Ipinangako ni Fridah Mae sa sarili na di na niya kakausapin o titingnan man lang si Cedric Johannson Cristobal, ang ubod na sungit na kaibigan ng kuya niya. Di niya matangggap na binasted nito ang kagandahan niya at ipinagpalit siya sa isang babaeng hipon.
Pero nang magkita silang muli sa Stallion Riding Club, nagbagong bigla ang ihip ng hangin. Parang sinapian na naman siya ng espiritu ng nakaraan niya at nabaliw na naman siya dito.
Sa pagkakataong ito, di na siya uurong sa laban kahit pa babaeng hipon, balyena o pating ang humarang sa kanya. Sa kanya lang si Johann.
Ang kontrobersiyal na kwento nina CJ at Fridah Mae na nagpayanig sa Zamboanga.