Bumungad kay Wong Ming ang isang luntiang paligid sa loob ng lugar na ito.
Kitang-kita niya pa ang malaking tarangkahan na tila nagsisilbing harang patungo sa kabilnag parte ng lugar. SMEW VALLEY, iyon ang nakita ni Wong Ming na nakasulat sa itaas ng malaking tarangkahan.
Kita niya pa ang apat na kawal sa gilid ng tarangkahan.
"Maaari ko bang malaman kung sino ka? Paano ka nakapasok sa loob ng tarangkahang ito?!" Usisang tanong ng isang bantay nang makalapit si Wong Ming sa pwesto ng mga ito.
Yumuko naman si Wong Ming upang magbigay-galang habang nagsalita rin ito.
"Ako si Little Devil. Nandito ako upang manguha ng mga cultivation resources." Simpleng sambit naman ni Wong Ming habang makikitang tila hinahamak siya ng mga bantay sa lugar na ito.
Hindi niya aakalaing ganito ang pag-uugali ng mga ito.
"At sino namang nagsabing pwede ka manguha ng cultivation resources dito?!"
"Ako malamang. Ano'ng tingin niyo sakin?!" Kalmadong wika ni Wong Ming.
"Ang lakas naman ng loob mo. Isa ka lamang hamak na outer disciple ngunit pinayagan kang manguha ng cultivation resources dito? Ano sa palagay mo ang karapatan mo upang gawin iyan?!
"Tama, masyadong suwail ang outer disciple na ito. Sa palagay ko ay galing pa ito sa isang hamak na Courtyard outer disciple hahaha!"
"Mukha nga eh, sa palagay ko ay magnanakaw ang isang ito!"
"Kitang-kita naman sa basahan nitong damit kung gaano kahirap ang mga nasa courtyard hahaha!"
Ito ang pag-uusap ng mga bantay rito. Halatang hinahamak talaga siya ng literal.
"Magsitigil kayo. Hindi ba't kabilin-bilinan ng ating mga punong bantay na maging magalang tayo?!"
"Oo nga pero karespe-respeto ba ang nilalang na iyan?!"
"Tama siya, wag kang makialam dito. Sa kabuuang kaanyuan ng nilalang na iyan ay mukhang magnanakaw nga iyan!"
Tila napakunot-noo na lamang si Wong Ming sa pinagsasabi ng mga ito.
Maayos naman ang pananamit niya kahit na luma. Hindi niya maiiwasang paningkitan ng mga mata ang mga walang modong guards na ito.
"Tapos na ba kayong magsalita upang hamakin ako?!" Kalmadong wika ni Wong Ming dahil nagbabangayan na ang mga ito.
"Wag kang makisali sa usapan namin binata. Tsaka bakit ka pumunta pa rito?!"
"Respeto naman d--!" Ani ng isang patpating bantay na kanina pa umaawat sa mga ito.
"Sabing wag kang mangialam dito eh!" Sambit ng isang bantay at napakabilis ng paa nitong inundayan ng sipa ang patpating binata ngunit iba ang natamaan nito.
Bago pa kasi masipa ng isang bantay ang patpating binata ay humarang na si Wong Ming kaya si Wong Ming ang natamaan at tumilapon sa malayo.
"Hahaha napabilib naman ako sa tibay ng katawan mo binata. Ano ka bayani?!" Pang-aasar naman ng kumakaaway na bantay kay Wong Ming.
Kitang-kita kasi nito na agad na napabangon si Wong Ming matapos nitong tumalsik at nagtamo ng pinsala mula sa napakalakas na pagkakasipa nito.
"Kung sa tingin mo ay hahayaan namin ang isang katulad mo na pumasok sa loob ng Smew Valley ay nagkakamali ka!" Matigas na wika ng bantay na halatang walang planong hayaang makapasok ang isang katulad ni Wong Ming sa nasabing Smew Valley.
"Bakit niyo naman hindi ako papapasukin?! May mali ba kung isang hamak na katulad ko?!" Seryosong wika ni Wong Ming habang hindi niya makuha nag punto ng mga bantay na ito.
"Papapasukin?! Nangangarap ka ata binata. Wala sa bokabularyo ko na patapakin ka man lang sa kahit anong parte ng Smew Valley!" Malakas na saad ng nasabing bantay. Kitang-kita na wala talagang balak na pahintulutang padaanin si Wong Ming sa loob ng tarangkahan na parte ng Smew Valley.
"Bumalik ka na lamang sa ibaba ng kalupaan kung saan nababagay ang katulad mong mga hamak na outer disciples!" Ani pa ng isang bantay.
Agad na inilabas ni Wong Ming ang isang talisman. May isinulat siya rito at mabilis itong nawala sa hangin.
"Dahil sa ginawa niyo ay hindi ako magdadalawang isip na isumbong kayo kay Punong Maestro Duyi sa mga kabalbalan niyong ito!" May inis na wika ni Wong Ming habang makikitang seryoso siya sa mga sinasabi nito. Masyadong sinasayang ng dalawang bantay na ito ang kaniyang oras at panahon.
Naawa siya sa patpating pangangatawan ng bantay na nagtanggol sa kaniya. Halata ring mababa ang cultivation level nito na nasa Early Purple Blood Realm habang ang nasabing eskpertong bantay ay nasa Late Purple Blood Realm. Isang sipa pa lamang nito ay siguradong malala ang tatamuhin nitong pinsala at kailangan nitong magpagaling ng ilang araw kung sakali.
Ang isang bantay naman ay tahimik lamang sa gilid dahil mukhang takot din ito sa dalawang bantay na kinakaaway siya.
Natuod naman bigla ang dalawang bantay at nagkatinginan.
Akala ni Wong Ming ay aayos na ang mga ito at hahayaan siyang makadaan sa malaking tarangkahan ngunit isa iyong pagkakamali.
BWAHAHAHA...!!!!
Malalakas na pagtawa lamang ang narinig ni Wong Ming mula sa dalawang bantay na ito.
"Nagpapatawa ka ba binata?! Ang isang katulad ni Punong Maestro Duyi ay kilala ka?! Nangangarap ka naman ata ng gising!" Mapang-uyam na saad ng bantay na kanina pa nanghahamak Kay Wong Ming.
"Gusto na ito ng sakit sa katawan hehehe!" Dagdag na wika ni Wong Ming habang nakangising aso.
Nagkatinginan ang mga ito at naningkit ang mga mata ng itong nakatingin kay Wong Ming.
Nakaramdam naman ng panganib si Wong lalo na ang patpating bantay sa nangyayari. Alam nitong walang sinasanto ang mga ito.
Nawala na lamang ang mga bantay sa kinaroroonan nila at lumitaw sa harapan ni Wong Ming.
Ngunit bago pa sila magpakawala ng sipa at suntok sana ay mabilis silang bumulusok papalayo.
Kitang-kita ni Wong Ming ang isang nakaunipormeng bantay na kulay dark green Kumpara sa damit ng mga bantay na kulay asul na lumitaw sa likuran ng mga bantay.
Parang hindi man lang ito nahirapan sa ginawa nito na siyang ipinagtataka ni Wong Ming.
Gulat naman ang dalawang bantay sa nangyari sa kanila at mas namilog ang mga mata nila nang biglang nagbago ang reaksyon sa mga mata ng mga ito na noong una ay galit ngunit napalitan ng kakaibang takot.
"Ch-chief Guard, bakit napadalaw po kayo?!" Magalang na saad ng bantay na gusot-gusot ang unipormeng suot nito at naglagay ng kanang kamay nito sa kaliwang dibdib nito.
"Ikaw pala Chief Guard, mabuti at nandito ka na para mapaalis na ang binatang iyan na kanina pa nangungulit na papasukin ito sa Smew Vill---!" Sumbong naman ng isang bantay habang nakangiti. Tiningnan pa nito si Wong Ming na para bang sinasabi nitong "humanda ka ngayon binata!".
Ngunit bago pa nito matapos ang sinasabi nito ay napatigil ito nang magsalita ang Chief Guard nila.
"Sigurado ba kayong iyon ang nangyayari? Mga wala kayong mga utak. Hindi niyo ba binigyan ng kahihiyan ang sarili niyo lalo na ang Punong Maestro Duyi ha?! Simula ngayon ay tinatanggal ko na kayo rito sa tarangkahan, bahala kayong humarap sa Guild Council mamaya!" Malakas na sambit ng Chief Guard habang makikitang galit na galit ito. Iniisip nito kung ano na lamang ang mukhang ihaharap niya sa Punong Maestro Duyi na Mukhang hindi din natutuwa sa nangyari.