webnovel

SURVIVAL ROMANCE

Hartsley · ファンタジー
レビュー数が足りません
22 Chs

SEVENTEEN

Pasado alas-tres na ng umaga pero hanggang ngayon ay gising na gising pa rin ang diwa ko.

Kanina pa rin ako palakad-lakad dito sa loob ng kwarto. Mabuti na lamang ay tulog na tulog sina Mona at Lovelle kaya hindi nila ako nakikita ngayon. Isang lampshade lang ang tanging ilaw na nakalapag sa ibabaw ng maliit na cabinet ko.

Hindi ako makatulog mula nang maikuwento sa 'kin ni Mona ang nangyari sa dinner date nila.

"Lyka! Success!"

Bigla akong napaupo nang makita kong pumasok si Mona rito sa loob ng kwarto at dumiretso sa kama ko. Kakatapos lang ng dinner date nila.

"What happened?" Dang. Napakapit ako sa bed sheet nang maramdaman ko ang kabog ng puso ko. Para akong nagha-hyperventilate. Nahihirapan akong huminga. Natatakot ako sa kung ano man ang ikukwento niya sa 'kin.

"Success like what I've said before the dinner date started." Sobrang ganda ng ngiti niya. 'Yon bang parang nanalo siya ng jackpot prize ng lotto dahil sa nangyari. "Hmmm hmmm hihi."Nagha-hum pa siya kasabay ng paggalaw ng ulo niya at niyakap pa ang unan ko.

Ano ba kaseng nangyari? Nagkaaminan na ba? "Pwede mong ikuwento sa 'kin?" Hindi ko pa rin inaalis ang paningin ko at wala akong balak kahit na isang kurap man lang. Gusto kong masaksihan ang lahat ng emosyong nararamdaman niya.

"Ay oo nga pala. Wait, hihinga muna ako hahaha." Pinikit niya ang mga mata niya at sinabayan pa nang pagglaw ng dalawang kamay. "Inhale. Exhale. Hooh!"

Kinakabahan na ako ng sobra-sobra rito pero siya, halatang kinikilig. Sila na yata! Wala na talo na talaga ako! Damn! Nanunubig na ang mga mata ko. Relax lang, Lyka. Hindi ka dapat maiyak sa harap niya. Not now, please?

"Nag-usap lang naman kami ng kung ano-ano then after kumain inaya niya akong sumyaw." Parang kamatis ang mukha niya ngayon dahil sobrang pula at nagtakip pa ng mukha saka sumigaw habang nakatingin sa 'kin nang diretso. "Kyaah!" Nagninigning ang mga mata niya senyales kung gaano siya kasaya ngayon. Makaraan ang ilang minuto, tumingin siya sa ibang direksyon at nagpatuloy sa pagkukwento. "Alam mo 'yon? Ang sweet kase sinayaw niya ako. Sobrang ganda lang ng ambiance kase iilang ilaw lang ang meron tapos idagdag pa ang buwan at maraming stars! Kahit walang music pakiramdam at nai-imagine ko nasa stage kami at nakatutok ang spotlight sa 'ming dalawa tapos may kantang A Thousand Years!" Saka siya lumingon sa 'kin at niyugyog ang balikat ko.

Wala na finish na. Putangina. Ang swerte niya. Sobrang swerte niya. Pero ang sakit pucha! Alam mo 'yon? Iba 'yong kinikilos niya sa harap ko tapos ang sweet niya rin kay Mona. Mas masakit pa itong narinig ko kase habang nagkukwento siya nai-imagine ko ang eksena kesa sa mga yakap na nakita ko na ginawa nila, eh! Narinig ko nga lang pero sobrang sakit paano pa kaya kapag nakita ko talaga?

Xynon, ano ba?! Ano bang ginawa mo sa 'kin?! Anong ibig sabihin ng mga kilos na pinapakita mo kung ganyan ka rin pala kay Mona?! Ano 'yong paghawak mo sa 'kin ng kamay, paghiga sa lap ko, pagiging mabait sa 'kin, 'yong mga sinabi mong hindi ko maintindihan! Anong ibig sabihin ng lahat ng 'yon?! Tangina naman Xynon, nakakagago ka, eh! Nasaktan na nga ako ng sobra kay Martin, pati pa naman ikaw sasaktan mo rin ako?!

"Feeling ko talaga may gusto rin siya sa 'kin, Lyka! Ack!"

Ngumiti ako nang malapad kahit sobra na akong nasasaktan. "Feeling ko rin, eh. Nag-uumpisa ka pa lang pero may progress na. Congrats!" Pagkayakap ko sa kanya ay siyang pagtulo ng luha ko. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim? Ewan hindi ko alam kung ilang luha ang kusang lumabas. Ang alam ko ay sobra akong nasasaktan. Niyakap ko siya para hindi niya ako makitang umiyak. Hindi ko kayang pigilan ang luha ko lalo na kung gustong-gusto na nilang lumabas. Sapat na 'yong mga narinig ko. Sapat na para mawasak na naman ang puso ko.

Naramdaman ko na lang na nakayakap na rin pala sa 'kin pabalik si Mona at tumatawa.

"Ang swerte ko Lyka. Maraming salamat talaga. Hindi ito magiging posible kung hindi dahil sa 'yo. Thank you so much."

Napangiti ako nang mapait. Sobrang swerte mo nga. Higit pa sa sobra.

"Aaaahhh!" Impit akong sumigaw habang nakasubsob ang mukha ko sa unan na kinuha ko sa kama para hindi nila ako marinig. Ang sakit pa rin sa tuwing naaalala ko. "Nakakainis ka naman, Lyka, umiiyak ka na naman." Pinunasan ko ang luhang walang tigil sa pagbagsak. Pumikit na lang ako at hinayaan ang mga luha kong tumulo. Napapagod na akong magpunas. Nakakapagod nang punasan ang mga luhang ayaw naman magpaawat. Paano ba naman kase titigil kung hindi rin titigil ang sakit?

Hindi rin naman ako makatulog kaya lalabas na lang ako at magpapahangin.

Pagkabukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang mukha ni Lorenz. "A-Anong ginagawa mo rito? Ba't ka pa gising?" Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

Kumunot din ang noo niya. "Ba't gising ka pa rin? Ba't namamaga ang mata mo? Anong problema?" Pagkatapos niyang magtanong ay sumilip muna siya sa loob at ngumiti nang konti saka siya ulit tumingin sa 'kin. "I just want to check her if she's feeling okay lalo na't nagka-dysmenorrhea siya kahapon ng umaga." Oh, he's referring to Lovelle.

Ngumiti ako nang malapad sa kanya. "Thank you for taking care of her. Masaya akong nakilala ka niya. Don't her hurt okay?"

Siya naman ngayon ang ngumiti. "Kahit wala kang sabihin, I want to protect and taking care of her." Tumigil siya saglit at huminga nang malalim. "Pwede nating pag-usapan kung ano man ang problema mo. Tara shot."

"Pasalamat ka umiinom ako kahit papano hahaha."

Tahimik naming binaybay ang mahaba at madilim na pasilyo papuntang kusina.

"Hard or wine?" tanong niya sa 'kin habang abala sa pagtingin ng mga alak na naka-display sa isang malaking cabinet.

"Hard na para malakas ang tama." Umupo ako sa upuan nang nakapangalumbaba.

Umupo naman siya pagtapos niyang kumuha ng Red Horse at nagsalin sa baso. "Ang cool dito. Lahat ng gamit kumpleto kahit alak. Hahaha."

Pagkabigay niya sa 'kin agad ko iyong nilagok. "Ang panget ng lasa talaga! Aish!" Parang nangasim ang mukha ko at sinundan ko ito nang pag-inom ng tubig.

"May problema ka nga." Lumagok siya at nagsalin ulit ng panibago sa baso. "Hulaan ko lovelife ba?"

Hindi ko alam kung ikukuwento ko ba sa kanya kase una sa lahat natatakot akong may makaalam. Natatakot ako sa kung ano man ang sasabihin niya pero mukhang mapagkakatiwalaan ko naman siya. Humugot muna ako nang malalim na hininga para bumwelo. "Xynon."

"What about him? Natamaan ka na?" Titig na titig siya sa akin.

"Mukhang gano'n na nga." Hindi ko lang sinabi ng diretso pero 'yon na rin ang gusto kong iparating.

"Tapos? Ba't ka umiyak? Kase iniisip mong baka hindi ka niya gusto? O baka…" Tumigil siya saglit at uminom ng alak saglit bago magpatuloy. "O baka may involve na ibang tao?"

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "How did you know?" Wala akong maalala na may kinuwento ako sa kanya.

"You know what Lyka, hindi ako bulag para hindi makita ang kakaibang kilos ni Mona sa kanya."

Napalagok ako ng alak matapos kong marinig 'yon. Akala ko ako lang ang may alam.

"Pati rin naman ang iba nakakahalata na pero hindi lang nagsasalita." Inikot-ikot niya ang baso na kaya kitang-kita ko kung paano gumalaw ang natitirang alak sa baso niya. "Ang saklap lang kase one sided at mutual feelings ang nangyari."

"Ha?"

Tumingin naman siya sa 'kin at ngumiti nang kaunti. "Gaano mo ba siya kagusto?"

Hindi ko nga alam kung gusto ko pa nga, eh. "Baka nga mahal ko na. Ah, oo mahal ko na talaga."

"Anong iniisip mo? Nagseselos ka ba sa kanila?"

"Normal lang naman 'di ba? I mean may nararamdaman ako sa kanya kaya normal lang na makaramdam nang ganito pero...." Nagsalin ulit ako ng alak sa baso at pinaglaruan muna ito.

Uminom siya nang hindi pinuputol ang tingin sa 'kin. "Pero?"

"Natatakot ako" saka ako bumuntong-hininga. Punong-puno talaga ng takot ang puso ko.

"Saan?"

"Sa lahat." Marahan kong sinuklay ang buhok gamit ang kanang kamay ko. "Natatakot lang ako sa nararamdaman ko. Natatakot din ako kase nasa maling lugar tayo ngayon. You know the rule pero iniisip ko rin ang sinabi ni Shiro sa 'kin na mas mabuti nang sumugal atleast nagtry ka kahit alam mong talo ka kesa naman sa hindi ka nag-try."

"You know he's right." Uminom muna siya saglit at nagsalin ng alak sa baso niya. "Sa pag-ibig, Lyka, kailangan ng matibay at matatag na puso." Huminto muna siya saglit at hinawakan ang magkabilang balikat ko at tumitig. "Kailangan mong maging matapang para sa taong mahal mo at higit sa lahat para sa sarili mo. Paano mo makakayanan ang paparating na sakit kung ngayon pa lang mahina ka na? Paano ka lalaban kung ngayon pa lang natatakot ka na? Paano mo siya ipaglalaban kung ngayon pa lang nagtatago ka na sa dilim? Lahat ng tao nagmamahal at lahat tayo kahit takot at mahina kailangan maging matapang. Walang mangyayari sa 'yo kung magpapalamon ka sa takot. Ano 'yon, pang-habang buhay ka na lang magpapadala sa takot dahil sa rule? O kung ano mang rason ang meron ka? Naalala mo pa ba kung anong klase ng tao ang qualified para makapasok dito? 'Di ba ayun 'yong mga taong matatapang para makayanan ang survival games? Lyka, nandito ka ngayon. Sana 'yong tapang na meron ka sa laro sana ma-apply mo rin sa pagmamahal."

Napakurap ako ng maraming beses at pigil ang aking hininga.

Naramdaman ko na lang na inalis na ni Lorenz ng pagkakahawak sa balikat ko at humawak na ulit sa baso.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko at nilagok ang  basong puno ng alak. Hindi ko ito tinigilan kahit tumutulo na sa bibig ko ang alak. Naramdaman ko na lang din na tumutulo na rin pala ang luha ko. Ganito ba talaga ako kahina sa pag-ibig? Ba't parang sila ang ang lakas-lakas nila para sumugal? Ba't parang ang dali lang sa kanila?

"Walang takot at alinlangan si Mona sa pag-take risk kaya dapat gano'n ka rin."

"Kaya ba hindi ka takot sa pag-take risk din kay Lovelle?"

Nang banggitin ko ang pangalan niya, automatic na ngumiti siya nang sobrang lapad. "Kahit naman na hindi ko nakilala ang kaibigan mo rito, I'd still do the same. May rule man o wala, I' d still take a risk. You know, she's worth risking for."

Biglang sumagi sa isip ko si Shiro nang banggitin niya ang huli. "Pareho kayo ni Shiro."

"Kailan ka magiging katulad ni Mona?"

Natigilan ako at napatulala sa bote ng red horse. "Hindi ko alam."

"Kung kailan huli na lahat?"

"Huwag naman sana," bulong ko. Oo natatakot ako pero huwag naman sanang dumating ang araw na 'yon.

"Mukha ngang huli ka na, eh. May ginagawa na si Mona para sa kanya pero ikaw ang ginagawa mo lang ay 'yong para kay Mona."

Tumingin ako sa kaya na siyang pagtulo ulit ng luha ko. Hindi na ako nag-abalang punasan pa ito. Ngumiti ako pero ngiting peke. "Napansin mo rin pala."

"Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip mo at ginagawa mo 'yon para sa kanya. Nasasaktan ka naman. Hindi ka bayani kaya huwag kang magpakabayani."

"Ayoko maging selfish."

"Pero nagiging selfish na rin sa 'yo si Mona."

"Hindi naman niya alam ang feelings ko."

Isang nakakabinging katahimikan ang pumaibabaw sa aming dalawa matapos kong sabihin 'yon.

"Ikaw bahala pero ang sa 'kin lang alisin mo ang takot sa puso mo. Hinding-hindi ka magiging masaya kung laging takot ang papairalin mo. Sometimes, we feel nothing but betterment when we don't usually follow the rule. It's like we're birds who are flying freely in the sky. Gusto mo bang makulong na lang palagi? Sometimes, take a risk especially when it is worth risking for. If you failed, it's fine atleast you tried and nothing to regret."

I smiled sincerely and shook my head twice. "Hindi ko alam na may ganyang side ka pala. Akala ko hindi ka mapagkakatiwalaan sa ganitong bagay."

Natawa naman siya. "Ouch! Ang sakit, ha? Kahit naman na loko-loko ako palagi maaasahan pa rin ako." He patted my head and smiled sweetly.

"Thank you. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi ko pa ito mailalabas. Hindi ko rin naman makuwento kay Lovelle kahit alam na niyang may gusto na rin ako kay Xynon."

"Basta magpakatapang ka lang. Maraming mangyayaring maganda kung haharapin mo minsan ang sinasabi ng puso mo. Wala kang pagsisisihan at marami ka pang matututunan. Experience is the best teacher ika nga."

Tumayo ako at niyakap siya saka bumulong. "Maraming salamat, Lorenz. Ikaw 'yong taong hindi ko inaasahang mapagsasabihan ko sa problema ko. Maraming salamat ulit." Humiwalay ako at kinurot siya sa pisngi. "Huwag kang mag-alala susubukan kong magpakatapang para masabi sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi naman selfish ang tawag do'n 'di ba?"

Ngumiti siya ulit at tumango. "Pagpapakatotoo ang tawag 'don."

Nagkuwentuhan na lang kami ng kung ano-ano matapos namin pag-usapan ang problema ko at natapos kami mag-inuman nang biglang may dumating sa kusina.

"W-What?!" reaksyon niya habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Good morning, tol. Akyat na ako. Matutulog na ako, pre sakit na ng ulo ko. Hahaha," pagpapaalam ni Lorenz pero huminto rin siya saglit. "Hatid mo si Lyka sa kwarto nila lasing na 'yan."

Hindi naman ako lasing pero masakit na rin talaga ang ulo ko. Tatlong malalaking bote ng Red Horse at The Bar Pink Gin lang naman ang ininom namin.

Sinubsob ko na lang ang ulo ko sa mesa at pinikit ko ang mga mata ko. "Ang daya mo, Lorenz. Weak *hik* ka! Mas malakas *hik* ako sa 'yo *hik* uminom." Naramdaman ko na lang na may humawak ng braso ko kaya napaangat ang mukha ko.

"Ikaw!" sabay turo ko sa kanya. "Ang kapal *hik* ng mukha mong magpakita sa 'kin *hik* matapos mong saktan ang puso ko, Xynon. *hik*" Hindi ko makita nang malinaw ang mukha niya kase nahihilo na ako. Ang sakit ng ulo *hik* ko! Argh!

"Ang lakas mong uminom. The Bar Pink Gin pa ang ininom niyo, eh, malakas ang tama n'yan."

"Anong tama? Anong tama *hik* sa ginawa mo? Mas malakas ang *hik* tama ko sa 'yo hehe." Pumikit ako at sinubukan kong maglakad pero naramdaman ko na lang na may humawak sa bewang ko. "Opps! Hahahaha *hik*" Muntikan na akong sumubsob sa sahig.

"You're freaking wasted. Fuck."

"Oh, yes I am your wife! No one will  be your wife except me! *hik* Do you understand?!"

"You're crazy. Let's go to your room."

"Anong oras na ba? Mag-iinuman pa kami ni Lorenz, eh! May ikukwento pa ako sa kanya!"

"You can tell me about it." Hawak-hawak niya pa in ako sa bewang but this time nakaharap na ako sa kanya.

"I can't see your face vividly. May ikukwento pa ako sa kanya about *hik* you hahaha!" sabay turo ko sa kanya.

"What is it?"

"No, I won't tell you unless you love me too." Pumikit ako ulit dahil hindi ko na kaya ang bigat ng mata ko.

"Bwaaakk!!"

"Holy shit"

"Sorry hehe" sabay punas ko ng bibig. Ang panget ng lasa ng suka ko. Mabuti na lang at sa sahig ako nakapagsuka at hindi sa kanya.

"You're fucking wasted. Ano bang naisipan mo at nag-inom ka ng ganyan?" Kahit na hindi ko makita nang malinaw ang mukha ay ramdam ko naman ang inis sa boses niya.

"For chill at makalimot ng *hik* problema."

"What's your problem?"

"You."

"Why me?"

"Because *hik* I love you." I tried to stand properly, reached his face and carressed it gently. "I love you but you didn't know that. I love you but fears keep on invading my heart from loving you deeper. I love you but you love someone else. I love you but I'm weak enough to not fight for you. I love you but it is wrong. I love you but I can no longer control myself from falling for you." Kusa na lang tumulo ang luha ko pero ngumiti pa rin ako. "If it's a dream, I hope this won't end. If it's a dream, I'd still choose to say over and over again  how much I love you even if it's wrong. I love you but I'm not brave enough to take risk for you. I love you so much, Xynon." Sinubukan kong tignan siya nang diretso. Pumikit ako at siniil siya ng matamis na halik habang patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko. "Mahal na talaga kita pero ba't sobrang sakit?" I said between our kiss.

****

"Aray." Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ko na sobrang sakit nito. "Fucking shit ang sakit ng ulo ko! Huhu!"

"Ayan inom pa more!"

Lumingon ako at hinanap ang pinanggalingan ng boses.

"Ano? Masarap ba ang alak? Susmaryosep, Lyka, matagal ka ng hindi umiinom. Anong naisip mo at uminom ka ulit? Kung hindi ka pa hinatid ni Xynon dito sa kwarto natin hindi ko malalamang hindi ka pala natulog!"

Pilit kong inalala kung anong nangyari nang ma-realize ko ang sinabi niya. Agad akong bumalikwas at lumapit sa kanya malapit sa pinto. "S-Si Xynon?! Dinala ako rito?!" Nanlalaki ang mga mata ko habang nagtatanong. Pucha! Seryoso?! Tangina baka may ginawa akong kababuyan! Huhuhu!

"Pasalamat ka at mabait 'yon!"

"Anong sinabi niya pagkahatid niya sa 'kin?! May sinabi o ginawa ba akong masama, ha?! Lovelle, sabihin mo!" Shit! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nagawa man akong kakaiba. Kilala ko ang sarili ko kapag nalalasing, medyo wild at madaldal ako! Fucking tape fucking holy shit!

"Wala naman siyang nabanggit sa 'kin. Ang sinabi niya lang lasing na lasing ka pero ikaw jusko!" Piningot niya ang tenga ko at hinampas ako sa braso.

"Aray ko naman huhu!"

"Paano kung nandito ang mga madre? Anong sasabihin nila kapag nakita ka nilang gano'n, ha?! Jusko hindi pa naman nila alam na umiinom ka!" pag-aalburoto niya.

"FYI, hindi nila alam na umiinom tayong dalawa," pagtatama ko at pinaikutan siya ng mata. Akala mo hindi umiinom. Psh.

"Atleast ako hindi nagkakalat dito. Hmp!"

Niyakap ko naman agad siya. "Sorry na. Nag-aya kase si Lorenz."

Binatukan niya ako at pinandilatan ng mata pagkahiwalay niya sa yakap ko. "Hoy! Umiinom ka lang sa tuwing may problema ka kaya mababa ang tolerance mo sa alak. Tapos naka tatlong red horse at the bar pink gin pa kayo?! Tangina, ha! Lakas mo!" 

Napakagat ako sa kuko at napasimangot. Hindi naman kase ako malakas uminom huhu. "Sorry na kase. Huwag mo akong isusumbong kay Mama Theresa, ah?"

"Isusumbong kita!"

"Huwag kase! Wait, anong oras na ba?" Tumingin ako sa labas ng binata at kitang-kita ko ang mataas na sikat ng araw.

"3 pm na."

Napabaling agad ako sa kanya. "Ano?!" Seryoso?!

"Oo ang tagal mong natulog. Naihatid ka rito ni Xynon ng bandang 5:30 am. Mabuti na lang at tulog pa si Mona kung hindi baka mag-alburoto 'yan sa selos."

Napakunot ang noo ko. "Selos?"

Nagkibit-balikat lang siya at lumapit sa kama niya. "Hula ko lang naman. By the way, maligo ka na at kumain ka na rin."

Hindi na ako sumagot pa at sinunod na lang siya. Mabuti na lang talaga hindi kami nakita ni Mona jusko! Ano kayang ginawa ko kay Xynon? Napa-sign of the cross ako ng tatlong beses. Sana wala akong ginawa, please Papa god?

Pagtapos kong maligo ay dumiretso ako sa kusina para maghanap ng makakakain. May mechado at caldereta rito. Hmm. Ang sarap!

Tahimik lang akong kumakain nang biglang may magsalita.

"How's your sleep?"

"Eeerckkk!" Nagsalin agad ako ng tubig sa baso nang mabilaukan at makita ko siya. Pakening huhu. "A-Ah, o-okay naman hehe. S-Salamat nga pala." Ngumiti ako nang pilit at yumuko para hindi niya makita ang mukha kong punong-puno ng kahihiyan. Ba't ngayon ko pa siya nakita?!

"Okay."

Napansin kong tumalikod na siya kaya nag-angat ako ng ulo.

"I hope you still remember what happened earlier," he whispered before he walked away.

Bulong lang 'yon pero sapat na para marinig ko. Bakit? Anong nangyari sa amin?