webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 一般的
レビュー数が足りません
557 Chs

Chapter 9

Stallion Riding Club. Nanlamig ang kamay ni Keira nang mabasa ang karatula ng riding club habang papasok sila ni Eiji. Matapos ang inspection ay pinasibad na ni Eiji ang kotse papasok.

Nanlaki ang mata niya nang makita ang naggagandahang kabayong nadadaanan nila. The riding club was the home for some of the finest horses in the country and the best horse riders as well. Nabanggit ni Eiji sa kanya na kaibigan nito ang world class equestrian na si Reichen Alleje.

"I know you will like it here," anang si Eiji at nilingon siya.

Her eyes sparkled with excitement. "Sigurado ka na ire-recommend mo ako dito para magtrabaho?"

"Dumadami ang members ng club kaya dumadami din ang demand sa mga tauhan dito. This riding club is like a one-stop shop. It provides everything the members and its horses' needs. There is a room here for you I'm sure."

Pinagsalikop niya ang mga kamay. "Parang hindi madaling makapasok."

"With your skills, you will surely impress the boss."

She released a slow breath. Nakapasa na siya sa initial interview sa Manila. May final interview pa siya sa may-ari ng riding club na si Reid Alleje. Ito daw ang magdedesisyon kung makakapagtrabaho siya sa riding club.

Tumigil sila sa Rider's Verandah. Alas nuwebe pa lang nang umaga at mangilan-ngilan lang ang mga customers. "Mag-relax ka muna. Mamaya pang ten o'clock ang interview mo kay Kuya Reid," wika ni Eiji. Ito na ang nagprisinta na um-order para sa kanya.

Habang naghihintay sila ng order ay dalawang lalaki ang lumapit sa kanila. Both were very good looking in their own way. "Eiji, man! Tagal mong hindi nagpakita." Tinapik sa balikat ng lalaking wavy ang buhok at mas mukhang Filipino si Eiji. "Kailan mo naman kami patitikimin ng katas ng napalunan mo."

"You brought a date? How about our babe hunting?" anang isa pang lalaki at tiningnan siya. His aristocratic Spanish ancestry was showing. His skin was almost bronze but it only heightened his handsome features.

"Guys, this is Keira Averin. Keira, my bestfriends, Rolf Guzman and Reichen Alleje." Ang una ang mukhang Filipino at ang huli ay mas matapang ang dugong Kastila. Nabanggit na sa kanya ni Eiji na Spanish ang lolo ni Reichen.

Nagkasya na lang siya sa pagtango sa mga ito. "Hello!"

Saka niya nakita ang pagkakapareho ni Eiji sa dalawa. All of them had that naughty yet charming grin, ready to flash to every girl in sight.

Sa gulat niya ay nagsisigaw si Reichen. "Woohoo! This calls for a celebration. Normal na ulit si Eiji! Wala na siyang sakit. Welcome back, bro!" At tinapik pa ng dalawa si Eiji sa balikat.

Nagtataka siyang lumingon kay Eiji. "Nagkasakit ka?"

"Hindi. Ngayon lang ulit siya nagkaroon ng ka-date," sagot ni Reichen at umupo sa tabi niya. "Dati, nakikipag-unahan siya sa amin ni Rolf para mai-date ang isang babae. Pero nagtaka kami nang bigla siyang nawalan ng interes. Ni ayaw na nga niyang tumingin sa iba. You must be one hell of a girl." Ginagap ni Reichen ang kamay niya. "Thank you for saving my friend."

Tinampal ni Eiji ang kamay ni Reichen. "Keep your dirty hands off her. Saka huwag kayong magulo. Baka ano pa ang masabi ninyo kay Keira."

"Paano kayo nagkakilala ni Eiji?" tanong ni Rolf. "Gaano na kayo katagal nagde-date? Boyfriend mo na ba siya?"

Napanganga siya. Date? Boyfriend? None of the above. "Sorry. Hindi niya ako isinama dito para mag-date. I am here for a job interview."

Pumormal si Reichen at humalukipkip. "What job are you applying for?"

"Horse trainer."

Napanganga sina Rolf at Reichen. "A female horse trainer at the Stallion Riding Club? No way!" halos sabay na bulalas ng mga ito.

Humihingi siya ng saklolo na tumingin kay Eiji. Alam niyang may magugulat kapag nalamang female horse trainer siya. But she could feel the rejection right away. Ayaw ng mga ito sa kanya.

"Man, she must be one of those amazons," Reichen murmured.

"Anong amazons?" tanong niya kay Eiji.

"Don't mind them. May phobia kasi sila sa mga babaeng palaban."

"Do you know how to throw a mean punch and kick?" tanong ni Rolf.

"Yes. Halos parte na rin iyon ng trabaho ko," sagot niya.

Napangiwi si Rolf at inakbayan si Eiji. Mukha itong nakikiramay sa isang namatayan. "Eiji, akala ko pinakamasaklap na ang kapalaran ko na minsan sa buhay ko ay naging under the saya ako. But as a battered boyfriend…" Napailing si Rolf. "It must be really love."

Umiikot na ang ulo niya sa usapan ng mga ito. Parang hindi na kasi ang trabaho niya ang paksa kundi ang relasyon nila ni Eiji.

"Horse trainer ang ina-apply-an niya at hindi bilang girlfriend ko," asik ni Eiji. "And Keira is a licensed horse trainer. Eight years na siyang nagha-handle ng kabayo. Kundi lang namatay ang uncle niya, sana horse trainer pa rin siya. She's pretty good at her job."

Diskumpiyado pa rin si Reichen. "Wala akong tutol kung girlfriend mo siya. But as a horse trainer, I don't think it would be wise."

"Don't you think you are being unfair? I am being judged hastily here," she complained in a calm voice.

Itinaas ni Rolf ang mga kamay. "No offense meant, Keira. But this is Stallion Riding Club, the home of the most chauvinistic guys on Earth. The members won't trust you their horses. At di rin nila bibilhin ang mga kabayo na ikaw ang nag-train. Believe me, that's how the world works here."

"Dahil lang babae ako?" nakataas ang kilay niyang tanong. "I am not a simple horse trainer. Halos ako na ang nagpatakbo sa rancho katulong ang uncle ko. Marami nang kabayong matitigas ang ulo ang napaamo ko. Even your chauvinistic views cannot contest my skills and experience. Sa ibang bansa nga, maraming magagaling na babaeng horse trainer. Bakit hindi dito?"

"Because this is the Stallion Riding Club," mariing wika ni Reichen. "The world will change its views but not here."

"Hindi ko alam na may pre-final panel interview na pala dito."

Pakiramdam niya ay tumigil sa pagdaloy ang dugo niya. It was such an authoritative and cold voice that could freeze the hell out. Dahan-dahan siyang lumingon sa nagsalita. Isang lalaking walang kangiti-ngiti ang nakatayo sa likuran niya. He was wearing a scowl. At mukhang di pa nito nararanasang ngumiti kahit kailan. Sanay na siya sa mga lalaking akala nito ay pag-aari ang mundo. Pero mukhang ito ang lalaking di niya pwedeng kontrahin sa bagay na iyon. Maging sina Eiji, Rolf at Reichen ay namutlang parang suka nang makita ito.

"K-Kuya Reid! L-Long time no…" Naputol ang pagbati ni Eiji. Matalim kasing tumingin si Reid dito hanggang lumipat ang mata sa kanya.

So he was the owner of the Stallion Riding Club. Kaya naman pala parang hari kung umasta. Bahagya siyang tumango bilang paggalang. "Good morning, Sir."

"Miss Averin, I will meet you later for the real interview." Tumalikod ito at naglakad palayo. Saka niya natuklasan na pinipigil pala niya ang paghinga nang marinig niyang nagpakawala rin ng hininga ang tatlo.

"Doon ka matakot. Huwag sa amin," anang si Reichen na hawak pa ang dibdib. "Di ko talaga alam kung bakit ako nagkaroon ng kapatid na tulad niya. Magkakaroon na yata ako ng sakit sa puso."

"M-Masungit ba si Sir Reid?" tanong niya kay Eiji.

Mukhang kinabahan din ito subalit ngumiti ito nang haplusin ang pisngi niya. "Huwag mong pansinin ang mga duwag na iyan. Kaya mo si Kuya Reid."

"Huwag kang pasikat. Takot ka rin kay Kuya Reid," kantiyaw ni Rolf.

"Oo. Takot din ako kay Kuya Reid. Kaya nga pinapalakas ko ang loob ni Keira." Mahigpit na hinawakan ni Eiji ang kamay niya. "I used to be chauvinistic, Keira. Perhaps I still am. Pero naniniwala ako sa talent mo. Gusto kong makapasok ka sa riding club. I want to have you here with me. Kung pwede nga lang huwag ka nang mawala sa paningin ko."

Nakatitig siya sa mata ni Eiji habang nagsasalita ito. Parang nahipnotismo siya sa boses nito. Gusto niyang maniwalang lahat iyon ay totoo. Hindi lang ito nagtitiwala sa kanya. Gusto rin nitong magkasama sila. Di niya inaakala na may isang lalaking tulad ni Eiji magsasabi niyon sa kanya.

"Hindi daw ka-date pero todo-todo kung bolahin," parinig ni Rolf.

"Saang baul ng lolo mo ba kinuha iyang mga linya mo, Eiji? Mukhang lahat ng ammunition mo inilabas mo na para kay Keira," dagdag pa ni Reichen. "Hindi mo na ba makuha sa ngiti sabay date?"

Matalim na tiningnan ni Eiji ang dalawa. "Will you shut up? Humanap na lang kayo ng babaeng bubulabugin ninyo!"

Tumayo na sina Reichen at Rolf subalit siya kinausap ng mga ito at hindi si Eiji. "Keira, I will really pray hard so that you will get the job," sabi ni Rolf.

"Mukhang nagka-virus si Eiji at kasalanan mo," anang si Reichen.

"Anong virus?" Di niya maintindihan ang sinasabi ng mga ito.

Napabuntong-hininga si Rolf at tumawa naman si Reichen. Tinapik ng huli ang balikat ni Eiji. "Goodluck, man! Mukhang mahihirapan ka sa isang ito."

"Saan ka mahihirapan?" tanong niya kay Eiji na mukhang frustrated na.

Umiling si Eiji. "Huwag mo nang isipin. Mag-focus ka sa interview mo."