webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 一般的
レビュー数が足りません
557 Chs

Chapter Eight

Mahilo-hilo si Celestine nang gisingin siya ng mga staff niya. "Bakit?" tanong niya pagdilat ng mata. "Anong meron? Bumangga ba ang Earth sa Mars?"

"Huwag na kayong magtanong, Ma'am. Mag-shower na lang kayo," sabi ni Aya na bitbit ang bathrobe niya at tuwalya.

"Bakit mo ba ako pinipilit mag-shower? Inaantok pa nga ako. Gusto ko pang matulog," reklamo niya. Kailangan pa nilang I-advice ang mga guests nila dahil ilang araw ding gagamitin ang music lounge para sa shooting ng Stallion movie.

"Ma'am, huwag ninyong isipin ang pagtulog," sabi ni Amber. "Mas importante ang date ninyo ni Fafa Philippe."

"Date namin ni PJ?" bulalas niya at pumikit. "Ah! Nananaginip siguro ako." Panaginip lang naman na magkakaroon sila ng date ni Philippe.

"Ma'am, huwag kayong ganyan," sabi ni Dianne at hinila siya papunta sa banyo. "Kahit na kami pa ang magpaligo sa inyo basta on time lang kayong makarating sa date ninyo si Fafa Philippe."

Nagpapadyak siya. "Ano bang date ang sinasabi ninyo? Wala kaming date ni PJ! Kung may date kami, kahit di na talaga ako matulog basta maging maganda lang ako sa date namin."

Pero madalang na nga silang magkita ni Philippe maliban sa paminsan-minsang text at tawagan sa phone. Rigid na ang training nito at pinag-aaralan pa nito ang script. Ilang araw na lang ay magsisimula na ang shooting nito. Bagamat nami-miss niya ito, ayaw naman niyang abalahin ito sa trabaho. It was a big movie. Di lang kasi ito sa Pilipinas ipapalabas kundi maging sa iba't ibang bansa sa mundo. Sikat na kasi sa Asia si Philippe at may fans din ito sa Europe at America.

"Kaya nga pinapaganda namin kayo, Ma'am," sabi ni Jinky. "Si Fafa Philippe mismo ang nag-utos sa amin na dalhin kayo sa cross-country arena."

Kinusot niya ang mata. "Ano? Si Philippe mismo ang nag-utos?"

Tumango ang mga staff niya. "Malay ninyo, Ma'am. Magpo-propose siya sa inyo. Sasabihin na niyang mahal niya kayo. Paano kung di kayo pumunta?"

"Bakit hindi ninyo sinabi agad?" Inagaw niya ang tuwalya at bathrobe kay Aya at naglakad papunta sa Baguio. "Kung alam ko lang na si PJ mismo ang nag-set ng date natin, kanina pa sana ako bumangon."

"Ma'am Tintin, shampoo ninyo." Inabot ni Ericka sa kanya ang Stallion Shampoo and Conditioner. "Itayo ninyo ang bandera ng Malisyosa!"

"Iyon mismo ang gagawin ko," aniya at pumasok ng banyo.

Matapos maligo at magbihis ay nagkanya-kanya ang mga ito sa pag-aayos sa kanya. May nagbo-blow dry at nagsusuklay sa buhok niya at may taga-make up.

"Touch naman ako. Talagang hindi ninyo ako pinabayaan sa date ko," sabi niya habang pinagmamasdan ang pagbabago niya sa salamin.

"Siyempre, boto kami kay Fafa Philippe," sabi ni Amber.

"At kapag may narinig ako tsismis laban sa iyo, makikipagsabunutan talaga ako!" sabi ni Jinky.

Matindi ang kabang nararamdaman niya nang pumunta sa arena. Casual lang ang damit na ihinanda ng mga ito sa kanya dahil hapon pa lang noon. Jeans at black off shoulder lang na blouse ang suot niya.

Nangangarap pa siya sa posibleng surprise ni Philippe sa date nila nang makita niyang maraming tao sa cross-country arena. "Mali ata ako ng napuntahan."

Aalis na sana siya nang lapitan siya ni Reichen. "Mabuti at nandito ka na. Ikaw lang ang hinihintay ko bago mag-start ang presentation ni Philippe."

"Bakit ako?" tanong niya. Presentation pala iyon at hindi date. "Anong meron? Bakit maraming tao dito?"

"Ngayon ipe-present ni Philippe ang natutunan niya sa training niya sa akin sa producer, director, cast ng movie at pati sa executives ng Stallion Shampoo and Conditioner manufacturer dahil sila ang nagfi-finance ng movie."

"Kailangan bang kasama pa ako dito? Wala naman yata akong gagawin." Hindi naman pala iyon date.

Inalalayan siya nitong umupo sa bench. "Si Philippe mismo ang nagsabi sa akin na papuntahin ka. Mukhang kailangan niya ang support mo."

Maya maya pa ay lumabas na si Philippe sakay ang black Arabian stallion nito na siya ring gagamitin nito sa pelikula. He cleared the different obstacles with ease. Parang isang professional na ang pinapanood niya. Di maiwasang pumalakpak ng mga nasa audience habang pinapanood ito.

"Wow! He learned all that in twenty days?" manghang-mangha niyang usal.

"Naturally, marunong na siya ng horseback riding. All I have to do is to teach him how to make the horse jump. Kung paano makipag-communicate nang maayos sa kabayo niya. Sa cross-country kami nag-practice dahil parang natural obstacles din ang gamit dito katulad ng gagamitin niya sa mga eksena sa pelikula. Kapag na-perfect na niya iyan, di na siya mahihirapan sa shooting."

Tumayo siya nang matapos ni Philippe ang course at pumalakpak. Ganoon din ang ginawa mga audience. Nag-bow si Philippe sa lahat at lumapit sa kanila.

"You did great!" aniya at tinanguan ito.

"Impressed?" tanong nito.

Nagkibit-balikat siya. "Medyo lang."

"Sumakit lang ang kamay niya sa kapapalakpak sa iyo," pambubuko sa kanya ni Reichen at tinapik ito sa balikat. "You did great, brother!"

Brother na ang tawag ni Reichen dito dahil miyembro na rin si Philippe ng riding club. He decided it himself after his training with Reichen.

"Thanks! Magaling ka kasing master," sabi naman ni Philippe.

"I think you are ready," sabi ni Romanov Cuerido, ang director ng pelikula. "More than ready. Baka nga palitan mo na ang trono ni Reichen sa riding club."

"D-Do you think I can do those stunts while riding a horse with Philippe, Direk Rom?" tanong ni Chloe, ang leading lady ni Philippe sa pelikula. She was also a big star at ilang beses nang naka-partner ni Philippe sa pelikula. "P-Parang hihimatayin yata ako. Saka kaya ba talaga ako ni Philippe?"

"Wala ka yatang tiwala sa talent ko," sabi ni Philippe.

"You are the one who will maneuver the horse! Paano kung ilaglag mo ako?" Nasapo ni Chloe ang pisngi. "I don't think I can risk it."

"Then I will try it with someone first," anang si Philippe.

"Ako ang magta-try," prisinta niya at nagtaas ng kamay.

There was hesitation in Philippe's face when he heard her suggestion. "Sa tingin mo ba kaya mo? Hindi ka natatakot malaglag?"

"Parang ikaw yata ang walang tiwala sa sarili mo, Mr. Jacobs," sabi niya. Umugong ang tawanan sa paligid subalit nananatili siyang nakatingin kay Philippe. Kailangan nito ng isang taong magtitiwala dito. Wala siyang pakialam kahit na ilaglag pa siya nito mamaya. She trusted him completely.

"Magpalit ka ng riding gear," utos ni Reichen sa kanya.

Pagbalik niya sa arena ay tinulungan siya ni Philippe na sumampa sa kabayo. Maya maya pa ay si Philippe naman ang sumampa sa bandang likuran niya.

"Natatakot ka ba?" bulong nito sa kanya.

"Hindi. I trust you. Alam ko na aalagaan mo ako. Maganda ang training sa iyo. Magkasundo kayo ng kabayo mo." Kumapit siya sa kamay nito. "You can do it."

Tumango ito at naramdaman niyang mas naging komportable na ito. Nagsimula ang obstacle sa down bank. Matataas ang pinanggalingan nila at kailangan nilang tumalon sa mas mababa. Maraming scenario ang tumatakbo sa utak niya. Maaring masaktan ang kabayo nila o malaglag sila.

Under normal circumstances, she would love to scream. Pero di iyon ang kailangan ni Philippe. Kailangan niyang palakasin ang loob nito.

"Just hold my hand tightly if you are scared."

"I am not," sabi niya subalit humawak pa rin siya sa kamay nito na nakahawak sa renda.

She held her breath when he commanded the horse to jump. They did it successfully. Pero di rin biro ang sumunod pang mga obstacle. May bull finch na may bush o parang talahib sa ibabaw. Di nakikita ng kabayo at ni ni Philippe kung ano ang susunod kaya kailangan ng tiwala ng rider at ng kabayo sa isa't isa.

Sa pagkakataong iyon, sumandal na lang siya sa dibdib ni Philippe. Bahala na ito sa kanya. Kung madidisgrasya man siya, at least ito ang kasama niya.

Tumalon ang kabayo at kasunod niyon ay mas mataas pang brush fence. Hindi siya humihinga hanggang nalagpasan nila iyon.

"Just a little more. Kaya natin ito," narinig niyang bulong ni Philippe. She didn't know if he was talking to the horse or to her.

Nanlaki ang mata niya nang makitang drop fence ang susunod na obstacle. Mataas iyon na log fence at kailangang talunin ng kabayo para bumagsak sa mas mababang lugar. At konti pa ay kailangan na nilang tawirin ang water obstacle. Sa palagay niya ay isa iyon sa pinakamahirap na obstacle na dadaanan nila.

"Do you trust me, Celestine?" he asked in a whisper.

"Yes, I trust you. Kahit tunog Titanic na tayo." Tiningala niya ito. "Kakanta na ba ako ng My Heart Will Go on?"

Humalakhak ito at saka pinatalon ang kabayo. Akala niya ay may pakpak ang kabayong sinasakyan niya dahil lumilipad sila. Then she heard a thud in the ground followed by a splash. Nalagpasan nila ni Philippe ang huling obstacle.

"Okay. You can open your eyes now," bulong ni Philippe sa kanya.

Nang dumilat siya ay hangos na lumapit sa kanila ang mga manonood. Inalalayan siya ni Philippe na bumaba at pinagkulumpunan na sila ng mga tao. "Impress na talaga kami sa talent ni Philippe," halos iisang taong sabi ng mga ito. "I think the movie will be a success."

"Magaling ka na nga, Philippe," sabi ni Chloe na di maitago ang paghanga.

"Ikaw lang kasi. Wala kang tiwala sa akin."

Hinawakan ni Chloe ang kamay niya. "Professional rider ka ba, Miss? You were so brave. Hindi ka natakot umangkas kay Philippe."

"Hindi. First time ko lang sinubukan ang mga obstacles na iyon." Mabuti nga at di siya hinimatay sa takot at kaba.

"Sana pala ikaw na lang ang leading lady ni Philippe. You also have a beautiful hair. Bagay naman kayo ni Philippe," sabi ni Chloe.

"Ha? Ako? Leading lady niya?" Lumabi siya. "Di naman ako marunong umarte. At kung mag-aartista ako, pang-comedy lang ako o kaya horror."

Tumawa si Chloe. "How I wish I could be as brave as you."

"Nagkasama na kayo ni Philippe sa movie dati, di ba? Dapat magtiwala ka sa kanya. Iyon lang naman ang ginawa ko kanina."

"You are right. Don't worry. I will practice the stunts with him next time. Ganoon naman ako. Sa una lang natatakot. Pero kung di ko kakayanin, ikaw na lang ang kukunin kong ka-double."

"Huwag na. Baka matalbugan ko pa ang kagandahan mo," pabiro niyang sabi.

Lumapit si Philippe sa kanya at humawak sa baywang niya. "Thanks for the trust, Celestine."

"Alam ko naman kasi na aalagaan mo ako."

"You are really a brave woman to take a chance on trusting me. And I really admire you for that. Thank you."

Kinabahan siya nang dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa kanya. Hahalikan ba siya nito. "Philippe, baka may makakita sa atin at kung ano ang isipin nila. Nakakahiya…"

"Anong nakakahiya?" tanong nito. His lips were just a breath away from her. Pwedeng-pwede na siya nitong halikan. Would she say no?

"W-Wala. Walang nakakahiya." Siyempre. Sino ba naman ang aayaw sa halik nito? Gusto yata niya iyon. Wala na siyang pakialam kung makakita man.

She closed her eyes as she anticipated his kiss. Mabilis na ang tibok ng puso niya sa sobrang kaba nang maramdaman niyang dumampi ang labi nito sa pisngi niya. She opened an eye and peeked. Malayo na ang mukha nito sa kanya at nakangiti na lang ito habang pinagmamasdan siya.

"Iyon na iyon? Walang kasunod?"

"Ano ba ang gusto mo?" tanong nito at inilapit ulit ang mukha sa kanya.

"Wala!" singhal niya at naglakad palayo. She thought that he would kiss her lips. Iyong torrid. Sa noo lang pala ang kaya nito. Anong tingin nito sa kanya? Lola?

Sinundan siya nito hanggang sa changing room. "Galit ka ba?"

Tinanggal niya ang helmet. "Hindi!"

"Hindi ka galit pero umuusok na ang ilong mo saka isang linya na lang ang kilay mo. Mukha ngang hindi ka galit."

Binato niya ito ng helmet. "Huwag ka na ngang magtanong. Nakakainis ka. Itinaya ko ang buhay ko kanina tapos iyon lang ang makukuha ko? Thank you sabay halik sa noo. Sino ba ang hindi magagalit?"

"Ah, iyon lang ba?"

He pulled her nape and their lips met. She inhaled sharply because she didn't expect that he would do such an intimate act. Di siya nakapaghanda. At di rin niya napaghandaan ang init na gumapang sa katawan niya. She felt so weak. Parang may sariling utak ang katawan niya na sumunod sa bawat iutos ng labi nito.

This was the kiss that she was expecting a while ago. Kung nabigo siya kanina ay nakabawi na ito ngayon. Nang dumilat siya ay saka niya na-realize kung anong ginawa niya. He kissed her for real. Parang panaginip lang.

"A-Anong nangyari? Bakit mo ako hinalikan?" bigla niyang naitanong.

Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Philippe. "Ha? Di ba sabi mo…"

"Anong sinabi ko?" tanong niya na parang nagka-amnesia. Naguguluhan kasi siya sa mga pangyayari. "S-Sinabi ko ba sa iyo na halikan mo ako? Nasabi ko bang mahal kita o kaya…"

"Celestine, relax!" Hinawakan siya nito sa balikat. "Sabi mo galit ka sa akin dahil sa noo lang kita hinalikan. Kaya hinalikan ulit kita. Ayaw mo ba?"

"Gusto!" sagot agad niya nang biglang natigilan. "Ano… ang ibig kong sabihin…" Napahawak siya sa labi. "Hinalikan mo ba talaga ako?"

Sa sobrang galit niya siguro kanina ay kung anu-ano ang nasabi niya dito. Sa huli, hinalikan tuloy siya nito. Nawawala siya sa sarili basta ito ang kaharap niya. At lalo siyang nawala sa sarili nang halikan siya nito.

Humalakhak ito at napahawak sa ulo. "Oh, great! Nananaginip ka pa ba?"

"S-Siguro." Sa panaginip lang naman kasi siya nito pwedeng halikan. "PJ, isa pa nga ulit para malaman ko kung totoo." Saka siya pumikit.

"Celestine, I would love to. Pero kailangan na nating magbihis. Kapag nagtagal pa tayo dito, mada-damage na ang reputation mo. And I don't want it to happen," sabi nito at lumabas ng changing room.

Napatitig na lang siya sa pader paglabas nito. Lumulutang pa rin ang utak niya. "It must be a very, very nice dream."