Adohira's POV
Ilang buwan na ang nakalipas simula noong pumunta si mommy sa States. Ilang buwan na din siyang hindi nakakatawag sa amin. Hindi ko alam Kung paano ko nagagawang matulog sa gabi na puno ng pag aalala at gumising sa umaga na walang ideya kung anong nangyayari sa buhay ni mommy sa ibang bansa.
"Minette, Adohira R."
Nang marinig ko ang pangalan ko ay tumayo ako at naglakad papuntang stage upang tanggapin ang aking diploma. Habang nakikipag kamay sa mga teachers, principal at sa aming district supervisor ay rinig ko ang palakpakan ng aking mga kaklase. Hating emosyon ang nararamdaman namin ngayon, masaya kami dahil sa wakas nakapagtapos na kami ng high school at malungkot dahil kulang kami, hindi kami kompleto.
Nakalabas na sa ospital si Maya at wala na din ang kanyang mga pasa ngunit ang lungkot sa kanyang mga mata ay mabilis kong napansin tuwing titingin ako sa kanya. Nasa tabi niya si Natia na nakahawak lang sa kanyang kamay. Sa kabilang pwesto ay naka upo ang mga magulang nila. Ang iba sa amin ay mga nanay o tatay nila ang dumalo. Meron din namang mga kuya, ate, tito o tita nila ang pumunta para lang may kasama silang umakyat sa stage.
Napagalitan pa kaming buong klase noong graduation rehearsal namin kasi minsan ay marami ang wala at ang iba ay meron sa umaga pero nawawala sa hapon. Gusto kong sabihin na nalulungkot lang kami kaya sana kaunting pag unawa lang pero hindi iyan lumabas sa aking bibig dahil baka tuluyang hindi kami maka attend sa graduation. Sinadya nila na may dalawang bakanteng upuan sa pwesto namin para sana iyon kina Day at Kit kung hindi lang sana sila kinuha. Hanggang ngayon hindi pa din namin alam ang ugat sa pangyayari. Pagbalik ko sa upuan at napatitig ako sa hawak kong diploma dahil naalala ko ang usapan namin noong kompleto pa kami.
(Flashback)
"Saan kayo mag aaral sa college?" Tanong ni Kibou.
Andito kami sa damuhan naka upo ng pabilog at may pagkain sa gitna. Aakaling isang picnic kung wala lang kami sa school. Naka leave kasi ang teacher namin at bigla nilang naisipan na gawin ito, ang kumain sa madamong parte ng school.
" Gusto ko sa university kasi nababasa ko sa libro na may locker daw sila doon tapos iyong CR nila naka tiles tapos may malaking salamin sa may lababo. Oh diba ang sosyal." Sabi ni Maya na parang iniisip niya na totoo nga ang mga sinasabi niya.
"Ako din, gusto ko din sa university" Sabi ni Natia na katabi ni Maya.
"kasi baka andoon si Mr. Right. Kunwari eh naglalakad tapos may hawak akong mga libro tapos mababangga ako sa isang lalaki kaya mahuhulog yung mga librong hawak ko tapos sabay naming pupulutin kaya mahahwakan niya yung kamay ko" sa kilig niya ay nakakalbo na niya ang lupa. Habang nagsasalita kasi siya ay nagbubunot siya ng damo.
"Ako naman sa public lang" sabi ni Raza na katulad ni Natia ay nagbubunot din siya ng damo.
"Wala kasi kaming pera. Alam kong Mahal ang tuition sa college kaya sa public lang ako mag aaral"
" Gaga! Pwedi ka namang mag apply sa scholarship. Nag apply nga ako eh kaya may discount ang tuition ko." Wika ni Kibou.
" Nakapili ka na ng school mo sa college? " Tanong ni Raza sa kanya.
" Oo, sa PUTC."
"Malayo?"
"Hindi naman masyado. 20 minutes lang kung bus." Sagot ni Kibou at tumingin kila Day " hoy! Ang gagaling niyo naman! Kami dito nagdradrama tapos kayo inuubos niyo lang ang mga pagkain!" Sigaw niya sa dalawa.
" Bakit anong gusto mong sabihin namin?" Tanong sa kanya ni Kit.
" Saan niyo balak mag aaral sa college?" Sabi ni Maya.
" Hindi kami mag aaral, magtatrabaho na kami pagkatapos ng graduation" Sabi ni Kit saka sumubo ng chips at maingay niya itong nginuya.
" Ano namang trabaho yan?"
" Kung saan kami nababagay ni Day"
" Ah bote, bakal" napangiti ako at sila naman ay natawa sa sinabi ni Kibou.
"Tanginang yan" napamura na lang si Kit sa hindi matigil nilang pagtawa.
"Hayaan mo Kibou kapag nakapag ipon ako ng maraming pera liligawan kita" sa sinabi ni Day ay napatigil si Kibou sa pagtawa at napatitig kay Day. Matapos ang ilang segundong titigan ay pareho silang natawa samantalang kami ay nakatingin lang sa dalawa.
"May tinatago ba kayo sa amin?" Tanong ni Raza pero hindi siya nasagot ng dalawa dahil halos gumulong na sila sa kakatawa.
"Grabe, ang sakit ng tiyan ko" Sabi ni Kibou at nagpupunas pa siya ng luha.
" Naluha ako sa kakatawa. Bwesit ka Day!" Hinampas niya si Day sa likod nito. Nagpatuloy ang harutan at kasiyahan namin.
(End)
Hindi ako pweding umiyak ngayon dahil baka masira ang make up ko na pinaayos ko sa isang bakla. Kaninang umaga pumunta ako sa salon dahil hindi naman ako marunong magmake up kaya nagpaayos na lang ako. Nakasuot kami ng uniform at toga. Sana makapag aral sila sa pinangarap nilang mga school.
Ako, saan ko nga ba gustong mag aral? Gusto kong maka usap si mommy para matulungan niya akong magdesisyon kung saang school ako mag aaral at kung anong kurso ang dapat kong kunin. Wala akong kaalam alam kung anong klaseng buhay ang mararanasan ko sa kolehiyo. Hindi ko alam kung saan ako magaling at kung saan ako mahina. Hindi ko alam ang pangarap ko o wala akong pangarap sa aking sarili kasi ang tanging nasa isip ko lang ay makaganti sa kabutihan ni mommy sa akin at sa pag ampon niya sa akin. Gusto ko siya na maging proud kasi may anak siya na tulad ko, may anak siya na talentado at matalino pero parang sa panaginip ko na lang iyon mapapatunayan.
Pagkatapos ng graduation ay lumabas na ako para maghintay ng sasakyan pauwi. Inalis ko na ang graduation cap ko at inayos ang buhok ko na hanggang balikat na lamang dahil kanina habang inaayusan ako ay nakatitig lang ako sa aking sarili sa salamin at hindi ko alam kung saan ko nakuha ang ideyang magpagupit ng buhok na maiksi. Bagay ko naman daw kaya okay lang.
Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ng matinding katahimikan. Araw araw naman ay ganito pero kakaiba ang araw na ito. Hindi ba dapat ay magdiwang kami kasi graduate na ako. Siguro ay may surprise ulit sila at naka uwi na si mommy. Napadaan ako sa sala at nakarinig ako ng mahinang paghikbi. Tumuloy ako dito at nakita ko ang mga katulong na nag iiyakan at si manong. Nakatingin lang ako sa kanya dahil baka mabigyan niya ako ng sagot ng makatanungang nangyayari pero napayuko lang.
"Bakit po kayo umiiyak ?" Naguguluhan ako sa kinikilos nila.
" Ang mommy mo..." Sabi ni manang at hindi mapigilang umiyak.
" Si mommy?" Hinarap ko si manong "saan si mommy? Magkasama kayong umalis pero ngayon na nandito ka bakit wala siya?" Nanatili lang siyang nakayuko.
" manong..."
Nag angat siya ng tingin at nasilayan ko ang nanunubig niyang mga mata "nasa likod ng bahay ang mommy mo" sabi niya kaya mas lalo akong naguluhan.
"Anong ginagawa niya doon? Nagdidilig ng halaman? Nagtatanim na naman ba siya ng bagong bulaklak?" Umiling si manong at mas lalong napa iyak ang mga katulong sa mga sinabi ko pero Wala akong nakuhang sagot sa kanila.
Tumakbo ako papunta sa likod ng bahay at doon nakita ko ang mga bulaklak. Tama nga ang nasa isip ko may nagustuhan siguro si mommy na uri ng bulaklak sa ibang bansa at naisipan niya itong itanim sa kanyang bakuran. Ito lang ba ang iniiyakan nila? Pinakaba naman nila ako.
Nang nakalapit na ako ay napaawang ang aking bibig. Maraming bulaklak at magagandang bulaklak ang nasa bawat gilid ng isang kabaong. Nabitawan ko ang aking hawak na diploma at kahit nanginginig ang mga tuhod ay agad na tumakbo palapit sa kabaong habang iniisip na sana mali ang nasa isip ko.
Paglapit ko dito ay kitang kita ng dalawang mata ko kung sino ang nakahiga dito. Kamukha niya lang ito? Hindi ito magandang surprise. Nakatitig lang ako sa mukha niya at ang magulong isip na hindi nakakatulong.
"Pasensya na Hira. Ayaw kasi ng mommy mo na sabihin sayo na may sakit siya at ikakamatay na iyon. Pumunta kami sa ibang bansa dahil hindi na siya gumagaling dito sa pilipinas. Pero nang nagpacheck up siya doon ay huli na. Hindi ako nakatawag kasi magagalit siya sa akin kapag ibabalita ko na patay na siya. Gusto niyang pumunta sa graduation mo, gusto ka niyang makitang nakasuot ng toga. Alam niyang imposibleng mangyari iyon pero umasa pa din siya hanggang sa huling hininga niya." Sa bawat pagbitaw Niya ng salita ay katumbas ng lakas ko na unti unting nauubos. Pinipigilan ko ang sarili na lumuha.
" ikaw ang hinahanap niya bago siya namatay" parang awa mo na manong ayaw ko ng marinig pa na patay na si mommy.
Mommy, dumilat ka na, please. Andito na ako, graduate na ako, buksan mo na ang iyong mga mata. Habang nakadilat ang aking mga mata na nakatingin sa iyong mga matang sarado ay nawawalan ako ng pag asa at hindi ko kakayanin kapag nawala ka. Hindi mo man lang hinintay na ipakita ko sayo ang diploma ko.
Hindi ko na kayang itago ang aking emosyon kaya tumakbo ako at pumasok sa CR. Binuksan ko ang faucet at unti unti akong bumabagsak habang umiiyak. Ayaw kong marinig nila na umiiyak ako kaya tinakpan ko ang aking bibig. May kumakawalang hikbi na pinagtatakpan ng pag agos ng tubig sa faucet. Ayaw ko ng ganito, bata pa ako bakit naman ganito?
Nagising ako sa sunod sunod na katok. Sa aking pagbangon ay parang hinihila ako ng aking higaaan upang mahiga ulit para ibalot ang aking sarili sa kalungkutan at lunudin ang sarili sa luha.
"Dumating ang lola mo at gusto ka daw maka usap, hija. Nasa kwarto siya ng mommy mo, doon ka na lang pumunta." hindi ko kilala kung sino ang ina ni mommy.
" Iyan na ba ang ampon niya?" Bungad niya sa akin.
" umupo ka" sinunod ko ang utos niya. Sumimsim siya ng kanyang inumin at tumingin sa akin na may bahid ng pandidiri.
"Ang anak ko isa siya sa mga rebeldeng anak. Nag asawa siya na hindi ko alam pero namatay din yung lalaki kaya pinakasal ko siya sa isang mayamang lalaki para pero ilang buwan ang nakalipas ay naglayas siya." Nakatitig lang ako sa sahig habang nakikinig sa kwento niya.
"nagmamalasakit lang Naman ako na hindi siya magka problema sa pera pero pinairal niya ang katigasan ng kanyang ulo."
Tumigil siya at humigop ng kape ata niya " hindi kita tanggap sa pamilya ko. Nag ampon siya na hindi ko nalalaman" mapakla siyang tumawa.
" sabihin mo, magkano ang gusto mo?" Sa tanong niya ay napatingin ako sa kanya.
May inilabas siya sa kanyang bag "magkano, hmm? 5 milyon, ayos na ba iyon?" Nagbaba ako ng tingin at napalunok. Hindi ko akalain na ganito pala kababa ang tingin niya sa akin. Ngayon alam ko na kung bakit mas pinili ni mommy na manirahang mag isa at hindi ako ipinakilala sa pamilya niya.
"Hindi ko po kailangan ng pera niyo" tumawa siya na parang may nakakatawa sa sinabi ko.
" Aba! Gusto mo ng higit pa doon? Sige, sabihin mo kung gaano kalaking halaga ang gusto mo at ibibigay ko. Kapag nawala ka na sa paningin ko, huwag na huwag mong ipagsasabi na ampon ka ng anak ko." Tumayo siya at nilapitan ang mga painting na nakasabit sa pader.
"Puong puno ng basura ang kwartong ito." Pinagtatanggal niya ito.
" Wala pa siyang nagagawa na nagustuhan ko" hindi ba niya pweding irespeto ang pagkamatay ng anak niya?
"Itong mga painting na ito, isa ito sa ikinagalit ko dahil wala na siyang ibang ginawa kundi ang magkulong sa kwarto niya at gumawa ng mga basura. Ang Sabi ko mag doktor siya pero ang sagot Niya sa akin ay susundin niya daw ang pangarap niya." Pinagsisipa niya ang mga painting sa sahig at saka lumabas.
Pag alis niya ay pinulot ko ang mga ito. Nang makita ko ang painting ni mommy na bulaklak ay nagsimula na namang magtuluan ang mga luha ko. Umupo ako habang yakap yakap ito.
(Flashback)
"Mommy kanina pa po kayo nakatitig sa painting na iyan" paano naman kasi Pagkatapos niyang ipinta ito ay walang sawang tinitigan niya ito.
"Ito kasi ang paborito Kong bulaklak. Ang ganda, hindi ba? Ikaw Hira, anong paborito mong bulaklak?" Hindi Niya pa din inaalis ang tingin dito.
Nag isip ako, ano nga ba? "Hindi ko po Alam, ang dami naman kasing mga magagandang bulaklak"
" Sa dami ng bulaklak sa mundo itong red spider Lily ang napili ko. May ibig sabihin ito ang reingkernasyon o muling pagkakatawang-tao. Sabi ay gagabayan ka nitong bulaklak sa iyong kamatayan." Hindi ko lubos maintindihan pero ang palagi niyang sinasabi ay balang araw maiintindihan ko din daw at darating ang araw na ako ay matututo.
(End)
Ramdam kong may humagod sa likod ko "tahan na, hija" pagtingin ko ay si manang pala kaya yumakap ako sa kanya.
" Alam kong hindi ito madali pero alam kong malakas ka. Tatagan mo lang ang loob mo at matutong magtiis" kumalas siya sa yakap at may kinuha sa bulsa niya na akala ko ay panyo pero isang credit card.
"kunin mo dahil sayo ito. Inipon ito ng mommy mo para sa kinabukasan mo. Huwag mo lang ipalam sa ina niya." Tinanggap ko ito at ibinulsa.
Akala ko tapos na pero sinesante niya ang mga katulong sa bahay pati na si manong at pati ako dapat din daw na umalis dito sa bahay dahil wala daw akong karapatan na tumira dahil ampon lang ako. Wala akong nagawa kaya nag empaki ako ng mga damit at nang nasa labas na ako ay binigyan ko ng huling sulyap ang bahay na kinalakihan ko. Ang bahay na pinaramdam sa akin na mahalaga ako. Gusto kong masilayan si mommy sa huling pagkakataon pero ayaw ng matanda. Ang meron na lang sa akin ay ang credit card, ito na lang ang bubuhay sa akin.
Hila hila ang maleta ay nilisan ko na ang lugar na iyon. Hindi ako nagtanim ng galit sa puso pero balang araw papatunayan ko sa matandang iyon na hindi isang basura ang pagmamahal sa sining.
__________________________________
Focus...Focus on the light in the darkness. Focus on the joys in the pain. Focus on the strength in the weakness. Life's totality is duality. All bad ain't bad and some good will come with pain. The suffering comes from what we choose to focus on.
Feel.
Process.
Release.
And then... Focus.