webnovel

Takot sa Dilim

Takot ka ba sa dilim? Iyong tipong hindi mo kayang mabuhay nang walang ilaw. Halina't basahin ninyo ang kababalaghan sa librong ito. Copyright © by timmyme All rights reserved.This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author except for the use of brief quotations in a book review.

timmyme · ホラー
レビュー数が足りません
24 Chs

WRONG SEND I

Meron akong kilalang isang tao na mahilig mag-text at mag-Gm. Kinahiligan niya ito dahil na rin sa mga kaibagan niyang mahilig din nito.

Wala siyang nararamdamang sawa sa pagpipindot niya ng cellphone, pag-swipe niya ng kanyang tablet at pantawag ng kanyang iPhone6. Mayaman sila at tinuturing silang maharlika sa kanilang lungsod.

Siya si Rocker Sedrano, babae, balinkinitan ang kanyang katawan at halatang iniingatan siya ng kanyang mga magulang. Dahil na rin sa kayamanan nila ay siya ay naging spoil. Natutunan ni Rocker na lumakad at magshopping ng kada oras, dahil siya'y sunod sa luho ay nagiging matigas din ang kanyang ulo.

Minsan nga'y nakita ko silang pamilya na pinagsasabihan ang kanilang anak.

"Rocker, ano ka ba. Matanda ka na tapos ganyan pa rin ang inaasal mo? How idiot are you!" nambubulusok sa galit ang kanyang Mommy. Matapos niya kasing balewalain ang mg autos ng kanyang magulang.

"For now until the next 3 months, you are grounded!" madiin na sinabi ng kanyang Daddy.

Humahagulgol na naupo si Rocker sa kanilang sahig. Napsinghot ito nang ilang beses. Sinubukang lumapit ng kanyang mga magulang ngunit pinagbabato niya ito ng mga hawak niyang gadgets.

Dahil dito ay hindi na nila tinuloy ang balak ng mag-asawa na ikulong ang kanilang anak. Ang resulta ay naging matigas ang ulo ng kanilang anak, pala-away at pala-inom na rin ito, at minsan ay umuuwi na ito sa kanilang bahay ng mga dis oras na nang gabi.

Minsan naririnig ko siyang humahagulgol sa kalagitnaan ng gabi, dahil siguro sa pagkalulong niya. Hindi ko na siya gaanong kilala, sa kilos pa niya lang ay magtataka na ang mga ibang tao sa kanya.

Ngunit hindi ko alam pero biglang nagbago ang lahat ng iyon dahil sa pagdala ko sa aking anak sa kanilang bahay. Inilihim ko ito sa Daddy niya at ang kanyang Mommy dahil na rin sa strikto ito sa mga taong labas pasok sa kanilang tahanan.

Baka raw kasi may mawala o kung anong manakaw sa mga bagay na kumikinang sa kamahalang presyo.

Ipinakilala ko siya sa aking anak na babae na nagngangalang Scarlette. Aaminin kong hindi ako tunay na magulang niya ngunit laking pasasalamat ko nang ituring niya akong ama sa kabila ng pagiwan ng kanyang magulang sa akin.

Hindi ko rin namalayan na naging malapit sa isa't-isa silang dalawa ni Rocker. Malaki na ang pagbabago niya matapos nilang maging magkaibigan. Hindi na siya gaanong pala-away at pala-inom tulad nang dati iba na rin ang kilos niya magmula noon.

Ngunit nang malaman ng Pamilya na aking tinutuluyan na may itinatago kami ay pinalayas nila ako pero ang mas masakit sa aking kalooban ay ginawa nilang alipin ang nagiisa kong anak.

Paminsan-minsan ay bumibisita ako sa tahanan nila Rocker. Maayos niya namang inaalagaan ang aking anak, ngunit ang nagpasiklab at nagpainit ng aking dugo ay ang pagtratrato ng pamilya ni Rocker.

Halos isubsob nila sa sahig ang mukha ng aking anak 'pag may nagagawa itong pagkakamali, wala naman akong magagawa dahil nasa labas lang ako ng kanilang bahay. Nasa harap lang ako ng bakal na rehas, pinagmamasdan kung paano siya pinapahirapan.

Kasalanan ko ito! Alam ko ang responsibilidad ng isang katulong, ngunit bakit ganito ang nangyayari? Dinala ko lang naman si Scarlette sa kanilang tahanan upang magbago si Rocker, pero bakit ganito ang naging kalalabasan?

Lumipas ang isang buwan…

Rocker's P.O.V

Habang abalang-abala ako sa pagbibili ng mga gagamitin para sa party ko ay napatigil ako sa harap ng tindahan ng canned foods. Magiging disi otso anyos na pala ako, kailangan kong imbitahin lahat ng aking kaibigan.

Halos hindi magkamayaw ang aking kamay habang tinitipa ang mensahe na aking ipapadala.

Guys, it's my birthday tomorrow! You are invited!

"Message Sent! Yes!" Halos hindi maikukumpara ang ligayang aking nadarama sa mga oras na iyon. Hindi pa kasi cut-off ng load ko, mabuti nalang at naipasa ko lahat ng aking kaibigan. Aba'y teka, napasa ko rin ito kay Scarlette?

Speaking of her, sana hindi na siya pahirapan ni Daddy at Mommy. Kawawa naman kasi siya.

Nagsimula nang lumakad ng aking mga paa patungo sa meat's section! Kailangan ko nang karneng gagamitin para sa debut ko.

Habang pumipili ako ay naramdaman ko ang cellphone kong tumunog. Napahinto ako sa pagpipili at kaagad binasa ito.

Rocker, pakisabi kay Tatay na mamimiss ko siya, alagaan niyang mabuti ang kanyang katawan. At mag-ingat ka sa mga taong kinakasalamuha mo. Pa *some text is missing*

Ano ba itong pinagsasabi ni Scarlette. Baka isa na naman ito sa frank niya? Loko mareplyan nga ang kumag na iyon.

Habang tinitipa ko ay bigla nalang nawala ang number niya sa cellphone ko.

"Bakit biglang nawala ang number niya? Hindi ko pa naman binubura iyon, ah!" nagugulahan kong sabi.

Agad kong hinalungkat ang inbox ko ngunit bigo akong mahanap ang numero at pangalan niya.

Ibinalik ko nalang sa aking bulsa ang aking cellphone. Siguro kakausapin ko nalang siya pag nandoon na ako sa bahay namin.

Halos nabili ko na lahat ng kailangan ko, habang bitbit ko ang mga binili ko ay tumunog na naman ang cellphone ko.

May tumatawag— si Mommy.

Inangat ko ito at itinutok patungo sa aking taenga. Bitbit ko pa rin ang aking pinamili.

Pero bakit nakakarinig ako ng hagulgol? Anong nangyari.

Nabitawan ko ang aking bitbit matapos kung marinig ang sinabi ng aking Mommy.

Malinaw ito… malinaw na malinaw.

"P-patay na si Scarlette…"

Itutuloy…

Naranasan mo na bang magpasa ng mensahe gamit ang iyong cellphone? Mag- I LOVE YOU sa mga nobyo at nobya niyo? Ginagamit ang cellphone upang mas lalong paigtingin ang komunikasyon natin sa ating mga mahal sa buhay. Ngunit paano kung isang araw ay nasend mo ang iyong mensahe sa ibang tao— hindi lang isang ordinaryong tao kundi isang kakaibang nilalang na hindi makapaliwang nilalang? Nanaisin mo bang mag-reply?

timmymecreators' thoughts