webnovel

Takot sa Dilim

Takot ka ba sa dilim? Iyong tipong hindi mo kayang mabuhay nang walang ilaw. Halina't basahin ninyo ang kababalaghan sa librong ito. Copyright © by timmyme All rights reserved.This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author except for the use of brief quotations in a book review.

timmyme · ホラー
レビュー数が足りません
24 Chs

BALETE DRIVE

Nakangiti at tuwang-tuwa ang pamilya ni Ernesto. Sa wakas at humiwalay na rin sila sa kanyang mga magulang. Dumarami na rin ang populasyon sa bahay ng kanyang mga magulang. Ayaw na niyang pahirapan ang kanyang magulang, oras na upang humiwalay na siya sa kanila at magsimulang mamuhay sa kanyang sariling bahay.

Masaya na sila Ernesto; ang kanyang asawa na si Laura at ang kanilang nag-iisang anak na si Darcy. Dito na sila nakatira sa isang tagong baryo sa Quezon. Mas mabuti na rito sila manirahan kaysa roon sa kanyang magulang. Hindi maatim ang paghihirap ng kanyang magulang kaya naman napagisip-isip niya na mas mabuti nalang kung dito sila maninirahan upang hindi na mabigatan ang magulang niya sa kanya.

Mabait na anak si Ernesto. Sa kanilang limang magkakapatid siya lang palagi ang sumusunod sa lahat ng iuutos ng kanyang mga magulang. Ngunit ngayo'y may sarili na siyang pamilya, kailangan na niya silang itaguyod at gampanin nang maayos ang responsibilidad ng pagiging ama.

"Mahal, paano na 'yan. Kulang ang pera natin para sa pangtustos ng matrikula ni Darcy?" Kunot-noong tanong ni Laura habang nakaupo sa kanilang sala.

Marahang hinawakan ni Ernesto ang kamay ng kanyang asawa at pinisil ito. "Mahal, akong bahala. Simula bukas hihiramin ko iyong taxi ni Pareng Berto upang madagdagan ang kulang."

Napangiti naman ang kanyang asawang si Laura. Agad itong lumapit sa kanya at niyakap ito.

"Magiging masaya tayong pamilya, Laura, tandaan mo 'yan!" Hinalikan niya ang kanyang asawa sa kanyang noo bago ito ngumiti.

Bigla nalang naaninag ni Ernesto ang nag-iisa nilang anak ni Laura. Maamo ang mukha nito, wala pa siyang gaanong ngipin, at katamtaman ang balat nito.

Inaangat ni Ernesto ang kanyang kamay dahilan upang lumapit si Darcy sa kanilang dalawa. "Mahal ko kayo Tatay, pati rin ikaw Inay." Kahit dose anyos palang niya ay para na siyang matandang magisip.

Nagyakapan silang tatlo na tila ba ngayon lang nila nakita ang isa't-isa.

Kinaumagahan…

Nagpasya si Ernesto na pumunta sa bahay ng kanyang kumpare na si Berto upang humiram ng Taxi. Napakalayo nito na kung saan kailangan niya pang suungin ang mga mapuputik na daanan, mga batong hindi nawawala sa daanan, at mga punong malalago.

Malayo nga ang baryo sa komunidad ng Balete. Habol ang kanyang hininga matapos siyang makarating sa bahay ng kanyang kumpare.

Bumuntong-hininga muna siya bago niya katokin ang pintuan. Mga ilang minuto rin ang lumipas ay kumatok na rin siya.

Bumungad sa kanya ang isang matabang lalaking may hawak ng yosi sa kanyang kaliwang kamay. Bakas sa kanyang damit ang mga mantsya ng krudong aksidente sigurong nadikit ang damit nito habang inaayos niya ang kanyang sasakyan.

"O, Pare napadalaw ka!" Hindi nagdalawang-isip na yakapin ang kanyang kumpare, dahil na rin sa tagal nilang nagkita.

"Pasensya na, pare, kakaayos ko lang ng nasirang piyesa ng aking bagong motorsiklo, eh." rason nito.

Ngumiti at tumango nalang ang itinugon ni Ernesto. "Hindi mo ba ako papasukin?" Halata sa mga salitang inilabas niya ang biro.

Nagsitawanan ang dalawang magkumpare na animo'y sila na ang pinakasuwerteng tao sa buong mundo. "Siyempre naman, pare, pumasok ka. Pagpasensyahan mo na at medyo madumi ang bahay ko. Hindi ko pa kasi masyadong nalilinis ang ito. Matagal pa kasi ang susunod na garbage trak sa 'min. Kaya baka bumaho sa labas, magreklamo pa ang ibang kapitbahay ko."

"Hindi, pare, ayos lang. Hindi naman ako magtatagal, eh." ani ni Ernesto.

"Tsanga pala, pare. Ano bang pinunta mo rito at bigla kana lang napadalaw?" Napansin niya ang pagupo ng kanyang kumpare sa isa sa mga malalambot na upuan.

"Iyon na na nga, pare. Kaya ako rito pumunta dahil gusto ko sanang hiramin ang Taxi mo." Hinihimas niya ang kanyang braso wari'y nahihiya habang nagsasalita.

"Ah… 'Yon lang pala, eh. Sige basta't ibalik mo ritong maayos."

"Oo naman, pare."

Pagkasabi niya 'yon ay kaagad inihagis ng kanyang kumpare ang susi ng Taxi. Nasalo naman niya ito. Hindi na rin siya nagtagal at nagpaalam siya sa kanyang kumpare upang gamitin na ang naturang sasakyan.

Habang siya'y nagpapasada ng sasakyan ay napatigil siya dahil sa pag-vibrate ng kanyang cellphone.

Ang kanyang asawa pala ang nagtext. "Ernesto, nasa hospital kami ngayon. Naka-confine si Darcy ngayon dahil sa walang tigil niyang pagbabawas at taas-baba niyang lagnat."

Hindi alam ni Ernesto ang gagwin sa mga oras na iyon. Pakiramdam niya'y mapupunit ang kanyang puso ng tuluyan. Ayaw niyang maging ganito ang pamilyang pinapangarap niya, nais niyang magkaroon ng pamilyang masaya na walang iniindang sakit. Pero bakit ngayon?

Agad naman siyang nagpasada. Kailangan niya itong gawin upang gumaling ang natatangi nilang anak. Nakailang pasahero na rin siya kaso sa tingin niya'y kulang pa ang perang kanyang nakuha.

Naisipan niyang magpasada sa Balete Drive. Balita niya'y marami ang mga pasahero ngayon dahil na rin sa nagaganap na "Mr.and Ms Model" nila.

Mga ilang oras na ang nakalipas ay wala pa rin sumasakay. Nakaramdam na siya ng inip sa mga oras na iyon. Kitang-kita niya na ang laki ng buwan dahil na rin sa lalim ng gabi.

Plano na niya sanang umalis matapos niyang maaninag ang isang babaeng mahaba ang buhok, bakas ang kanyang katuwaan sa ngiting gumuguhit sa kanyang labi. Nagenjoy siya siguro sa event.

Habang umaandar ang sasakyan ay tinanong ni Ernesto kung saan baba ang babae.Hindi niya alam gagawin matapos niyang silipin ang salamin ng taxi.

Laking gulat niya ng mawala ang babae. Paano nangyari iyon? Kitang-kita ng dalawa niyang mata ang pagsakay ng babae sa taxi na kanyang minamaneho.

Nang dahil sa takot na nangingibabaw sa kanyang katawan ay inihinto niya ang sasakyan. Napabalikwas siya ng tingin matapos siyang makarinig ng boses. Impit ang boses na ito at pakiramdam niya'y nanggaling ito sa ilalim ng hukay.

Nanginginig niyang tinignan ang nasa likod ng kanyang taxi. Halos panawan siya ng ulirat matapos bumungad sa kanya ang duguan na babae na halos mawalan ng saplot dahil sa gutay-gutay nitong damit.

"TU-tulungan… Mo-mo ako-ako.." Laking gulat niya ng magsalita ito. Bigla nalang nagkusa ang kanyang katawan at hinarurot niya ito patungo sa malapit na hospital.

Maluwa-luwa niyang niyakap ang kanyang asawa. "Anong nangyari sa'yo? Ba't ka umiiyak?" nagtatakang tanong ng kanyang asawa.

"May babaeng sugatan ang sumakay taxi na aking minamaneho."

Tumatalbog ang puso ng babae habang tinitingnan nito ang luoban ng taxi. Ngunit tanging isang maliit na tela lang ang bumungad sa kanya.

"Sigurado ako may nakasakay riyan na babaeng duguan at gutay-gutay ang damit." Nagsisimula nang magdileryo si Ernesto. Paano siya paniniwalaan ng kanyang asawa samantalang hindi niya ito nakita?

"Halika na at iuuwi na natin si Darcy, binayaran na ng Mayor natin ang gastos natin sa hospital." Hinawakan siya ng kanyang asawa sa braso, siguro'y gusto niya itong kumalma na.

Kinaumagahan ay ibinalik na ni Ernesto ang sasakyan na kanyang ginamit. Ipinangako niya sa sarili na hindi na siya muling babalik sa lugar na iyon.

Ikwenento naman niya ang nangyari sa kumpare niyang si Berto. Isa raw iyon sa mga babaeng nagmumulto roon dahil sa ginahasa iyon noong mga ilang taon lang iyon nangyari.

"Alam mo ba ang pangalan ng lalaking gumahasa sa babaeng nakita mo?"

"Sino?" nanginginig siyang tinanong ang kaibigan.

"Ernesto… Ernesto…"

Nanlaki ang mga mata niya. Kapangalan niya pala ang gumahasa sa babaeng iyon. Nanindig ang kanyang balahibo matapos umalingawngaw sa kanyang isip ang boses ng kanyang kaibigan.

Bigla nalang nagpakita ang babaeng na kanyang isinakay sa taxi ng kaibigan. "Walang hiya ka! Papatayin kita… Magbabayad ka!" malamig ang boses nito at nanggagalaiti sa galit. Duguan ang kamay nito at may laslas sa leeg.

Hindi niya alam pero sa mga oras na iyon ay nandilim ang kanyang paningin at tuluyan siyang nawalan ng malay.