Napasugod si Celestine sa eskwelahan ng pamangkin niya nang inaapi ito ng kaklase nito. At sa lahi nila, bawal ang nadedehado. Sa kasamaang-palad, nakatapat naman niya ang tiyuhin ng bata na si Philippe Jacobs, ang lalaking lagi na lang laman ng mga pantasya niya.
"Miss, ikaw ba ang umaaway sa pamangkin ko?" walang kangiti-ngiting tanong ni Philippe sa kanya.
"Ha?" Nagpalinga-linga siya na parang ibang tao ang kinakausap nito at hindi siya. "Ah, ako ba ang kausap mo?" inosente niyang tanong.
"Yes, Miss. Ikaw nga ang kinakausap ko. Sabi nitong pamangkin ko, inaaway mo raw siya."
Paano naman siya sasagot nang maayos kung kaharap niya ang pinaka-guwapong lalaking nakilala niya? Wala siya sa mood na makipag-away kung ito ang kaharap niya. Natunaw ang lahat ng katarayan niya.