"Sammy alam mo ba kung ano'ng meron ngayong araw?" tanong ni Michie habang nasa loob ng classroom.
"Hindi, bakit? Importante ba 'yan?" tinatamad na sagot ko at nagpatuloy sa pagbabasa ng reviewer para sa darating na exam.
Maiiyak na tumakbo sya papunta kina Maggie at China. Nag-kumpulan sila sa corner at nagbulungan.
"Isang napakagandang araw para sa isang NAPAKA-IMPORTANTENG CELEBRATION!" - China, nagpaparinig habang kumakain kami sa canteen.
"Talaga? Ano'ng meron?" tanong ko.
Nagusot ang mukha ng Crazy Trios. Sabay-sabay silang yumuko at nagpaka-emo.
"Sammy, natatandaan mo pa ba kung kailan tayo naging friends?" Maggie, tanong nya habang nasa Art Class.
"Hindi eh. Kailan nga ba?"
Nabitawan ng Crazy Trios ang kanilang paint brush. Ang totoo nyan, naaawa na talaga ako sa kanilang tatlo.
***
Nasa loob ako ng isang cubicle sa loob ng restroom. Pumasok sa loob ang Crazy Trios at nag-usap tungkol sa akin. Hindi ko magawang lumabas.
"Hindi na talaga nya maalala," boses ni Michie.
"Siguro ganon talaga kapag may boyfriend na wafu at may sexy yellow lamborghini gallardo," boses ni Maggie.
"Nagiging boring na ba talaga tayo para kay Sam?" boses ni China.
Fuuu. Boring?
"Kaya ba hindi na sya natatawa sa mga jokes at role plays natin?" - Michie
"Ang tagal pa naman natin kinabisado yung mga lines natin." - Maggie
"Pero hindi parin natin sya mapatawa!" - China
"Siguro kasi hindi na tayo ang nagpapasaya sa kanya ngayon kundi ang gwapong nilalang na 'yon!" - Michie
"Kung ganon, wala na tayong silbi pa kay Sammy?!" - Maggie
"WAAAH! Wala na syang time para sa'tin! Lagi nalang napupunta sa TOP na yon!" - China
Busy ba talaga ako kay TOP at hindi ko na sila napapansin?
"Iiwan na kaya nya tayo?" - Michie
"HINDI PWEDE!! Wala nang magpapakopya ng homework!" – Maggie (tamad)
"At wala na rin pipili ng mga dapat kong isuot!" Michie (baduy), sa ibang era naka-set ang fashion taste nya.
"At wala na rin manlilibre!" – China (matakaw)
"TAMA!!!" iyak nilang tatlo.
"Hindi tayo dapat nag-laro ng truth or dare nun eh! Eh di sana di pa sila magkakilala!"
"Pero bagay silang dalawa!"
"Mukha naman masaya si Sammy kay TOP eh."
Grabe ang takbo ng mga isip ng tatlong ito. Ginagawa ba talaga nila ang mga bagay na yon tuwing gabi para mapatawa ako? Kaya ba matyaga silang naghihintay sa gabi tuwing uuwi ako? Crazy nga talaga. Pero nakaka-touch kahit papaano ang mga kaibigan ko. Na-konsensya tuloy ako.
Dalawang taon na rin simula nang maging kaibigan ko sila. Naalala ko pa kung gaano kalaki ang impluwensya nila sa boring kong buhay.