webnovel

Agreement

Shanaia Aira's Point of View

I just stared at Gelo after he spoke. I just can't believe that someone with an innocent beauty like Gwyneth can do such an evil deeds. Her beauty is deceptive. An evil witch dressed in branded and expensive clothes.

"Bhi pwede ba na sagutin mo na yung tanong ko dati? Ano ba ang nangyari nung mahimatay ako?"nakatingin ako ng diretso sa kanyang mga mata, encouraging him to answer my guestion. Ilang araw na kasing gumugulo yun sa isip ko. Gusto kong malaman kung nakita din ba ni Gwyneth na dinugo ako.

He drew a deep breath..

" She asked me to leave you, to call off our engagement, or else she will make our lewd photos shown in public.Nagalit ako at pinaalis ko siya. Nung makaalis siya, saka kita dinaluhan ulit at noon ko napansin na dinudugo ka na kaya mabilis kitang itinakbo sa ospital. Mabuti na lang nakaalis na siya nung dalhin kita sa ospital kundi pati yon ay baka gawin rin nyang alas para mapasuko ako." pahayag ni Gelo na punong-puno ng kapaitan habang inaalala yung nakaraan. Medyo nahintakutan ako sa nalaman at the same time relief na rin dahil hindi nalaman ni Gwyneth yung nangyari sa akin.

" You know bhi,until now , I still can't believe that she can really do any harm. Her beauty is like of an angel. But deceitful. Gone is the admiration I had for her before, bulok pala ang nasa loob ng kagandahang iyon. Basta ginusto niya,gagawin niya. She didn't care if anyone got hurt, what matters to her is that she gets what she wants.A typical spoiled brat. Alam mo mas nangingibabaw yung nararamdaman kong awa sa kanya kaysa sa galit kasi hindi niya ginagamit ng tama yung buhay na ipinahiram ng Diyos sa kanya. Nakakaawa ang mga taong ganun. " buong paghanga nya akong nginitian saka siya umupo sa kama kasama ako. Nakaupo ako sa kandungan nya at nakaharap ako sa kanya. I wrapped my legs around his waist. He pulled me closer to him and embraced me tightly.

" Alam mo baby, mabigat ang puso ko sa tuwing may naririnig akong paratang laban sayo galing sa mga fans ni Gwyneth. Kaya ayaw kitang pumunta sa set dahil siguradong masasaktan ka sa mga sinasabi nila tungkol sa akin at sayo. May mga anti-Gelo na rin ngayon na walang pakundangan kung magsalita ng hindi maganda gayung wala naman silang alam sa buhay ko at pagkatao ko. Hinahayaan ko na lang, tinitiis ko dahil alam ko na matatapos din ang lahat. Pero yung mga sinasabi nila tungkol sayo, hindi ko yata kayang tiisin kapag nagpatuloy, baka isang araw sumabog na lang ako. Kaya kong tiisin yung sinasabi nila sa akin, pero ikaw? hindi ko hahayaang yurakan nila ang pagkatao mo. Hindi nila alam kung gaano kabuti ang puso mo. A person with a good heart like you don't deserve humiliation and disgrace. Kaya natatakot ako na baka tuluyan kang husgahan ng publiko kung ilalabas ni Gwyneth ang mga lewd photos natin. Iyan ang hindi ko gustong mangyari. Kaya nag-iisip ako ng paraan para hindi siya magtagumpay. " mabigat ang loob na turan nya.

" Bhi, hayaan mo na lang kayang ilabas ni Gwyneth yun, tutal mag-asawa naman tayo. "biglaan ko na lang nasambit.

" Seryoso ka baby? Social media this days is inhumane. It will destroy and crush you until you give up. At ayokong pagpiyestahan ang katawan ng asawa ko lalo na ng mga kalalakihan. And worst, baka ma-expell ka pa sa med school kahit pa sabihin natin na mag-asawa na tayo. "napatitig ako sa kanya, parang ngayon lang pumasok sa isip ko ang mga posibleng mangyari. Gumapang ang kilabot sa katawan ko sa isiping baka pagpiyestahan nga ang katawan ko.

Muli kong inalala ang mga pictures na yon. Pareho kami ni Gelo na pang-ibabang saplot lang ang natitirang kasuotan. Malinaw sa larawan ang mukha namin at ang mga dibdib ko. Wala namang aksyon pa na nagaganap maliban sa naghahalikan kami. Pero kahit ganon lang, masagwa pa rin na makita yun ng publiko. At hindi katanggap-tanggap kay Gelo na may makakita sa katawan ko. Syempre sino ba naman ang asawa na gusto ng ganon.

"Sorry bhi, it came out of my mouth that I hadn't even thought about. My mind is too messed up and I can't think straight." hinging paumanhin ko.

"I understand baby. If it wasn't for my work you wouldn't have gone through it all. Maybe that's the price of being on top. Pero sana ako na lang, wag ka na lang sanang idamay pa." I cupped his face and looked straight into his eyes.

"It's okay bhi. Nung minahal kita, niyakap ko na ang buong pagkatao mo. Pikit mata kong tinanggap ang mundong ginagalawan mo kahit labag sa loob ko. You're the actor that I hate to love. Well, it's not really you that I hate, but you being an actor.Pero dahil kakabit na yan ng pagkatao mo, natutunan ko na rin na tanggapin. Mahal na mahal kita Gelo Montero, no matter how hard we go through today, my love for you stays the same. " I kissed him with all my heart. He responded with the same intensity.

" I love you more baby and always remember that. "

Tumigil kami ng maalala na kailangan na pala niyang magbihis para pumunta na sa set. Tinulungan ko siya sa pagpili ng damit na maisusuot tapos naglagay ako ng extrang damit sa backpack nya.

Malungkot na naman ako nung umalis siya pero sinabi niya na maaga syang makakauwi mamaya dahil dalawang scene lang daw ang kukunan sa kanya ngayong araw.

Ayoko talaga ng nag-iisa ngayon. Sumasagi kasi palagi sa isip ko yung baby namin na nawala. Magsisimula na naman kasi akong mag-isip ng kung ano-ano. Mga what ifs na walang katapusan.

What if kung hindi sya nalaglag?

What if kung natuloy sya, ano kaya ang mga kinakain ko?

Moody kaya ako? May morning sickness kaya ako?

Nakikita nilang lahat na okay ako pero sa totoo lang, iniiyakan ko pa rin siya hanggang ngayon. I don't want them to see that I'm sulking, that I'm still mourning for our lost child. Tahimik at patago ako kapag umiiyak kasi ayokong maramdaman din ni Gelo ang pangungulila ko. Napakarami na nyang pinagdadaanan ngayon, kung makikita pa nya ako na nagsu-sulk para sa anak namin, madaragdagan lang ang mga dalahin nya. Alam ko na malungkot din sya, hindi lang nya pinapakita.

Dumaan ng mabilis ang mga araw. Para na lang akong dahon na tinatangay ng alon. Mahirap ang nag-iisa, wala kang makapitan sa oras na kinakain ka ng lungkot at pangungulila.

Sa tuwing dumarating si Gelo tuwing gabi galing sa shooting, alam ko na may dinaramdam siya emotionally pero pilit lang niyang itinatago sa akin.

Hindi ko alam kung anong paraan ang ginawa ni Gelo kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin inilalabas ni Gwyneth ang mga lewd photos namin in public. Nangangamba ako pero ayaw ko ng magtanong. Baka kasi hindi ko magustuhan kung ano man ang isasagot niya.

Ayon kay Gelo, ilang araw na lang ang itatagal ng shooting nila. Matapos iyon ay may dubbing and promotion pa. Hindi na nga raw siya makapaghintay na mag-showing ito dahil gusto na nyang magpahinga muna sa paggawa ng movies. May mga offer rin sa kanya na magbida sa teleserye at isang tv hosting. Pero bago yun, nangako sya na magta-travel kaming dalawa para pareho na naming makalimutan ang mga masasakit na pinagdaanan namin.

Naging paspasan na ang shooting nila Gelo dahil patapos na yung movie. Gaya noon, madalang na kaming magkita at magkausap. Darating siya tulog na ako at aalis sya ng tulog pa ako. Ni hindi ko na siya nakukumusta man lang. Hindi kasi nya ako ginigising kapag dumarating sya at ganun din kapag umaalis na siya sa umaga. Feeling ko umiiwas sya sa akin pero mariing tinututulan yon ng isip ko.

Bakit naman niya ako iiwasan?

Isang umaga, medyo pinilit kong agahan ang gising ko para maabutan si Gelo pero nung pagbaba ko sa dining area, saktong kakaalis lang ng kotse nya at si ate Shane na lang ang dinatnan kong kumakain ng breakfast sa dining table.

"Morning ate!" bati ko.

"Morning baby! Bakit maaga ka yatang nagising ngayon?" tanong nya.

"Gusto kong maabutan si Gelo sa breakfast pero nakaalis na pala siya. Ilang araw na kaming hindi nagkikita dahil sa hectic sched nya." sabi ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-iwas ng tingin ni ate Shane sa akin.

" May problema ba ate?" tanong ko kaagad. Para ipaalam sa kanya yung napansin kong pag-iwas nya.

" Ha? A-anong sinasabi mo dyan? W-wala ah. "halos mag stutter na sya sa pag-iwas.

" Ate magaling kang artista pero sa akin hindi papasa yang convincing power mo. Ano nga? May hindi ba ako alam dito? " pamimilit ko pa.

" Baby, what you do not know won't hurt you. "

" So, meron nga! Sabihin mo na please, hindi ako mapapakali niyan eh! "

" Okay. Sinabi na ito ni Gelo sa aming lahat pero sinadya naming itago sayo. But since kinukulit mo ako, might as well sabihin ko na. "sabi ni ate.

" Okay. Go straight to the point. Whatever it is, I'm ready. "

" Baby, Gelo is in good terms now with Gwyneth. Huwag kang magalit sa kanya dahil ginagawa lang niya yung makakaya niya para hindi ilabas ni Gwyneth yung mga lewd photos ninyo ni Gelo in public. "

" Nakipag-ayos lang pala siya, so wala akong dapat ikagalit dun, right? "

" It's not what you think it is baby. "

" What? eh ano? " naguluhan ako sa sinabi niya. Parang biglang tinambol ang puso ko.

"They are officially dating. Yun ang gusto ni Gwyneth na ipakita nila sa publiko. Ang palabasin din na wala na kayo ni Gelo."