webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · ファンタジー
レビュー数が足りません
721 Chs

Chapter 363

Tsing! Tsing! Tsing!

Gamit ang natitira niyang lakas ay mabilis niyang pinagsasangga ang tatlong mga sibat gamit ang metal claws niya.

Mabilis niyang hinarap ang bagong dating na apat na nilalang at mabilis na nagsalita.

"Iligtas niyo ko sa pesteng nilalang na iyan. Bibigyan ko ng malaking gantimpala ang sinumang makakapaslang sa kaniya. Alalahanin niyo Bloodlust Bandits na gusto niyo ang bagay na kinakailangan niyo!" Malakas na sambit ni Red sa gawi ng apat na nilalang na kung hindi ito nagkakamali ay magkakilala ang mga ito. Sa totoo lang ay ayaw naman talaga niya ibigay ngunit sa panahon ng krisis katulad nitong kinakaharap niya ay kinakailangan niyang sumugal alang-alang sa buhay na meron siya. Wala ring silbi ang mga bagay na meron siya kung mapapaslang lamang siya.

"Talaga ba?! Mukhang hindi ko aakalaing ibibigay mo sa amin ang pambihirang bagay na iyon Red ng ganon-ganon na lamang. Kung alam ko lang ay kanina ko pa pinaslang ang nilalang na yan hehehe! Diba Burn? " Nakangising wika ng lalaking bagong dating lamang. Kung tutuusin ay ayaw niya man sabihin ngunit naiinis din siya kay Red but that prize he wanted is really a good thing na mangyayari sa kanila. Pumunta rin sila rito para sa pambihirang Thunder Type Dragon Vein kaya nga ang gantimpalang ibibigay ni Red sa kanila ay siguradong tiba-tiba sila sa pagpunta nila rito.

"Ang isang kagalang-galang na si Red ng Red Bandits ay talaga nga namang hindi ko aakalaing mapapasama ang lagay mo ngunit wag kang mag-alala dahil tutulungan ka namin lalo na ni Boss Spite na paslangin ang kalaban mo!" Sambit ni Burn habang makikitang natutuwa rin siya sa pangyayaring ito.

"Ang lakas ng loob ng nilalang na iyan na galawin ka Ginoong Red. Gaya ng sabi niya ay kami na ang bahalang magligpit sa isang iyan. Alam na alam mo talaga ang kiliti ng boss naming si Boss Spite! Kami na ni Slicer ang tatapos sa pesteng nilalang na iyan!" Puno ng determinasyong sambit ni Hype habang makikitang tiningnan pa nito si Slicer.

"Lakas ng apog ng nilalang na iyan na gumawa ng maruming pamamaraan ngunit pabor sa amin ang ginawa mo Ginoong Red. We will make sure that you will be safe and sound. Kayang-kaya na namin yan ni Hype na paslangin ang kalaban mo!" Puno rin ng kumpiyansang turan ni Slicer habang makikitang gusto na nitong paslangin ang kalaban ni Ginoong Red. Alam kasi nila na hindi naman sa lakas kilala ang Red Bandits kundi sa yaman ng mismong lider ng mga ito kaya walang nangingiming bigyan sila ng problema ng ibang mga bandidong karamihan ay puro mga kriminal o takas na preso. This is going to be really interesting.

"Bloodlust Bandits?! Kung ayaw niyong madamay sa kahihinatnan ng lider ng Red Bandits ay binabalaan ko na kayong wag makialam o makisawsaw sa labanang ito." Pagbabanta ng batang si Li Xiaolong sa apat na indibidwal na bagong dating sa lugar na ito. Pansin niyang tila nakakasunod na ang bagong dating rito. This is not a good sign. Gusto niyang paslangin ang lider ng Red Bandits upang hindi na siya mamroblema na paslangin ang huling miyembro nito. Gusto niya ring makuha kaagad-agad ang Thunder Type Dragon Vein at kung hindi makikialam ang bagong dating na mga nilalang na siyang kasapi ng Bloodlust Bandits ay siguradong magagawa niyang maisakatuparan na madaling paslangin ang lider ng Red Bandits.

Ngunit mukhang nagkamali ang batang si Li Xiaolong nang inaakala dahil nakita niya kung paano dumilim ang anyo ng apat na nilalang na ito at makikita ang inis sa mga pagmumukha ng mga ito. Halos magkakaedaran lang din naman ang mga miyembro ng mga badidong ito sa lider ng Red Bandits.

"Heh! Hindi ko aakalaing ang kapal ng pagmumukha mong diktahan kaming kutong-lupa ka. Baka naaalala mo, sa amin tong Swamp Dungeon at lahat ng bagay na naririto ay amin. Sumuko ka na lamang at magbigay ng kowtow sa amin baka sakaling maawa pa kami sa iyo." Inis na wika ni Spite na siyang lider ng Bloodlust Bandits. Talagang hindi niya inaasahan ang magiging tugon ng nilalang na siyang gusto niyang bigyan ng option na sumuko at maging tuta niya baka sakaling maawa pa siya rito but to think na tinanggihan nito ang offer niya ay mukhang hindi siya natutuwa rito.

[Kowtow = magbigay galang sa pamamagitan ng pagluhod at paghalik sa lupa upang magbigay respeto]

"Wala kang galang sa lider namin. Hindi mo ba alam ang pinagsasabi mo? Boss namin ang kausap mo kaya gumalang kang animal ka!" Turan ni Slicer na hindi na makapagpigil na murahin ang nilalang na siyang gumagawa ng komplikadong bagay para sa sarili nito. Hindi niya mapigilang pagak na mapatawa sa sariling isipan lamang nito lalo na at mukhang baguhan lamang ang nilalang na ito.

"Lapastangan kang tunay! Hindi ko aakalaing ang kapal ng pagmumukha mong sabihin iyan sa amin lalo na kay Boss Spite!" Di na rin makapagpigil ng inis si Hype nang marinig nito ang naging tugon ng nilalang na siyang kumakalaban kay Ginoong Red. Even him don't dare to make a wrong move to the leader of Red Bandits lalo na at alam nila ang magiging consequences nito.

"Matabil din ang dila mong hayop ka. Binibigyan ka nga ng pagkakataon ng boss namin na sumuko ka sa amin para hindi na lumaki pa ang gulo ngunit mukhang pagod ka na atang mabuhay!" Nanggagalaiting sambit ni Burn habang makikitang maging siya ay hindi na rin mapigilang makaramdam ng inis sa nilalang na nasa hindi kalayuan mula sa kanila.

"Kowtow? Tanging sa mga magulang ko lamang at sa master ko lamang ako magbibigay galang hindi sa katulad niyong halang ang mga bituka. You don't even deserve a tiny respect coming from me!" Matigas na pagkakasambit ng batang si Li Xiaolong habang nakatingin sa apat na nilalang. Tiningnan niya pa ng palipat-lipat ang mga ito na animo'y puno ng pagkasuklam. Never in his life to be so lowly ba bigyan ni katiting na respeto ang mga kriminal na ito. Ang kakapal ng mukha ng mga itong utusan siya. Napakababa naman ng standards niya ng bibigyan ng respeto. Ayaw na ayaw niya pa naman sa mga mapanlamang na mga nilalang sa kapwa nila.