TULALA si Jemaikha nang sa wakas ay nagyaya na kumain si Hiro. Ubos na ang powers niya sa pag-guide sa lalaki sa buong UP Diliman. Matapos mag-report sa opisina para sa foreign at exchange students, inikot niya ang lalaki sa iba't ibang gusali sa UP pati na rin ang ibang importanteng lugar gaya ng library, Sunken Garden at ang Melchor Hall kung saan tiyak na madalas itong magkaklase dahil engineering ang kurso nito.
Sa Lutong Bahay sila bumagsak, isang eatery na may mga homecooked meals at murang shake. "Nani o tabetaidesu ka? (What do you want to eat?)" tanong ng lalaki sa kanya kung ano ang gusto niyang kainin.
"Manang, isang sinigang na bangus po na bangus po at isang kanin," sabi niya at tumuro.
"Manang, sinigang na bangus po…" anang lalaki na akmang kokopyahin ang order niya.
"Hindi. Pumili ka ng iba. Betsu no mono o erande kudasai. (Choose something else.)"
At nagulat siya nang basta na lang itong nagturo. May anim na iba't ibang klaseng putahe marahil itong in-order. "Hala! Ang dami naman. Subete o taberudarou ka? (You will eat everything?)" nanlalaki ang mata niyang tanong kung kakainin nito lahat.
Itinuro siya nito at ang sarili. "Beikoku. Watashitachiha subete o tabemasu. (Us. We will eat everything.") Sila daw ang kakain ng lahat. Pinagsalikop nito ang mga palad na animo'y nagdadasal kaya umusal din siya ng dasal ng pasasalamat. "Ittadaikimasu!" anang lalaki na hudyat na pwede na silang magsimulang kumain.
Tahimik niyang pinagmasdan ang lalaki. Nasa twenty years old na ang lalaki at nag-aral mula sa University of Tokyo ng Electrical and Electronics Engineering.
"Kanojo wa dokodesu ka? (Where is your girlfriend?)"hanap niya sa girlfriend nito.
"Dare? (Who?)" tanong nito kung sino.
"S-Shobe-san?" tanong niya.
Nalukot ang mukha ng lalaki. Hindi daw nito sinabi sa babae kung saan ito pupunta dahil gusto nitong maging independent at matutunan kung paano mamuhay nang mag-isa sa Maynila. Masaya naman siya dahil kung kasama nito ang maldita nitong girlfriend, tiyak na di sila magkakausap ng lalaki. Pero delikado para kay Hiro. Mas maraming sira ulo sa Kamaynilaan. Maswerte na ito dahil dumating siya kanina.
"We must remedy your problem," nausal na lang niya dito. "Hindi ka mabubuhay sa Pilipinas kung di ka marunong mag-Filipino o English man lang."
"Nani?" tanong nito kung anong sinasabi niya.
Ipinaliwanag niya ang sinabi dito sa wikang Hapon ang saloobin niya. Hindi bale sana kung Linguistics ang kurso ng mga kahalubilo nito palagi. Magiging considerate ba ang mga kaklsase nito at professor dito?
Inilabas nito ang maliit na MP3 at nagsalita. Nagsalita ito sa Nihongo at maya maya pa ay nagsalita na ang device. "No worries. I have this." Translator pala iyon. At sa palagay niya ay bagong imbensyon lang iyon.
May translator naman pala ito. Bakit pa ba siya nito pinahihirapan na mag-Nihonggo?
"Hindi mo magagamit ang translator lagi. Paano kung maubusan ng battery o masira? Paano kung wala ka nang oras para magpa-interpret?" tanong niya. Hinayaan niyang translator ang mag-translate para dito. Nakita niya na naguluhan ito kung paano io-operate ang device para isalin ang sinabi niya.
Nagkibit-balikat ang lalaki. "Watashi wa nani o subeki ka? (What should I do?)" tanong nito kung anong dapat gawin.
"You need an English and Filipino tutor and a guide."
"Tutor? Guide?" tanong ng lalaki.
"I can be your English and Filipino tutor and guide," prisinta agad ni Jemaikha kasabay ng pagkinang ng mga mata.
Ito na. Ito na ang hinihintay niyang pagkakataon na magkaroon ng bagong estudyante. And Hiro was perfect. Lost in translation ang drama nito sa Pilipinas. Mag-isa pa itong nakatira sa condo nito. Paano ito mabubuhay kung wala halos itong alam sa English at Filipino? May mga foreign students naman sa Pilipinas. Pero kung gusto nitong maging competitive at mas mapadali ang komunikasyon sa ibang tao, kailangan nito ng magaling na tutor. At siya iyon.
Nakita niya ang pagdududa sa mga mata nito. Inilabas niya ang school ID para ipakita ang kurso niya kung saan siya nag-aaral ng Linguistics. "See? I am studying Asian Languages here in UP." Inabot niya dito ang resume na lagi niyang dala sakaling makatagpo siya ng potential client. Binasa iyon ng lalaki pero di niya alam kung may naiintindihan ito. Wala na siguro itong masasabi pa dahil kanina pa siya nagpapasiklab sa alam niya sa Nihonggo. Parang audition na rin niya iyon. "You can ask Miss Grace of Unit 3010. I used to be her daughter's tutor. I am a good tutor. I can also give you a free lesson on how to survive here in the Philippines."
Marahan itong umiling. "No need tutor…"
"My service is cheap. Only fifteen thousand pesos a month. Intense program. That is cheap." Nag-compute siya sa conversion ng peso sa yen. "Really cheap." Umiling pa rin ito. "I can cook. I can clean your house. I can sing and dance." Ano pa ba ang kailangan niyang ialok dito para tanggapin nito ang serbisyo niya? She really needed that job.
Ngumisi ang lalaki. "Tutor, cook, clean the house, sing and dance. Okay."
"Domo arigatou gozaimasu, Hiro-san," pasasalamat ni Jemaikha at yumukod. Itinaas niya ang mga kamay. "Yes! May trabaho na ulit ako. Hindi ka magsisisi, Hiro-san."
Pagak itong tumawa. "Wakaranai."
"Ay! Okay lang iyan. Maiintindihan mo rin ako. Masanay ka na."