"Lyka, sa tingin mo magugustuhan ni Xynon itong mga nailuto ko?"
Saglit akong tumigil sa pagtitimpla ng orange juice at tumingin sa kanya.
Kasalukuyan niyang inaayos ang mga pagkain na inihanda niya para kay Xynon ngayong umaga.
Siya ang nagluto ng makakakain niya habang ako ay nagluto para sa lahat.
"Oo naman pinaghirapan mo 'yan, eh." Ngumiti ako nang kaunti at nagpatuloy ukit sa aking ginagawa. Ngumiti ako para maipakita sa kanya na suportado ako sa ginagawa niya kahit ang totoo n'yan ay pinipiga ang puso ko sa sakit. Sana katulad niya rin ako. Kayang ipaglaban ang nararamdaman ko para sa kanya pero hindi ko alam kung paano pa ako sisingit lalo na't mukhang gusto naman nila ang isa't isa.
"Excited na ako! Kyah!" Impit siyang sumigaw kasabay pa ng konting pagtalon saka yumakap sa 'kin kahit na nagtitimpla ako. "Thank you so much, Lyka! Grabe ang dami mo ng naitulong sa 'kin kahit kakaumpisa pa lang natin. Hindi ako nagkamali sa 'yo!"
I smiled a bit. "You're welcome." I didn't hugged her back instead I just tapped her shoulder. Kahapon niya lang sinabi sa 'kin ang lahat pero pakiramdam ko ang dami na niyang nagawa. I feel ashamed and useless at the same time. Fuck. Wala man lang akong magawa para ipaglaban ang nararamdaman ko para kay Xynon. How to be her?
"Sa tingin mo may gusto rin kaya siya sa 'kin?" tanong niya habang inilalagay ang nilutong omelette sa plato.
"Maybe. I don't know."
"Wala ka namang gusto sa kanya 'di ba?" saka siya bumaling sa 'kin at ngumiti nang malapad. Ngiting naghihintay ng sagot kong 'oo'
She caught me off guard. I don't know what to say. "O-Oo naman he.he." Damn. Should I take it back or let her think that way?
"Great. Akala ko kase magiging kaagaw kita sa kanya hahaha. I love you, Lyka! Mwah!" She kissed me on my left cheek since she's on my left side. "But if ever you will be my foe in his heart? I will do everything just to win." She gave me a light smile after she kissed me.
Bahagya akong yumuko kase nararamdaman kong nanunubig na ang mga mata ko. I don't want her to see me on this state. It makes me weak and useless. Dammit.
"It's scarier when you choose not to risk when in fact you have a chance. It's better to try even you know you'll lose in a game unlike you know you'll lose but you don't give it a try."
Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi sa 'kin ni Shiro rati.
Should I follow him? Should I also take a risk like what he's doing? Should I do something to tell him the truth? Pero masasaktan ko si Mona kapag ginawa ko 'yon lalo na't pumayag na ako na tulungan siya.
I just realized, our affection towards a person is like a survival game wherein you'll run and become selfish to think different strategies on how to win without thinking your teammates' sake just for you to be able to complete the game even if also it costs someone's life at risk. You didn't want to think other's life because yours is more important. Just like Mona has been said.
Hindi ko alam kung natural lang ba sa na-i-in love ang maging selfish para lang makuha ang taong gusto nila o sadyang natatakot lang silang maungasan ng mga taong kahit hindi maglaan ng sobrang effort ay nananalo pa rin sa laban.
Hindi ako kasinglakas ni Mona at Shiro para sumugal nang walang alinlangan. Hindi ako kasinglakas nila para kayanin ang sobrang sakit. Ang hina ko. Ang hina-hina ako.
"Emotion is forbidden. Don't fall in love with your teammates."
Pumasok naman sa isip ko ang rule na sinabi ni Ma'am Merlyn dati noong pinapakilala niya ang history ng Romino Las Defa.
Damn. Different opinions but both were true. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. I'm stuck between Shiro's advice and the rule.
"Sinong crush mo rito, Lyka?"
Napatigil ako ulit sa ginagawa ko at napaangat ang ulo nang marinig ang tanong niya. "Wala" saka nagpatuloy.
I think I know what am going to do. I'm here at Romino Las Defa so therefore I should follow what the rule was. Napag-isip ko na hindi ko kailangang sundin ang puso ko lalo na't sa una pa lang ay sinabihan na kami.
Additionally, kung magpapadala ako sa nararamdaman ko, parang niloloko at pinagtataksilan ko na rin si Mona kase pumayag ako sa pabor niya. It's a form of betrayal, right? And it's not right. Betrayal can ruin any kind of relationship and I don't want it to happen.
Maybe sacrificing my feelings will be the greatest decision I can make. We both fell in love with the same person but it doesn't mean I'm your rival. He's all yours if that's what you want.
"Wow! Ang daming pagkain, ah!"
Napalingon ako kay Lorenz nang bigla siyang dumating.
Kumurot siya ng kaunti ng bacon at kumain. "Good morning, ladies!"
"Good morning din," bati sa kanya ni Mona.
Tanging ngiti lang ang iginawad ko at inihinto ang pagtitimpla saka nilagay ang pitcher sa mesa.
Kumuha ako ng utensils para ilagay na sa hapag-kainan.
"Wait lang gisingin ko lang ang mga kasama natin," pagpapaalam niya saka umalis. "HOY MGA HAMPASLUPA'T BATUGAN, MAGSIGISING NA KAYO! NAKAHANDA NA ANG PAGKAIN MADERPAKERS!"
Napatawa't napailing ako sa lakas ng sigaw niya na abot hanggang dito sa kusina.
All set na lahat nang dumating ang dalawang lalaki maliban kay Lorenz.
Kinukusot-kusot pa ni Shiro ang dalawang mata niya at magulo pa ang buhok samantalang si Xynon naman ay nakabusangot ang mukha. Halatang inaantok pa.
"Wow, ba't ang daming pagkain? Sinong may birthday?" Tila nagising ang natutulog na diwa ni Shiro nang makita niya ang mga pagkaing nakahain ngayon.
Natawa naman si Mona nang ilagay niya sa kaliwang parte ng mesa ang bacon. "Walang may birthday hahaha."
"Pero ikaw nagluto? Good morning nga pala sa 'yo, Mona," ngiting tugon niya sa dalaga. The twinkle in his eyes only show how he's in love with her. The huge smile he has on his face makes him feel like he's the happiest person in the world.
"Oo pero para kay Xynon lang. Si Lyka ang nagluto para sa lahat."
Ang ngiti at kinang na makikita sa kanyang mukha ay biglang naglaho at napalitan ng lungkot at pagkadismaya. "Ah, gano'n ba." Wala ring sigla ang boses niyang gising na gising kanina. He turned his head on me and suddenly, flashing a wide smile as if there's nothing hurt him. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Good morning, Lyka!"
"Okay na kayo ni Mona?" mahinang tanong ni Shiro pagkakalas niya sa yakap.
Tanging tango at ngiting malapad ang isinagot ko.
"Tss."
Kahit na hindi ko siya nakikita ay alam kong siya 'yon. Kahit naman na bulong lang ang ginawa niya ay rinig na rinig ko pa rin ang reaksyon niya lalo na't nandito lang naman siya sa gawing kanan ko, naghuhugas ng kamay.
Mayamaya lang ay dumating si Lovelle na akay-akay ni Lorenz.
Agad akong lumapit sa kanila at hinawakan si Lovelle sa pisngi kaya tumigil sila sa paglalakad. "You look pale!"
"Dysmenorrhea," tugon ni Lorenz.
Nagbigay-daan ako nang maglakad na ulit sila. Hinayaan ko na lang na alalayan siya ni Lorenz maglakad. "Thank you, Lorenz." Ngumiti ako nang tumingin siya sa 'kin.
"Anything for her," bulong niya.
Saglit akong natigilan at napakunot ang noo. What does he mean? May gusto ba siya sa bestfriend ko?
"Guys, let's eat! Lumalamig na ang pagkain!" pagsingit ni Mona kasabay ng dalawang palakpak.
Lahat naman kami ay umupo sa harap ng mahabang lamesa. Tig-dadalawang upuan sa magkabilang gilid habang isang upuan naman sa magkabilang dulo nitong lamesa.
Magkatabi kami ni Lovelle sa gawing kanan, si Mona at Xynon naman sa kabila at si Shiro at Lorenz sa magkabilang dulo.
Tahimik at abala ang lahat sa pagkuha ng kanya-kanyang pagkain nang biglang basagin ni Mona ang katahimikan.
"Xynon, eat all of these, ah? Niluto ko itong lahat para sa 'yo." Nilagyan niya ng omelette, bacon at fried rice ang plato ng nananahimik na binata. "Itong clubhouse sandwhich mamaya mo na lang kainin after mong maubos ang nasa plato mo, ah? Eatwell!"
Isa-isa kong tiningnan ang reaction ng bawat isa.
Si Lovelle at Lorenz ay nakaawang ang bibig at nakakunot ang noo na tila nagtataka at nagtatanong sa ibang kinikilos ni Mona.
Si Shiro naman na ngayo'y tahimik kumakain ay saglit tumigil at tumitig sa dalawa. Nagsalin siya ng tubig sa kanyang baso at dire-diretsong nilagok ang tubig habang nakatingala.
Pinaningkitan ko ang dalawang mata ko. Ngayon ko lang napansin na nanunubig na pala ang mga mata niya. Kaya pala siya nakatingala para hindi tumulo ang mga luha niyang gustong bumagsak.
At si Xynon? Tahimik lang siyang nakatingin sa pagkain niya ni hindi pa nga niya ginagalaw. Tapos biglang tumingin sa direksyon ko nang walang emosyon.
"Ayaw mo ba, Xynon? Hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo." Ang masayang mukha ni Mona kanina ay napalitan ng lungkot. Parang anytime ay iiyak siya.
Bumaling naman si Xynon sa kanya at ngumiti nang tipid. "I like it. Thank you."
Automatic na nabuhayan ang malungkot na diwa ng dalaga. She's in love, really.
Tama lang siguro ang desisyong naisip ko 'no? Masasaktan ko lang si Mona kung ipagpapatuloy ko pa ang nararamdaman kong ito. Mas mabuti ng ako ang magsakripsiyo at masaktan nang sobra huwag lang ang mga taong nasa paligid ko.
****
"Lyka, can you help me with this?" tanong sa 'kin ni Xynon habang tinuturo ang isang code na kanina niya pa sinasagutan na nakasulat sa papel.
Nandito kami ngayon sa sala at nagkukwentuhan. May kanya-kanyang business ang iba.
Si Mona naman ay naligo lang kaya hindi siya nakabantay kay Xynon ngayon.
Si Shiro ay nasa kwarto siguro.
Nakatingin lang ako sa kanya nang hindi nagpapakita ng kahit na anong emosyon. "Busy ako" sabay angat ko ng librong binabasa ko. Gusto ko man siyang tulungan pero kailangan kong gawin ang nararapat. Kailangan kong pigilan ang sarili ko para sa huli hindi ako masaktan nang sobra.
"Sige na, please? Saglit lang." Bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko at umusog konti para mas lalo siyang malapit sa 'kin. "Saglit lang. Mamaya ka na magbasa."
Pilit kong binabawi ang kamay kong hawak-hawak niya pero hindi siya nagpapatinag. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko!
Dammit. Paano na lang kung biglang lumabas si Mona at makita kami? Fuck!
"Are we good?" Sobrang seryoso ng mukha niya pero bakit gano'n? Totoo ba itong nakikita ko? Parang nangungusap ang mga mata niya na para bang may gustong sabihin?
Nang maramdaman kong unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko, binawi ko na agad ang kamay ko at humawak sa libro. "Yeah." Tumingin na ulit ako sa hawak ko at nagkunwaring nagbasa. Ang totoo n'yan props ko lang naman ang libro para hindi niya ako kausapin.
"Bakit hindi mo ako kinakausap? Okay naman tayo kahapon, ah?"
Ayaw kong makita ang itsura niya. Hindi ko alam pero ba't parang ang lungkot ng mga mata niya? Baka kase kapag tiningnan ko siya, baka biglang bumigay ako at tuluyan ng magbago ang isip ko. Dang.
"Okay naman tayo, ah." Fuck. Hindi ko gustong magsinungaling sa 'yo pero ito lang ang paraan, Xynon.
"Okay tayo? Kaya pala kanina mo pa ako hindi pinapansin?"
Tumingin ako sa kanya at umakto ng normal kahit sa loob ko ay kumakabog na ang puso ko dahil sa kaba. Hindi ko ugaling magsinungaling at magpanggap kaya sobra akong nahihirapan dito sa ginagawa ko. "Pinapansin naman kita, ah? See? We're talking right now." Fucking shit, ang hirap! Nagsisimula pa lang ako pero nahihirapan na ako ng sobra. Damn, I love you, Xynon.
"You're c-cold." Marahan siyang yumuko siya at pinikit ang mga mata.
Maging ako ay napapikit na rin dahil hindi ko na kinakaya ang ginagawa ko. Dang! I'm hurting the man I love! Dumilat din ako makaraan ang ilang segundo at tumingin sa kanya. "No, I'm not. Ganito naman tayo rati 'di ba? We're not even close. Parang dati lang okay naman sa ating dalawa pero bakit ngayon naaapektuhan ka?" Xynon, please don't act like that. You're giving me assumptions.
Nag-angat siya ng ulo at tumingin sa akin nang diretso. "Syempre rati 'yon. Iba na ngayon."
Anong iba? Tangina, Xynon, huwag ka namang ganyan please? "Paanong iba?" Nanatiling kalmado ang mukha ko. Kahit isang emosyon lang ay sinisikap kong itago para hindi niya makita.
"Iba tulad ng ano—"
"Xynon!"
Napapikit ako nang marinig ko ulit ang boses niya. Itinuon ko na lang ulit ang mata ko sa libro pero ang atensyon ko ay nasa kanilang dalawa.
"Anong pinag-uusapan niyo ni Lyka?"
"Ah, nothing. Magpapatulong lang sana ako sa code since nahihirapan ako."
"Oh, ako na lang ang tutulong sa 'yo. Okay lang naman sa 'yo 'yon 'di ba, Lyka?"
Sumulyap ako saglit sa kanya at nakita ko siyang nakangiti nang matamis. "Oo naman. Nagbabasa rin ako kaya hindi ko siya matutulungan."
"Great! Let me help you, Xy!" Napaka-jolly niya kapag nasa harap niya si Xynon.
Wala namang ibang magawa ang binata kundi ang sumunod. Bago sila nag-umpisa ay sumulyap muna siya sa 'kin nang hindi pa rin nagbabago ang mga mata niya.
Sorry, Xynon. Sorry for being weak.
****
"Mona, sigurado ka bang bababa si Xynon?" tanong ko habang pinapalo ang mga binti ko. Kanina pa ako kinakagat ng mga lamok, eh!
"Yup, he's on his way na. Baka hindi pa siya tapos mag-ayos."
Lumingon ako sa kanya na tahimik na naghihintay.
Kanina pa kami rito sa quad, twenty minutes na yata kami naghihintay.
Nagpatulong kase siya sa 'kin mag-set up ng two-seater table dinner date nilang dalawa. Since nasa loob kami ng Romino Las Defa, I suggested na rito na lang sa quad mag-set up para na rin maayos, maaliwalas dahil sa mga puno at magandang panahon. Tahimik din na sinabayan pa ng bilog at maliwanag na buwan at maraming butuin sa kalangitan.
Sobrang ganda naman ni Mona sa ayos niya ngayon. Naka-sleeveless fitted white dress siya na bumagay sa kanya. Idagdag pa ang wavy ash gray niyang buhok. Para siyang amerikana.
Ako naman, simpleng yellow t-shirt na may naka-print na twitty bird sa upper right at naka-tokong.
"There he is!" sabay turo niya nang may malawak na ngiti sa labi at nakatuon ang mga mata sa kanang direksyon.
Lumingon ako sa direksyong tinuturo niya.
Parang biglang nag-slow mo ang paligid habang naglalakad siya. Tanging siya lang ang nakikita ko.
Nakasuot siya ng gray long sleeve polo na tinupi hanggang siko. Sumakto sa katawan niya ang polo kaya kitang-kita ang hubog ng dibdib at braso niya at tinernuhan ng black pants.
"Fuck, ang gwapo ng mapapangasawa ko," bulong ng babaeng katabi ko.
Nakatuon pa rin ang mga mata ko sa kanya. Nang tuluyan na siyang nakalapit, nakita ko ang silver watch na nasa kaliwang pulso niya. Humahalo rin ang panlalaking pabango niya sa ihip ng hangin at maitim niyang buhok na may hati sa gilid at naka-wax ngayon.
Dammit, ngayon ko lang nalaman na may ikakagwapo pa pala siya. Tangina ang gwapo.
Napabalik na lang ako sa ulirat ko nang makitang niyakap ni Mona si Xynon habang nakatingin naman sa 'kin ang binata.
"Anong meron? Birthday mo ba?" tanong ni Xynon pagkakalas ng yakap nilang dalawa.
"Ah, no. Hahaha. Naghanda lang ako para sa dinner natin." Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. Sa aming dalawa, mukhang siya ang in love na in love kay Xynon.
"Dinner? Bakit dito? Ba't hindi sa loob? Nagdi-dinner naman ang iba ro'n?" kunot-noong tanong niya.
Tumingin ako saglit sa relo ko, 7:30 pm na.
"Exclusive lang ito para sa ating dalawa. Hali na" saka niya hinila si Xynon paupo.
"Exclusive? Akala ko kasama si Lyka?"
"Ah, hindi. Tinulungan ko lang siya. O sige balik na ako sa loob, ah? Enjoy your meal." Ako na mismo ang sumagot at umalis din agad pagkatapos kong sabihin 'yon.
Kahit sobrang gwapo niya ngayon, parang sasabog na din yata itong puso ko sa sobrang sakit. Imagine, first day ko pa lang sa pag-iwas ko sa kanya pero ganito na kasakit. Paano pa kaya bukas at sa susunod pang mga araw?
And it's totally torturing me. Helping my friend to set-up their dinner date with the man I love.
Bago ako tuluyang makapasok ng dormitory, lumingon muna ako sa kanilang dalawa.
They both smiling from ear to ear while talking about random stuffs.
Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa kaliwang mata ko. Luhang nagpapatunay kung gaano ko kinimkim ang sakit na nararamdaman ko ngayong araw.
Seeing him happy with her is the sign that I've made a right decision.