webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 一般的
レビュー数が足りません
557 Chs

CHAPTER FOUR

"Ma'am Tin, ang galing-galing ninyo. Grabe! Total performer," bungad ni Aya sa kanya nang mag-breaktime niya.

Ninenerbiyos siya noong una pero nang magsimula na siyang kumanta, parang sarili na niya ang stage. Nakalimutan na niya ang kaba niya. Just like the old days. First love niya ang pagkanta pero mas gusto ng tatay niya na magkaroon siya ng trabaho na may normal na sweldo kaya niya iniwan ang dating grupo. And it felt so good to be back even for just a while.

"Kumusta naman ang music lounge?" pormal niyang tanong. Katatapos lang ng first set ng kaya pagkakataon na niya iyon para gawin pa ang isang trabaho. Ang pagiging manager ng music lounge.

"Okay na okay, Ma'am," report ni Aya. "Nakita ba ninyo na nag-enjoy ang lahat ng nasa audience? Saka puno rin tayo dahil sa inyo. Kahit iyong mga members na di naman dapat pupunta dito, biglang napasugod nang malaman na kayo ang magpe-perform. Nagsisiksikan na nga sila dito sa loob."

"Kahit si Sir Reid natuwa. Baka daw ikaw na ang kunin na regular performer at di na daw manager kung laging ganito kapuno ang music lounge kung ikaw ang magpe-perform," dagdag naman ni Dianne. "Ibang level na kayo, Ma'am. Hindi na kayo maabot. Sikat!"

Hinaplos niya ang buhok niya. "Talaga? Napansin din ba ninyo si Philippe?"

"Hindi, Ma'am," sabi ni Aya.

Bumagsak ang balikat niya. "Akala ko pa mandin makakarating siya. Nag-practice pa mandin ako ng kakantahin ko para sa kanya. Ipina-rehearse ko pa mandin iyon sa banda tapos wala naman pala siya."

"Baka dadating din iyon, Ma'am," pagpapalakas-loob sa kanya ni Dianne. "Di ba, nangako sa inyo si Sir Reichen na dadalhin siya dito?"

"Magkakatotoo naman kaya iyon?" Nawawalan na kasi siya ng pag-asa na makikita niya si Philippe sa gabing iyon. "Baka mamaya ayaw talaga ni Philippe pumunta dito o kaya pagod na siya sa training niya."

"May ibang araw pa naman, Ma'am," sabi ni Dianne.

"Di nga pwede sa ibang araw. Ngayon lang may lisensiya na kumanta si Ma'am Tintin para kay Fafa Philippe, di ba?" paalala ni Aya.

Dali-daling pumasok si Jinky sa dressing room. "Ma'am, tapos na daw po ang breaktime. Ano pang ginagawa ninyo dito?"

"Aba! At parang ikaw na ang manager kung makapagtanong ka," aniya at namaywang. "Opo. Lalabas na, Ma'am Jinky."

"Ma'am, ayusin muna ninyo ang make up ninyo. Iyong magandang-maganda kasi nandiyan na si Fafa Philippe," sabi nito.

Napatili silang tatlo nila Aya. "Lumabas na kayo. Magpapaganda pa ako. Asikasuhin ninyo ang mga customers natin lalo na si Fafa Philippe. Ibigay ninyo ang lahat ng gusto niya," utos niya.

"Let's go, Malisyosa," yaya ni Aya. Mukhang excited din ang mga ito dahil naroon na si Philippe. Tulad niya ay wala ring hinintay ang mga ito kundi ang binata.

She was fired up when she went up on stage. Hinagilap ng mga mata niya si Philippe. Nakaupo ito sa VIP seat kasama si Reichen at si Reid. Nagulat ito nang makitang siya ang performer sa gabing iyon.

Malakas na malakas ang kaba sa dibdib niya at parang na-pressure siya. Dapat performance level ako dahil nandito na si Philippe.

She started the second set with a very lively song. I Love the Nightlife ang una niyang kinanta. Naging isang malaking party ang gig niya dahil napuno ang dance floor. Maging ang ibang mga guest na di makasingit sa dance floor ay nakatayo sa mga upuan at sumasayaw.

Nakaupo lang si Philippe subalit sa kanya nakatutok ang atensiyon nito. Kinakausap ito ng ka-date ni Reichen pero tumatango-tango lang ito dahil siya lang ang tinitingnan nito. Iyon pala ang pakiramdam ng kumakanta nang kaharap ang taong gusto niya. Nanginginig ang tuhod niya sa titig pa lang nito pero di pwedeng lumugmok na lang siya doon sa sobrang kilig.

"Our next song is for our special guest tonight," sabi niya. "Mr. Philippe Jacobs, this is for you." She started with a hum. Boses lang niya ang naririnig sa buong music lounge. And everyone was mesmerized even Philippe. Maya maya pa ay in-accompany na siya ng keyboard. "I tried to tell you so many times these feelings of mine. But its not easy letting you know how I love you so."

Napahiyaw at nagpalakpakan ang mga babae na guests. It was the song We Belong by Toni Gonzaga. Tulad niya, paborito rin iyon ng ibang babaeng guest na malapit sa kanya. But with Philippe's eyes on her, she knew that she got him. Parang sila lang ang tao sa music lounge and she was singing the song only for him.

Nang chorus na ay bigla itong tumayo. Lalapit ito sa kanya. She was thrilled. Di niya alam na magiging ganoon ito ka-forward. She got the effect that she wanted. Pero sa halip na lumapit sa stage ay lumabas ito ng music lounge.

Sa isang iglap ay nagdilim ang mundo niya. She was deeply hurt. She was giving her all in the song. Lahat na ng emosyon at nararamdaman niya ay naroon. Ang gusto lang naman niya ay ma-appreciate siya ni Philippe.

Patuloy siya sa pagkanta pero parang robot na lang siya. Kumakanta na lang siya ayon sa kakayahan niya. Nobody knew what she was feeling inside. Na gumuho na ang mundo niya dahil kay Philippe.

MATAPOS ang lahat ng naka-set na kanta niya ay nagpunta muna siya sa restroom. Hinayaan muna niya ang banda na pakantahin ang mga guest. Kung magtatagal pa siya sa stage ay di na niya kakayaning hawakan pa ang emosyon. Sasabog na siya. And she wouldn't want to jeopardize everything just because of Philippe.

Puro papuri ang nakuha niya. Natutuwa siya sa appreciation na ipinakita ng mga guest at kaibigan niya. Subalit di niya maramdaman ang saya sa puso niya. At kasalanan na naman iyon ni Philippe. He made her feel that she was no good at all.

Paglabas niya ng powder room ay nakita niya si Philippe na nakasandal sa pader na parang may hinihintay. Tumuwid ito ng tayo nang makita siya subalit nilagpasan lang niya ito. She was so mad and she felt so rotten. Wala siyang pakialam kahit na guest pa ito. Wala siya sa mood batiin ito.

"Hi, Tintin!" bati nito sa kanya.

Natigilan siya sa paglalakad at nilingon ito. "Good evening, Sir."

Sa wakas ay Tintin ang tawag nito sa kanya at di Miss Gonzalo. Pero lalo lang siyang nainis dito. Feeling close naman ito sa kanya at Tintin na ang tawag sa kanya.

"Bakit Sir ang tawag mo sa akin? Di ba PJ ang tawag mo sa akin?" nakangiti nitong sabi at lumapit sa kanya.

"Guest namin kayo kaya dapat na Sir ang itawag ko sa inyo."

"Huwag na lang, Sir. PJ na lang. Naiilang kasi ako ng Sir."

"If that is what you want, PJ. Customer is always right, after all," walang kangiti-ngiti niyang sabi.

"You sing nicely," papuri nito.

"Thanks," matabang niyang pasaslamat.

"Akala ko manager ka lang nitong music lounge. Hindi ko alam na singer ka rin pala." Nang di siya nag-react ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Thanks for dedicating that to me song a while ago."

Tumaas ang kilay niya. "Bakit ka naman nagte-thank you? Ni hindi mo nga pinakinggan ang kanta ko. Basta ka na lang lumabas, di ba?"

Nagulat ito nang makita ang galit sa mata niya. "I-Iyon ba? Kasi…"

"Kasi napapangitan ka sa boses ko? Di mo type ang performance ko? Kasi kung nagagandahan ka sa boses ko, di ka sana basta-basta aalis. Artista ka, di ba? Alam mo ba ang feeling kapag di na-appreciate ng ibang tao ang performance mo. Para sa akin, ininsulto mo ang kanta ko."

Galing pa mandin sa puso niya ang kantang iyon. Sana di na lang siya nag-dedicate dito para di siya napahiya at nasaktan.

Lumungkot ang mga mata nito. "I didn't mean to offend you. Di ko alam na iyon pala ang magiging epekto ng paglabas ko…"

"Well, you did!" putol niya sa paliwanag nito. "You made me feel like I am the worst singer in the world. Mas mabuti nga kung ngayon pa lang sabihin mo na sa akin na ayaw mo sa pagkakakanta ko. Alam ko naman na di ako kasing galing ng mga performer na nakakasama mo so just tell it to my face, will you? Hindi ko kailangan ng mga pakunwari mong papuri."

"Will you listen to me first?" mas mariin nitong tanong. "Wala akong masamang ibig sabihin sa paglabas ko kanina…"

Itinaas niya ang kamay para patigilin ito sa pagsasalita. "Salamat na lang sa paliwanag mo at sa pagso-sorry mo. But I don't really need it." Nasaktan na siya nito. That was enough. Di naman maaalis ng paliwanag nito ang sakit na nararamdaman niya. "Excuse me. Babalik na ako sa trabaho ko. Just pretend that it didn't happen." Pilit siyang ngumiti. "Pero sana bumalik pa rin kayo, Sir. Bukas mas maggagaling ang performer namin. Just bear with us tonight. HIndi naman na ulit ako magpe-perform pa sa stage. This is my last."

What he did was unforgivable. Ayaw niya sa mga taong iniinsulto ang pagkanta niya. She gave her heart to the song. Tapos ay babalewalain lang nito. Kung ayaw nito sa kanya, mas lalong ayaw niya dito. Kahit na ito pa ang pinaka-guwapong lalaki sa mundo.