Whipped
Natapos ang araw na iyon na puno ng saya at ngiti sa labi at inihatid na namin sila sa resort ng mga Castillo. Bandang alas-nuwebe na at tahimik na ang paligid dahil na rin sa tulog na iyong nga tao sa lugar. Iyong iba ay gising pa naman pero mabibilang na lang sa kamay iyong may ilaw na bahay, halos lahat kasi rito ay malalaman mong tulog na nga kasi pinapatay nila iyong ilaw. Unlike in the city, province kind of living is more like traditional and old fashioned.
Puno pa rin ng bardagulan iyong dalawa naming kaibigan na pinaka 'matino' habang iyong iba ay may sari-sariling mundo. Busy sila sa pagsi-cellphone at pagpo-post ng pictures ng early celebration ni Lia kanina, habang sina Lemuel at Xyrl ay may pinapanood na downloaded videos. Medyo may kahinaan din kasi iyong net dito kaya buti na lang at mala-girlscout itong nasa likod ko. Iyong iba namang ka-banda ko ay may kaniya-kaniyang pocket wifi.
Pero teka, nakakainggit ah. Sana all kasi may kasamang nanonood.
Hays. Nabuhay lang yata ako sa mundo para maging taga-sana all sa love life ng iba. Just kidding, they're just bestfriends. . . Or maybe not.
Paglingon ko ay pansin ko iyong panakaw na sulyap ni Lloyd kay Sam at kung paano siya palihimin na ngumiti. Namula pa nga si g*go habang pigil na pigil siya sa sariling kiligin.
Talaga lang Lloyd ah? May tama siya guys, positive. Prttf!
Lintek na pag-ibig~
Gusto ko talaga siyang inisin kanina kaso baka maging awkward ang pakikitungo ni Sam sa kaniya. Baka maudlot pa iyong pantasya ng bestfriend ko, kawawa naman kapag nagkataon.
Poor Lloyd.
Saka na siguro kapag kami lang. Talagang babanatan ko siya ng non-stop na tukso. Ako na naman iyong gaganti sa kaniya.
I grin secretly.
Tol, bakit mo kasi ako inunahan e! Ayan, mukhang makakaganti na rin ako sa wakas!
Sumilip na lang ako sa bintana nang mapansin kong malapit na kami. Nakikita ko kasi mula rito ang isang malaking tarpaulin ng Castillo resort. Mayroon itong pleasant na series lights na sa tingin ko ay solar. It has many assorted colors, vibrant and neon.
Agad ko namang ginising iyong katabi kong si Hans. "Tol, andito na tayo."
Umungot lang siya at bumaling sa kaliwa para patuloy na matulog. Kawawa naman, mukhang drained na drained dahil ayaw nitong magpa-istorbo.
Saka ko na siguro gigisingin. Hayaan na lang muna.
Huminto ang van kaya binuksan ko na ang pinto at lumabas na. Panay hikab naman nina Inigo at Clyde habang niyayakap iyong sarili dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Agad namang tinanggal ni Lemuel iyong soot niyang jacket kanina habang pinapasoot ito kay Xyrl.
Ayan na naman po silang dalawa. Kung maka-asta ay daig pang magjowa. Tsk.
Nakita ko naman si Lloyd na inaalalayan si Sam sa mga bagahe niya at ang kumag naman ay parang tanga lang dahil kapag ngingitian siya ni Sam at agad itong namumula.
Napa-iling na lang ako.
Naku tol, kapag ganyan ka lagi ay magpaghalataan ka talagang hayop ka. Agad naman akong naglakad tungo sa direksiyon nila at siniko ng mahina si Lloyd.
"Tol! Mukhang mabigat iyan ah! Tulongan na kita." Agad namang sa akin napunta ang atensiyon niya at sinamaan pa talaga ako ng tingin.
Wow guys! Ladies and gentleman, representing Lloyd Patrick Tollentino. Ang ating masungit na nagbibinata!
Ibinigay ko na lang ulit sa kaniya ang bagahe at iniwan sila nang wala ng sagabal. Hanep talaga! Gusto ko tuloy matawa sa inasta niya. Bumalik na lang ako sa van habang ginigising si Hans. At sa kabutihang palad naman ay nagising na siya habang tulalang naka-upo. Napatawa na lang ako dahil sa hitsura niyang parang nakipagsabong sa manok.
Bumaba na agad siya habang parang walang nakita. Basta na nga lang iniwan ako doon sa van e. Naku! Naku talaga!
Sumunod na ako sa kanila habang tahimik kaming pumasok.
"Good evening po, mga ma'am at sir!" bati sa amin ng mga crew sa resort. Binati ko lang din sila pabalik at tinulungan naman nila kami sa bagahe namin. Nakita ko naman na nasa harapan naman lobby sina Yuan, Yen, Don Hugo—at teka?! Is that Jella?!
Napa-ubo naman ako.
'Kiel, umayos ka. Huwag kang magpahalata dahil may matang nakatingin sa'yo.'
At hindi nga ako nagkakamali dahil paglingon ko pa kay Lloyd ay abot tenga iyong ngisi nito. Ngumisi rin ako pabalik sa kaniya.
Hindi mo na ako masisindak ngayon pre, quits na tayo. Baka akala mo talaga hindi kita napapansin ah!
"Maligayang pagdating sa aming resort! Ikinagagalak naming maging panauhin kayo." Saad pa ni Don Hugo habang may malaking ngiti sa labi. Nagkanya-kanyang bati naman iyong mga kaibigan ko at pasasalamat sa matanda habang nakipagkamay.
Ganoon din ang ginawa nila Yuan, Yen at Jella. Masaya naman nilang ni-welcome at nakipag-beso kay Sam. Nang ako na ang makikipagkamay kay Jella ay tumikhim naman si Lloyd. Napilitan tuloy akong bawiin agad iyong kamay ko kay Jella.
Panira! Mamaya ka talaga sa akin pre. Epal mo.
"Hi!" I said and flash a smile on her. She smiled at me back and replied, "Hello Kiel, finally nice to meet you!"
Natawa na lang kami pareho sa inasta namin. Ang awkward kasi at nakakahiya. Narinig ko na naman si Lloyd na may binubulong sa likuran kaya binalingan ko ito. At si loko-loko, may pakindat pa itong nalalaman.
Pucha.
"Lloyd, pre. Samahan mo nga ako sa room nila," aniya ko habang may kakaibang ngiti sa labi. "Ihatid na natin ito para makapag-pahinga na sila. Mahaba pa kasi binyahe nila. I'm sure pagod iyang mga 'yan."
Sumunod naman siya habang tawang-tawa pa rin.
Itinuro na sa amin ang magiging kwarto nila at inilagay na namin sa loob. Maya-maya ng walang tao sa paailyo ay mabilis kong piningot iyong tenga ni Lloyd. Tudo aray naman siya pero natatawa pa rin. Mukha tuloy kaming tanga-tanga.
Tang—
Sinamaaan ko siya ng tingin. Pero, hindi talaga siya nagpatinag. Biglang nakaisip naman ako ng idea. Ayaw mo talaga tumigil kakatawa ha? Sige, tingnan natin.
"Uy si Sam!" sigaw ko at nagpanggap na tumingin sa likod niya. Mabilis naman itong lumingon. "Ha? Asan?!" tarantang anas niya.
Nang lumingon siya sa akin at ma-realize ang ginawa ko ay saka nawala iyong ngisi niya. Kunyare na lang akong sumipol-sipol habang hindi nakatingin sa kaniya.
Got you bro! Akala mo a!
"Huwag," anas niya. Nagkunwari naman akong inosente tapos tumitig naman ako sa kaniya. Kunyari pa akong nangunot ang noo.
"Anong huwag Lloyd?"
Mariin siyang napapikit at bumuntong-hininga. Mukhang siya pa itong na stress kaysa sa mga kaibigan ko na galing sa mahabang byahe.
Maya-maya pa nagsalita ulit ito. Seryoso na pero naroon pa rin iyong ekspresyon niyang natatawa.
"Huwag mong sabihin kung ano ang nalalaman mo."
I grin and spoke, "Okay." I said and turn my back in him.
"I'll just tell her when you're not around." I teased.
"Kiel!" And with that I run fast for my life. Ul*l mo Lloyd! Bahala ka diyan, sasabihin ko kay Sam na may tama ka sa kaniya.
__
Kinabukasan ay maaga akong nagising gaya ng nakasanayan ko. Maaga na rin akong naligo at nagluto ng almusal para sa aming tatlo. Tulog pa iyong dalawa at alam kong bukangliwayway pa iyon magigising dahil sa pagod kahapon. Pero atleast 'di ba, kahit nakakapagod ay worth it naman dahil na-surpresa namin si Lia at napasaya namin siya.
Mamaya ay bibisitahin ko iyong mga kaibigan ko doon para e-check. Kailangan ko ring ipaalam kay Sam iyong tungkol sa kanta, hindi pa kasi nila alam e.
Sana magustuhan niya. Sana magustuhan ni Jella. . .
Ano ba iyan! Korni amput*k!
Napa-iling na lang ako sa naisip ko. Sh*t! Delikado na ako a! Kabago-bago ko pa lang tas na-a-attach na ako sa kaniya.
Isang katok naman ang nagbalik sa akin sa reyalidad. Kumunot iyong kilay ko sa pagkalito.
Sino ba naman kasi iyong kumakatok e alas kuwatro pa ng madaling araw? Baka maya-maya ay masasamang-loob 'to ah!
Dahan-dahan na lang akong pumunta sa bintana upang silipin iyon pero halos atakihin ako sa gulat nang nakasilip din ito sa bintana. Pucha!
Napahawak naman ako sa puso.
"G*go ka ba Clevan?!" asik ko habang pinagbuksan siya ng pinto. Humihikab naman siyang pumasok at humilata agad sa sofa at natulog na para bang hindi niya ako tinakot. Hindi naman ako makapaniwala sa inasta niya.
Wow. Just wow!
Nagulat na ako lahat-lahat tapos pumunta lang pala siya rito para matulog?! Tsk. Disturbo!
Nagsalita naman ito habang nakapikit. "Sorry sa abala bro pero hindi talaga ako makatulog doon sa resort dahil sa ingay ng hilik ni Seven." Aniya pa niya habang nakapikit iyong mata. Halatang pagod na pagod pa rin at namamaga na iyong mata dahil sa puyat. Antok na antok.
Ah, kaya pala. Hays, buhay. Pero, lintek a! G*gi kinabahan talaga ako doon bw*sit!
Sinarado ko na lang ulit iyong pinto at nagpatuloy sa kusina. Shuta, nasa probinsya pa naman ako at alam kung uso pa iyong multo. G*go talaga! Uminom na lang ako ng tubig para kumalma naman.
Bwesit, hindi nga ako nagka-kape masyado pero ni-nerbyos naman ako. Tarantado!
Sumikat na ang araw at nagsimula ng magsi-iyakan iyong mga ibon sa labas at lumalamig na rin iyong klima. Nagsimula na ring magkaroon ng kulay iyong lahat ng nakikita ko at sumasayaw na iyong mga bulaklak sa hangin. Umingay iyong pinto kaya napalingon ako. Nakita ko namang pungas-pungas na lumabas si Lia sa kwarto niya at dumiretso sa refrigerator upang uminom ng tubig ngunit, agad din itong napabalik at tumingin sa katabi kong payapang natutulog.
"Kuya? Dito natulog si Kuya Clevan?!" gulantang niyang aniya. Tumango ako sa bata at mas lalo itong nanlaki ang mata. "Pumunta iyan kaninang madaling araw dito, muntik pa akong atakihin sa puso. Hindi raw kasi siya makatulog sa ingay ng hilik ni Seven."
Tumango-tango lang iyong bata at awkward na ngumiti sabay atras. Kinalaunan ay kumaripas naman ito ng takbo pabalik sa kwarto niya. I shook my head and roll my eyes.
Weird.
Alas-siyete na at tulog pa rin si Clevan. Si Lia ay kanina pa pabalik-balik ng lakad na parang nilanggam. Hindi kasi siya mapalagay kasi aniya pa, "mangangawit daw si Clevan sa sofa." Mas lalo tuloy siyang naging obvious.
Hay naku Lia. Magkapreho nga kayo ng kuya mo!
Maya-maya pa ay nagising na si Clevan kaya napag-isipan kong iwan muna sila, alam niyo na. Hehe.
Naghanda na lang ako sa mesa ng agahan at sinilip-silip iyong dalawa na nagku-kuwentuhan. Si Lia ay hindi talaga mawala-wala iyong ngiti niya. Mas lalo tuloy akong nasiyan kasi kahit kahapon lang sila opisyal na nagkita e close agad sila. By just looking at them now, they seem more like comfortable to each other. Buti pa itong si Lia, nakuha niya agad ang loob ni Clevan.
Bumaba naman si Lloyd na humikab, kamuntikan pa nitong mahulog sa hagdan nang makita iyong kapatid niyang nakikipag-tawanan sa utol niya.
Ayan, papunta pa lang tayo sa exciting na part.
"Hoy, Lia! Mahiya ka nga, feeling close," inirapan naman siya ng kapatid at binilatan. Gumanti naman agad iyong kapatid niya ng singhal.
"Che! Inggit ka lang kuya dahil friends na kami ni Kuya Clevan." Tinaasan naman siya nito ng kilay at pinagkrus iyong kamay niya sa dibdib niya. Narinig ko pang tumawa si Clevan habang nakatingin sa dalawa na maagang nagba-bardagulan.
"Kuya, kuya. Utot mo Kuya!"
"Bla, bla, bla!"
Doon na ako umiksena at pinigilan ang dalawa bago pa ito mag-sparing sa sala.
"Kakain na! Tama na iyan, magkapikonan pa kayo." Lumapit naman agad si Lia habang hawak niya iyong kamay ni Clevan. Ipinag-usog din niya ito ng upuan at tahimik na umupo sa tabi nito.
Nakamata lang iyong kuya niya habang nakapameywang. Maskin siya ay hindi makapaniwala sa nakikita niyang closeness ng dalawa.
Umiling-iling na lang ito at pumunta sa tabi ko, masama pa rin iyong timpla ng mukha niya pero hindi lang siya pinansin ng kapatid. Mas lalong lumaki iyong butas ng ilong ni Lloyd.
Prttf!
"Heto kuya oh!" sabay abot ni Lia ng ulam kay Clevan. Nakanganga na iyong kapatid niya at kumurap-kurap.
Pucha! Ang epic ng hitsura ni Lloyd! Wala ka pala sa kapatid mo Lloyd e! Hahaha.
Nagpasalamat lang din si Clevan at nagpatuloy sila sa pagku-kuwentuhang dalawa. Na para bang may sarili silang mundo at hindi kami nag-e-exist. Para ngang sila lang iyong tao dito sa bahay e!
Pero 'di bale, nag-e-enjoy pa ako sa reaction ni Lloyd.
Hanggang sa natapos kami ay hindi na talaga binalingan ni Lia iyong kuya niya. Kahit na kaharap niya ito ay nakatuon lang ang mata nito kay Clevan. She entertain him well. She talks like she was in her eighteenth. Hindi talaga halata na katorse pa iyong bunso namin. She was like close to our age by her appearance and she gets along with us well too, kaya no wonder why Clevan doesn't find her too talkative and such. Gaya ni Lloyd ay vibe rin kasi niya ito.
Halata naman sa kilos at salita.
I shook my head on Lloyd. He was hopeless, like literal na hopeless talaga. Kawawang kaibigan, mas magaling pa dumiskarte iyong kapatid niya.
Kinawayan na ni Lia si Clevan nang nagpaalam itong babalik sa resort. She smiled at him genuinely and in pretty way. Ni hindi mo talaga aakalain na nagsusungit itong batang 'to. She looks like and angel.
When he's already gone from our sight ay saka pa siya taas noong tumingin sa kuya niyang sobrang sama iyong tingin sa kaniya. But before she pass walk through him she said.
"Wala ka pala kuya e! Hina mo naman kay Ate Sam!"
Sabi ko na e! Prttf!