webnovel

Chapter 1: Pricked

Levi'sPOV

Pinakawalan ko ang mga pakpak ko at bumwelo. Handang-handa na ako.

"Ano Levi? Pwede ka pang umatras. Baka matalo lang kita!" Taas noong sambit niya sakin.

"At kelan ka pa nanalo sakin Valron? Puro ka lang salita." At sa isang idlap, mabilis kong naitaas ang sarili ko at lumipad pataas habang pasimpleng umiiwas sa mga ulap na nagsisilbing hadlang samin.

"Hoy! Madaya ka!!" Rinig ko pang habol niya habang nasa likuran ko siya.

"Puro kasi satsat! Hahaha!"

Makalipas ang ilang segundo, narating ko rin ang katapusan. Panalo ulit ako syempre.

"Talunan ka pa rin Valron!" Sabay tawa ko na sinabayan na rin niya. Pabiro kaming nag-away gamit ang mga sibat namin bilang espada.

"Ehem.." Natigil kaming dalawa at napatingin sa harapan namin.

"Eros." Sabay naming sambit ni Valron bago yumuko para magbigay galang sa aming pinuno.

"Bakit niyo ginagawang laruan ang mga sibat na iyan? Ano nga ulit ang sinabi ko tungkol sa mga 'yan? Ikaw Levi. Sumagot ka."

"Ang bawat sibat ay nakatadhana sa isa pang pares nito na kailanman ay hindi mahihigitan ng ibang sibat at hindi matatanggal ang koneksyon nito sa bawat isa." Sagot ko.

"Valron? Ano pa."

"Dapat itong alagaan at pahalagahan."

"Mabuti at alam niyo kaya bakit ninyo ito pinaglalaruan?"

"Patawad po Eros. Hindi na mauulit."

Eros'POV

Napailing nalang ako sa dalawang anghel ko. Sa lahat, ang dalawang 'to ang pinakamalikot at pinakapilyo. Medyo sumasakit ang ulo ko sa kanila pero kahit ano pa man, ay mapapatawad ko pa din ang mga ito.

"O siya. May ipapagawa ako sa inyo. Ikaw Levi. Hanapan mo ng kapares ang babaeng eto. Alam mo na kung paano iyon at ikaw naman Valron. Etong lalaking ito naman na masyado ng bulag sa pagmamahal. Tulungan mo siya."

Pinakita ko rin ang larawan dalawang taong tinutukoy ko.

"Masusunod po." Sambit nila kaya tumango na rin ako at nagpaalam sa dalawa. Sana lang wala silang kapilyuhan ngayon.

Valron'sPOV

Lalaki pa yung sakin. Naku naman buti pa yung kay Levi, ang gandang dilag. Bumukas na rin ako ng sarili kong lagusan para makita ko ang mga tagalupa. Ito ang siyang bintana namin para makita sila. Dapat ko pang alamin ang eksaktong lokasyon ng lalaking iyon na binigay sakin ni Kupido. Patuloy ako sa paghahanap hanggang sa nakita ko na nga siya sa isang café at tila ang lalim ng iniisip.

Base sa mabigat na aura niya, basag na basag ang puso niya. Itinaas ko ang kamay ko at itinapat sa kanya para mabasa ko ang kanyang utak. Hmm.. Napatingin ako kay Levi na kalmadong hinahanap ang kanya. Napaisip ulit ako.

"Levi. Ano, pabilisang matapos ang misyon?"

"Gusto ko iyan pero magtigil ka muna diyan. Malalagot tayo kay Eros. Ikaw palagi dahilan eh." Sabi niya ng nakatutok pa rin sa portal na siyang nabuksan.

"Hoy anong ako! Tayo kamo." Nagkatinginan kami bago napatawa ng konti. Balik na nga lang ulit ako sa trabaho ko ng matapos na.

Levi's POV

Medyo nababagot na ako kakahanap sa babaeng hahanapan ko ng kapares. Saan ba kasi siya nagsusuot at ang mahirap hagilapin?? Paiba-iba ako ng lokasyon hanggang sa nakita ko rin siya sa wakas. Mag-isa sa isang madilim na silid habang may hawak na boteng alak. Maganda siya para sa isang tagalupa. Ibang klaseng kagandahan pero yung mga mata niya, parang walang buhay. Ang lamig. Hinawi niya ang mahabang buhok na sumasagi sa mukha niya tsaka uminom ulit. May iba sa aura niya na parang mahirap maintindihan. Medyo sumakit ang ulo ko pero di ko na ininda at inayos ang aking pamana tsaka bumwelo.

Isa.. Dalawa.. Tatlo. Tumama sa puso niya. Kumunot ang noo niya at luminga-linga. Siguro nagkataon lang na may sinusuri siya dahil syempre hindi iyon nakikita o nararamdaman ng kahit na sinong tao. Ano kayang pangalan niya? Haist ano ba naman ito. Hanapin ko na nga lang ang kapares niya ng matapos.

Sunod ay minanipula ko ang lagusan para lumipat uli sa ibang lokasyon. Sa isang wagayway ng kamay ko pakanan, ibang lugar ulit. Malapit na iyong kapares niya ramdam ko. Dalawang lipat pa, ayun!

Isang chinitong lalaki na masayang nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Agad kong hinanda ang aking pamana at tinignan siyang maigi. Kinuha ko na din iyong kapares na pana at medyo sinuri pa ito. Swerte niya dun sa babae ah. Ilalagay ko na sana sa pamana ng may biglang bumungo sa aking likuran.

"Aray!" Nasambit ko hindi dahil sa pagkabungo, kundi dahil sa natusok kong daliri ng nadulas ang pana.

"Puro kayo trabahong dalawa! Karera na tayo!!" Masiglang sambit sakin ni Cyrus pero ako. Nakatutok saking daliri na may kaonting dugo na umaagos mula dito. Hindi nasusugatan ang mga tao dito pero kami pala, oo.

"Levi! Napano iyan???" Tanong ni Valron at nakalapit na din sa amin.

"Natusok ako."

Nanlaki ang mga mata niya at bago pa siya makapagsalitang muli, nasa harapan na rin namin si Eros.

"Cyrus! Anong ginawa mo??!"

"Po? Eh binunggo ko lang si Levi ng pabiro tapos iyan. Patawad po kung mali pala iyon."

Nagsalubong ang kanyang dalawang kilay at napasapok ang isang palad sa sariling noo. Minasahe niya ang kanyang sentido na tila hindi talaga mapakali.

"Mabuti sana kung simpleng bunggo lang ang nangyari Cyrus. Sa ginawa mo, maaaring masira ang balanse sa mundo natin at sa mundo ng mga tao. Hindi pwedeng mangyari iyon! Ano nalang ang sasabihin ng pinuno??" Palakad-lakad si Eros ng pabalik-balik.

"Bakit? Ano bang problema??" Nagtatakang tanong ko.

"Levi. Natusok ka sa pana.. Na hindi dapat nangyari kasi..." Sabi ni Valron.

At doon ko lang naisip iyon. Hindi dapat dahil iisa lang ang pares ng bawat pana. Walang katulad kaya hindi dapat magkamali pero... Nangyari ito. Sa mukha ni Cyrus, alam kong nag rehistro rin sa kanya ang ibig iparating ni Valron.

Isang malaking aksidente.

"Ano ang gagawin ko Eros? Gayong nangyari na ito. Siguro may solusyon pa?"

Napalinga sa akin si Eros na seryoso ang mukha. Tumutok siya sa mga mata ko.

"Bababa ka sa lupa at harapin mo ang babae. Ikaw ang naturingang kalahati ng puso niya dahil sa nangyari. Iyon ang natatanging paraan."

Tila napatalon ako sa sinabi ni Eros pati din ang dalawa.

"Pero hindi pa kailanmang nangyari ang ganoong pangyayari! Ang isang anghel na bumaba sa lupa at maging mortal!"

"Ipagpaumanhin mo ang ginawa ko Levi. Kung sana'y alam ko na ganoon ang mangyayari ay di na kita binunggo." Sambit ni Cyrus. Tinanguan ko lang siya at napatawad agad. Walang magandang maidudulot kung magagalit pa ako dahil nangyari na.

"Iyon lang talaga ang tanging solusyon Levi. Ikaw ay babalik sa pagkabata. Sa sinapupunan ng isang babaeng tagalupa. Iikot pabalik ang oras para kayo'y magtagpo ng babae. Wala kang maaalala na isa kang anghel hangga't hindi mo siya matagpuan." Paliwanag ni Eros.

"Eh paano po ako muling makakabalik dito??"

"Hanapan mo siya ng magmamahal sa kanya. Iyong totoong pagmamahal. Ikaw dapat ang humanap. Hindi siya ang dapat makatagpo sa lalaking iyon kundi ikaw."

Lalo akong nanlumo sa di inaasahang misyon ko sa lupa. Dahil lang sa simpleng pagkakamali, ito ang kinahantungan.

Isang pagkakamaling sisira sa tahimik kong buhay dito sa langit.

Ang pagkatusok sa pana ni Kupido.

To be continued...