webnovel

Chapter 6

Inihahatid kami ng mga maids ng mansion sa magiging kwarto namin.

"Ako na po talaga.." kanina ko pa kasi pilit na kinukuha yung mga maleta namin kay Tatay Fred na driver daw ni Hades.

"Nako, mam. Wag na po. Ganito lamang ang aking pangangatawan pero batak pa to." kumindat pa si Tatay dahilan para matawa ako.

Ganon pa man kinuha ko na lamang sa kanya ang dalawa pang hand bag at dinala ito. Umangal pa siya pero wala rin siyang nagawa. Ako pa ba? Char.

Paakyat na kami ng staircase nang may masalubong kaming magandang babae. May dala siyang paso na sobrang laki. Halata namang nahihirapan siya sa pagbitbit nito kaya ibinaba ko ang hand bags at pinuntahan siya.

"Mam, tulungan ko na po kayo." base sa kanyang suot ay hindi naman ito isang maid.

"Nako hija. Wag na at baka makita ka pa ni Hades." nakunot naman ang noo ko sa kanya.

Umalis na kasi si Hades kanina pa at ibinilin na lang kami kay Nanay Leonora na namamahala raw sa mga maids dito sa mansion.

"Po? Wala naman na po siya eh. Kanina pa po siya umalis. Kaya okay lang po, ako na." nakangiti kong sabi saka kinuha sa kanyang kamay ang paso.

"Hala. Ang bigat pala nito. Saan niyo ba ito dadalhin?" tanong ko sa kanya habang hirap na hirap bumaba.

"Dyan lang sa baba hija. Ayaw na kasi iyan ni Hades sa office niya." tumango-tango ako saka itinuloy ang pagbaba.

Lintian at ang bigat pala nito. Masyado akong pabida at binuhat ko pa talaga ng ako lang. Di bale na at malapit na rin naman. Inutos ko na lang kay Mak-mak na tulungan si Tatay Fred na magbitbit, na sinunod naman niya agad. Dapat lang baka mabatukan ko siya. Chaar lang ulit.

Kahit ganoon naman ang batang yon eh mahal na mahal ko yon. Itinuring ko na kapatid si Mak-mak kaya binibigay ko ang gusto niya kapag may pera akong extra.

"Bakit ka nga pala nandito, hija?" tanong niya sa akin habang nakangiti.

"Nako. Pasensya na po ha? Magiging borders niyo pa po kami rito." natatawa-tawa kong sabi habang pababa ng hagdan.

"Okay lang at parang namumukhaan nga kita eh." nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa mukha ko.

"Ayy nako. Hindi po unique ang mukha ko kaya maraming kamukha." narinig ko naman ang mahina at mahinhin niyang pagtawa.

"Paano mo nga pala nakilala ang aking an-" hindi niya na natapos ang itatanong niya dahil..

"WHAT ARE YOU DOING?!" umalingawngaw ang sigaw ni Hades sa buong mansyon.

"AYY ANAK KA NG TIPAKLONG! AHHH!" natapilok ako dahil sa gulat nang marinig ang sigaw ni Hades.

Napabitaw ako sa paso at napaupo nang maramdaman ko ang pagsakit ng paa ko. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"MA! WHAT IS HAPPENING?!" galit nitong sabi saka binuhat ang paso ng walang kahirap-hirap.

Halos mapatid na nga mga ugat ko dyan tas siya pa-easy-easy niya lang nabuhat? Maggym na kaya ako noh? Yes, Devyn. Brilliant idea.

"Ayos ka lamang ba, hija?" tinulungan akong tumayo ng magandang babae kanina.

"O-opo.." nahihiya kong sabi saka tumayo nang dahan-dahan.

Napaigik ako nang maramdaman ang sakit sa paa ko. Mukhang mamaga pa yata itong tapilok ko. Anak talaga ng tipaklong. Kasalanan to ni Hades eh. Demonyo talaga siya. Arghh!

"Ma." malamig na tawag ni Hades sa katabi kong babae. Nanlaki ang mata ko at lumayo nang kaunti sa aking katabi.

"M-ma? Mama mo siya? Hala. Por dyos por santo. Magandang umaga ho." yumuko ako habang hindi mapakali.

"Stop that." awat sa akin ni Hades na mahigpit ang hawak sa aking braso.

"It's okay, hija. And I'm glad na may iba na kaming kasama rito sa bahay." I saw a glimpse of red spark on her eyes.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero it seems real. Parang naging pula ang kanyang mata.

"Alexzon, maghanda na kayo. Dito ka na rin maglunch." ngumiti ito kay Hades at tumingin sa akin.

Buong pagtataka naman ang bahid ng aking mukha. Alexzon? Sino yon? K-kapangalan niya yung kaibigan ko dati.

"It's me. Hades Alexzon Fuentevilla." nakanganga akong tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa.

Kaya pala pamilyar ang apelyido niya dahil siya ang nawawala kong bestfriend noon. Anak ng tokneneng. Ang liit naman pala ng mundo!

"ALEXZON? ALEXZON FUENTEVILLA? WAAH! NAMISS KITA! ANG PANGIT MO PA RIN!" niyakap ko siya habang nakangiti, narinig ko naman ang mahinang hagikgik ng Mama niya sa likod ko.

"Get off of me if you don't want your blood to be suck." nanindig ang balahibo ko nang bulungan niya ako sa aking tenga.

Agad akong napaalis sa pagkakayakap sa kanya habang ika-ika. I pouted as I saw him smirk because of my reaction.

"S-Sa kwarto po muna ako." paalam ko kay Tita saka lumakad nang ika-ika.

Humahawak ako sa railings ng hagdan dahil baka bumagsak ako. Masakit talaga. Huhu. Halos mangiyak-ngiyak na ako.

"Next time. Do anything and I'll kick you out from this house. Is that clear?" halos mapatili ako nang buhatin ako ni Hades ng pabridal style.

"Y-Yeah. Pasensya na." nahihiya kong tugon at tumingin sa ibang direksyon.

Nakita ko pa sa aking peripheral view kung paano tumaas ang gilid ng kanyang labi saka ngumiti nang matipid. Marunong din pala ngumiti. Yun nga lang, masaya siya pag nasasaktan ako. Tss.

Ngayon ko lang din napagmasdan ang mansyon sa loob. Lahat ng furnitures ay nagkukulay ng ginto. At ang interior naman ay white na may linings na gold.

This is awesome. Hindi ko akalain na makikita ko muli itong ugok na to. Napangiti ako sa isiping iyon, namiss ko talaga to.

"Are you crazy?" nagising ako nang marinig ko ang malamig niyang boses.

"Hindi. Bakit?" nagtataka kong tanong, sinagot naman ako nito ng pag-irap.

"Ikaw. Bakla ka ba?" daig pa kasi ang babae kung umirap eh.

"Hindi. Bakit?" gaya nito sa sagot ko habang seryoso pa ring nakatingin sa kung saan.

Humagikgik ako nang mahina at tinignan siya. Natigilan ako nang maalala ang balat niya sa kanang balikat. Nandoon pa kaya yon?

I want to see that. Yun ang pinakapaborito ko sa kanya. Ang parteng yon ang hindi ko malilimutan. Iyon ang palatandaan ko na siya nga si Alexzon.

Ibinaba niya ako sa isang malambot na kama. Kulay red ito at nagwawave kapag may umupo o humiga. Kaya naman nagbounce-bounce ako habang nakaupo.

"Stop that." utos nito sa akin habang naglalakad at may hawak na benda.

"Sungit." bulong ko at umirap.

Huminto naman ako at tumingin-tingin sa paligid. May kalakihan din ang kwarto ko. Nasa isang tabi ang mga bags ko. Ang interior nito ay kulay grey. May carpet rin sa ilalim ng kama ko na kulay grey din.

Akin ba talaga to? Parang panlalaki kasi ang kulay eh. Ang mga furnitures ay color silver lahat. Samantalang nakasara rin ang kurtinang kulay pula.

"This is my room." lumuhod ito sa harap ko saka dahan-dahang inangat ang paa kong natapilok.

Napakagat labi ako dahil sa sakit na nararamdaman ko habang binabalot niya ito ng benda.

"Saan ako magsstay?" tanong ko sa kanya. Nakahubad na rin ito ng tuxedo niya kaya naiwan ang polo niyang puti na nakaunbutton ang tatlo sa taas na part.

Maluwag na rin ang neck tie nitong pula habang ang buhok ay nasa magulong ayos na. Halatang nasa bahay na ito dahil sa ayos niyang komportable.

"Dito." maikling tugon nito saka ako tinignan saglit.

"H-Ha?" bakit ako magsstay sa kwarto niya. Sa laki-laki ng bahay nila walang spare room? No way. Lalaki siya at babae ako. Isang malaking hindi pwede!

"What's wrong with a guy and a woman together in a room?" mapang-asar na sabi nito.

"At bakit? Huh! Hindi pwede, Alexzon." umismid pa ako at humalukipkip.

"Fine. Doon na lang ako sa kabila." natatawa talaga ako sa accent niya pag nagtatagalog siya.

Simula bata palang kami ay english speaking na ito kaya nasanay na siguro. Nakita ko ang kanyang kanang balikat.

Dumukwang ako at nilapit ang mukha ko sa bandang kanang balikat niya. Naramdaman ko ang paninigas niya.

"W-What are you doing?" bakas sa boses nito ang kaba na ewan. Ano bang akala niya pagsasamantalahan ko siya? Utot niya, mabaho.

Hinawi ko ang kanyang polo at doon sumilay ang kanyang birthmark. Hugis paniki ito. Napangiti ako at hinawakan iyon.

Nagulat ako nang dambahin ako nito dahilan para mapahiga ako sa kama samantalang siya ay nasa ibabaw ko.

"A-Alex-" nasa gilid ng ulo ko ang kanyang ulo habang inaamoy ang leeg ko.

"S-Stop doing that. Go out while I can control myself."