Malapit nang magdugtong ang kilay ni Miles habang nakatingin sa tatlong lalaki na daig pa ang dragon kung magbuga ng usok na nakaupo sa harap ng DOME Café and Restaurant kung saan nagtatrabaho siya bilang service crew.
"Naku! Andito na naman ang mga regular customers natin na feeling kaguwapuhan," sabi ni Weng, isa sa kasamahan niya at barista nang araw na iyon.
"Ang sabihin mo, regular pasaway ang mga iyan," pagtatama niya.
Tinapik ng manager niyang si Arlene ang counter. "Miles, kunin mo na nga ang order ng mga iyan. Kanina pa diyan pero hindi pa rin umo-order."
"As if oorder ang mga iyan," usal niya pero sumunod pa rin sa manager niya. She was wearing a professional smile when she walked towards them. Kahit na naiirita siya, kailangan pa rin niyang ngitian ang mga ito. "Good afternoon, Sir. May I have your order, please?"
"Mamaya na lang, Miss," anang mga ito at nagpatuloy sa kwentuhan.
Napansin niya na itinataktak lang mga ito ang upos ng sigarilyo. Bumalik siya sa counter. "Ano daw ang order?" tanong ng manager niya.
"Later na lang daw po. Kukuha lang ako ng ashtray. Hindi yata nila alam na kapag naninigarilyo, itinataktak ang upos sa ashtray. Hindi sa semento," sarkastiko niyang sabi at pinuntahan ulit ang mga guest na nasa smoking area. Saka niya inilapag ang ashtray. "Pwede ko na pong makuha ang order ninyo, Sir?"
Nagkalabitan na ang mga ito. "Oy, order daw natin." At nagturu-turuan na ang mga ito. Mukha namang walang balak na um-order.
"Bawal po kasi ang tambay dito," prangka na niyang sabi sa sobrang inis.
Namutla ang mga ito at parang napahiya. "Yosi break lang namin, Miss. Babalik rin naman kami mamaya," anang pinakamatapang sa tatlo at nagyaya nang umalis. At sa panghihindik niya, inilapag na lang sa sahig ang cigarette butts samantalang may ashtray naman na nasa lamesa.
Nahawakan niya ang ashtray sa sobrang gigil at muntik nang ibato sa mga ito. "Naku! Sinisira talaga ang araw ko! Huwag na kayong babalik."
"O, umalis na ba ang mga guest natin na kaguwapuhan?" tanong ni Weng.
"Oo. Buti na lang lumayas na sila dahil matutuyo ang dugo ko," aniya at ipinaypay ang kamay sa mukha.
Isang taon na siya na nagtatrabaho sa DOME Shangri La. Graduate siya sa Pamantasan ng Pasig sa kursong Hotel and Restaurant Management. Hilig niyang gumawa ng mga pastries at ambisyon niyang maging pastry chef. Nag-aral din siya sa culinary arts school ng Baking and Pastry. Tumigil lang siya dahil nag-iipon pa ng pang-tuition. Mahal din kasi ang kumuha ng special course sa culinary art school.
"Huwag ka nang sumimangot. Nandiyan na si Alain."
"Saan? Saan?" tanong niya at luminga. Tuluyan nang nag-evaporate ang init ng ulo niya nang makitang pumasok ang crush niyang si Alain. "Andiyan na siya!"
Kasama nito ang iba pang agents. He worked for a multi-national company at isa sa mga agents nila na nagsu-supply ng beverage. Kung tutuusin ay hindi naman artistahin ang features nito. Simple lang ito at palangiti. Mukhang mabait kaya naman di maiwasang mahulog ang loob niya dito.
"Do I look pretty? Hindi ba oily ang mukha ko? Hindi humuhulas ang make up ko?" tanong niya at binasa ang labi.
"Sige na. Puntahan mo na ang Alain mo," udyok ni Weng. "At wish ko lang mapansin ka na niya."
Nagkukumahog siyang pumunta sa function room. Pero naunahan na siya ng kasamahang si Marlon dahil wala itong inaasikaso. Lulugo-lugo siyang bumalik sa counter. "Ang kumag na Marlon na iyon, naunahan ako," ngitngit niya. "Alam naman niya na ako ang bahala kapag nandiyan sila Alain. Chance ko na ngang magpa-cute."
"Buti nga ikaw may Alain. Ako walang ma-spot-an na gwapo."
"Basta! Lagot sa akin ang Marlon na iyan." Maya maya pa ay lumabas na si Marlon na abot-tainga ang ngiti. "Ang daya mo, Marlon. Alam mo naman na kapag nandiyan si Fafa Alain, ako ang bahala. Paano ako magpapa-cute niyan?"
"Bakit? Ikaw lang ba may karapatan na magpa-cute sa crush mo?"
Napaawang ang labi niya. "You mean, crush mo rin si Alain?"
"Si Darlen ang crush ko!" Kasamahan iyon na agent ni Alain. "Hindi naman pwedeng ikaw na lang nang ikaw."
"Hay, naku! Nakakainis ka pa rin," nakasimangot niyang sabi.
"Hayaan mo na iyon. Makaka-tiyempo ka rin mamaya. Ikaw ang mag-serve sa function room," suhestiyon ni Weng.
"Hindi ako papayag na umalis si Alain nang di niya ako nginingitian."
Natutop ni Weng ang bibig habang nakatingin sa entrance. "Nandito na si Fafa Gino ko!" anitong tila mababaliw nang makita ang crush.
"At hindi siya nag-iisa. Kasama niya ang bagong girlfriend niya."
Hi! I am posting the original version of the story. The new edition is available in book version with new scenes.
You can get a copy at https://www.facebook.com/Myprecioustresures/