na manatili kami sa kanya ay para lang sa mga bata. Sila po ni Feliche ang totoong magkasama, engaged na po sila that time na pumunta si Gelo doon. " napatingin naman silang lahat kay Feliche.

" Tanggap mo na may anak sila, Feliche? " tanong ni mommy kay Feliche. Nanlaki naman ang mata ni Feli sa tanong ni mommy.

" Hahaha. Halatang hindi mo naiintindihan ang mga pangyayari Eliza. " sabi ni lolo Franz kay mommy.

" Bakit papa, mali ba ang tanong ko?" si mommy.

" Bakit hindi mo pagmasdan ang mga apo ninyo? Kids go to your lolo Adrian and lola Elize. Introduce yourselves ." utos ni lolo na agad naman sinunod ng kambal. Humiwalay sila kay Jaytee at Feli saka patakbong lumapit kila mommy at daddy.

" Hello po, lolo and lola. I am Ariella Shaira and this is my twin brother Angelo Shaniel. " pakilala ni Yella sa kanilang lolo at lola saka sila nagmano. Agad namang kinarga ni daddy si Shan. Napatakip naman ng bibig si mommy.

" Oh my God! Kay Gelo pala sila. "

Hi guys! Alam ko na nagulat kayo sa itinakbo ng story. Kung nabasa ninyo yung iba kong story, mahilig po talaga ako sa plot twist. That's my style in writing. I hope naliwanagan na kayo ngayon. Nasa volume two na po tayo at marami pa ang mangyayari.

Humihingi kayo ng update at malugod ko namang sinusunod pero sana mag post din kayo ng reviews ninyo bilang suporta na rin.

Thanks for reading!

Promote ko lang din yung English version nito. Sana basahin din ninyo. Thanks.

AIGENMARIEcreators' thoughts