webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 一般的
レビュー数が足りません
557 Chs

Chapter 8

JENEVIE felt heavenly. Kinikiliti ang pang-amoy niya ng mabangong scent ng lavender. It was her favorite scent. Lalo pa niyang isinubsob ang mukha sa unan. Malayo iyon sa nakasanayan niyang amoy sa ospital na ilang araw niyang pinaglagian. Amoy disinfectant kasi doon. Sa wakas ay wala na siya sa ospital at pwede na siyang makatulog nang mahimbing.

"Huh!" usal niya nang may maalala.

Di pa siya kini-clear ng ospital. Ngayon pa lang ang nakatakda niyang pag-alis sa ospital – ang araw ng kanyang kalayaan.

Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. Faint violet ang kulay ng unan niya. She rolled and got a vision of the room she was in. It was also designed with shade of violet. Nakaka-relax dahil sa mga flower arrangement na nakalagay sa mga crystal vases. It was different from her room. Simple lang kasi ang kuwarto niya sa condo niya. White and black lang ang combination ng kulay niyon. Very practical and very serious. Unlike this one. It was too feminine. Lalong imposible na nasa ospital pa siya ngayon.

Bumaba siya ng kama. Halos bumaon ang paa niya sa malambot na Persian carpet. Pinagmasdan niya ang painting na nakasabit sa dingding. It was a landscape painting. Mt. Fuji's view from the train. Kahit di niya tingnan ang signature ng artist ay kilala niya kung kanino iyon. It was Illyze's handwork.

Binuksan niya ang bintana. Bumuglaw sa kanya ang maberdeng tanawin. Maraming mga puno sa paligid. Beyond the trees were acres of cultured grasses. Tanaw din niya ang Taal Lake mula doon. May ideya na siya kung nasaan siya. She was sure that she was at the Stallion Riding Club.

Nakumpirma ang hinala niya nang bumukas ang pinto at pumasok si Rolf bitbit ang tray ng pagkain. "Good morning!" Inilapag nito ang tray sa bedside table at lumapit sa kanya. "I hope you have a nice sleep."

Napaurong siya. "A-Anong ginagawa mo dito?"

"Dinadalhan ka ng breakfast. Breakfast in bed ba ang gusto mo o dito na lang sa terrace." Binuksan nito ang sliding door patungo sa terrace. "We have a nice view of the lake and the forest from here. It is a nice day, isn't it?"

Maganda nga ang araw na iyon at maganda ang tanawin kumpara sa ospital. But she didn't have time to sit back and relax.

"Nasaan ako, Rolf?" tanong niya.

"Sa villa ko sa Stallion Riding Club," kaswal nitong sagot at sumandig sa railing. "I hope you like the guestroom. Ako mismo ang nagpa-design niyan. You like violet, right? Dati si Illyze ang nag-o-occupy ng kuwarto. Pero nasa Davao sila ngayon ni Romanov. Kahit may boyfriend na siya, di pa rin siya mapirmi sa isang lugar. Habang nandito ka, ikaw muna ang gagamit."  

Umupo siya sa kama. "Anong ginagawa ko dito, Rolf? At paano ako napunta dito? Dapat nasa ospital pa ako ngayon. Idi-discharge nila ako ngayon." She was at the edge of hysterics. "Anong ginawa mo sa akin?"

"Wala akong ginagawang masama," depensa nito. "Nag-suggest lang ako kay Jenna na dito ka muna sa riding club. Ako muna ang mag-aalaga sa iyo."

"Ha? At bakit naman siya papayag na pasamahin ako sa iyo?" Anong karapatan ng mga ito para magdesisyon para sa buhay niya. Mas matanda siya kay Jenna Rose kaya wala itong karapatan na pangunahan siya.

"Mas safe ka dito sa riding club," anito at pumasok muli sa loob ng kuwarto. "We have a very tight security. Di rin basta-basta makakapasok ang kahit sino nang walang permiso mula sa member o approval ng mismong owner ng riding club."

"Hiningi ko ba sa inyo na…"

"This is also ideal for recuperation," putol nito sa pagpoprotesta niya. "Nakaka-relax ang view. Tahimik. Kaya nang idi-discharge ka na, kinausap namin ang doctor. So he had to sedate you and we brought you here. Don't worry. We have competent doctors and nurses here. We have state of the art medical facilities as well. Maalagaan ka dito. Hindi ka rin masusundan ng mga gustong pumatay sa iyo."

"You planned it all behind my back," she uttered in suppressed anger.

Nawala ang pagiging malambot ng anyo nito. "Stop talking as if we did something grave. Walang masama sa pagdadala namin ni Jenna Rose sa iyo. We have to do this to stop you from killing your self."

"Hindi ako nagpapakamatay."

"Hindi nga ba? Kulang na lang lumabas ka sa kalsada at yayain mo ang mga mag-a-assassinate sa iyo para paulanan ka ng bala."

Naipadyak niya ang paa. "Ayoko dito!"

The Stallion Riding Club was not her territory. It was Rolf's haven. At pakiramdam niya ay napaka-vulnerable niya sa balwarte nito. Ayon kay Jenna Rose, pakiramdam ng mga members ng riding club ay ang mga ito ang hari ng mundo. At di siya papayag na pangunahan siya ni Rolf. This was her life after all.

"Bakit? Anong ayaw mo dito sa riding club?"

"Lahat! Wala akong planong magbakasyon. Marami akong trabaho. Maraming taong nangangailangan ng tulong ko."

"Kung kailangan mong magtrabaho, ipapadala natin ang mga papers dito. May fax rin at internet connection dito. Kung kailangan mong kausapin ang mga kliyente mo, may webcam dito. Mag-video conference kayo."

That was how Rolf works. Ginawa na nitong tahanan ang riding club. At kung may mga kailangan itong asikasuhin sa negosyo ay iyon ang ginagawa nito. Ano pa ba ang maikakatwiran niya dito para makalusot?

"Magvi-video conference din ako pag may hearing?"sarkastiko niyang tanong.

"Si Attorney Agustin ang hahawak sa kaso mo habang nagpapagaling ka. But if you insist, we have to provide security for you when you leave the riding club. Sasama din ako sa iyo kapag aalis ka." Binuksan nito ang cabinet niya. "Nandito ang lahat ng damit at gamit mo." Inilabas nito ang laptop computer niya. "Pwede ka nang magtrabaho kung gusto mo." Binuksan nito ang pinto ng shower room. "At kung gusto mong mag-shower, tawagin mo lang ako."

"At bakit kailangan pa kitang tawagin?" Babantayan ba pati paliligo niya? Wala naman siyang mag-a-assassinate sa kanya sa bathroom.

"Baka kailangan mo ng assistance."

"I think I can do things on my own. Thank you," she said in a formal tone.

"Mag-breakfast ka na. Gusto mo subuan kita?"

She looked at him tiredly. "Kaya ko nang mag-isa. Pwede bang iwan mo muna ako, Rolf? I just want to be alone for a while."

Nagkibit-balikat ito. "Okay. Tawagan mo lang ako sa intercom kung may kailangan ka. Nasa office lang ako."

Gusto niyang maglupasay sa inis nang mag-isa siya sa kuwarto. She was outwitted. Natalo siya nang walang kalaban-laban. She didn't anticipate her sister and Rolf's action. Masyado siyang kampante na di siya kokontrahin ng mga ito sa desisyon niyang protektahang mag-isa ang sarili niya.

And now, she was at the Stallion Riding Club. She was at the mercy of Rolf. Daig pa niya ang may bodyguard nito. And he would freak her out. Makukulong siya sa lugar na iyon nang gaano katagal?

Matalim niyang tiningnan ang pagkain. Nakadama siya ng gutom. Gusto sana niyang mag-hunger strike. But it won't work. Di siya makakaalis doon kung magpapakagutom lang siya.

She started eating the maki bread ravenously. She had to replenish herself. Kailangan niya ng lakas para sa plano niya.

Gusto mo bang mabasa ang iba pang Stallion Boys in print with signature? Order here:

Facebook: My Precious Treasures

Shopee: www.shopee.ph/sofiaphr

Sofia_PHRcreators' thoughts