webnovel

Takot sa Dilim

Takot ka ba sa dilim? Iyong tipong hindi mo kayang mabuhay nang walang ilaw. Halina't basahin ninyo ang kababalaghan sa librong ito. Copyright © by timmyme All rights reserved.This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author except for the use of brief quotations in a book review.

timmyme · ホラー
レビュー数が足りません
24 Chs

PROBINSYA (BASED ON A TRUE STORY)

ISANG GUHIT SA AKING MGA LABI ang sumilay matapos nang ilang buwan ay sa wakas makakapag-bakasyon na rin ako sa probinsya ng aking mga magulang. Hindi na ako makapag-hintay na makita muli ang mga palay, mais at mga ibang pang halaman na pinapalibutan ng iba't-ibang pataba sa lupa upang mas lalo silang yumabong.

Nais ko na ring makalanghap ng sariwang hangin. Ang aking mga balat ay hindi na rin makapaghintay. Na damhin ang sinag ng araw 'pag nagsimulang sumikat ang araw sa probinsya.

Matagal na rin hindi ako nakakapasyal sa tahanan nina Mama. Matutuwa siguro silang makita ang anak nila na nagdadalang-tao.

Nasa ibang bansa ang aking asawa. Dahil na rin sa kapos ang aming pera ay kinailangan niyang mangibang bansa.

Habang inaayos ko ang mga gamit na aking dadalhin ay nasagi ng aking mga mata ang litrato namin ng aking asawa. Si Raymond, siya ang tinuturing kong biyaya ng Panginoong Diyos. Bukod sa isa siyang masipag na asawa, siya na rin yata ang pinakamabait na asawa sa buong mundo.

Sa mga pagtatalo namin sa isa't-isa ay hindi niya iniisip na ako ang dahilan nang aming pagaaway. Hindi ko maipahayag ang aking nararamdaman matapos akong mabuntis sa unang anak naming ni Raymond na ngayo'y nasa sinapupunan ko na.

Maluwa-luwa akong humarap sa 'kanya matapos siyang makapag-isip na umalis at mapagtrabaho sa ibang bansa. Nilakasan ko ang sarili ko at nagpatuloy sa pakikipagsapalaran kahit nasa ibang dako nagtratrabaho ang haligi ng aming tahanan.

Natapos din ang pagaayos ko ng aking gamit ay nagpatulong ako sa isa sa mga tricycle driver upang bitbitin ang aking mga bagahe. Hindi ko talaga maramdaman ang lungkot ngayon dahil maraming tumatakbo sa 'kin na masasayang mangyayari dahil magkakasama na ulit kami ng aking mga magulang pati na rin ang aking mga kamag-anak.

Habang umaandar ang sinasakyan kong tricycle ay boluntaryo kong iginalaw ang aking ulo upang dumungaw sa labas nito. Napapikit ang aking mga mata at dahan dahan kong nilalasap ang sariwang hangin na pumapasok sa aking ilong at dumadampi sa aking mga balat.

Sa wakas, nasa probinsya na rin ako. Halos abot ang ngiti ko sa taenga matapos kung maaninag si Mama at si Papa na naguusap sa sala. Hindi pa rin sila nagbabago, mahilig pa rin silang humagalpak sa kakatawa. Hindi nila iniinda ang mga sakit nila sa katawan.

"Ma, Nandito na po ako!" Pinipilit ko ang sarili kong hindi muna puwersa kaso sa pagkakataon na ito. Kailangan ko talagang sumigaw.

Bigla nalang natigil ang kanilang pagtatawanan matapos nila akong makita. Tumungo sa aking direksyon ang isang maputi na dilag na hindi halata na may edad na. Siya si Mama.

Niyakap niya ako nang mahigpit. Damang-dama ko ang pagkaulila niya matapos akong dalhin ng aking asawa sa Maynila upang hindi raw mahirapan si Mama.

Mga ilang minuto rin niya akong niyakap at kinausap tungkol sa mga bagay-bagay. Napansin ni Mama ang aking bagahe na animo'y bato ang nakalagay dito dahil sa bigat nito.

Agad niya namang binitbit ito gamit ang kanyang dalawang kamay. Napahimas ako sa kabila kong braso, napagtanto ko na tama nga si Raymond, na magiging pabigat na naman ako sa pamilya ko. Sila na naman ang mahihirapan sa pagpapatuloy sa 'kin sa bahay nila.

Hindi ko akalang may biglang namuo sa 'king mga mata. Ang mga ito ang nagsisilbing meron pa ring natitirang hinanakit at poot sa aking puso. Na sana'y nagpaalam muna ako sa kanila bago ako lumisan sa pamamahay na ito.

"Mukhang malusog ang batang dinadala mo, hija?" Pumitlag bigla ang aking puso matapos kong makita ang isang matanda na halatang-halata ang pagkahumaling sa aking sinapupunan.

Bigla akong napaatras sa takot at kabang aking nadarama. Mga mata niya'y kulay pula at mga kuko niyang nangingitim at naglalakihan ang sadyang dumagdag sa aking pangamba.

"Anak, halika na rito. Nakahanda na ang hapunan!" Bumulyaw ang aking Mama dahilan upang matuon ang atensiyon ko sa harapan ng aming bahay.

Agad akong napangiwi dahil biglang sumakit ang aking tiyan. Gutom na siguro ang aking anak kaya nagsimula na siyang sumipa. Nagtaka ako bigla matapos bigla nalang naglaho ang matanda na kanina lang ay nasa likuran ko.

Pumasok na ako ng aming bahay at sinimulan kong aliwin ang aking sarili sa mga bagay na nakita ko sa loob ng bahay. Magmula noong dalaga pa ako ay tanging mga tinagpi-tagpi lang ang bumubuo sa bahay na ito.

Ngayo'y mga naglalakihang at nagtatabaang playwud ang bagay na nagpapanatali nang tibay sa bahay na ito. Halos mamula ako sa saya matapos kung makita ang mga litrato naming ng aking mga magulang noong bata pa lamang ako.

Umupo ako sa isang upuan na binubuo ng kahoy na kinabit lamang ng mga pako. Masaya kaming nag-kwentuhan ng aking mga magulang, mukhang mababawi ko na ang mga araw na wala ako sa tabi nila. Mukhang magiging masaya ang bakasyon ko rito…

Pagkatapos naming kumain ay kaagad nila akong inihatid sa aking kwarto. Alam nila na ayaw ko ng may kasama kaya binukod nila ako sa higaan ng aking mga magulang.

Bago ako matulog ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa isang malaking salamin

"Tumatanda na pala?" Hinimas ko ng marahan ang aking tiyan. Bigla nalang nanlamig ang aking batok at nanginig ang aking katawan matapos akong makaramdam ng lamig.

Agad akong humawak sa aking braso. Napatingin ako sa aking likod matapos akong makakita ng isang babaeng naka-bestida na may bahid ng dugo. Nanlaki ang aking mga mata matapos siyang tumakbo sa pintuan na animo'y isang hangin na naglaho bigla.

Napa-upo nalang ako sa aking higaan at nagdasal nang mariin. Dahan dahan akong humiga sa aking higaan at ipinikit ang aking mga mata.

Naalinpungatan ako matapos akong makarinig ng tunog *tik-tik tik-tik*. Tila ang tunog na iyon ay malapit lang sa aming bahay. Alas tres ng umaga na pero imposibleng may gising na sa mga oras na iyon?

Hindi ko na pinansin ang tunog na iyon dahil mukhang lumalayo na 'yon. Ipinipikit ko na ang aking mata matapos akong makarinig nang ingay sa aming bubungan.

Napabalikwas ako ng aking higaan at mabilis na namuo ang mga butil sa aking katawan. Pakiramdam ko'y may nakamasid sa akin at sa aking anak.

Nabigla ako matapos bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Sila Mama at Itay, labis ang kanilang pagaalala nila sa 'kin. Napansin kong may hawak sila na kung anong itim na latigo na mahaba.

Mayroon siyang binulong sa aking Itay na dahilan upang may bumuo na kuryosidad sa aking isip. Hinawakan ni Itay ang aking braso na wari'y gusto niya akong lumabas sa kwarto.

Hindi ko alam ang kanilang ginagawa. Masyadong mabilis ang pangyayari agad akong isinakay ni Itay sa isang tricycle. Habang sinusubukan niya itong paandarin ay naaninag ko ang nasa itaas ng aming bubong. Hindi maari, ISANG ASWANG!!

Matapos nang ilang segundo ay napaandar niya rin ito at agad niyang hinarurot sa daanan. Habang umaandar ang aking sinasakyan ay naaninag kong may isang paniki ang papalapit sa aking mukha. Agad akong yumuko upang hindi ako tamaan.

Nang nakalayo na kami ni Itay ay agad kaming nakahinga ng maluwag. "Mas mabuti siguro kung bumalik kana lang dito pag naisilang mo na iyang sanggol na nasa sinapupunan mo." ani ni itay.

Kumunot ang aking noo. "Totoo ba 'yong nakita ko, itay? Totoo bang may aswang dito sa lugar ninyo?" Tuloy-tuloy sa pasada ang aking bibig na walang tigil sa pagtatanong.

Huminga siya ng malalim. "Oo, anak, lahat ng nakita, naramdaman, at iyong narinig sa gabing ito ay totoo."

Sa sinabi ni Itay ay nagsimulang tumibok nang mabilis ang aking puso. Halos mahimatay ako sa mga oras na iyon. Pero may isa pa akong itatanong sa kanya.

"Itay, sino naman po yong babaeng naka bestida na may bahid ng dugo sa kanyang suot?"nanginginig ang mga labi kong tinanong.

"Iyon ang iyong tiya, siguro nagpakita siya sa'yo upang bigyan ka ng babala." wika ni Itay.

Marami pa ring katanungan ang tumatakbo sa aking isipan. Hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayari sa gabing ito.