webnovel

Taming the Bad Boy Mortal

PRUDENCE Morningstar is a half mortal and a half witch. After her father’s death, she and her mother decided to live in a new town to start a new life, for them to be able to move on. Iniisip nila na maaaring maging paraan nila ito para makapagsimula ulit. Her mother enrolled her in a mortal school–Riverhills High School. While roaming around the school rooms, she stumbled with a boy filled of rudeness personality, as she describes him. That was the first time she encountered the person that will change her life. His name is Hoqur Black. A mortal who gave her another chance to love, chance to have hope, and learn to find out when he told her that she was the reason why he was able to change his attitude towards people. Give-and-take cycle were both benefits the two. They used to hate each other. Pero totoo rin pala ang kasabihan na “The more you hate, the deeper you fall.” Hindi naging madali kay Prudence ang pamuhin ang katulad ni Hoqur dahil sa ayaw niyang gamitin ang taglay niyang kapangyarihan at kaalaman sa mahika. She broke her own promise after asking for guidance from his dad when she visited her father’s burial. Technically, it wasn’t breaking her own promise, she derived from her own conclusion after asking for guidance. But she casted a spell to him when she realized that it is impossible for her to tame a guy like Hoqur. A spell that would only work for a day and night, but it will be broken when the midnight comes.

GenZRizal · ファンタジー
レビュー数が足りません
11 Chs

Fictional World

KASALANAN ni Hoqur! Tinulak ako ng shutang-ina na nilalang na iyon. Bakit niya ako tinulak? Naghihigante ba siya rahil sa tinawanan ko siya kanina? Ano pa ba? Eh, 'di malamang! Gustong-gusto ko siyang ihulog din sa pool! Nakaiinis siya.

Sinusubukan ko na lang na hindi tumingin sa mga kaklase kong nakatingin na sa amin. Baka magalit na talaga si sir ngayon. Ang dami ko ng atraso sa kaniya. Una, wala akong partner kanina kaya nakuha ko pa tuloy ang saglit niyang atensyon—Which was clearly not my fault, pangalawa ay hindi ako nakapag-study kagabi, tapos ang pangatlo ay ito.

Agad akong tumungo sa hagdanan upang umakyat, sana, nang biglang nagsigawan ang mga kaklase kong babae. Ay? Late reaction mga babes?

Napatingin ako sa kanila at napagtanto na hindi pala sila sa akin nakatingin ngayon. Sinundan ko ang kanilang mga tingin at natuklasan kong . . . "Si Hoqur ba 'yon?" Bakit nasa pool siya? Tumalon din ba ang nilalang na 'yon? Pabibo talaga siguro ang nilalang na 'yon. Tsk. Bahala siya sa buhay niya.

Napahilamos na lang ako sa sariling mga kamay nang nakaupo na ako sa bench nang napagtanto kong makukulong ako sa buong taon ko sa grade nine kasama ang isang katulad ni Hoqur.

"Miss Morningstar and Mr. Black, meet me on my office after class," ma-awtoridad na sabi ni Sir Felipe nang paakyat na siya sa hagdan mula sa pool.

As what I was saying, this is what I meant. Patay ako kay Mommy kapag nalaman niya ang tungkol dito. What am I supposed to say? But I'm sure she'll understand no matter what the situation I am going through.

"B-But sir—"

"I don't want to hear your explanation right here, Ms. Morningstar. To my office after class—Now get back everyone to your position!"

Tiningnan ko lang nang masama si Hoqur bago ako tumayo para pumunta na rin sa puwesto namin. Ang nilalang na 'yon, may gana pa siyang magalit din sa akin, eh, siya nga ang may kasalanan kung bakit ako nahulog sa pool. Siya ang gumawa ng gulo para ipahamak kami pareho. Ang nilalang na 'yon, sinamaan pa ako ng tingin.

"GOOD thing for both of you dahil hindi ko ipapatawag ang mga parents ninyo rito sa school. But I want both of you to reflect your behavior earlier in my class. Ayaw ko na ulit iyon mangyari sa susunod. Maliwanag ba?"

"Yes, sir. Sorry po talaga," taos-puso kong sabi. Habang hindi naman sumagot si Hoqur. Aba, matigas ang puso't ulo. Gusto yata na matagalan kami rito at bigyan pa kami ng matinding parusa. Kapag ako nakatanggap ng suspension, gagawin ko na talaga siyang hayop kahit basagin ko pa ang sariling promise. Kainis!

Nalipat ang tingin ni Sir Felipe kay Hoqur. Lagot na.

"How about you, Mr. Black? Do you have something in mind that you want to tell me?"

Hindi pa rin sumasagot si Hoqur. Ano ba ang problema ng nilalang na 'to at tila ginagalit niya yata si Sir Felipe. Grr. Kapag ako talaga nalintikan ng nilalang na 'to at madamay ako sa ginagawa niyang kalokohan, sinasabi kong itutuloy ko talaga ang matagal ko na dapat na ginawa sa kaniya.

"Mr. Black, I guess you have a problem so . . ." Inabot ni Sir Felipe ang telepono niya at marahan niyang dinayal ang numero—Siguro ay tatawagan niya ang parents ni Hoqur at malamang ay madadamay ako, ipapatawag niya rin ang Mommy ko rito.

"Hoy, kinakausap ka ni Sir Felipe." Hindi naman yata narinig ni sir ang sinabi ko marahil ay lumapit ako sa tainga niya para sabihin iyon, at sabay siniko ko siya sa kaniyang gilid at marahan naman siyang lumingon sa akin, at tiningnan ako sa mga mata nang nagtatakang tingin.

"Kinakausap ka ni Sir Felipe," pag-uulit kong sabi sa kaniya.

"U-Uh, ano po 'yon, sir?"

Parang ang lalim yata ng kaniyang iniisip kanina. Nalunod yata siya, eh. Ano kaya iniisip niya at tila nag-space out siya sandali kung hindi ko ang siguro siya siniko, I'm sure he won't noticed that we're still in front of Sir Felipe in his office.

"Sorry po, sir, may iniisip lang po ako kaya hindi po kita narinig kanina. Sorry po talaga," ulit niyang sabi. Hindi ko alam kung ano ang problema ng nilalang na 'to at para siyang ano . . .

Ibinaba ni sir ang telepono. Hays. Nakahinga rin ako nang malalim. Gustong-gusto ko na talaga lumabas dito at sabunutan itong si Hoqur. Sobra-sobra na ang pagpapahamak niya sa araw na 'to sa akin. Paano na lang kaya kung buong taon ako magdudusa kasama siya.

"Mr. Black, if there's something that I can do to help you with some of your problems in mind, please let me help you, okay? Hindi ko na tinawagan ang parents n'yo but . . . As the school nurse, not as your PE instructor, I want you," tiningnan ako ni Sir Felipe, "Ms. Morningstar to watch over him—Hoqur, until I say so."

"But s-sir? I can't," nababahala kong sabi. It's not that I'm totally afraid of him, it's just . . . I can't be with this creature. Mababaliw ako kapag kasama siya. He always putting me in a situation just like this. And who knows what will come in the future. I don't think I can handle more of these things.

"Ms. Morningstar, it is good for the both of you. You will watch over him as Mr. Black will teach you the Physical Education 9 for my subject. Just for the benefits to each other."

"So, I'm his caregiver? It's like I'm babysitting with a sixteen six years old . . . guy and he's, my tutor?" I rolled my eyes in disbelief.

At nang maibalik sa normal ang kinalalagyan ng mga mata ko, nakita kong nakatingin sa akin si sir nang masama. I'm doomed. What did I just do?

"Kung ayaw mo, eh, 'di—" Akto niya sanang tatawagan ang mga parenst namin.

"Okay, fine, sir. But please don't expect too much."

"Of course, I will expect good output of your both performance, Ms. Morningstar. Afterall, this will be put on credit for your grades."

Wala lang namang sinabi si Hoqur tungkol dito. Ano, gusto niya na magkasama kami lagi? To what? To put his plan according to his will? Pwes, hindi ko siya hahayaan na gawin niya akong parang alalay. I'm no one's pet and I will make sure of it. 'Wag lang siyang magkakamali.

Wala na akong maisasagot pa kay sir para baguhin ang kaniyang isipan, kaya tumahimik na lang ako.

"Good. Now, you can go out and please do read your book more often, Ms. Morningstar," a reminder coming from Sir Felipe.

Tumango lang ako at dali-daling lumabas ng office. Ano ba ang iniisip ni sir? Bakit niya naisip ang tungkol dito? Gusto ba niya na isa sa amin ang makapatay? Being with Hoqur is like avoiding or more like keeping a bomb of anger, hoping and stopping it from exploding. But I guess, I have to accept it.

Oh, Dark Lord, help me!

PAGLABAS namin ni Hoqur kanina mula sa office ni Sir Felipe, agad akong tumungo sa locker ko para kunin ang ibang libro na gagamitin para sa next subject ko ngayong umaga. I am a couple of minutes late already. Gusto ko na lang umuwi at 'wag na pumasok. Ang bigat ng nangyayari sa akin ngayong umaga.

I need to unwind for a while and drain all the negative energy coming from this place, or more specifically—Hoqur.

Iniwan ko na lang ang lahat ng gamit ko sa locker at lumabas ng school building. Bahala na kung saan man ako dalhin ng mga paa ko, basta ang mahalaga ngayon ay ang makaalis sa lugar na 'to.

"You're not allowed to go out at this hour, miss," said the school security guard.

Ewan ko ba kung bakit hindi ko iyon napagtanto kanina bago ako dalhin ng mga paa ko rito, eh, kahit alam kong hindi naman talaga puwedeng lumabas ng school ground kapag oras ng klase.

"Okay po, sir," tugon ko at tumango. Humakbang ako pabalik sa aking daan at inisip kung saan ako maaaring tumambay muna, basta 'wag lang sa loob ng school building o 'di kaya nasa paligid sina Hoqur at Angel.

Ayaw ko munang makita ang mukha nila kahit ni isa sa kanila. I want alone time right now. Taking a break to everything and . . . Nape-pressure lang talaga ako sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. Ang bilis ng mga pangyayari.

Last last week, namatay at inilibing si Daddy. Then after a week, lumipat kami sa isang bayan kung saan wala kaming kilala ni kahit isa. And another week, here I am . . . sitting on a rock where no one else is around. It's just me and mother earth. That was sarcastic. There's no such mother earth, and if there is, then why it shouldn't call father earth? Enough of my nonsense.

Palaging sinasabi ni Mommy na kakayanin namin ang buhay na pinaplano namin dito . . . Pero hindi ko lang makita kung ano ang mayro'n dito sa Riverhills kung bakit dito kami tumira. Puwede naman sa birthplace ni Daddy, o 'di kaya ay ibang bansa.

Huminga ako nang malalim at marahang inilabas ang hangin sa aking ilong. Tumingin-tingin ako sa paligid at pinagmasdan ang mga matataas na puno ng kahoy, hindi ko alam kung ano'ng klase ng kahoy pero may malalaking dahon ito at kulay pula. Hindi ko alam kung paano nasagi sa isipan ko at dinala ako ng mga paa ko rito.

For us witches, we normally follow our instinct where we could feel safe, comfortable, peace, and also danger. The nature connects to us. Nandito na sila simula no'ng unang araw pa lang ng creation. Ang natural na kalikasan ang unang ginawa at binuo, kaya ang kalikasan din ang mistulang compass para sa amin, a direction where our live is heading.

At hindi lang 'yon, dito rin nanggagaling ang aming kapangyarihan. Our source of strength—The power it provides makes us alive and live with it. It's just . . .

Malapit na pala ang Christmas. Hindi pa tumatawag sa akin si Tito Hinubis kung dito ba sila magkri-Christmas. I wonder how he is right now. Pagkauwi ko na lang tatawagan si Daddy. Ay, si Tito Hinubis pala.

I miss you so much, Dad.

Tumayo ako at pinagpagan ang puwet ko habang naglalakad paalis sa lugar na 'to, nang may isang matigas na bagay ang tumama sa aking ulo.

"Aray!" Ang sakit! Marahan akong napahaplos nang pauli-ulit sa bandang ulo ko kung saan tumama ang matigas na bagay.

No'ng una ay akala ko isang puno lamang ito pero napalitan ang akalang iyon ng biglang may nagsalita.

"Ang tanga mo talaga kahit ano'ng gawin at saan ka ilagay," mahina lang ang kaniyang boses pero ramdam ko ang inis sa kaniyang boses.

Wow! Siya pa ang may ganang mainis o magalit, eh, siya nga itong hindi tumitingin din sa dinadaanan niya.

"Bakit sa 'yo ba ang daan na 'to? At malay ko ba kung—" Napatigil ako sa pagsasalita nang napagtanto kong kilala ko pala ang nilalang na nasa harapan ko ngayon. Walang iba kundi ang nilalang na palaging sumisira sa araw ko.

Bakit nandito na naman siya? Bakit ayaw kaming paghiwalayin ng tadhana? Mas naging doble ang inis ko nang makita kong si Hoqur na naman ang kaharap ko.

"Ikaw na naman?" inis kong sabi habang hinahaplos ko pa rin ang ulo ko. Tumama pala sa hawak niyang bato ang ulo ko. Bakit ba kasi may bitbit siya na bato, para saan naman niya ito gagamitin? Paki ko ba! Tsk.

"'Wag mo akong sisihin kung tanga ka."

Wow! Kung magsalita parang ako pa talaga ang may kasalanan. Dark Lord, 'wag mo akong bigyan ng energy para magalit lalo at baka ano ang magawa ko sa kaniya.

"Kung magsalita ka, parang ako pa ang may kasalanan sa 'yo, ha? Eh, ikaw nga tong nanulak sa akin kanina sa pool. Inano ba kita, ha?"

"Eh, bakit mo ako tinawanan?"

"Hoy, tumawa lang ako kasi . . ."

"Kasi ano?"

"Kasi ang isang tulad mo na umaastang mabangis ay hindi naman talaga mabangis. Nagpapakitang tapang ka lang para katakutan ng mga mag-aaral dito sa school. Pero ang totoo naman talaga ay isa kang fraud. You're just a sad manipulative person who feeds off by other's fear, and you're using it to act as the superior—Which is not. Kaya 'wag mo akong tinatakot sa mga salita mo at itsura mo na tila gustong kumain ng tao." Nag-iinit ang ulo ko sa kaniya.

"Say one more thing about me, hindi ako magdadalawang-isip na ipukpok 'to sa ulo mo," pananakot niya sa akin sabay iniangat ang hawak niyang bato.

Aba, tinatakot pa niya ako. Pasalamat siya at . . . "Hoy, 'wag mo akong tinatakot dahil hindi ako natatakot sa 'yo. Pasalamat ka at hindi mo ako kilala, dahil kung kilala mo ako—"

"I do know you. Ikaw lang naman ang weird and acting like kung sinong main lead character sa isang fictional world na inaakala mong magiging tunay sa isipan mo."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. I was too stunned to speak. What he said is not true—My mind is trying to reject his words, but most part of myself knew that he's right.